LOGIN(Unang gabi sa Penthouse at ang Halik sa dilim)
ALEXANDER'S POV
"Dito kayo matutulog ng anak mo. Huwag kayong hahawak ng kahit anong gamit na hindi sa inyo," malamig kong paalala sa kaniya habang binubuksan ko ang pinto ng master's bedroom ng penthouse ko rito sa BGC.
Gabi na nang makalipat sila. Kahit na lumipas na ang ilang oras mula nang lisanin namin ang opisina, nararamdaman ko pa rin ang kakaibang bango ng kaniyang balat na humahalo sa aircon ng bahay ko. Isang amoy ng mga sariwang bulaklak at misteryo na tila sumasayaw sa aking sistema. Damn it. Nawala na ang epekto ng Truth Elixir sa katawan ko, kaya naman kontrolado ko na muli ang aking dila. Ibinalik ko ang aking seryoso, malamig, at walang emosyong mukha upang hindi niya mahalata ang kaguluhan sa loob ko.
"Opo, Boss. Salamat sa kwarto," sagot ng babae—na nalaman ko sa kontrata na ang pangalan pala ay Celestia. Nakatayo siya sa gilid ng kama habang kandong ang tulog na tulog na si Basti. Sa pagod ng bata sa paglilipat at sa walang humpay na kadaldalan kanina, maaga itong dinalaw ng antok.
Umalis ako sa kwarto at pumasok sa sarili kong banyo para maligo. Kailangan ko ng malamig na tubig para palamigin ang nag-aapoy kong utak. Habang nasa ilalim ako ng shower, hindi ko mapigilang maalala ang magdamag naming pagniniig, limang taon na ang nakakalipas. Ang kaniyang mga daing, ang lambot ng kaniyang balat, at ang kakaibang kuryente na hanggang ngayon ay nag-iiwan ng marka sa aking alaala. Hindi ko matanggap na sa loob ng limang taon, isang maliit na piraso ng papel at limang daang piso ang naging kabayaran sa gabing naging dahilan kung bakit hindi ko na muling nagustuhan ang ibang babae.
Mabilis akong nagbanlaw, nagbalot ng puting tuwalya sa aking baywang, at lumabas ng banyo habang basa pa ang aking buhok at dibdib. Hindi ko na nagawang magbihis dahil sa sobrang pagod at uhaw. Plano ko sanang dumiretso sa kusina para uminom ng malamig na tubig, ngunit laking gulat ko nang makita si Celestia na nakatayo sa gitna ng aking sala. Madilim ang paligid at tanging liwanag lang ng mga ilaw mula sa labas ng glass wall ang nagbibigay-buhay sa silid.
Nagtagpo ang aming mga mata sa ilalim ng madilim at tila mapanganib na gabi.
CELESTIA'S POV
Hala ka… bakit naman semi-nude ang billionaire na ito sa gitna ng gabi?!
Lumabas lang naman ako ng kwarto para uminom ng tubig dahil biglang natuyo ang aking lalamunan. Pero higit sa uhaw, may mas malalim na dahilan kung bakit ako nagising. Naramdaman ko na naman ang pamilyar at nakakatakot na init sa aking mga ugat. Ang aking Yin energy ay tila ba muling nagre-react at nag-o-overheat dahil sa sobrang lapit ko sa kaniya. Ang buong katawan ko ay nanginginig at naghahanap ng lunas. At mas lalo pa itong lumala nang makita ko si Alexander na lumabas ng banyo na nakatuwalya lang sa kaniyang baywang!
Ang mga patak ng tubig ay dahan-dahang umaagos mula sa kaniyang basang buhok, gumagapang sa kaniyang matipunong dibdib, pababa sa kaniyang perpektong mga abs. Ang kaniyang Pure Yang Energy ay parang isang gintong magnet sa paningin ng aking mahika—humihila sa akin, nag-uutos sa aking katawan na lumapit at kumuha muli ng lakas mula sa kaniya.
"A-Ah... Sir, iinom lang sana ako ng tubig," nauutal kong sabi habang pilit na humahakbang pabalik upang iwasan ang kaniyang presensya. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko kapag hindi ako nakalayo.
Ngunit dahil sa labis na kaba at sa panghihina ng aking mga tuhod, hindi ko napansin ang gilid ng makapal na carpet sa sala. Natisod ang aking kanang paa!
"Teka—" isang maikling sigaw ang lumabas sa aking bibig habang nabibitawan ko ang baso ng tubig. Ipinikit ko na ang aking mga mata, handa nang bumagsak nang masakit sa sahig.
Ngunit bago pa ako tuluyang matumba, isang malakas, matigas, at napakainit na braso ang mabilis na pumulupot sa aking baywang. Sa isang iglap, hinila ako ni Alexander pataas. Dahil sa lakas ng kaniyang pagkakahatak, ang aking dibdib ay lapat na lapat na dumikit sa kaniyang hubad, basang dibdib.
Bzzzt!
Isang literal na kuryente ang dumaloy sa bawat ugat ng aking katawan. Ang nag-o-overheat kong mahika na parang sasabog kanina ay biglang kumalma sa loob ng isang segundo dahil sa pagdikit ng aming mga balat. Napasinghap ako habang ang dalawa kong kamay ay kusang kumapit sa kaniyang matitigas na balikat para hindi ako muling matumba.
Napatitig ako sa kaniyang mga mata. Sa ganitong kalapit na distansya, kitang-kita ko ang tindi ng kaniyang emosyon. Ang kaniyang mapanuring tingin ay dahan-dahang bumaba mula sa aking mga mata patungo sa aking mga labi. Nararamdaman ko ang kaniyang mainit at mabilis na paghinga na tumatama sa aking mukha.
"Sinasadya mo ba 'to, Celestia?" bulong niya sa isang mababang boses, paos at puno ng pagnanasa na matagal niyang itinago. "Gusto mo ba uling magnakaw ng enerhiya mula sa akin? At pagkatapos ay iiwan mo na naman ako ng limang daang piso?"
"H-Hindi…" sagot ko, pero ang totoo ay tila nakalimutan ko na kung paano huminga. Ang init ng katawan niya ay nagpapakapit sa akin nang mas mahigpit.
Hindi na nag-antay ng kasagutan si Alexander. Dahan-dahang inilapit ng billionaire ang kaniyang mukha hanggang sa tuluyan nang maglapat ang aming mga labi. Ipinikit ko ang aking mga mata nang maramdaman ko ang kaniyang malalambot ngunit mapang-angkin na labi. Ang halik na iyon ay nagsimula bilang isang marahan, nag-aalinlangan, at matamis na pagtikim—parang isang pagbabalik sa gabing nagdaan.
Ngunit nang maramdaman niya ang marahang pagtugon ng aking mga labi, ang kaniyang pagkontrol ay biglang naglaho. Naging malalim, marubdob, at mapusok ang kaniyang halik. Isinubsob niya ako nang mas mahigpit sa kaniyang dibdib habang ang kaniyang isang kamay ay umakyat sa likod ng aking ulo, nilalaro ang aking buhok upang mas lalo akong ilapit sa kaniya. Nawala ang lahat ng aking lakas; para akong natutunaw na kandila sa ilalim ng kaniyang mga hawak. Ang bawat sulok ng aking isip ay napuno ng kaniyang presensya.
Ngunit sa gitna ng aming napakatamis, napakainit, at tila walang katapusang tagpo sa dilim...
Clap! Clap! Clap!
Biglang bumukas ang napakaliwanag na ilaw sa sala, dahilan upang masilaw kaming dalawa.
Mabilis kaming nagkatulukan ni Alexander sa gulat at parehong naghabol ng hininga. Paglingon namin sa may pasilyo, nakatayo roon si Basti. Gising na gising ang asungot, nakasuot ng kaniyang Spider-Man na pajama, nakapamewang, at may napakalaki at nakakalokong ngiti na naman sa kaniyang mukha.
"Wow! Sabi ko na nga ba, eh!" masayang sigaw ng aking anak habang itinuturo kaming dalawa na parang nakahuli ng mga kriminal. "Kaya pala bigla akong nagising kasi narinig ko sa utak ni Rich Daddy na gustong-gusto ka niyang kagatin sa labi, Mommy! Sabi pa niya sa isip niya, 'Ang sarap ng labi ng Alchemist na 'to, hinding-hindi ko na 'to pakakawalan kahit magbenta pa ako ng kumpanya!' Yehey! May baby brother na ako na kasing-gwapo ko!"
Napasapo na lang ako sa mukha ko sa tindi ng hiya at pagnanais na lamunin na ako ng lupa ngayon din. Habang si Alexander naman ay mabilis na tumalikod sa amin, pulang-pula ang buong mukha hanggang sa kaniyang mga tainga habang pilit na hinahawakan at inaayos ang kaniyang tuwalya na muntik nang mahulog sa gulat.
Basti! Kailan mo ba talaga patatahimikin ang kapangyarihan mo at ang bibig mo?! Ang nagdadalambating sigaw ng aking utak.
(Paghaharap sa kadiliman at Ang galit ni Alexander)CELESTIA’S POV"L-lola Euphemia..."Nanginginig ang boses ko habang nakatingin sa matandang babaeng lumabas mula sa itim na portal sa gitna ng maze. Ang kaniyang mukha ay mabilis kong nakilala dahil pamilyar pa rin sa akin ang kaniyang mukha, ang aking lola, ngunit ang kaniyang mga mata ay wala nang kahit anong init—puro na lang ito ng kadiliman at uhaw sa kapangyarihan."Napakaganda mo pa rin hanggang ngayon, apo," ngumisi si Lola Euphemia. Ang kaniyang boses ay tila gasgas na boses ng plaka. "Sabi ko naman sa'yo noong bata ka pa, ikaw ang pinaka-espesyal sa pamilya natin. Ibigay mo na sa akin ang Midnight Lotus na hawak mo."Mahigpit kong niyakap ang nagniningning na bulaklak.Inihakbang ko ang aking kanang paa paatras para itago si Basti sa likod ko. "Hindi ko 'to ibibigay sa'yo! Niloko mo kami! Akala namin ni Ate Juliana ay matagal ka nang patay, pero naririto ka… Hindi ako makapaniwala… ikaw pala ang nasa likod ng lahat ng ito!"
(Ang Charity ball sa forbes park)ALEXANDER’S POV"Huwag kang malikot, Celestia. Baka matanggal ang alchemical hidden earpiece natin," bulong ko habang inaayos ko ang aking itim na tuxedo. Gawa ng mga magagaling kong staff ang hidden earpiece, na nilagyan ni Celestia ng mahiwaga niyang potion gamit ang kapangyarihan ng pagiging alchemist. Nasa loob kami ngayon ng aking sasakyan na limousine ng Vance Group, patungo sa Forbes Park para sa charity ball ni Fernando Gomez. Sa harap ko, si Celestia na mukhang isang diyosa sa kanyang suot na gown. Ang kaniyang mahabang emerald green na gown ay bumagay sa kaniyang balat, at ang kaniyang buhok ay nakataas na may kasamang maliliit na diamond pins."Hindi ako malikot, Alexander. Kinakabahan lang ako," sagot niya habang pilit na ngumingiti. "Paano kung makilala tayo ng mga tauhan ni Lola Euphemia doon?""Kaya nga tayo naka-disguise," sagot ko sa kanya habang inilalabas ko ang isang maliit na vial ng Alchemy Masking Potion."Ang potion na i
(Ang katotohanan at ang pagsasagawa ng plano)CELESTIA’S POV"Mark, huwag mo naman kaming bitinin ng ganyan," sita ko sa kaniya habang pilit kong pinapakalma ang mabilis na tibok ng puso ko. "Ano ang nakasulat sa huling pahina na parang nakakita ka ng multo?"Inayos ni Mark ang kaniyang salamin gamit ang nanginginig na daliri. Maingat na iniharap sa amin ang lumang itim na aklat ng Obsidian Circle. Sa pinakahuling pahina, may nakaguhit na isang dambuhalang family tree na nakasulat sa lumang tinta ng dugo.Ngunit sa pinakababang bahagi ng ugat ng pamilya, may isang pamilyar na pangalan na nakasalungguhit ng kulay itim na mahika."Ma'am Celestia… ang nakasulat po rito sa huling propesiya…" lunok-laway na sabi ni Mark, na tila nawalan ng lahat ng kaniyang pormalidad bilang corporate secretary. "Ang Reyna ng mga Black Witches na nag-utos na dukutin ang kapatid ninyong si Juliana… ay walang iba kundi ang inyong lola na matagal ninyo nang akalang patay—si EUPHEMIA!""Ano?!" Napasigaw ako. M
(Ang lihim sa Vault at ang Unang alagad)ALEXANDER’S POVWUSH-WUSH-WUSH-WUSH.Ang ingay ng elisi ng chopper ng Vance Group ay sumasabay sa mabilis na pintig ng puso ko habang pababa kami sa abandonadong compound ng HexaPharma sa Quezon City. Mula sa itaas, ang lumang planta ay mukhang normal na bodega na nabubulok na sa lumipas na panahon, ngunit sa paningin ng isang alchemist at ng may hawak ng Yang energy, ang buong paligid ay nababalutan ng isang manipis at kulay-berdeng usok ng nakalalasong mahika."Pababa na po tayo nang ligtas, Sir Alexander," ulat ng piloto sa aking headset habang tuluyang lumapag ang chopper sa lumang helipad.Mabilis akong bumaba at binuhat si Basti na mahigpit na nakakapit sa aking leeg, habang si Celestia naman ay sumunod sa tabi ko at hawak niya ang kaniyang alchemist bag na puno ng mga kumikinang na likido. Sa likod namin ay si Mark, hawak ang isang mamahaling thermal scanner at tablet para sa pag-detect ng mga kakaibang enerhiya. Pinagawa ko ang ba
(Ang Bagong kapangyarihan ng batang asungot)ALEXANDER'S POV"Celestia… huwag kang gagalaw."Idinilat ko ang aking mga mata habang ang sinag ng umaga ay tumatama sa aming kama. Kakagising ko lang mula sa isang napakatamis at napakapusok na gabi kasama ang aking asawa, ngunit ang natitirang init ng aming Yin at Yang energy ay biglang napalitan ng malamig na kaba.Nasa ibabaw pa rin ng dibdib ko si Celestia, mahimbing na natutulog at nakayakap sa akin. Pero sa kaniyang kaliwang balikat—na lantad dahil sa bahagyang pagkakahila ng kumot—ay may isang itim na marka na hugis gumagapang na baging ng rosas na may mga tinik. Umuusok ito ng bahagyang itim na mahika."Mmm... Alexander, limang minuto pa…" pautal-utal na reklamo ni Celestia habang isinusubsob pa ang kaniyang mukha sa leeg ko."Celestia, gising," seryoso at mariin kong utos habang dahan-dahan ko siyang iniupo.Nang mamulat ang kaniyang mga mata at makita ang seryoso kong mukha, doon lang niya napansin ang itim na marka sa kani
(Ang Honeymoon sa Penthouse)ALEXANDER'S POV"Sigurado ka ba na ligtas sila roon, Alexander?"Naramdaman ko ang marahang pagdampi ng malalamig na daliri ni Celestia sa aking dibdib habang nakatayo kami sa balkonahe ng penthouse. Ang gabi sa Bonifacio Global City ay maliwanag, puno ng mga ilaw mula sa mga nagtataasang gusali, ngunit ang isip ng aking asawa ay naroon pa rin ang takot na idinudulot ng Obsidian Circle.Niyakap ko ang aking mga braso sa kaniyang baywang mula sa likod at isinubsob ang aking mukha sa kaniyang leeg. Nilalanghap ko ang amoy ng kaniyang buhok na may amoy ng vanilla. Napakatamis, nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam. "Ligtas sila, wifey. Kasama ni Mark ang buong pamilya mo, pati si Basti. Inilipat ko sila sa aking pinakaligtas na private estate sa Tagaytay na binabantayan ng aking mga pinakatiwalang security elite at pinapaligiran din sila ng mga alchemical barrier na ginawa ng kapatid mo bago sila umalis."Humarap sa akin si Celestia; ang kaniyang mga
(Ang pagpapalit ng katauhan ng Alchemist at Bilyonaryo)ALEXANDER'S POV"Sebastian, dahan-dahan sa pagbaba ng sasakyan, baka maiwan mo 'yang robot mo," paalala ko sa anak ko habang ipinapasok ko ang sports car sa private parking lot ng aking penthouse sa BGC.Mag-aalas-dos na ng madaling-araw. Pa
(ANG UNTING UNTI PAGBAGSAK NG HEXA PHARMA)ALEXANDER'S POV"Siguraduhing lahat ng major TV networks, pati ang mga sikat na social media influencers, ay narito sa loob ng grand hall ng Vance Tower. Gusto kong mapanood ng buong mundo kung paano ko dudurugin ang HexaPharma ngayon din," malamig kong ut
(Ang halik na di makalimutan at ang Isip na maingay)ALEXANDER’S POV"Sir, kape ninyo," marahang bati ng aking chef habang ibinababa ang isang tasa ng bagong timplang espresso sa harap ko. Nakatitig lang ako sa kawalan habang hawak ang aking gintong tinidor. Hindi ko nagawang matulog nang maayos k
(Ang Kontrata at Ang lihim na pagnanasa)ALEXANDER'S POV"Sir Alexander, lumabas na po ang resulta ng mabilisang DNA test..."Hawak ko ang papel na iniabot ng aking sekretarya. Ang mga numero ay malinaw pa sa sikat ng araw—99.9% biological match. Ang asungot at makulit na batang ito na kasalukuyang







