Share

Chapter 5

last update publish date: 2026-06-10 19:06:47

(Ang Kontrata at Ang lihim na pagnanasa)

ALEXANDER'S POV

"Sir Alexander, lumabas na po ang resulta ng mabilisang DNA test..."

Hawak ko ang papel na iniabot ng aking sekretarya. Ang mga numero ay malinaw pa sa sikat ng araw—99.9% biological match. Ang asungot at makulit na batang ito na kasalukuyang nagpapakasasa sa pag-ikot sa aking mamahaling leather sofa ay tunay kong anak.

At ang babaeng nakatayo sa harap ko na mukhang handa nang tumalon muli sa bintana? Siya ang babaeng nag-iwan ng limang daang piso limang taon na ang nakakalipas.

Dahil sa pesteng pink na pildoras na ipinakain sa akin ng bata, ramdam ko pa rin ang kakaibang gaan sa aking katawan, ngunit ang mas malala ay ang kawalan ng kontrol sa aking dila. Gusto ko siyang sulyapan nang may galit, pero ang lumalabas sa isip at bibig ko ay puro kahibangan.

"Hindi ka aalis sa kumpanyang ito, at lalong hindi ka aalis sa paningin ko," mariin kong sabi habang inilalatag ang isang gintong pluma sa ibabaw ng lamesa. "Papipiliin kita, babae. Idedemanda kita ng kidnapping at trespassing dahil sa ginawa mo sa hotel suite ko noon, o pipirmahan mo ang kontratang ito?"

Mabilis kong hinalughog ang aking drawer at kinuha ang isang standard na non-disclosure at co-parenting agreement na palagi kong nakahanda para sa mga legal na usapin. Mabilis kong isinulat doon ang aking mga bagong kondisyon.

"Kondisyon bilang isa: Lilipat kayong mag-ina sa penthouse ko sa BGC. Kondisyon bilang dalawa: Magiging personal assistant at personal alchemist kita—dahil kailangan ko ang mga pildoras mo para sa high blood ko. At kondisyon bilang tatlo..." Natigil ako dahil naramdaman ko na naman ang epekto ng Truth Elixir.

Huwag mong sabihin, Alexander. Mapapahiya ka, utos ng utak ko. Pero walang preno ang bibig ko dahil sa gamot niya. "...kondisyon bilang tatlo, babayaran kita ng limang milyong piso para mapatunayan ko sa'yo na hindi lang limang daan ang halaga ko!"

Napasapo ako sa sarili kong mukha matapos kong masabi 'yak. Damn that pink pill.

CELESTIA'S POV

"Limang milyon?!" halos lumuwa ang mga mata ko sa narinig ko.

Grabe naman ang pride ng billionaire na ito! Limang taon na ang nakakalipas, pero talagang dinamdam niya ang limang daang piso na iniwan ko bilang 'tip' sa ibabaw ng nightstand niya! Kung alam ko lang na magiging ganito kahigh blood ang lalaking ito pagkalipas ng limang taon, sana ay hinayaan ko na lang na pasabugin ng Yin energy ang mga ugat ko.

'Mommy! Pirmahan mo na, dali! Biglang sumigaw ang boses ni Basti sa loob ng utak ko. 'Sabi ni Rich Daddy sa isip niya ngayon, "Sana pumayag siya, dahil kapag lumipat siya sa penthouse ko, sisiguraduhin kong hindi lang pildoras ang kukunin ko sa kaniya… kukunin ko rin ang puso niya." At saka, Mommy, ang dami raw masasarap na pagkain doon sa penthouse niya!'

Namilog ang mga mata ko at mabilis kong nilingon si Basti na ngayon ay abala pa rin sa pagtalon-talon sa sofa. 'Basti! Manahimik ka nga! Nakakahiya ang mga binabasa mo sa utak niya! Pabalik kong sigaw sa kaniya gamit ang telepathy.

Ramdam ko ang init na umakyat sa aking mga pisngi. Tumingin ako kay Alexander na ngayon ay pulang-pula na rin ang mga tainga dahil sa sarili niyang pag-amin na dala ng aking Truth Elixir. Kahit anong pilit niyang magmukhang seryoso at nakakatakot, ang epekto ng aking mahika ay ginagawa siyang parang isang maamong leon sa harap ko.

"Sir... Alexander," panimula ko habang dahan-dahang lumalapit sa kaniyang lamesa. "Ang paglipat sa penthouse mo ay medyo mabilis naman yata. At saka, paano ang trabaho ko rito bilang data encoder?"

Inayos niya ang kaniyang mamahaling suit at tumingin sa akin nang may halo pa ring pagnanasa na pilit niyang itinago. "Ika-cancel ng HR ang application mo bilang encoder. Simula ngayon, ikaw na ang aking Private Alchemist at Executive Assistant. Ang opisina mo ay sa loob ng opisina ko. At ang sweldo mo..." Tumingin siya sa akin nang may mapang-akit na ngiti. "...ay depende sa kung gaano mo kabilis mapapababa ang high blood ko."

Nalunok ko ang aking sariling laway. Kitang-kita ko ang umaapaw na Pure Yang Energy na nagmumula sa kaniyang katawan—mas malakas at mas kaakit-akit kaysa noong gabing iyon sa hotel. Parang sinasabi ng aking sariling mahika na ang pagtabi sa kaniya ay ang pinakamainam na paraan para lumakas ako bilang isang Alchemist.

Kinuha ko ang gintong pluma sa ibabaw ng lamesa. Tiningnan ko si Basti na ngayon ay nag-thumbs up pa sa akin mula sa sofa.

"Sige, boss. Pipirmahan ko 'to," sabi ko, sabay pirma sa ibaba ng kontrata. "Pero siguraduhin mo lang na kasya ang limang milyong piso mo para sa gatas at choco crunch ng anak mo."

Isang matunog at madilim na tawa ang pinakawalan ni Alexander habang dahan-dahang tumatayo mula sa kaniyang upuan at lumalapit sa akin, dahilan upang mapahinto ang aking paghinga dahil sa kaniyang nag-aapoy na presensya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The BILLIONAIRE'S Cupid: My Baby is a Mind Reader   CHAPTER 47

    (Ang kababatang babae ni Alexander)CELESTIA’S POVInilapit ni Alexander ang kaniyang mukha sa akin. Sa ilalim ng mga holographic lights ng aming laboratoryo, ang kaniyang mga mata ay tila naglalabas ng sariling pilak na liwanag. Ramdam ko ang init ng kaniyang palad sa aking baywang unti-unting nagpapakalma sa nanginginig kong katawan. Ang markang itim ng sumpa sa aking balikat ay tila nag-iingay pa rin, pilit kaming hinihila paalis sa isa't isa, ngunit ang presensya ng aking asawa ay sapat na para labanan ito."Handa ka na ba, Wifey?" bulong niya. Ang kaniyang malalim na boses ay nagpadala ng kakaibang kuryente sa buong sistema ko."Handa na, Hubby… para sa lunas," sagot ko habang dahan-dahang ipinipikit ang aking mga mata.Isang pulgada na lang ang distansya ng aming mga labi. Nararamdaman ko na ang kaniyang mainit na hininga, at ang gintong aura ng aking alchemy at pilak na liwanag ng kaniyang tech-enhanced wedding ring ay nagsisimula nang magsalubong nang biglang—BZZZZZZ—BZZZZZZ—

  • The BILLIONAIRE'S Cupid: My Baby is a Mind Reader   CHAPTER 46

    (Pagsasakripisyo para sa pagmamahal)ALEXANDER'S POVBZZZZ—TUK. ​Ang mabigat na bakal na pinto ng aking pribadong laboratoryo sa penthouse ng Vance Tower ay sumara nang hermetically sealed. Dito sa loob, pinaliligiran kami ng mga naglalakihang holographic screens, mga supercomputers, at mga advanced medical apparatus na binuo ng aking mga top-tier tech inventors. Sa gitna ng mahabang metal table, ligtas na nakalagay ang Midnight Lotus sa loob ng isang glass stabilization chamber. Ang itim at lilang bulaklak ay dahan-dahang umiikot at naglalabas ng manipis at kumikinang na usok.​"Wifey, pakidala nga rito si Basti sa sofa. Mukhang malalim na ang tulog," mahinang utos ng aking magandang asawa. Nagsusuot na siya ng kaniyang protective goggles at white lab coat sa ibabaw ng kaniyang magandang emerald gown na may kaunting punit dahil sa mga tinik kanina sa hardin.​Maingat kong binuhat si Basti. Pagod na pagod ang kaniyang maliit na katawan matapos niyang pakawalan ang kaniyang Holy Beam

  • The BILLIONAIRE'S Cupid: My Baby is a Mind Reader   CHAPTER 45

    (Paghaharap sa kadiliman at Ang galit ni Alexander)CELESTIA’S POV"L-lola Euphemia..."Nanginginig ang boses ko habang nakatingin sa matandang babaeng lumabas mula sa itim na portal sa gitna ng maze. Ang kaniyang mukha ay mabilis kong nakilala dahil pamilyar pa rin sa akin ang kaniyang mukha, ang aking lola, ngunit ang kaniyang mga mata ay wala nang kahit anong init—puro na lang ito ng kadiliman at uhaw sa kapangyarihan."Napakaganda mo pa rin hanggang ngayon, apo," ngumisi si Lola Euphemia. Ang kaniyang boses ay tila gasgas na boses ng plaka. "Sabi ko naman sa'yo noong bata ka pa, ikaw ang pinaka-espesyal sa pamilya natin. Ibigay mo na sa akin ang Midnight Lotus na hawak mo."Mahigpit kong niyakap ang nagniningning na bulaklak.Inihakbang ko ang aking kanang paa paatras para itago si Basti sa likod ko. "Hindi ko 'to ibibigay sa'yo! Niloko mo kami! Akala namin ni Ate Juliana ay matagal ka nang patay, pero naririto ka… Hindi ako makapaniwala… ikaw pala ang nasa likod ng lahat ng ito!"

  • The BILLIONAIRE'S Cupid: My Baby is a Mind Reader   CHAPTER 44

    (Ang Charity ball sa forbes park)ALEXANDER’S POV​"Huwag kang malikot, Celestia. Baka matanggal ang alchemical hidden earpiece natin," bulong ko habang inaayos ko ang aking itim na tuxedo. Gawa ng mga magagaling kong staff ang hidden earpiece, na nilagyan ni Celestia ng mahiwaga niyang potion gamit ang kapangyarihan ng pagiging alchemist. ​Nasa loob kami ngayon ng aking sasakyan na limousine ng Vance Group, patungo sa Forbes Park para sa charity ball ni Fernando Gomez. Sa harap ko, si Celestia na mukhang isang diyosa sa kanyang suot na gown. Ang kaniyang mahabang emerald green na gown ay bumagay sa kaniyang balat, at ang kaniyang buhok ay nakataas na may kasamang maliliit na diamond pins.​"Hindi ako malikot, Alexander. Kinakabahan lang ako," sagot niya habang pilit na ngumingiti. "Paano kung makilala tayo ng mga tauhan ni Lola Euphemia doon?"​"Kaya nga tayo naka-disguise," sagot ko sa kanya habang inilalabas ko ang isang maliit na vial ng Alchemy Masking Potion."Ang potion na i

  • The BILLIONAIRE'S Cupid: My Baby is a Mind Reader   CHAPTER 43

    (Ang katotohanan at ang pagsasagawa ng plano)CELESTIA’S POV"Mark, huwag mo naman kaming bitinin ng ganyan," sita ko sa kaniya habang pilit kong pinapakalma ang mabilis na tibok ng puso ko. "Ano ang nakasulat sa huling pahina na parang nakakita ka ng multo?"Inayos ni Mark ang kaniyang salamin gamit ang nanginginig na daliri. Maingat na iniharap sa amin ang lumang itim na aklat ng Obsidian Circle. Sa pinakahuling pahina, may nakaguhit na isang dambuhalang family tree na nakasulat sa lumang tinta ng dugo.Ngunit sa pinakababang bahagi ng ugat ng pamilya, may isang pamilyar na pangalan na nakasalungguhit ng kulay itim na mahika."Ma'am Celestia… ang nakasulat po rito sa huling propesiya…" lunok-laway na sabi ni Mark, na tila nawalan ng lahat ng kaniyang pormalidad bilang corporate secretary. "Ang Reyna ng mga Black Witches na nag-utos na dukutin ang kapatid ninyong si Juliana… ay walang iba kundi ang inyong lola na matagal ninyo nang akalang patay—si EUPHEMIA!""Ano?!" Napasigaw ako. M

  • The BILLIONAIRE'S Cupid: My Baby is a Mind Reader   CHAPTER 42

    (Ang lihim sa Vault at ang Unang alagad)ALEXANDER’S POV​WUSH-WUSH-WUSH-WUSH.​Ang ingay ng elisi ng chopper ng Vance Group ay sumasabay sa mabilis na pintig ng puso ko habang pababa kami sa abandonadong compound ng HexaPharma sa Quezon City. Mula sa itaas, ang lumang planta ay mukhang normal na bodega na nabubulok na sa lumipas na panahon, ngunit sa paningin ng isang alchemist at ng may hawak ng Yang energy, ang buong paligid ay nababalutan ng isang manipis at kulay-berdeng usok ng nakalalasong mahika.​"Pababa na po tayo nang ligtas, Sir Alexander," ulat ng piloto sa aking headset habang tuluyang lumapag ang chopper sa lumang helipad.​Mabilis akong bumaba at binuhat si Basti na mahigpit na nakakapit sa aking leeg, habang si Celestia naman ay sumunod sa tabi ko at hawak niya ang kaniyang alchemist bag na puno ng mga kumikinang na likido. Sa likod namin ay si Mark, hawak ang isang mamahaling thermal scanner at tablet para sa pag-detect ng mga kakaibang enerhiya. Pinagawa ko ang ba

  • The BILLIONAIRE'S Cupid: My Baby is a Mind Reader   CHAPTER 30

    (Ang pagpapalit ng katauhan ng Alchemist at Bilyonaryo)ALEXANDER'S POV​"Sebastian, dahan-dahan sa pagbaba ng sasakyan, baka maiwan mo 'yang robot mo," paalala ko sa anak ko habang ipinapasok ko ang sports car sa private parking lot ng aking penthouse sa BGC.​Mag-aalas-dos na ng madaling-araw. Pa

  • The BILLIONAIRE'S Cupid: My Baby is a Mind Reader   CHAPTER 18

    (ANG UNTING UNTI PAGBAGSAK NG HEXA PHARMA)ALEXANDER'S POV"Siguraduhing lahat ng major TV networks, pati ang mga sikat na social media influencers, ay narito sa loob ng grand hall ng Vance Tower. Gusto kong mapanood ng buong mundo kung paano ko dudurugin ang HexaPharma ngayon din," malamig kong ut

  • The BILLIONAIRE'S Cupid: My Baby is a Mind Reader   Chapter 7

    (Ang halik na di makalimutan at ang Isip na maingay)ALEXANDER’S POV"Sir, kape ninyo," marahang bati ng aking chef habang ibinababa ang isang tasa ng bagong timplang espresso sa harap ko. Nakatitig lang ako sa kawalan habang hawak ang aking gintong tinidor. Hindi ko nagawang matulog nang maayos k

  • The BILLIONAIRE'S Cupid: My Baby is a Mind Reader   Chapter 6

    (Unang gabi sa Penthouse at ang Halik sa dilim)ALEXANDER'S POV"Dito kayo matutulog ng anak mo. Huwag kayong hahawak ng kahit anong gamit na hindi sa inyo," malamig kong paalala sa kaniya habang binubuksan ko ang pinto ng master's bedroom ng penthouse ko rito sa BGC.Gabi na nang makalipat sila. K

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status