Mag-log in(Ang halik na di makalimutan at ang Isip na maingay)
ALEXANDER’S POV "Sir, kape ninyo," marahang bati ng aking chef habang ibinababa ang isang tasa ng bagong timplang espresso sa harap ko. Nakatitig lang ako sa kawalan habang hawak ang aking gintong tinidor. Hindi ko nagawang matulog nang maayos kagabi pagkatapos ng eksena sa sala. Sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, ang lasa ng mga labi ni Celestia at ang kuryenteng dumaloy sa katawan ko ang pabalik-balik na bumubuhay sa aking sistema. Damn that woman. At damn din sa asungot niyang anak na walang preno ang bibig. Kanino ba nagmana ang bata na ito ng kadaldalan? "Good morning, Rich Daddy! Ang aga nating gising, ah. Hindi ka ba nakatulog dahil iniisip mo si Mommy?" Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong kape nang marinig ko ang pamilyar at nakakarinding boses ng bata. Paglingon ko, pumasok sa malaking dining area si Basti na nakasuot na ng kaniyang paboritong T-shirt na may drawing ng Choco Krunch. Agad siyang umakyat sa tabi kong upuan at dire-diretsong kumuha ng bacon na parang siya ang may-ari ng penthouse na ito. Sumunod na pumasok si Celestia. Nakasuot siya ng isang simpleng T-shirt at maong shorts. Basang-basa pa ang dulo ng kaniyang buhok na tila bagong ligo. Nang magtagpo ang aming mga mata, nakita ko ang mabilis na pamumula ng kaniyang mga pisngi. Umiwas siya agad ng tingin at umupo sa tapat ko. "Good morning, Sir," mahina niyang bati, halos pabulong. Ibinaba ko ang aking tasa at pinilit kong ibalik ang aking pinakamalamig na boses. "Maupo ka na. Kumain kayo nang marami dahil pagkatapos nito, may pupuntahan tayong mahalagang event. At siguraduhin mong hindi ka na matitisod sa harap ko, Celestia." Gusto ko sanang magmukhang seryoso, pero sa kasamaang palad, nakahawak si Basti sa gilid ng braso ko habang umaabot ng pandesal. "Mommy! Huwag kang maniwala kay Daddy, kunwari lang siyang galit!" biglang sumigaw ang maliit na bubwit na ito, "Sabi niya sa utak niya ngayon, 'Ang ganda niya pa rin kahit walang makeup.'' Sana matisod siya uli ngayon para may dahilan ako na yakapin siya.' At tsaka, Mommy, nagrereklamo rin ang puso niya; ang bilis daw ng tibok!" "Basti!" Sabay na isinigaw namin ni Celestia. Mabilis kong binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak ng bata. I swear to God, kung hindi ko lang anak ang batang ito, matagal ko na siyang ipinatapon sa ibang planeta. Paano ako makakapanggap na malupit at kinatatakutang CEO kung may live reporter ang aking sariling utak sa tabi ko?! At teka nga!!!! Nasasabi ko ba nang direkta ang mga pinagsasabi nito na nasa isipan ko? CELESTIA’S POV Diyos ko, Basti... gusto mo na ba talagang ma-edsang mag-ina ngayon pa lang?! Hiyang-hiya ako habang nakayuko at pilit na isinusubo ang hotdog sa aking plato. Ang lakas ng tibok ng puso ko ay dahil sa bawat salitang ibinubunyag ni Basti mula sa utak ng kaniyang tatay. Pero lihim akong napangiti. Ang sarap sa pakiramdam na malaman na kahit ang isang seryosong billionaire na si Alexander Vance ay natataranta rin dahil sa halik namin kagabi. At ang mas mahalaga, ramdam ko na naman ang kaniyang Pure Yang Energy na umaapaw mula sa kaniya ngayong umaga. Dahil sa lapit ko sa kaniya, ang aking alchemical power ay tuluyan nang kumalma at mas naging pino. "Sir, anong event po ba ang pupuntahan natin?" Pag-iiba ko sa usapan para mailigtas ang natitirang pride ng aming boss. Inayos ni Alexander ang kaniyang kwelyo, pilit na ibinabalik ang kaniyang seryosong mukha kahit na pulang-pula pa rin ang kaniyang mga tainga. "May gaganaping malaking Business Gala at Press Conference ang Vance Enterprises ngayong hapon. Ipakikilala kita roon bilang aking bagong Executive Assistant. At higit sa lahat..." Tumingin siya nang mariin kay Basti. "...ipapakilala ko ang batang ito bilang aking nag-iisang tagapagmana." Nabitawan ko ang aking tinidor. "A-Ano? Agad-agad? Sir, hindi pa handa ang media sa ganitong balita! Baka magkagulo!" Isang mayabang at mapagmataas na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Alexander. "Walang sinuman ang puwedeng kumontra sa desisyon ko sa kumpanyang ito. Limang taon mong itinago ang anak ko, Celestia. Ngayong nasa kamay ko na kayo, sisiguraduhin kong malalaman ng buong mundo kung kanino kayo nagmamay-ari." Uminom siya ng tubig at bago ko pa mapigilan si Basti, muling bumulong ang aking anak sa utak ko gamit ang kaniyang telepathy: 'Mommy! Sabi pa ni Rich Daddy sa isip niya, "Ipakikilala ko muna silang assistant at anak ko ngayon, pero sa susunod na buwan, gagawin ko na siyang asawa ko para ligal ko na siyang mahahalikan gabi-gabi nang walang istorbo!" Wow, Mommy! Magiging Vance ka na raw! Magkano ba ang benta sa apelyido na 'yun?' Napasapo na lang ako sa aking noo habang namumula ang buong mukha ko. Tiningnan ko si Alexander na ngayon ay napansin ang kakaibang reaksyon ko, kaya naman mabilis nitong iniwas ang kaniyang mukha upang magtago sa kaniyang iPad. Mukhang ang business gala na ito ang magiging mitsa kung malalaman ba ng buong mundo ang tungkol sa pildoras, sa mahika ko, o kung paano ko binayaran ng limang daan ang pinakamayamang lalaki sa bansa!(Paghaharap sa kadiliman at Ang galit ni Alexander)CELESTIA’S POV"L-lola Euphemia..."Nanginginig ang boses ko habang nakatingin sa matandang babaeng lumabas mula sa itim na portal sa gitna ng maze. Ang kaniyang mukha ay mabilis kong nakilala dahil pamilyar pa rin sa akin ang kaniyang mukha, ang aking lola, ngunit ang kaniyang mga mata ay wala nang kahit anong init—puro na lang ito ng kadiliman at uhaw sa kapangyarihan."Napakaganda mo pa rin hanggang ngayon, apo," ngumisi si Lola Euphemia. Ang kaniyang boses ay tila gasgas na boses ng plaka. "Sabi ko naman sa'yo noong bata ka pa, ikaw ang pinaka-espesyal sa pamilya natin. Ibigay mo na sa akin ang Midnight Lotus na hawak mo."Mahigpit kong niyakap ang nagniningning na bulaklak.Inihakbang ko ang aking kanang paa paatras para itago si Basti sa likod ko. "Hindi ko 'to ibibigay sa'yo! Niloko mo kami! Akala namin ni Ate Juliana ay matagal ka nang patay, pero naririto ka… Hindi ako makapaniwala… ikaw pala ang nasa likod ng lahat ng ito!"
(Ang Charity ball sa forbes park)ALEXANDER’S POV"Huwag kang malikot, Celestia. Baka matanggal ang alchemical hidden earpiece natin," bulong ko habang inaayos ko ang aking itim na tuxedo. Gawa ng mga magagaling kong staff ang hidden earpiece, na nilagyan ni Celestia ng mahiwaga niyang potion gamit ang kapangyarihan ng pagiging alchemist. Nasa loob kami ngayon ng aking sasakyan na limousine ng Vance Group, patungo sa Forbes Park para sa charity ball ni Fernando Gomez. Sa harap ko, si Celestia na mukhang isang diyosa sa kanyang suot na gown. Ang kaniyang mahabang emerald green na gown ay bumagay sa kaniyang balat, at ang kaniyang buhok ay nakataas na may kasamang maliliit na diamond pins."Hindi ako malikot, Alexander. Kinakabahan lang ako," sagot niya habang pilit na ngumingiti. "Paano kung makilala tayo ng mga tauhan ni Lola Euphemia doon?""Kaya nga tayo naka-disguise," sagot ko sa kanya habang inilalabas ko ang isang maliit na vial ng Alchemy Masking Potion."Ang potion na i
(Ang katotohanan at ang pagsasagawa ng plano)CELESTIA’S POV"Mark, huwag mo naman kaming bitinin ng ganyan," sita ko sa kaniya habang pilit kong pinapakalma ang mabilis na tibok ng puso ko. "Ano ang nakasulat sa huling pahina na parang nakakita ka ng multo?"Inayos ni Mark ang kaniyang salamin gamit ang nanginginig na daliri. Maingat na iniharap sa amin ang lumang itim na aklat ng Obsidian Circle. Sa pinakahuling pahina, may nakaguhit na isang dambuhalang family tree na nakasulat sa lumang tinta ng dugo.Ngunit sa pinakababang bahagi ng ugat ng pamilya, may isang pamilyar na pangalan na nakasalungguhit ng kulay itim na mahika."Ma'am Celestia… ang nakasulat po rito sa huling propesiya…" lunok-laway na sabi ni Mark, na tila nawalan ng lahat ng kaniyang pormalidad bilang corporate secretary. "Ang Reyna ng mga Black Witches na nag-utos na dukutin ang kapatid ninyong si Juliana… ay walang iba kundi ang inyong lola na matagal ninyo nang akalang patay—si EUPHEMIA!""Ano?!" Napasigaw ako. M
(Ang lihim sa Vault at ang Unang alagad)ALEXANDER’S POVWUSH-WUSH-WUSH-WUSH.Ang ingay ng elisi ng chopper ng Vance Group ay sumasabay sa mabilis na pintig ng puso ko habang pababa kami sa abandonadong compound ng HexaPharma sa Quezon City. Mula sa itaas, ang lumang planta ay mukhang normal na bodega na nabubulok na sa lumipas na panahon, ngunit sa paningin ng isang alchemist at ng may hawak ng Yang energy, ang buong paligid ay nababalutan ng isang manipis at kulay-berdeng usok ng nakalalasong mahika."Pababa na po tayo nang ligtas, Sir Alexander," ulat ng piloto sa aking headset habang tuluyang lumapag ang chopper sa lumang helipad.Mabilis akong bumaba at binuhat si Basti na mahigpit na nakakapit sa aking leeg, habang si Celestia naman ay sumunod sa tabi ko at hawak niya ang kaniyang alchemist bag na puno ng mga kumikinang na likido. Sa likod namin ay si Mark, hawak ang isang mamahaling thermal scanner at tablet para sa pag-detect ng mga kakaibang enerhiya. Pinagawa ko ang ba
(Ang Bagong kapangyarihan ng batang asungot)ALEXANDER'S POV"Celestia… huwag kang gagalaw."Idinilat ko ang aking mga mata habang ang sinag ng umaga ay tumatama sa aming kama. Kakagising ko lang mula sa isang napakatamis at napakapusok na gabi kasama ang aking asawa, ngunit ang natitirang init ng aming Yin at Yang energy ay biglang napalitan ng malamig na kaba.Nasa ibabaw pa rin ng dibdib ko si Celestia, mahimbing na natutulog at nakayakap sa akin. Pero sa kaniyang kaliwang balikat—na lantad dahil sa bahagyang pagkakahila ng kumot—ay may isang itim na marka na hugis gumagapang na baging ng rosas na may mga tinik. Umuusok ito ng bahagyang itim na mahika."Mmm... Alexander, limang minuto pa…" pautal-utal na reklamo ni Celestia habang isinusubsob pa ang kaniyang mukha sa leeg ko."Celestia, gising," seryoso at mariin kong utos habang dahan-dahan ko siyang iniupo.Nang mamulat ang kaniyang mga mata at makita ang seryoso kong mukha, doon lang niya napansin ang itim na marka sa kani
(Ang Honeymoon sa Penthouse)ALEXANDER'S POV"Sigurado ka ba na ligtas sila roon, Alexander?"Naramdaman ko ang marahang pagdampi ng malalamig na daliri ni Celestia sa aking dibdib habang nakatayo kami sa balkonahe ng penthouse. Ang gabi sa Bonifacio Global City ay maliwanag, puno ng mga ilaw mula sa mga nagtataasang gusali, ngunit ang isip ng aking asawa ay naroon pa rin ang takot na idinudulot ng Obsidian Circle.Niyakap ko ang aking mga braso sa kaniyang baywang mula sa likod at isinubsob ang aking mukha sa kaniyang leeg. Nilalanghap ko ang amoy ng kaniyang buhok na may amoy ng vanilla. Napakatamis, nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam. "Ligtas sila, wifey. Kasama ni Mark ang buong pamilya mo, pati si Basti. Inilipat ko sila sa aking pinakaligtas na private estate sa Tagaytay na binabantayan ng aking mga pinakatiwalang security elite at pinapaligiran din sila ng mga alchemical barrier na ginawa ng kapatid mo bago sila umalis."Humarap sa akin si Celestia; ang kaniyang mga
(Ang pagpapalit ng katauhan ng Alchemist at Bilyonaryo)ALEXANDER'S POV"Sebastian, dahan-dahan sa pagbaba ng sasakyan, baka maiwan mo 'yang robot mo," paalala ko sa anak ko habang ipinapasok ko ang sports car sa private parking lot ng aking penthouse sa BGC.Mag-aalas-dos na ng madaling-araw. Pa
(ANG UNTING UNTI PAGBAGSAK NG HEXA PHARMA)ALEXANDER'S POV"Siguraduhing lahat ng major TV networks, pati ang mga sikat na social media influencers, ay narito sa loob ng grand hall ng Vance Tower. Gusto kong mapanood ng buong mundo kung paano ko dudurugin ang HexaPharma ngayon din," malamig kong ut
(Ang Banal na Binhi at ang tip na five hundred Part 2)CELESTIA'S POV(Ang Banal na Binhi at ang tip na five hundred Part 2)CELESTIA'S POVNang matapos ang bagyo ng aming pagnanasa at bumalik na sa normal ang balanse ng aking mahika, dahan-dahan kong inalis ang kaniyang mabigat na braso na nakapul
(Ang Banal na Binhi at ang tip na five hundred Part 1)CELESTIA'S POV" Habaan mo pa ang pasensya mo, Celestia. Kaunting kembot na lang at matatapos na 'to," bulong ko habang ang aking kanang kamay ay nakatapat sa ilalim ng isang maliit na kaldero. Mula sa aking mga daliri ay lumalabas ang isang p







