Share

The Bad Girl
The Bad Girl
Author: AveryHayz

Prologue

Author: AveryHayz
last update publish date: 2026-02-13 19:19:23

The afternoon sun hung low over Manhattan, painting the busy streets in a warm golden glow. Pero sa loob ng kanilang itim na limousine, ibang mundo ang umiiral. Tahimik. Controlled. Deliberate. Parang isang cocoon na eksaktong bagay para kay Maxine Blaire Kensington.

Eksaktong alas-kwatro ng hapon nang dumating ang labindalawang taong gulang na si Maxine Blaire sa kanilang hundred-million-dollar mansion. Kahit bata pa, may natural na elegance na siyang dala—hindi pangkaraniwan para sa kaedad niya. Grade seven student siya sa isang all-girls private school, isa sa pinaka-exclusive sa Manhattan.

Katulad ng nakagawian, driver lang nila ang sumusundo sa kanya. The rest of the staff remained invisible, maintaining the quiet discipline and unspoken rules that came with carrying the Kensington name.

Ang mommy niya ay isang Filipino-American na kilalang philanthropist at high-paying model sa New York. Striking ang features nito, may effortless grace na hindi matutumbasan. Samantalang ang daddy niya ay isang American businessman na nagmamay-ari ng clothing empire sa ilalim ng pangalang Maxine Blaire—isang iconic brand ng sapatos at fashion pieces. Bukod pa roon, may investments ito sa real estate, tech startups, at art collections. Nasa Forbes Top 100 ito—ranked ninety-ninth, to be exact.

Pero kahit heiress siya, hindi siya pinalaking mayabang o entitled. Strict pero refined ang pagpapalaki sa kanya. Tinuruan siyang magmasid muna bago kumilos. To use her beauty and intelligence carefully. And she did—kahit hindi pa niya lubos na nauunawaan kung gaano kalakas ang presensya niya.

She looked angelic. Gray eyes na parang masyadong malalim para sa isang labindalawang taong gulang. Shoulder-length auburn hair na perfectly naka-frame sa mukha niya. Maliit at matangos ang ilong, bagay na bagay sa natural niyang pouty lips na laging may soft rose tint kahit walang lipstick. At sa tangkad niyang 5’5”, matangkad siya para sa edad niya. Her fair skin glowed subtly under the sunlight filtering through the tinted glass.

Tumikhim si Mr. Adams, ang driver nila.

“Miss Maxine, we’ve arrived,” magalang nitong sabi.

Hindi siya agad sumagot. Tahimik niyang sinuri ang paligid—ang polished driveway, ang sculpted gardens, ang front doors na may fresh seasonal flowers na laging pinapalitan ng mommy niya.

Pagkatapos ay marahan siyang tumango, binuksan ang pinto, at lumabas nang may natural na grace. Saglit na dumulas ang maliit niyang kamay sa smooth leather ng school bag niya.

Tinungo niya ang main door ng mansion, may bahagyang excitement sa dibdib. Excited siyang makita ang mga magulang niya.

"Are you hungry, Maxine?” tawag ng mommy niya mula sa foyer. Warm pero poised ang boses nito.

Huminto siya sandali.

"A little,” sagot niya nang mahina.

Careful at deliberate ang bawat salita, may halong inosenteng tono na madalas magpa-underestimate sa kanya ng matatanda. Mas madalas English ang gamit nila sa bahay, pero naiintindihan at nakakasabay siya sa Filipino.

Lumambot ang tingin ng mommy niya habang bahagyang lumuhod para magpantay ang kanilang mata.

"How was school today, my little star?”

Ngumiti si Maxine nang bahagya—isang ngiting may itinatago. Masaya siya sa atensyon ng ina. Hindi kailanman naging pabaya ang mga magulang niya.

"It was fine. Just… regular.” Calm ang boses niya, pero sa isip niya ay tumatakbo na ang lahat—ang dynamics ng classmates niya, ang subtle competition, ang reactions ng mga tao sa popularity at influence. Kahit labindalawa pa lang siya, napapansin na niya kung paano gumagalaw ang mundo kapag may power, charm, at pangalan ka. At iniipon niya ang bawat obserbasyon.

Lumabas ang daddy niya sa itaas ng hagdan. Sa edad na trenta’y siyete, mukha pa rin itong matinee idol. Samantalang ang mommy niya ay parang mas nakatatandang kapatid lang niya sa ganda at tindig.

"Maxine,” malalim ngunit hindi malupit ang boses nito. “I’ve been meaning to talk to you about something important. But first…” Ngumiti ito nang bahagya. “Show me your latest drawing. You promised me last week.”

Saglit na kumislap ang gray eyes ni Maxine, may halong excitement at lihim na kumpiyansa.

"Of course, Daddy.”

Kinuha niya ang sketchpad at isa-isang binuklat ang mga pahina—fashion designs, architectural concepts, pati subtle character sketches ng mga taong nakakasalamuha niya. Bawat linya, bawat shadow, may intention.

Yumuko ang ama upang mas pagmasdan ang mga ito.

"Impressive, as always. You have your mother’s eye for beauty, and…” Bahagya itong nag-pause. “…your own sense of control, discipline, and calculation. That will serve you well one day.”

Alam ni Maxine na hindi lang tungkol sa drawings ang sinasabi nito. Loaded ang mga salita ng ama. Isang tahimik na acknowledgment na may mas malalim pa siyang kakayahan.

She felt proud. Manang-mana siya sa talento ng daddy niya. She’s a daddy’s girl, after all.

"Thank you, Daddy,” mahina niyang sabi, controlled at measured ang tono.

Lumapit ang mommy niya at inayos ang isang hibla ng buhok niya.

"You’re growing up too fast,” bulong nito, may bahagyang pag-aalala sa mata.

Ngumiti si Maxine, pero ang mga mata niya ay walang ibinunyag.

Dahil sa likod ng angelic exterior—ang perfect hair, soft lips, at gray eyes—natututo na si Maxine Blaire Kensington ng rules ng power, observation, at strategy. At balang araw, sisiguraduhin niyang walang mag-uunderestimate sa kanya.

🍁🍁🍁

Pagkatapos maligo, nakasuot na siya ng soft pajamas. Medyo basa pa ang buhok niya habang nakaupo sa plush velvet sofa, katabi ang sketchpad.

Lumapit ang daddy niya.

"Maxine, have you finished your homework for tomorrow?”

"Yes, Daddy. Math and English… I double-checked everything.”

"Good. Always check your work. One careless mistake can ruin everything.”

Bahagyang tumagilid ang ulo niya.

"But sometimes, Daddy, mistakes can show you what others aren’t expecting.”

Nagtaas ng kilay ang ama.

"For schoolwork or… life?”

"Both,” sagot niya nang simple, pero may bigat.

Pumasok ang mommy niya dala ang warm milk.

"Drink this before bed, honey.”

"Thank you, Mommy.”

"You’ve been very quiet tonight. Is something bothering you?”

"Nothing. I was just thinking about school… and the people around me. It’s interesting how they act when they think no one is watching.”

Her father leaned forward slightly. “Watching is one thing. Acting is another. Always think about consequences.”

"I know, Daddy. But sometimes… if you wait too long, the opportunity is gone.”

Hinawakan ng mommy niya ang kamay niya.

"Never forget to be kind. Intelligence and charm are powerful, but kindness leaves a mark no one can erase.”

"I know, Mommy. I won’t forget.”

Nagbuntong-hininga ang daddy niya.

“You have your mother’s heart and my drive. Use it wisely.”

Ngumiti si Maxine—angelic, calm.

Pero sa loob niya, malinaw ang isang realization:

The world doesn’t wait for kindness. It only respects power.

"Good night, Daddy. Good night, Mommy.”

"Good night, Maxine.”

At habang humihiga siya sa kama, hinila ang kumot hanggang balikat, mahina niyang binulong—

"Someday… they’ll see me. And they won’t forget me.”

🍁🍁🍁

"Don’t do this, Sofia! Don’t leave me!”

Halos mabasag ang boses ni Kurt habang hinahabol niya ang kamay ng asawa. Nanginginig ang mga daliri niya—isang bagay na bihira mangyari sa isang lalaking sanay kontrolin ang lahat.

Hindi siya marunong magmakaawa. Pero ngayon… wala na siyang pakialam sa pride.

Dahan-dahang hinila ni Sofia ang kamay niya palayo. Parang nasasaktan siya sa simpleng paghawak pa lang. Matigas ang panga niya, pero ang mga mata niya—na dati’y puno ng lambing—ngayon ay malamig. Desidido.

"I'm sorry, Kurt,” mahina pero malinaw niyang sabi. “But I don’t love you anymore.”

Parang may sumabog sa dibdib ni Kurt.

"You don't-" Napatawa siya nang pilit. “You don’t just wake up one day and decide you don’t love someone. That’s not how this works, Sofia. That’s not how we work.”

Pumikit si Sofia sandali, parang kinokolekta ang natitirang lakas niya.

"It didn’t happen overnight.”

"Then when?” sigaw ni Kurt, napapaatras ng isang hakbang. “When did you decide I wasn’t enough? When did you start planning your exit while I was still planning our future?”

Humigpit ang dibdib ni Sofia. Saglit na may guilt sa mukha niya, pero nilunok niya iyon.

"Somewhere between your late nights and endless meetings,” sagot niya, nanginginig ang boses. “Between the dinners you always missed and the calls you prioritized. Somewhere between being your wife… and feeling like a decoration in your perfect life.”

"That’s not fair!” balik ni Kurt, puno ng sakit at galit. “Everything I did—every deal, every expansion, every sleepless night—was for this family. For you. For Maxine!”

"And that’s the problem!” napasigaw si Sofia, tuluyang nabasag ang composure. “You built an empire, Kurt. But you forgot to build us.”

Naging tahimik ang paligid. Mabigat. Parang may sumasakal sa hangin.

Naglakad-lakad si Kurt, hawak ang ulo.

"So that’s it? You throw away years—years—because you felt lonely?”

"I didn’t just feel lonely,” bulong ni Sofia. “I felt invisible.”

Nagtagpo ang mga mata nila. At doon nakita ni Kurt ang pagod. Ang lungkot na matagal nang kinikimkim.

"Please,” halos pabulong na ulit si Kurt. “Have mercy. Think about Maxine. She adores you. She worships you. She’ll be hurt because of you.”

Nang marinig ang pangalan ng anak nila, bahagyang nanginig ang labi ni Sofia. Para siyang bibigay. Pero umiling siya.

"She’ll understand, Kurt.”

"She’s twelve!” halos mapasigaw siya. “She’s still a child!”

"She’s stronger than you think,” sagot ni Sofia, pero parang kinukumbinsi rin ang sarili. “And I refuse to teach her that staying in a loveless marriage is strength. I won’t let her grow up thinking sacrifice means self-erasure.”

Lumapit si Kurt, mas maingat na ngayon.

"And what about me?” paos niyang tanong. “Do I not matter anymore? Was I just… a chapter you outgrew?”

Napaluha na si Sofia.

“You were my whole story once.”

"Then fight for it!” sigaw niya. “Fight for us!”

"I have been fighting!” sigaw rin niya pabalik. “For years, Kurt. Quietly. Alone.”

Parang lumiit ang mundo nila sa silid na iyon. Puno ng alaala—ng tawanan, ng pangarap, ng mga pangakong binitiwan sa dilim.

"Is there someone else?” mahina pero mabigat ang tanong ni Kurt.

Saglit na natigilan si Sofia.

At sapat na ang sandaling iyon.

Namumutla si Kurt.

"How long?”

"It doesn’t matter.”

"It matters to me!” sigaw niya.

"It wasn’t about him!” sagot ni Sofia. “It was about me choosing myself.”

Napatawa si Kurt nang mapait. “Choosing yourself… and breaking your family in the process.”

"I’m not abandoning Maxine,” mariin niyang sabi. “I will always be her mother.”

"But you’re leaving her home,” balik ni Kurt. “You’re breaking the only world she’s ever known.”

"And what kind of world is that?” sagot ni Sofia. “One where her parents barely speak unless it’s about schedules? Where affection feels like an obligation? She sees more than you realize, Kurt. She always has.”

Natigilan siya.

Dahil alam niyang totoo iyon.

"I can change,” desperado niyang sabi. “I’ll come home earlier. I’ll cancel meetings. I’ll—”

"You can’t undo years of absence with panic,” putol ni Sofia. “Love doesn’t come back just because you’re afraid to lose it.”

Tumahimik si Kurt. Para bang doon niya tuluyang naintindihan.

"So this is goodbye,” mahina niyang sabi.

"I never wanted to hurt you,” sagot ni Sofia, umiiyak na.

"But you are,” bulong niya. “You’re destroying me.”

Humawak si Sofia sa dibdib niya.

“Staying would destroy me.”

Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila.

Sa huli, nagtanong si Kurt, halos wala nang lakas ang boses.

"Do you feel nothing for me?”

Tumingin si Sofia sa kanya—matagal.

"I will always care for you,” sabi niya. “But the kind of love that makes you stay… it’s gone.”

At doon tuluyang bumagsak ang lahat kay Kurt.

Sa labas, malakas ang hangin.

Sa loob, tahimik na namatay ang isang pagsasama.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Bad Girl   Fifty Five (SPG) - End

    Maxine shifted, the friction of the sheets against her oversensitive skin sending a fresh jolt of electricity through her nerve endings. She wasn’t done. A restlessness hummed beneath her satisfaction, a craving that the explosive orgasm inside the safety of these four walls hadn’t quenched. Dahan-dahan niyang pinaglakbay ang mga daliri sa matigas na tiyan ni Kael, her fingernails grazing the defined ridges of his abs, feeling the muscles twitch involuntarily under her touch. Habang ang sinag ng buwan ay nanatiling tanglaw nila sa gabi, creating a romantic vibe after their lovemaking. "Kael," paos ang boses at nanginginig pa rin dahil sa matinding emosyon kanina. Hindi siya nagtaas ng tingin dito, bagkus nanatiling nakasunod ang mga mata sa lugar kung saan naglalakbay ang mga daliri niya. Slowly teasing the coarse hair that trailed down from his navel. "Hmm?" His response was a low rumble against her ear, habang bahagyang humigpit ang hawak ni Kael sa balakang niya, sabay hila sa

  • The Bad Girl   Fifty Four (SPG)

    The bridal cottage is silent. The only sounds were the soft melody of music drifting from a distance and the gentle rustle of the curtains as the breeze swept through the room. Maxine stood before the mirror for a long while. She remained still, unable to move at first. Habang nakakatitig sa reflection ng kanyang kabuoan, sinusubukan niyang i-proseso ang lahat ng mga nangyayari. Kung paano sila nagsimula ni Kael bago humantong sa pinaka-importanteng araw na 'to. Pagkuwa'y hinawakan ang laylayan ng suot na wedding gown, at mahinang kinuyom ang silk na tela. Ilang sandali ay binitawan din agad. Sinalakay siya ng takot na baka magising siya bigla, na lahat ng 'to ay panaginip lang. “Maxine…" Napalingon siya sa tumawag sa kanya. It was her best friend Sierra. Nasa likod niya ito at namumula ang mga mata, halatang galing sa pag-iyak. Napaarko ang kilay niya sa nakita. "Stop crying, masisira ang make-up mo." Saway niya sa kaibigan. “Sorry, hindi ko lang mapigilan. Don't worry, the

  • The Bad Girl   Fifty Three

    Nang huminto ang itim na sasakyan sa harap ng mansion, agad na lumabas sina Maxine at Kael, kasama ang anak nilang si Kaden. Sumunod naman sa kanila ang mag-asawang Constantine at Sofia. Bumukas ang pinto ng sasakyan at bumungad si Kurt, kasunod ang Aunt Julie ng dalaga at kapatid na si Lenoxx. Sandaling natigilan si Maxine. Hindi sila nagkita ng ama sa mahigit na apat na buwan, ngunit napansin niyang mas payapa ang aura nito ngayon. Hindi niya akalaing dadating ito ilang araw bago ang kasal nila ni Kael. Sana lang hindi maging awkward ang mga magulang nila ni Kael sa isa't-isa. "Daddy..." Tawag niya sa ama, napangiti naman si Kurt. "My princess." Hindi na napigilan ni Maxine ang sarili. Malalaking hakbang na tinungo ang direksyon ng ama. Mahigpit niya agad itong niyakap. "Dad..." Mahigpit din siyang niyakap ni Kurt pabalik. "I missed you, princess." "I missed you, too." Naramdaman ni Maxine ang panginginig ng ama. Pilit nitong pinipigilan ang emosyon. Pagkatapos ay

  • The Bad Girl   Fifty Two

    Ang buong hardin ng Montenegro Estate ay nagliliwanag sa ilalim ng daan-daang fairy lights na nakasabit sa mga puno at gazebo. Ang malamig na simoy ng hangin ay nagbibigay ng kakaibang ginhawa habang ang mahinang tugtog ng violin quartet ay pumupuno sa paligid. Masayang nag-uusap ang pamilya at malalapit na kaibigan. Naroon sina Sofia at Constantine, na abala sa pag-uusap tungkol sa mga alaala ng nakaraan. Naroon din sina Sierra at Donald, na parehong nakangiti habang pinagmamasdan ang masayang eksena. Sa gitna ng lahat ng ito, hindi napigilan ni Sierra ang mapaiyak habang nakatingin sa bestfriend niya. Ilang taon rin silang hindi nagkita nito, pero hindi naman naging hadlang ang milya-milyang distansya nila. "She's finally happy," mahina niyang wika, nakadama ng saya para sa kaibigan. Mahigpit na hinawakan ni Donald ang kamay niya. "They deserves this," pangsang-ayon naman nito sa kanya. Tumango siya dito habang pinupunasan ang basang mga mata. Bilang mga kaibigan sa dalawa

  • The Bad Girl   Fifty One

    Galit na galit na nagwawala si Dulce pagdating sa kanyang bahay. Malakas niyang ibinagsak ang handbag sa sahig. Sunod niyang itinulak ang isang mamahaling vase na nakapatong sa console table. CRASH! Nagkalat agad ang bubog sa marmol na sahig. Ngunit hindi iyon sapat para maibsan ang nag-aalab niyang galit. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang mga eksenang nasaksihan niya kanina. Ang kamay ni Kael na mahigpit na nakahawak kay Maxine, na para bang isa itong babasaging kristal. Ang paraan ng pagtitig nito sa babae. She hated the way she looked at her. At higit sa lahat— ang mga salitang binitiwan nito."She's the woman I love."Parang paulit-ulit na kutsilyong tumatarak sa kanyang dibdib. Sagad sa buto ang sakit na kanyang naramdaman. "Aaahhh!" sigaw niya habang sinasabunutan ang sarili. Hindi niya matanggap. Ayaw niyang tanggapin. Sa kanya lang si Kael. Walang ibang magmamay-ari rito kundi siya lang. Sa loob ng maraming taon, naniwala siyang darating ang araw na

  • The Bad Girl   Fifty

    Mainit na sinag ng araw ang marahang pumasok sa silid mula sa siwang ng makapal na kurtina ng balkonahe ang nagpagising kay Maxine. The room was quite, at ang mabagal na paghinga ng dalawang taong mahalaga sa kanya ang maririnig sa paligid. She slowly opened her eyes. Bahagyang nananakit ang buong katawan bunga nang marahas na pagniniig nila ni Kael buong gabi at nito lang madaling araw. Hindi siya tinigilan ng binata hanggang sa makatulog siya. Wala rin siyang maalala kung papano siya nakarating sa kama at may suot na puting t-shirt nito. Ilang segundo siyang natigilan habang pinagmamasdan ang nasa tabi niya. Mahimbing na natutulog si Kaden sa gitna nila habang yakap-yakap nito ang isang unan. Sa likuran naman ng bata ay si Kael na nakayakap sa kanilang dalawa, tila ba natatakot na mawala sila kapag binitiwan sila nito. May mainit na kamay ang humaplos sa puso ng dalaga. Hindi niya namalayang napapangiti na pala siya habang pinagmamasdan ang kanyang mag-ama. Yes! Ang mag-a

  • The Bad Girl   Thirty One

    Buo na ang pasya niya. Kung hindi siya payagan ni Kael na makipaghiwalay dito, kailangan niyang humanap ng ibang paraan—isang paraan na hindi nito kailangang malaman ang totoong dahilan. Hindi niya kayang harapin ang mga mata nito habang sinasabi ang katotohanan. Hindi niya kayang aminin na sa gitn

  • The Bad Girl   Thirty Three

    Nanginginig ang labi ni Maxine habang hinahaplos ang pisngi ng anak.“He’s…” naputol ang sasabihin niya, nang parang may nakabara sa lalamunan niya. Napatingin siya kay Kael—ang mga mata nito ay nakapako sa kanya, naghihintay…naghahanap ng sagot na matagal nang ipinagkait dito.“Mommy…?” mahina at

  • The Bad Girl   Thirty (SPG)

    Inalis ni Maxine ang pagkakakabit ng sinturon ni Kael, ang leather ay lumikha ng tunog habang lumuluwag iyon. Sumunod ang butones ng jeans, saka ang zipper—isang mabagal na tunog ng metal na tila lalong nagpapabigat sa sandali. Itinulak niya pababa ang pantalon hanggang sa balakang nito, at kusa na

  • The Bad Girl   Twenty Nine

    "May kasama ako, friend.” Iyon agad ang bungad ni Sierra nang mapakbuksan ito ng pinto ni Maxine. Bahagyang napakunot ang noo niya nang mapabaling ang tingin sa matangkad na babaeng nasa likod ng kaibigan—nakasuot ito ng oversized hoodie, cap, at shades. “Uh…sino ‘yan?” tanong niya agad, halata

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status