공유

Chapter 204

작가: Raine
last update 게시일: 2025-11-09 15:53:38

Nagsilapitan na ang mga rescue, maging ang mga pulis, upang tumulong.

"Bakit niyo pa ba ako inililigtas? Mas okay na na mamatay na ako!" umiiyak at nagpupumiglas pa rin ang babae.

Nagwawala ito at hindi halos makalapit ang iba pa na gustong umalalay. Sumasakit na ang kamay ni Czarina sa patuloy na paggalaw ni Divine. Napansin iyon ni Zayden kaya kahit medyo mataas ay tinalon na rin niya ang pwesto niya pababa sa rooftop. Hindi maganda ang pagkakababa niya pero wala rin siyang pagkakataon na haw
이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 389

    "Hindi pa tayo close pero darating din tayo diyan, CL." Tinignan ng masama ni Czarina si Ivan. Hindi naman siya natalo kaya wala siyang dahilan para sabihin ang totoo rito. "Hindi nga ako si CL," iritadong sabi niya. Nagkibit ng balikat si Ivan. "Okay, sabi mo, eh." Matapos sabihin iyon ay unti-unting bumalatay ang ngisi sa mga labi ni Ivan. Kahit ano pa ang sabihin ni Czarina ay hindi niya maloloko ang lalaki. He's sure enough that Czarina is CL. At hindi lang iyon ang alam niya tungkol sa babae. ***** Maghahatinggabi na nang umalis si Czarina sa lugar na iyon. Sa halip kasi na umalis agad kanina ay napagtanto niyang mas maganda ng manood nalang din kahit papaano. She stayed for another hour before leaving. May nadaanan siyang bilihan ng streetfoods na open twenty-four seven. Bumaba siya doon at nag-take out. Pagkatapos ay nag-park siya ng sasakyan sa isang park na malapit. Wala gaanong tao at tahimik ang paligid nang maupo siya sa bench. Habang ninanamnam ang binili niyang

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 388

    Magkatapat na ang sasakyan ngayon ni Czarina at ang lalaking naghamon sa kanya, si Van."Walang iyakan kapag natalo," pasigaw na sabi ng lalaki para marinig ng kalaban ang sinabi.He won't go easy just because she's Czarina Laude. Hindi niya na hahayaang matalo muli ng isang babae."Baka ikaw pa ang umiyak dito," sagot naman ni Czarina na competitive din sa mga oras na iyon.Hindi niya rin hahayaang matalo siya.Pagkatunog ng hudyat nila upang magsimula, ay sabay na humarurot ang kanilang sasakyan.Sa mga unang segundo ay nangunguna ang sasakyan ni Czarina. Wala siyang pinapalagpas na segundo at tutok lang ang mga mata niya sa kanyang harapan.Ang mga nanonood na balak ng umuwi kanina ay biglang napabalik sa kanilang pwesto."Si Van na naman? Hindi pa ba siya tapos? Dire-diretso naman na ang panalo niya, ah," sabi ng nasa audience."Babae yata yung kalaban niya...""Nakita ko iyon kanina, pamilyar nga eh. Siya yata yung babae rin na nakatalo noon sa magaling na racer sa kabilang race

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 387

    From: Unknown Hey there, CL! Wanna race tonight? Kunot ang noo na binalikan ni Czarina ang convo nila ng lalaking iyon. Sa pagkakaalala niya ay nai-block niya ito, o hindi ba? Iyon na naman ang taong text ng text sa kanya at pinipilit na siya si CL. Pero dahil gusto niya ring magpapawis ngayong gabi at gustong lumabas ay interesado niyang tinignan iyon. Habang nagta-type ng ire-reply sa hindi kilalang tao na iyon ay nag-text itong muli. Nag-send ito ng isang kilalang race track na hindi kalayuan sa lugar nila. From: Unknown Pagdating mo ay sabihin mo lang ang code name ko: Van. See you there. Czarina put on her racing uniform and went out. "Saan ka pupunta?" tanong ng dad niya nang maabutan siya sa may garage nila upang kumuha ng sasakyan. Mahirap na kasi mag-abang ng taxi sa mga oras na iyon. "Dad," medyo kabado niyang sabi. Kahina-hinala pa naman ang suot niya. "Mag-e-excercise lang po." "We have a gym here," nagtatakang sabi ni Mr. Laude. "Ah, gusto ko rin sana magpahang

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 386

    "Ano'ng ibig mong sabihin, Karlos?" Nagkibit ng balikat si Ivan at itinaas pa ang dalawang kamay. Puno ng sarkasmo ang bawat kinikilos nito. "Hindi ako magsasalita maliban nalang kung tatanggapin mo ang offer kong deal," sagot nito. "Pero sinasabi ko sa'yo, magugulat ka kapag nalaman mo." Humakbang si Ivan na tila aalis na sa lugar na iyon ngunit huminto ito at nilingon si Zayden. "Hiwalay naman na kayo ni Miss Laude, hindi ba?" Hindi maunawaan ni Zayden kung ano ba ang lihim na agenda ni Ivan. He knows this man very well. He's stubborn, very. Kaya ano naman ang pakay nito kay Czarina? Does he like her? Kaya ba ito nagkakaganito? O baka naman gusto niyang saktan si Czarina o kaya ay may kailangan siya sa mga Laude? Umigting ang panga ni Zayden sa galit dahil sa mga naiisip na posibleng dahilan. Humakbang siya palapit, taas noo, at tiim bagang niyang tinitigan ng masama si Ivan. "Don't dare to touch her." Natawa si Ivan sa tinuran ni Zayden. "Touch her? Woah! Tingin

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 385

    "Release my goods, then I'll release yours," sabi ni Ivan Karlos. May ngisi ng tagumpay sa mga labi niya dahil pakiramdam niya ay nanalo siya. "Madali lang naman akong kausap." Ilang segundo siyang tinitigan ni Zayden. Hanggang sa unti-unti itong nagpakawala ng maikling ngiti. He really dared to fight him, huh? Sa loob ng ilang taon ay ilang beses ding sinubukan ni Ivan na sirain ang mga Hart. Pero ano ang magagawa nito? He's too weak for them. "Don't push your luck here, Karlos," mayabang na wika ni Zayden na parang isang bata lamang ang kanyang kaharap na walang laban. "You know what I can do. Alam mo rin na hindi lang kita pinapatulan dahil sa relasyong mayroon ang pamilya mo at pamilya ko noon. Pero may hangganan lang ang pasensya ko." Sa halip na matakot ay mas lalong nanaig ang nararamdamang galit ni Ivan kay Zayden. Nagpadagdag pa sa nararamdaman nito ang pagbanggit ni Zayden sa isang sensitibong topic. He hate Zayden's tone. He hate his guts. He hates everything ab

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 384

    Tahimik na ang kabahayan nang bumaba si Czarina mula sa kanyang kwarto. Tila robot na naglalakad lang ito upang kumuha ng gatas. She tried to sleep but she just can't.Ang mga mata niya'y kusang nagtungo sa may mesa sa kanilang sala. Wala na roon ang dokumentong iniwan niya kanina. Sa mga oras na iyon ay natitiyak niyang alam na ng buong pamilya na opisyal na silang hiwalay ni Zayden.She's no longer a Czarina Laude- Hart.Now, she's back to being Czarina Laude. Just that.Lumabas siya ng bahay at naupo sa may upuan na nasa terasa kung saan madalas tumambay ang kanyang lolo.Malamig ang simoy ng hangin pero sa halip na matuwa at kumalma ay parang nagpapadagdag pa iyon sa hindi magandang nararamdaman niya. It felt like she has to let go of a dream she held on for years.Kinuha niya ang cellphone niya at dahil wala siyang magawa ay nagbukas siya ng social media. Nagulat siya nang makita ang kabi-kabilang artikulo tungkol sa kanya at kay Zayden.May mga nagkalat na larawan ng paglabas at

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 266

    Pagkababa nina Zayden at Calix sa kanilang sasakyan ay nakita agad nila ang dami ng tao. Sa mga ganitong pagkakataon ay naaagaw nila agad ang atensyon ng mga ito pero ngayon ay hindi. Abala ang lahat sa pagchi-cheer sa kung sino, ni wala halos lumilingon sa likod kahit naririnig ang mga sasakyan n

    last update최신 업데이트 : 2026-04-02
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 267

    "Kasama niya si Klarisse, yung artista? Magkaibigan yata sila. May insidente kanina, hindi ako sigurado pero parang nabastos yata yung Klarisse kaya nakipagtalo si Czarina. At ngayon, ito na nga ang resulta," kwento pa ni Trevor. Hindi na halos pansinin ni Zayden si Trevor. Nakatutok na ang mga ma

    last update최신 업데이트 : 2026-04-02
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 263

    Maaga pa ay marami ng tao sa may race track, iyon amg pinakamalawak na race track sa lugar. Madaming tao talaga madalas doon pero doble ang dami no'n ngayon dahil sa naka-schedule na racer. Habang nakatingin sa daan kung saan magra-race ang mga kasali ay bumalik ang maraming alaala sa isipan ni C

    last update최신 업데이트 : 2026-04-02
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 269

    "Bro!" Halos nakangangang sambit ni Calix at binunggo ang balikat ng kaibigan. "Si Czarina nga!" Nag-aapoy ang mga mata ni Zayden na nakatutok sa gawi ni Czarina. Pagbukas pa lamang ng pinto ng sasakyan ay alam na agad ni Zayden kung sino ang nasa loob. Ilang minuto pa ay huminto na rin ang sasak

    last update최신 업데이트 : 2026-04-02
더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status