Share

Chapter 2

Author: Lianna
last update publish date: 2026-02-17 19:01:38

Willow

I am busy at work dahil may mga changes na kailangang gawin sa design ng ipinapatayong projects ng Samaniego’s Pride dito sa Palawan.

Dalawang buwan na din ako dito at masasabi ko naman na masaya ang stay ko dito lalo na at kasama ko ang kaibigan ko na si Leonard na siyang Engineer ng project na ito.

Idagdag pang nakasundo din namin ang aming boss na si Dylan Glenn Samaniego.

Mabait siyang boss at parang magkakabarkada nga lang kaming lahat dito at dahil ako ang nag-iisang babae sa team, masasabi ko na inaalagaan naman nila ako.

Napalingon ako nung pinakilala ng boss namin ang bagong dating na kaibigan niya na galing Maynila.

Kilala ko naman siya but not personally really dahil kahit paano, naikekwento na siya sa amin ni Dylan.

And I can say na famous din sila sa business world dahil sa husay nila sa negosyo.

Joshua Xenn Monteverde!

Napangiti ako nung magtama ang mga mata namin at saka ko binalikan ang trabaho ko dahil gusto  kong matapos ito agad.

Plano kong humingi ng ilang araw na off kay Dylan dahil kailangan kong umuwi ng Manila para puntahan ang pamilya ko.

Nagulat na lang ako nung lapitan ako ni Mr. Monteverde at ilahad ang kamay niya bilang tanda ng pagpapakilala. At siyempre naman tinanggap ko iyon kahit pa naguguluhan ako kasi hindi naman niya kailangang gawin iyon.

I felt something as our skin touched at hindi ko iyon maikakaila sa aking sarili. Agad kong binitiwan ang kamay niya dahil para ba akong napaso.

Red flag! 

Was it attraction? Hindi ko masabi!

“Guys, lunch tayo sa labas! My treat!” sabi ni Mr. Monteverde kaya naghiyawan ang mga kasamahan ko pero nanatili akong nakayuko at nagtatrabaho

“Will, lunch daw tayo!” sabi  ni Dylan kaya muli akong tumingin sa kanila

“Hindi na ako sasama, boss! Kailangan kong maihabol ang revisions ngayong araw!” pagdadahilan ko 

Although in my mind, sayang ang matitipid ko dahil libre na ito pero tinatanggihan ko. 

At hindi naman totoo na kailangan ko ng matapos ang trabaho pero dahil hindi ako kumportable na kasama ang kaibigan ng boss ko.

“Kasama naman natin ang boss mo, Willow, kaya sure ako na walang problema yan!” sabi ni Mr. Monteverde kaya  napatingin ako kay Dylan

Well, allowed na akong tawagin ang boss namin with his first name dahil close na nga kami.

“Tara na Will! Hindi kumpleto ang barkada kung wala ka!” sabi niya pa sa akin kaya tumango na lang ako dahil hindi naman tiyak papayag si Dylan na hindi ako sumama

“Hintayin namin kayo sa labas!” dagdag pa nito at lumabas na sila sa opisina namin

Inayos ko na ang mga gamit ko at agad naman akong nilapitan ni Leonard. He was my friend since high school at nung college, naghiwalay kami since Engineering ang course niya  samantalang Architecture naman ang sa akin.

Pero kahit ganun, hindi nawala ang pagkakaibigan namin at palagi pa rin naman kaming nagkikita. 

At madalas, nagkikita kami pag may problema ako.

He is my bestfriend at ang akala nga ng nakakakita sa amin ay may ‘Kami’ pero wala talaga and it is just pure friendship.

Noong humarap ang pamilya ko sa malaking krisis, nagdecide na akong tumigil sa pag-aaral at maghanap na lang ng trabaho pero hindi ito pinayagan ni Leonard.

Nasa first year college na ako noon at imposible ng matupad ang pangarap kong maging arkitekto dahil wala na kaming pera. Baon sa utang ang pamilya ko at naubos na ang lahat ng pwedeng ibenta ng magulang ko.

“Hindi ka hihinto sa pag-aaral!” matigas na pasya ni Leonard pero natawa na lang ako dahil ano ba ang magagawa niya

Katulad ko, nakaasa lang din siya sa kanyang mga magulang. Ang kaibahan lang, mas may kaya sila sa amin at mas marunong humawak ng pera ang parents niya.

“Pwede ko namang balikan ang pag-aaral, Leonard. Hindi ko naman kinakalimutan yung pangarap ko. Isasantabi ko lang muna!” paliwanag ko sa kaibigan ko pero ako man ay tila ayaw ng paniwalaan ang bagay na iyon

Sa estado ng pamilya ko ngayon, ang kailangan ay makatulong ako sa pagbabayad ng utang ng magulang ko at para na din sa pag-aaral ng mga nakababata kong kapatid.

“Nangako tayo na sabay tayong magtatapos, Willow!” tila naiinis na pahayag ni Leonard kaya napahinga na lang ako ng malalim

“Hayaan mo na muna yun! Ang mahalaga, makatulong muna ako sa pamilya ko!” sagot ko pa

Nung araw na yun, malungkot kaming naghiwalay ni Leonard at malinaw na sa akin na hindi na ako makakapag-enrol sa susunod na pasukan. Pero hindi ko alam na gumawa pala ng paraan si Leonard para maituloy ko ang  pag-aaral ko.

Nakiusap siya sa daddy niya na tulungan akong ihanap ng sponsor at dahil kilala naman ako ng parents niya, nakaramdam sila ng awa sa akin kaya naman tinupad nila ang hiling ng kanilang anak.

Through a sponsorship na ibinigay sa akin ng hindi nagpakilalang tao, nagawa kong ipagpatuloy ang pag-aaral ko. At the same time, nagtrabaho ako para kahit paano ay may panggastos ako. At kung kinakapos man ako, nandyan si Leonard para bigyan ako ng pera.

Kaya naman malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil sa lahat ng tulong niya sa akin. Hindi ko mararating kung nasaan man ako ngayon kung hindi dahil sa kanya pati na din ang parents niya.

Siya din ang nagconvince sa akin na mag-apply sa Samaniego's Pride nung magkaroon ng hiring lalo na at nagka-problema ako sa una kong pinapasukang kumpanya.

At ito nga ang unang project ko dito kina Dylan. Unang proposal ko pa lang ay nagustuhan na nila kaya naman feeling ko, hindi ako nagkamali ng pinuntahan. 

They appreciate my work at hindi gaya sa dati kong kumpanya na nadadaan sa palakasan.

“Anong problema at nag-iinarte ka?” pukaw ni Leonard sa pag-iisip ko kaya nabalik ako sa kasalukuyan

Inirapan ko si Leonard kaya natawa ito pero kalaunan ay sumeryoso din siya.

“Sige na…sabihin mo na! Pero mamaya na pala! Naghihintay na sila Dylan!” ani Leonard kaya tumayo na ako at lumabas na kami ng office

“Nag-away na naman kayo ni Tita no?!” tanong niya sa akin habang nakaakbay sa akin at hindi na ako nagsalita 

Alam na alam ni Leonard na  pag ganitong wala ako sa mood, may problema na naman sa pamilya ko.

Sumakay na ako sa kotse na gamit ni Leonard dito sa site at doon na nga nagpatuloy ang interrogation niya sa akin habang nagmamaneho siya at nakasunod sa sasakyan ng mga kasama namin.

“Ano pa bang bago Leonard?” balik tanong ko sa kanya

“What did she do this time?” tanong ulit ng bestfriend ko

“Same problems and habits!” maiksing sagot ko

“What? Akala ko ba, hindi na nagsusugal ang Mommy mo?” tanong niya sa akin at yun din naman ang alam ko

Dahil sa naging bisyo nila ni Daddy, naubos ang kabuhayan na pinamana ng Lolo ko sa Mommy ko. Naibenta lahat dahil nagkandautang-utang sila sa casino at doon na din nagsimula ang kalbaryo naming magkakapatid. 

Noong mamatay ang Daddy three years ago, akala ko, nagbago na si Mommy at tumigil na sa pagsusugal. Pero mali pala ang akala ko.

“Yun din ang akala ko, Leonard. Pero kahapon, tumawag sa akin si Katrina at sinabing may mga nagpuntang pulis sa bahay. Idinemanda pala si Mommy nung inutangan niya ng pera dahil hindi na ito nakakabayad.” kwento ko sa kaibigan ko

“Kinausap ko si Mommy kahapon at tinanong kung saan ba niya ginamit ang pera dahil hindi naman ako nagkukulang sa kanila. Noong una, ayaw niyang umamin sa akin pero bandang huli, nalaman ko na nagsimula na naman siya sa bisyo niya! Ayun, ang ending, galit pa sa akin dahil kulang daw ang binibigay ko sa kanya kaya napilitan siyang magbakasakali sa sugal!” 

Nanatili namang tahimik si Leonard at hinayaan niya lang akong mag-rant.

“Ako pa talaga ang sinisi! If I know, she is just trying to justify her faults! At hindi naman totoong nagkukulang ako, Leonard! Halos wala na ngang matira sa akin eh! Ultimo sideline ko sa online selling, napupunta sa kanila!” 

Galit na galit talaga ako pero ano bang magagawa ko? Nanay ko siya at pamilya ko sila kaya hindi ko naman pwedeng pabayaan!

“Pati pang-tuition ni Katrina, hindi niya binibigay! Ngayon lang din inamin sa akin ng kapatid ko na puro na pala siya promisorry notes sa school! Nahihiya na ang kapatid ko pero siya, wala siyang pakialam!” 

“Easy ka lang! Nandito naman ako eh! Handa kitang tulungan!” sabi ni Leonard pero umiling na lang ako kasi ayoko ng tumanggap ng tulong sa kanya

Kung iisipin, lagpas ulo na ang utang ko kay Leonard at kahit sabihing hindi niya ito pinapabayaran dahil tulong ito, ayokong abusuhin at dagdagan pa ang mga iyon.

“Okay lang, Leonard! May naitabi naman ako kaya balak kong magpalaam kay Dylan. Uuwi muna ako sa Manila para ayusin ang problema” sagot ko sa kaibigan ko

“Nahihiya ka pa ba sa akin?” Leonard said at alam ko na sasabihin niya ito

Pero ayoko na talagang kumuha ng tulong mula sa kanya. Nahihiya na ako!

“Hindi pero okay lang talaga ako! Alam mo naman na kung kailanganin ko ng tulong, hindi ako mahihiyang magsabi sa iyo!” sagot ko sa kanya

“Dapat lang! Alam mong hindi kita pababayaan, right?”

Maswerte talaga ako sa kaibigan kong ito pero gaya ng sinabi ko, ayoko naman abusuhin lalo na at totoo namang may naipon ako. Nakakalungkot lang dahil kailangan ko itong bitawan dahil sa kagagawan ng aking ina.

Nakarating kami sa restaurant kung saan huminto ang mga kasama namin at ang alam ko, isa ito sa pinakamahal na kainan dito sa Palawan. Well, marami namang pera ang kaibigan ng boss ko kaya sure ako na barya lang ito para sa kanya.

Sabay na kaming pumasok ni Leonard sa restaurant at nung mapatingin ako kay Mr. Monteverde ay nakita ko ang tila matalim na tingin niya sa amin ni Leonard. Nakasimangot pa nga ito nung ipaghila ako ng upuan ng kaibigan ko at tama namang siya ang katapat ko sa mesa.

Hindi ko na lang pinansin at inisip ko na baka pakiramdam ko lang iyon. Masyadong okupado ang isip ko sa ngayon sa dami ng problemang kakaharapin ko pagbalik ko sa Manila.

At natitiyak ko na giyera na naman ang aabutan ko sa aking pag-uwi!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Affair Book 11 Beautiful Goodbye   Chapter 90

    JoshuaIlang taon na din ang nagdaan at masasabi ko na naging masaya ang bawat araw na kasama ako ang aking pamilya. They are my life at sila ang dahilan kung bakit mas naging pursigido ako to be the best person that I can be.Graduation ngayon ni Xander sa college at sobrang proud kami sa kanya ng kanyang Mommy Willow dahil naging mabuti siyang anak at Kuya sa mga kapatid niya. Kumuha siya ng kursong Business Management dahil gusto daw niyang makatulong sa kumpanya at doon ako natutuwa dahil nakikita ko ang kagustuhan niyang bumawi sa amin sa pagkupkop namin sa kanya.Miracle Blesilda is already in her first year in highschool at matalino din ang anak ko na ito. She has been a consistent honor sa school niya at sobrang proud na proud kaming Mommy niya sa kanya.Nasundan pa si Miracle and we named our son, Justine Xianne, which is obviously from my name at siya ay walong taong gulang na. Nasa elementarya na din siya at gaya ng Kuya at at nila, he has been making us proud of his achiev

  • The Billionaire's Affair Book 11 Beautiful Goodbye   Chapter 89

    WillowNakatingin sa akin si Kuya Diego habang inilalapag ko ang mga pagkain na dala ko sa kanya sa pagdalaw ko sa kanya sa kulungan. Ilang buwan na ding nakakulong ang kapatid ko magbuhat nung mabuwag ang grupo ng aking ama na isa palang notorious na sindikato.Involved sila sa drugs, kidnapping at carnapping at matagal na silang tinutugis ng pulisya. Gaya ng sinabi ni Kuya bago kami maghiwalay, isinuplong niya ang sarili naming ama matapos niyang itakas ang kanyang Mommy at ang isa pa naming kapatid na si Pamela sa lugar kung saan sila ikinulong ng aming ama.Labis na poot ang naramdaman ko noong malaman ko ang tungkol sa bagay na yun. Hindi masaya si Kuya Diego sa ginagawa niya pero dahil ginagamit na panakot ni Amadeo ang Mommy at kapatid nito, napilitan siyang pasukin ang sindikato maprotektahan lang ang mga ito.Mabuti na lang, nalaman na niya kung saan sila itinago ng aming ama kaya naman nung masiguro niyang ligtas na ang mga ito ay saka niya isinuplong ang aming ama.Pero hi

  • The Billionaire's Affair Book 11 Beautiful Goodbye   Chapter 88

    WillowPasado alas tres nung makarating ako sa bahay namin at ganun na lang ang gulat ng guard on duty nung makita niya ako.“Ma”am Willow!” “Kuya Bert, ako nga po!” Inaasahan ko na bubuksan niya ang gate pero nagulat ako kasi hindi naman siya kumikilos.“Kuya Bert, pakibuksan po ang gate.” sabi ko dito at nakita ko ang pag-aalangan sa mukha niya“May problema po ba?” “Eh Ma’am, pasensya na po! Ang bilin po kasi ni Sir, huwag magpapasok ng kahit na sino.” nagulat ako sa sagot niya sa akin at pinigilan ko na lang na magalit “Hindi naman ako kung sino lang, Kuya Bert! Nakalimutan niyo ba na diyan ako nakatira?” “Eh yun po kasi ang bilin ni Sir!” tila nahihiyang sagot niya sa akin kaya naman nagtaka ako kung bakit ako pagbabawalan ng asawa ko na pumasok sa sarili kong bahay“Nandyan ba si Josh? Kuya Bert, baka pwedeng makausap!” tanong ko at nakita ko ang Lito sa mukha nito“Mang Bert….” pamimilit ko “Eh Ma’am, wala po sila Sir dito!” he answered me at hindi na nga ako sumagot Ku

  • The Billionaire's Affair Book 11 Beautiful Goodbye   Chapter 87

    WillowDalawang araw na nawala si Diego at tuluyan na akong nawalan ng pag-asa na makakaalis pa ako dito.Naisip ko na baka nagbago na ang isip niya patungkol sa pagtulong sa akin o kaya naman ay hindi talaga niya balak gawin yun.Maaring nilinlang niya lang ako para hindi na ako lumaban.Narinig ko ang pagbukas ng pinto at hindi ko na ito nilingon. Alam ko naman kasi na ang kasambahay lang ito at dadaluhan na naman niya ako ng pagkain.Simula ng umalis si Diego, sa kwartong ito na ako nanatili. Nagpupunta si ang kaibigan ni Amadeo para I check ako at kahapon nga, sinabihan niya ako na ingatan ang sarili ko at magpalakas dahil tuloy na tuloy na ang operasyon.Mukhang si Amadeo nga talaga ang ama ko dahil perfect match kami.For once, I prayed na sana, hindi kami mag-match. In that way, papauwiin na niya ako pero sa nalaman ko, tinanggap ko na lang ang kapalaran ko.Ang mahalaga, makakabalik pa ako sa pamilya ko pagkatapos ng lahat.“Willow…..”Nanlaki ang mata ko at agad akong napali

  • The Billionaire's Affair Book 11 Beautiful Goodbye   Chapter 86

    Joshua“Mommy, kamusta ang anak ko?” tanong ko sa aking ina noong makababa na siya mula sa ikalawang palapag ng mansionTinabihan niya ako sa couch at hinimas ang likod ko dahil alam niyang sobrang bigat ng nararamdaman ko.Pangalawang gabi na ngayon buhat nung mawala si Willow at iyak ng iyak ang anak namin dahil hinahanap siya nito. Hindi namin ito mapatahan ni Annie kaya naman tinulungan na kami ni Mommy. Ang sabi ng kasambahay namin, may lalaking nagpunta sa mansion noong kaarawan ni Miracle at hinanap ang asawa ko.At hindi na nga siya bumalik…Pati ang guard na naka-duty noong panahon na yun ay no where to be found kaya naman doon na ako nag-alala.Sira din ang CCTV na naka-konekta sa gate kaya mas tumindi ang hinala ko na may nangyayaring hindi maganda sa asawa ko.“Nakatulog na si Miracle, iho! Napagod na din siguro sa pag-iyak!” malungkot na sagot ni Mommy“Mom, bakit ganun? Bakit hindi maubos-ubos ang problema naming mag-asawa? Wala na ba itong katapusan?” frustrated na t

  • The Billionaire's Affair Book 11 Beautiful Goodbye   Chapter 85

    Willow“Daddy, ano bang sinasabi ninyo? Wala sa usapan natin yan!” galit na sabi ni Diego pero sinamaan lang siya ng tingin ni Amadeo“Manahimik ka nga, Diego! Ikaw, higit sa lahat ang nakakaalam na hindi ako tumutupad sa usapan! Kaya nga tayo mas yumaman!” sabi naman ng matanda sa kapatid ko“Hindi ako pwedeng mag-donate! May sakit ako!’ sagot ko kaya napatingin sa akin si Diego pero ang dalawang matanda ay tila hindi naman nabigla“Magaling ka na, Willow! And you are a fit donor for your Daddy!” nakangiting sagot ng doctor kaya napakunot ang noo ko“Alam ko ang tungkol sa naging sakit mo, anak! Pero alam ko din na magaling ka na kaya huwag kang gumawa ng kwento!” sabi ni Amadeo kaya lalong naglatang ang galit ko sa kanya “Pinaimbestigahan mo ba ako?” Natawa si Amadeo! Yung tawang kasusuklaman mo!“Negosyante ako, anak! Kailangan alamin ko ang lahat bago ko pa ito pasukin!” “Wala kayong karapatan! Wala kayong karapatan!” sabi ko at napaiyak ako nung lapitan ako ni Diego at yakapi

  • The Billionaire's Affair Book 11 Beautiful Goodbye   Chapter 5

    Willow“Saan kayo nagpunta ni Josh kagabi?”Napaangat ang mga mata ko ng marinig ko ang sinabi ni Dylan. Hindi ko alam na may alam siya tungkol sa paandar ng kaibigan niya kagabi.“Ha?!” patay- malisyang sagot ko and I saw how that wicked smile formed in the corner of his lips“I know my brother v

  • The Billionaire's Affair Book 11 Beautiful Goodbye   Chapter 4

    WillowHindi ako mapakali habang papalapit ang oras ng pagsundo sa akin ni Josh. Sa totoo lang, natatakot ako dahil ayoko dito sa nararamdaman ko para sa kanya. Hindi naman ito ang unang beses na nakaramdam ako ng ganito at katulad ng dati, I wanted to dismiss it dahil para sa akin, sagabal lang i

  • The Billionaire's Affair Book 11 Beautiful Goodbye   Chapter 3

    WillowMasaya ang naging lunch ng team at paminsan-minsan ay sumasali ako sa biruan ng grupo pero alam ko naman na nahahalata ng mga kasama ko ang paminsang pananahimik ko. Hindi ko alam kung ano ang aabutan ko sa aking pag-uwi at sa totoo lang, sumasakit talaga ang ulo ko dahil doon.“Okay ka lan

  • The Billionaire's Affair Book 11 Beautiful Goodbye   Chapter 1

    JoshuaKakarating ko lang sa bar ng mga Samaniego kung saan kami magkikita ng kababata kong si Helious at ni Kuya Mitchell. Alam kong late na ako sa usapan namin dahil galing pa ako sa isang hotel kasama ang sekretarya kong si Bangs.It’s been a while since we had this fubu thing at para sa akin na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status