LOGINWillow
“Saan kayo nagpunta ni Josh kagabi?”
Napaangat ang mga mata ko ng marinig ko ang sinabi ni Dylan. Hindi ko alam na may alam siya tungkol sa paandar ng kaibigan niya kagabi.
“Ha?!” patay- malisyang sagot ko and I saw how that wicked smile formed in the corner of his lips
“I know my brother very well, Will! Hindi yun magpapakahirap na magpunta dito kung wala siyang ibang pakay maliban sa pagdalaw sa akin!” sagot sa akin ng boss ko
“Sinabi ba niya?” tanong ko pero umiling naman si Dylan
“Huli ka balbon!”
Napasimangot ako dahil hinuhuli lang pala ako ni Dylan at natawa na lang siya dahil nagtagumpay naman siya.
“Mabait naman si Josh! May topak lang din gaya ko!” sabi pa niya and I rolled my eyes at him
“Ano naman ang ibig sabihin niyan, Dylan?” tanong ko sa kanya
“Ang ibig kong sabihin, kung magugustuhan mo si Joshua, okay naman siya! Mabait siya, gwapo, responsable, magaling na negosyo at….”
“At babaero gaya mo!” pagtatapos ko sa sentence ni Dylan kaya napakunot ang noo niya na nauwi sa pagtawa
“Grabe ka naman!” sagot niya sa akin kaya tumikwas ang kilay ko
“In case you forgot, Dylan, ikaw ang magsabi nun. Ikaw Ang nagkwento sa akin na ganun kayo, so bakit ako magtitiwala sa kaibigan mo?” prangkang siya ko sa kanya
Hindi naman siya kumibo kaya napailing na lang ako.
“Tsk! Sige na, umalis ka na diyan sa mesa ko kasi may gagawin pa ako!” pagtataboy ko sa kanya dahil nakaupo siya sa desk ko
“Sinabi ko ba yun?” bulong niya
At talagang nagmaang-maangan pa!
Pabalik na si Dylan sa desk niya nung tawagin ko siya dahil naalala kong kailangan kong magpaalam para sa pag-uwi ko sa Maynila.
“Sasagutin mo na siya?” malokong baling niya sa akin kaya pinandilatan ko siya ng mata
Mabuti na lang talaga, kaming dalawa lang ang nandito sa office namin dahil kung hindi, katakot-takot na buska ang maririnig ko lalo na mula kay Leonard
“Hindi! Asa naman to! Magpapaalam lang sana ako na kung pwede, umuwi ako ng Manila sa Friday.” sagot ko sa kanya
“Bakit?” tanong niya
“May kailangan lang akong ayusin doon!” sagot ko dito
Kahit naman close na kami, wala akong naikwento sa kanya tungkol sa problema ko sa pamilya ko.
Ang tanging alam lang niya, ako ang breadwinner sa amin at pinag-aaral ko pa ang dalawang kapatid ko.
“Sumabay ka na sa akin sa Sabado. Luluwas din ako kasi kailangan kong magreport kay Daddy. Isasama ko naman talaga kayo ni Leonard para doon!” sagot niya sa akin
Hindi ko pa nakikilala ng personal ang Daddy ni Dylan na si Mr. Anton Drake Samaniego pero marami na din akong nabasa tungkol sa kanya.
Bilyonaryo at isang magaling na negosyante noong panahon niya.
“Ganun ba?” tanong ko at naisip ko na okay lang yun dahil sayang din naman ang pamasaheng matitipid ko
“Narinig ko yata ang pangalan ko!”
Dumating na pala si Leonard at nakita ko na may dala siyang bouquet ng pulang Rosas.
“Aga mo namang manligaw?” ani Dylan habang nakatingin sa dala ng aming kaibigan
“Ako? Hindi no! Para kay arki to!” ani Leonard dahil ganun niya ako tawagin lalo pag inaasar niya ako
“Sa akin? Bakit? Anong okasyon?” tanong ko kaya nanlaki ang mata ni Leonard
“Iniisip mo ba na sa akin galing ito! Kadiri ka, arki!” anito kaya tinaasan ko siya ng kilay
“Ayos ah! Parang luging-lugi ka naman sa akin!”
Natawa na din si Dylan dahil simula na ng asaran namin ni Leonard.
“Leonard, aalis tayo ng Saturday morning ha. Kailangan nating magreport kay Dad at birthday na din niya sa Sunday.” ani Dylan at siyempre, hindi naman kami pwedeng tumanggi dahil boss pa rin namin siya
“Okay!” sagot naman ni Leonard
“O siya, manligaw ka na!” pang-aasar ni Dylan kaya agad namang lumapit si Leonard sa mesa ko
“Naku boss! Hindi pa nasisira ang ulo ko! Di sana noon ko pa niligawan yan kung sakaling may gusto ako sa kanya!” anito sabay lapag ng bulaklak sa mesa ko
“Pinapabigay nung delivery man! Ako na ang pumirma kasi sabi ko, baka ihampas mo sa mukha niya yang bulaklak na yan!”
Nalukot ang mukha ko sa sinabi ni Leonard kaya agad naman siyang tumalikod lalo at nakita niyang naiinis na ako.
Tinitignan ko ang bulaklak at ayoko namang mag-assume pero feeling ko, kay Joshua galing ang mga ito. Wala akong nakitang card kaya iginilid ko na lang ito hanggang sa marinig kong may pumasok na mensahe sa cellphone ko.
Kinuha ko ito at nakita ko na si Joshua ang nagpadala ng message sa akin.
“Thank you for the lovely night, Willow. Hindi na ako nakapagpaalam sa iyo dahil nagkaroon ng emergency meeting ang board and I need to be there. Rest assured, I will see you again so please, wait for me! I really, really like you! I hope the flowers I sent you makes you smile. Please think of me! Always, Joshua!”
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng lungkot dahil pagtapos ng date namin kagabi umuwi na pala siya ng Maynila at hindi na nga nagawang makapagpaalam sa akin.
Of course, naiintindihan ko naman yun. At sa tingin ko nga, ang mga bulaklak na padala niya ang pambawi niya.
Napahinga ako ng malalim dahil hindi ko alam kung okay lang ba na ientertain ko si Joshua. Nadala na ako sa ilang beses na kailangan kong isuko ang mga lalaking minahal ko dahil sa kumplikasyon ng pamilya ko.
Marami akong kailangang gawin para sa pamilya kong nakaasa sa akin at ang umibig ulit ay tila malabo na para sa akin sa ngayon. Nakakatawa lang dahil nung makilala ko si Joshua, may problema na naman ang pamilya ko at sa palagay ko nga, senyales na ito.
Ibinalik ko na ang atensyon ko sa trabaho at pinilit ko ng kalimutan ang masayang gabi na yun pero paulit-ulit naman itong nagsusumiksik sa isip ko. Aaminin ko naman na nag-enjoy ako sa date namin ni Joshua at kahit sandali lang, kahit paano ay nakilala ko siya.
Alam ko naman na hindi sapat ang isang gabi para makilala ko siya ng lubusan pero sa sandaling pag-uusap naan namin ay naramdaman ko na mabuti siyang tao. Pero wala naman halaga yun dahil sa sitwasyon ko ngayon, pakiramdam ko, mahihirapan akong makahanap ng lalaking mauunawaan ang kalagayan ko.
Isa akong anak na maraming pasan na responsibilidad sa kanyang mga balikat.
Baka nga siguro, hindi para sa akin ang pakikipagrelasyon.
O baka naman, pwede na basta maging okay na ang lahat at sa tingi ko, malayo pa yun.
Hanggang hindi nagbabago si Mommy, hindi matatapos ang problema at ngayong naalala ko na naman ang problemang daratnan ko sa Manila, sumasakit na ang ulo ko!
Itinabi ko na ang telepono ko at hindi ko na sinagot ang message ni Joshua sa akin. Bahala na siya kung ang magiging dating nito sa kanya ay hindi ako interesado sa paglapit niya sa akin.
Mas mabuti na nga siguro yun dahil sa ngayon, loaded pa ako with my job and my family.
Dumaan ang maghapon at walang tigil ang pagpapadala ni Joshua ng mensahe sa akin pero tiniis ko talagang hindi ito sagutin. Although in my heart, alam kong unfair yun at dapat sabihin ko na sa kanya na huwag ng ituloy ang balak niya.
Pero parang hindi naman umaayon ang puso ko pag naiisip kong gawin yun.
Gusto ko din ba siya?
Hindi ko alam!
********
Pagkatapos ng meeting namin sa opisina ng mga Samaniego noong Sabado ng umaga ay hinatid na ako ni Leonard sa bahay namin.
“Samahan ba kita?” presinta nito bago ako bumaba ng kotse niya
“Hindi na! Kaya ko na yan!” sagot ko naman sa kanya
“Baka kasi saktan ka na naman ni Tita!” nag-aalala na saad ni Leonard kaya huminga ako ng malalim
Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ni Leonard na sa twing nagtatalo kami ni Mommy ay sinasaktan niya ako. Pero pinipili kong hindi lumaban dahil nanay ko pa rin siya.May paggalang pa rin ako sa kanya bilang Mommy ko kahit pa alam kong gahibla na lang ang kapit nito at malapit na ding bumigay.
I smiled at my best friend at agad naman niya akong niyakap.
“Tawagan mo ako agad pag may problema!” tumango ako at agad ko ng binuksan ang pinto ng kotse
Feeling ko kasi, maiiyak na naman ako dahil sa bigat ng loob ko.
Hinintay muna ako ni Leonard na makapasok sa loob ng gate nago niya pinaandar ang kotse. Ito na lang ang tanging natira sa amin mula sa mga namana ni Mommy sa aking Lolo.
Mabuti nga, hindi pa niya naiisipang ibenta o isangla ito pero hindi ko inaalis ang posibilidad na pwede yung mangyari. Baka nga magulat na lang ako isang araw, may kukuha na ng bahay na ito.
Hindi na ako kumatok at agad kong binuksan ang pinto at naabutan ko si Mommy na nagkakape sa dining area.
“O Willow, uuwi ka pala, hindi ka nagpasabi!” ni Mommy habang nakatingin sa akin
“Ate!” sabi naman ni Katrina na noon ay pababa ng hagdan
“Nagsumbong na pala sa iyon yang kapatid mo!” ani Mommy na tila hind naman na-bother sa biglaan pag-uwi ko
“Mommy, ano na naman ba itong pinasok mong gulo?” deretsa kong tanong sa kanya
Hindi na kailangang pahabain pa dahil iisa lang naman ang kahahantungan nito.
Away…
“Bakit Willow? Ano, baligtad na ba ang mundo? Ikaw na ang Nanay?” sarkastikong tanong nito sa akin
“Mommy naman! Hindi pa ba kayo natuto sa mga nangyari sa atin noon? Pati ba naman ang pang-tuition ni Katrina, pinakialaman ninyo?” galit na tanong ko sa kanya
Takot namang humawak sa aking ang kapatid ko at alam kong natatakot na siya sa pagtaas ng boses namin.
“Hoy Willow! Huwag mong sabihin na porke ikaw ang kumikita sa pamilyang ito, may karapatan ka ng pagtaasan ako ng boses! Baka nakakalimutan mo, anak lang kita!” bulyaw sa akin ni Mommy pero sa totoo lang, sanay na ako dito
Ganun naman siya eh! Inuunahan niya ng galit!
“Mommy, hindi ko nakakalimutan na nanay kita! Pero sana naman, umakto kayong nanay sa amin! Gawin niyo naman ang tama!” sagot ko kay Mommy ay napatayo na nga si Mommy at agad akong nilapitan
“Ang kapal ng mukha mong bata ka! Anak lang kita! At kung binubuhay mo man kami, pwes, pasensya ka kasi responsibilidad mo yan!”
“OO Mommy, alam ko yun! Pero kayo? Yung responsibilidad ninyo bilang nanay namin, nagawa niyo ba? Nanay lang kayo sa pangalan pero hindi niyo kami iniintindi!”
Isang sampal ang pinadapo ni Mommy sa mukha ko kaya napaiyak naman ang kapatid ko.
“Ate…’’
Mapait akong tumingin sa aking ina at sa totoo lang, malapit na talaga akong mapuno!
Konti na lang, susukuan ko na ang pagiging anak niya!
“Magbihis ka na KAtrina! Pupunta tayo ngayon sa school mo!” galit na utos ko sa kapatid ko at sumunod naman ito habang si Mommy, kaswal lang na bumalik sa mesa at ipinagpatuloy ang pagkakape niya.
JoshuaIlang taon na din ang nagdaan at masasabi ko na naging masaya ang bawat araw na kasama ako ang aking pamilya. They are my life at sila ang dahilan kung bakit mas naging pursigido ako to be the best person that I can be.Graduation ngayon ni Xander sa college at sobrang proud kami sa kanya ng kanyang Mommy Willow dahil naging mabuti siyang anak at Kuya sa mga kapatid niya. Kumuha siya ng kursong Business Management dahil gusto daw niyang makatulong sa kumpanya at doon ako natutuwa dahil nakikita ko ang kagustuhan niyang bumawi sa amin sa pagkupkop namin sa kanya.Miracle Blesilda is already in her first year in highschool at matalino din ang anak ko na ito. She has been a consistent honor sa school niya at sobrang proud na proud kaming Mommy niya sa kanya.Nasundan pa si Miracle and we named our son, Justine Xianne, which is obviously from my name at siya ay walong taong gulang na. Nasa elementarya na din siya at gaya ng Kuya at at nila, he has been making us proud of his achiev
WillowNakatingin sa akin si Kuya Diego habang inilalapag ko ang mga pagkain na dala ko sa kanya sa pagdalaw ko sa kanya sa kulungan. Ilang buwan na ding nakakulong ang kapatid ko magbuhat nung mabuwag ang grupo ng aking ama na isa palang notorious na sindikato.Involved sila sa drugs, kidnapping at carnapping at matagal na silang tinutugis ng pulisya. Gaya ng sinabi ni Kuya bago kami maghiwalay, isinuplong niya ang sarili naming ama matapos niyang itakas ang kanyang Mommy at ang isa pa naming kapatid na si Pamela sa lugar kung saan sila ikinulong ng aming ama.Labis na poot ang naramdaman ko noong malaman ko ang tungkol sa bagay na yun. Hindi masaya si Kuya Diego sa ginagawa niya pero dahil ginagamit na panakot ni Amadeo ang Mommy at kapatid nito, napilitan siyang pasukin ang sindikato maprotektahan lang ang mga ito.Mabuti na lang, nalaman na niya kung saan sila itinago ng aming ama kaya naman nung masiguro niyang ligtas na ang mga ito ay saka niya isinuplong ang aming ama.Pero hi
WillowPasado alas tres nung makarating ako sa bahay namin at ganun na lang ang gulat ng guard on duty nung makita niya ako.“Ma”am Willow!” “Kuya Bert, ako nga po!” Inaasahan ko na bubuksan niya ang gate pero nagulat ako kasi hindi naman siya kumikilos.“Kuya Bert, pakibuksan po ang gate.” sabi ko dito at nakita ko ang pag-aalangan sa mukha niya“May problema po ba?” “Eh Ma’am, pasensya na po! Ang bilin po kasi ni Sir, huwag magpapasok ng kahit na sino.” nagulat ako sa sagot niya sa akin at pinigilan ko na lang na magalit “Hindi naman ako kung sino lang, Kuya Bert! Nakalimutan niyo ba na diyan ako nakatira?” “Eh yun po kasi ang bilin ni Sir!” tila nahihiyang sagot niya sa akin kaya naman nagtaka ako kung bakit ako pagbabawalan ng asawa ko na pumasok sa sarili kong bahay“Nandyan ba si Josh? Kuya Bert, baka pwedeng makausap!” tanong ko at nakita ko ang Lito sa mukha nito“Mang Bert….” pamimilit ko “Eh Ma’am, wala po sila Sir dito!” he answered me at hindi na nga ako sumagot Ku
WillowDalawang araw na nawala si Diego at tuluyan na akong nawalan ng pag-asa na makakaalis pa ako dito.Naisip ko na baka nagbago na ang isip niya patungkol sa pagtulong sa akin o kaya naman ay hindi talaga niya balak gawin yun.Maaring nilinlang niya lang ako para hindi na ako lumaban.Narinig ko ang pagbukas ng pinto at hindi ko na ito nilingon. Alam ko naman kasi na ang kasambahay lang ito at dadaluhan na naman niya ako ng pagkain.Simula ng umalis si Diego, sa kwartong ito na ako nanatili. Nagpupunta si ang kaibigan ni Amadeo para I check ako at kahapon nga, sinabihan niya ako na ingatan ang sarili ko at magpalakas dahil tuloy na tuloy na ang operasyon.Mukhang si Amadeo nga talaga ang ama ko dahil perfect match kami.For once, I prayed na sana, hindi kami mag-match. In that way, papauwiin na niya ako pero sa nalaman ko, tinanggap ko na lang ang kapalaran ko.Ang mahalaga, makakabalik pa ako sa pamilya ko pagkatapos ng lahat.“Willow…..”Nanlaki ang mata ko at agad akong napali
Joshua“Mommy, kamusta ang anak ko?” tanong ko sa aking ina noong makababa na siya mula sa ikalawang palapag ng mansionTinabihan niya ako sa couch at hinimas ang likod ko dahil alam niyang sobrang bigat ng nararamdaman ko.Pangalawang gabi na ngayon buhat nung mawala si Willow at iyak ng iyak ang anak namin dahil hinahanap siya nito. Hindi namin ito mapatahan ni Annie kaya naman tinulungan na kami ni Mommy. Ang sabi ng kasambahay namin, may lalaking nagpunta sa mansion noong kaarawan ni Miracle at hinanap ang asawa ko.At hindi na nga siya bumalik…Pati ang guard na naka-duty noong panahon na yun ay no where to be found kaya naman doon na ako nag-alala.Sira din ang CCTV na naka-konekta sa gate kaya mas tumindi ang hinala ko na may nangyayaring hindi maganda sa asawa ko.“Nakatulog na si Miracle, iho! Napagod na din siguro sa pag-iyak!” malungkot na sagot ni Mommy“Mom, bakit ganun? Bakit hindi maubos-ubos ang problema naming mag-asawa? Wala na ba itong katapusan?” frustrated na t
Willow“Daddy, ano bang sinasabi ninyo? Wala sa usapan natin yan!” galit na sabi ni Diego pero sinamaan lang siya ng tingin ni Amadeo“Manahimik ka nga, Diego! Ikaw, higit sa lahat ang nakakaalam na hindi ako tumutupad sa usapan! Kaya nga tayo mas yumaman!” sabi naman ng matanda sa kapatid ko“Hindi ako pwedeng mag-donate! May sakit ako!’ sagot ko kaya napatingin sa akin si Diego pero ang dalawang matanda ay tila hindi naman nabigla“Magaling ka na, Willow! And you are a fit donor for your Daddy!” nakangiting sagot ng doctor kaya napakunot ang noo ko“Alam ko ang tungkol sa naging sakit mo, anak! Pero alam ko din na magaling ka na kaya huwag kang gumawa ng kwento!” sabi ni Amadeo kaya lalong naglatang ang galit ko sa kanya “Pinaimbestigahan mo ba ako?” Natawa si Amadeo! Yung tawang kasusuklaman mo!“Negosyante ako, anak! Kailangan alamin ko ang lahat bago ko pa ito pasukin!” “Wala kayong karapatan! Wala kayong karapatan!” sabi ko at napaiyak ako nung lapitan ako ni Diego at yakapi
WillowMasaya ang naging lunch ng team at paminsan-minsan ay sumasali ako sa biruan ng grupo pero alam ko naman na nahahalata ng mga kasama ko ang paminsang pananahimik ko. Hindi ko alam kung ano ang aabutan ko sa aking pag-uwi at sa totoo lang, sumasakit talaga ang ulo ko dahil doon.“Okay ka lan
WillowI am busy at work dahil may mga changes na kailangang gawin sa design ng ipinapatayong projects ng Samaniego’s Pride dito sa Palawan.Dalawang buwan na din ako dito at masasabi ko naman na masaya ang stay ko dito lalo na at kasama ko ang kaibigan ko na si Leonard na siyang Engineer ng projec
JoshuaKakarating ko lang sa bar ng mga Samaniego kung saan kami magkikita ng kababata kong si Helious at ni Kuya Mitchell. Alam kong late na ako sa usapan namin dahil galing pa ako sa isang hotel kasama ang sekretarya kong si Bangs.It’s been a while since we had this fubu thing at para sa akin na
Willow“Okay ka lang ba anak?” tanong sa akin ni Mommy habang nakaupo kaming dalawa sa salaNandito na ako sa dati kong bahay at may mga bisita na din si Simon na mga kaibigan at kasamahan niya sa trabaho.“Okay lang naman po, Mommy! Bakit ninyo naitanong?” “Willow, hindi man tayo magkasundo noon,







