LOGIN“Hindi mo manlang ba ako tatanungin kung pumapayag ako?” tanong ko habang mahigpit na hinahawakan ang documents.
Ayos din ‘tong boss ko eh, paladesisyon. Akala niya naman hindi ako papalag. His idea was impossible! Hindi pa rin talaga sumusuko. Sabagay, isa siyang Reale, lahat ng gusto nakukuha agad. Pero hindi niya ako matatakot. Hind niya ako makukuha sa pasimpleng document niya. Puwedeng-puwede ko ‘yong punitin eh.
“Alam mo paladesisyon ka,” prangka kong sabi pagkatapos ay tinaasan siya ng kilay.
Pero hindi nagbago ang expression ng mukha niya. Seryoso pa rin at malalamig ang mga mata. Kulang na lang talaga ay iisipin kong may emotional damage ang lalaking ‘to. Akala niya naman cool na siya sa lagay na ‘yan. Hello, he has only those cold eyes but he’s not cool… not in my eyes. Mas malamig pa ang halo-halo sa kaniya.
“I don’t need to. Papayag ka naman kahit hindi na kita tanungin. Hawak ko ang buong capital, isang message ko lang banned ka na sa lahat,” sabi ni Alexus na nagawa pa akong pagbantaan.
Kinuyom ko na lang ang mga kamay ko habang pinipigilan ang sarili na sampalin siya o sapakin. Anong karapatan niya para i-blackmail ako? I am not his toy pero kung makaasta siya ay parang laruan na niya ako. Hindi pa nga nakahawak ang kamay niya sa leeg ko ay nakabaon na ang mga kuko niya sa’kin. Gano’n katalas ang impluwensya niya sa lahat at sa paligid. A very dangerous claw.
“Ano ba kasing kailangan mo? Bakit mo ‘ko gustong maging fiancée mo?” sunond-sunod na tanong ko dahil gusto kong malaman kung ano talaga ang purpose niya at kung may hidden agenda ba siya maliban sa pagpapanggap ko bilang si Aelice.
“Correction, woman. You will never be my fiancée. But you will copy her… her moves, her style, all of her. You will be the clone for this plan.”
Hinagis niya sa’kin ang brown envelope na ang laman ay mga picture. Alam ko kaagad na mga picture iyon dahil naglaglagan ang iba nang ihagis niya sa’kin ‘yon. Kahit alam ko nang kamukha ko si Aelice, nagulat pa rin ako nang makita ko ang mukha niya. Hindi ko kasi in-expect, kahit kailan, na magkakaroon ako ng kamukha. Aware naman ako sa mga doppelganger. But dude, super accurate ng pagkakahawig namin. Para ko nang clone si Aelice. Is it even possible?
“You mean you will erase my identity… temporarily?” sabi ko at mas humigpit ang pagkakahawak ko sa documents, “Nasaan ba kasi ang fiancee mo? Ba’t bigla na lang siyang nawala? Anong ginawa mo sa kaniya? Nawala ba talaga siya?”
“Why do you keep asking, woman? Are you some kind of question fiend who can’t stop asking?” tanong niya na bakas na ang pagiging irita sa akin, “You are an annoying chatterbox.”
“Hoy, hindi ako chatterbox pero kaya kong mag-stalk ng taong nang-ghost,” confident ko pang sabi, at bumalik na naman ang expression niya sa pagiging cold.
I just rolled my eyes and crossed my arms. Siguro no’ng bata pa si Alexus, pinaglihi siya sa yelo kasi sobrang lamig ng pakikitungo niya sa iba. He’s nothing but a lunatic snowman in Winterland. Pathetic.
Isa-isa kong tiningnan ang mga picture. Kahit saang anggulo wala kang makikitaan na pagkakaiba sa’min. Naa-amaze ako pero at the same naccreepyhan. Ano kaya ang feeling na makatabi si Aelice at pareho kami ng damit? Kahit siguro si Alexus ay malilito sa’min kung sino si Aelice at si Elize. Nang matapos kong tingnan ang mga picture ay ibinalik ko rin ito sa kaniya. Tahimik lang siya pero ramdam ko ang matatalim na mga titig na unti-unting bumabaon sa’kin. Bakit pakiramdam ko may mali sa gagawin ko? Bakit pakiramdam ko mas malaki pa ang tasks na nakahain sa’kin? Tama kayang pagbigyan ko ang lalaking ito kahit kanina pa niya ako bina-blackmail?
“Huwag ka nang mag-isip ng decision dahil nakapagdesisyon na ako.”
“What the hell? Desisyon ka talaga kahit kailan. I can’t believe you!” komento ko at tinapon sa kaniya ang mga document.
For the second thought, I was planning to escape and ghost this f*cking rich man. Naisip ko kasi bigla ang posibilities at consequences kapag tinanggap ko ang alok niya. What if may malaking problema si Aelice na kinakaharap kaya bigla siyang nawala at ito namang si Alexus ay pilit siyang pinagtatakpan kaya naghanap ng impostor para mapaniwala ang lahat na narito pa si Aelice? What if may natanggap na death note si Aelice kaya nanganganib ang buhay niya ngayon tapos ito naisip ni Alexus na paraan para maligtas ang fiancee niya sa nagbabadyang kapahamakan or worse, kamatayan?
“Whatever you are thinking, woman, I hope it’s not worse,” sabi niya at nag-smirk na lang sa’kin, kaya napataas ang isa kong kilay.
“Excuse me?”
Ako pa talaga ang pinag-isipan niya nang masama eh siya ‘tong manggagamit ng tao. Gagawin ang lahat para magawa ang gusto niyang mangyari. Sana naman mahiya siya sa lagay na ‘yan. Pero isa nga pala siyang Reale kaya wala siyang hiya. Nasa dugo na nila iyon.
Anong mangyayari kapag nagpanggap akong Aelice? Anong sitwasyon ang naghihintay sa’kin? Paano kaya ako makakatakas sa sitwasyon na ito nang hindi nilalagay ang sarili sa kapahamakan. Knowing Alexus has many connections, I bet he will do anything to blackmail me.
“Don’t deceive me, woman. Because I will be the first person who hunts you down if you do that to me,”
“Ano tingin mo sa’kin, manloloko?” hindi makapaniwalang tanong ko at tinaasan ulit siya ng kilay, para iparamdam sa kaniya na hindi ako guilty sa sinabi niya.
“Then, prove it.”
Aba’t hinahamon ako ng lalaking ‘to! Hindi niya yata kilala ang nag-iisang Elize Guevarra. Wala kaya akong inuurungan.
“Yeah, bring it on, snowman,” confident kong sabi nang hindi nagdadalawang-isip na tanggapin ang hamon niya.
The heat was unbearable. Every breath felt like fire scraping down my throat. My vision blurred between smoke and tears, and all I could think was—this is it.Lumalapit na sa akin ang apoy; sinusunog ang lahat ng puwedeng masunog. My body was heavy, my skin stung from burns, and my blood mixed with the soot on the floor. I tried to crawl, pero nanginginig na ang braso ko.“Help…” I whispered, barely audible. “Alexus…”Then, through the chaos, I heard footsteps. Fast. Desperate.“Elize!”That voice—deep, frantic, familiar—cut through the roar of the fire. I forced my eyes open. Through the haze, I saw him.Alexus.He pushed through the smoke, his shirt already soaked with sweat, his face streaked with ash. “Elize!” he shouted, kneeling beside me. “Stay with me, okay? Don’t close your eyes.”I tried to speak, but only a weak sound came out. “She… Alice…”“She’s gone,” he said firmly, his voice shaking. “Patay na si Alice.”I blinked, trying to process his words.Dead.Alice.For a mo
AELICE’s POVAng lamig ng hangin sa warehouse, pero ang katawan ko ay naglalagablab sa sakit. Bawat bugbog ni Alice ay may kasamang galit na hindi ko maabot. “Akala mo makakatakas ka?” sigaw niya, sabay suntok sa tagiliran ko.Napasinghap ako at napaluhod. Ang dugo ko na tumulo sa semento ay naghalo sa pawis at luha ko. “Please…” Halos hindi na lumalabas ang boses ko. “Stop this…” “Stop?” Tumawa siya nang malamig. “Bakit ako titigil kung ikaw ang dahilan kung bakit nasira ang buhay ko?Hinila niya ako sa buhok at tinulak sa pader. Ang tunog ng pagbangga ng ulo ko sa bakal ay umalingawngaw sa silid. Nanghina ako, pero hindi ako bumitaw sa paghinga. “Hindi mo alam kung gaano ko pinaghirapan ang maging ikaw,” sabi niya habang humihingal. “Pero noong bumalik ka, lahat ng iyon nawala.” “Hindi ko sinadya…” “Lahat ng kasinungalingan mo, pare-pareho lang!” sigaw niya, sabay hagis ng tubo sa gild.Kinuha niya ang kutsilyo mula sa mesa at tumingin sa akin na parang ibang tao na ang nasa l
Ang boses niya pa rin ang umalingawngaw sa isip ko habang nakatingin sa kaniya, sa babaeng kamukha ko na parang salamin ng bangungot. Ang babaeng gusto akong burahin sa mundong ito.Pero habang tinititigan ko siya, may isang bagay na hindi ko maipaliwanag. Iyong galaw ng kamay niya habang naglalakad, iyong pag-ikot ng pulso bago niya itulak ang buhok palayo sa mukha. Sobrang pamilyar sa akin.Parang si Alice.Napasinghap ako. “Wait…”Ngumiti siya, iyon ding ngiting nakasanayan kong makita tuwing nagbibiro si Alice noon.This is impossible. “Funny, you noticed.”Hindi ako makagalaw. Para akong nakakita ng multo.Hindi puwedeng totoo ‘to. Hindi puwedeng siya. “Alice?” mahina kong sabi. Halos hindi ko marinig ang sarili ko.Tumawa siya nang malamig, parang may tunog ng basag na salamin. “Wow, three years later and you still remember my name.”Parang binagsakan ako ng mundo.Si Alice.Si Alice na akala kong patay na.Si Alice na nilibing ko kasama ng lahat ng alaala. “Hindi puwedeng
After everything that happened—lahat ng gulo, lahat ng away, lahat ng luha—I think I can finally breathe. The morning sun feels soft, parang gentle reminder na okay na talaga ang lahat. I even smile habang naglalakad papunta sa kotse, feeling that rare peace I haven’t felt in months.Walang threat, walang shadow sa likod ko. Just silence. Pero minsan, kinakabahan ako sa katahimikan na nararanasan ko.Or, maybe I’m just being paranoid.Akmang bubuksan ko na ang kotse nang may pumunta sa likod ko. Sobrang bilis ng pangyayari. Isang kamay, gamit ang panyo, ang sumaklob sa bibig ko. Isa pang kamay ang humawak sa braso ko at nilagay ito sa likuran ko para hindi ako makapanlaban.I tried to scream, pero walang lumalabas. Naaamoy ko lang ang chemical na
Hindi ko alam kung mas nakakainis ang tunog ng mga champagne glasses o ‘yong tawa ni Aelice na paulit-ulit kong naririnig kahit sa malayo. The Dimonds Charity Gala was supposed to be classy, elegant, peaceful. Pero sa totoo lang, para sa akin, parang battlefield ito.Lahat ng tao ay nakangiti, pero alam kong bawat ngiti ay may kasamang judgment.At sa gitna ng lahat ng iyon, nandoon siya—si Aelice, ang babaeng gustong ipakita sa mundo na siya ang perpekto.Pero kahit gaano pa niya ipakita sa lahat na perpekto siya, hindi niya maitatago na isa lamang siyang huwad.Ako? Tahimik lang sa gilid, hawak ang wine glass, sinusubukang hindi mapansin, lalo na ni Aelice. Pero kahit anong gawin ko, ramdam kong nakatutok pa rin ang mga mata niya sa akin.
“Elize…”Nilingon ko ang nagsalita. It was Alexus. Dumating siya gaya ng sinabi ko.Gusto kong ngumiti. Gusto ko siyang yakapin at sabihin na na-miss ko siya. Pero iba ang pinunta ko rito. Iba ang agenda ko.I am here to tell him the possible truth about Aelice’s identity. “Alexus, hindi na ako magpaliguy-ligoy pa—” “I missed you, Aelice,” sabi niya, sabay yakap sa akin.Naguluhan ako sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang tinawag niya akong Aelice. Nababaliw na ba siya?
The hall glowed under the soft afternoon light, and for a moment, I forgot how to breathe. Everything looked unreal—the glass walls catching the sun, the white roses lining the aisle, the faint piano music that seemed to echo inside my chest.Tahimik ang paligid. I could hear the soft rustle of my
Nakatitig lang siya sa’kin, kaya kinakabahan ako nang kaunti. Baka na-offend ko siya. It was just a silly joke. Ilang minutes na akong nakatayo rito pero wala pa rin siyang sinasabi. Balak ba niya akong patayuin dito magdamag? Nanlaki ang mga mata ko sa na-realize ko. Posible niyang gawin sa'kin ‘y
Pinagtagpo pero hindi itinadhana. Siguro nga hanggang doon na lang ang love story namin ni Brandon. He’s not my first love neither my greatest love. Kaya siguro hindi ako nahirapang bitawan siya, kasi hindi ganoon kalalim ang feelings ko sa kaniya. But still, nasaktan ako sa ginawa niya. Parang na
If he wants me to become Aelice, then I will show him what he’s looking for. Sana hindi niya pagsisihan na ako ang pinili niya. At sana lang ay walang naghihintay na kapahamakan sa akin, dahil makakatikim sa’kin ang Alexus na iyon. Kahit na ubod siya ng yaman ay hindi ko siya uurungan. Maghahalo ta







