LOGINIf he wants me to become Aelice, then I will show him what he’s looking for. Sana hindi niya pagsisihan na ako ang pinili niya. At sana lang ay walang naghihintay na kapahamakan sa akin, dahil makakatikim sa’kin ang Alexus na iyon. Kahit na ubod siya ng yaman ay hindi ko siya uurungan. Maghahalo talaga ang balat sa tinalupan kapag nangyari iyon.
Matapos ang usapan namin ng boss ko raw ay binaba niya ako sa tapat ng fastfood chain. May binigay siyang card sa’kin at sabi niya ay gamitin ko iyon. Halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ng mga mata ko. Binigyan niya ako ng gold card? Baliw na ba siya? Fastfood chain ‘tong pinagbabaan niya sa’kin at hindi 5-star restaurant. Baka isipin pa ng cashier nila eh nagmamayabang ako sa gold card na hawak ko, kung puwede namang pera ang ibayad.
“What the hell? Anong ginagawa ko rito sa Fast Eat?” gulat kong sabi nang mabasa ko ang pangalan ng fastfood.
Fast Eat is the most expensive fast-food chain in the country. Hindi sila tumatanggap ng petty cash. Now it makes sense. Binigay niya sa’kin ang gold card dahil gusto niya akong kumain dito. May balak siguro siyang pahiyain ako. Pero sorry siya, may dala akong pera. Hindi ko gagamitin ang gold card na hindi naman akin. Hindi rin ako gold na kasing expensive ni Aelice kaya bakit ako magtitiis sa mahahaling kainan na ‘to? Mas masarap pa rin kumain sa karinderya.
Sorry, Fast Eat. Pero hindi ikaw ang bunot ko ngayon.
Bumaba ang tingin ko sa hawak na gold card. May nakapangalan na “Aelice Geronimo.” Hmm, look at that. Aelice is living a luxurious life with Alexus. But yet, she didn’t enjoy it since she’s been missing for no one knows how long. I guess she’s a lucky girl. Baliw na baliw sa kaniya ang isang bilyonaryo na si Alexus. Sabagay, gagawin ba niya ang planong ito kung balewala lang si Aelice. Besides, she’s Alexus’ fiancee.
“Sana nakakatulog ka nang mahimbing. Dahil ako hindi. Kasalanan ‘to ng fiance mo.”
Umalis ako sa harap ng Fast Eat at naghanap ng eatery house na affordable ang price. Kakagigil naman kasi si Alexus. Akala niya siguro ay mapili ako sa pagkain. Kahit pa na magiging si Aelice ako pansamantala ay hindi ko gagawing advantage iyon para mag-enjoy.
After five minutes ng paglalakad ay may nakita akong eatery house, medyo kaunti lang ang kumakain sa loob, kaya hindi na ako nagdalawang-isip na pumasok. Hindi rin naman ako magtatagal dahil kaunti lang ang customer nila. Nag-order lang ako ng barbeque, isaw, siomai, at fried rice. Mukhang 24/7 na open ang kainan na ‘to kasi nagse-serve sila ng breakfast, lunch, meryenda, at dinner.
Tahimik at peaceful sa loob. May background music pa na sa tingin ko ay cozy songs, kaya ang sarap sa pakiramdam na mag-stay sa lugar na ‘to. Ganito ang gusto kong setup ‘pag kumakain sa labas. Ang lakas kasi makapag-good vibes. Mukhang mga low class at middle class lang ang kumakain dito, base na rin sa mga suot at awrahan ng mga customer na nakikita ko ngayon.
“Here’s your order, ma’am.”
Matapos kong abutin ang order ko ay lumabas na ako para makauwi kaagad. Sa bahay ko na lang kakainin ang pagkain ko dahil feel ko ay makakatulog ulit ako after ko kumain. Pero ang excitement ko kanina habang papaalis ng eatery ay nawala nang makasalubong ko ang taong hindi ko na dapat pa makita.
Anong ginagawa niya rito? Bakit ngayon pa kami nagkita?
“Love?” gulat na tanong ng magaling kong boyfriend.
May bitbit siyang paperbag at isang boquet ng rosas. Hmm, I get it. Magkikita sila ng babae niya.
“Buhay ka pa pala?” casual kong tanong na parang strangers lang ang atake.
Napansin kong nagulat siya sa inasta ko pero tiningnan ko lang siya, naghihintay sa isasagot niya sa’kin. Ano kayang kasinungalingan ang ihahabi niya ngayon?
“What happened to you, love? Ilang araw akong naghintay ng text at tawag mo. Hindi rin kita ma-chat kasi binlock mo ako. May problema ba tayo?”
Tumaas ang isa kong kilay pero nanatili akong tahimik. Hindi ko alam pero hindi pa tumatagal ang usapan namin ay nabo-bored na ako. Tinatamad na kaagad akong kausapin siya. Siguro ay na-fall out love na nga ako sa kaniya. Maganda iyon dahil hindi ako mahihirapang mag-move on.
“Hindi mo alam? ‘Di ba ikaw ang gumawa ng problema natin?” sabi ko.
Kumunot ang noo niya na parang hindi siya aware sa mga sinasabi niya. Mga galawan niya talaga eh. Pero hindi niya ako makukuha sa painosente effect niya. I can’t believe na pinatulan ko ang cheater na ‘to. Kung nalaman ko kaagad na isa siyang manloloko, hindi ko na sana dapat pa sinagot ang lalaking ‘to. He’s the biggest mistake I ever made.
“Love? Galit ka ba?” tanong niya, bumaba ang tingin ko sa hawak niya kaya napangiti siya ng alanganin, “Binilhan pa kita ng pagkain at bulaklak oh.”
“Sweet mo naman para sa new girlfriend mo,” sagot ko at nag-smirk sa kaniya.
“How—?”
“It’s just simple. Hindi ka marunong magtago ng sekreto. Ang hina mo pre,” sabi ko at nginitian siya, ngiting wala na akong pakialam sa kaniya.
“Love, look, I’m sorry. I didn’t mean to. My parents wanted me to marry someone–”
“That's why, you cheated on me? Wow, nasaan na ang sinabi mong hindi mo ako lolokohin? Na hindi mo ako sasaktan? Kinain mo na lahat?”
“Eli, I’m really sorry. Kung may magagawa lang ako para maayos lahat—”
“Talaga?”
“Yes, Eli. We can start again… Puwede pa nating gawin ang pangarap natin. I promise, I won’t hurt you again.”
Lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya sa mukha. Lalong lumambot ang expression ng mukha niya, kaya muntik na akong matawa. Ganito pala ang hitsura ng mga cheater na nagmamakaawang balikan ng mga niloko nila. Nagmumukha silang mga tuta.
“You know I still love you.”
Nginitian ko siya kaya ngumiti rin siya, hanggang sa pinanlakihan ko siya ng mga mata. Kaagad siyang umatras sa’kin kaya napahalaklak ako. Takot ba siya sa multo niya?
“Neknek mo. We are never, ever, getting back together. We are so over.”
The heat was unbearable. Every breath felt like fire scraping down my throat. My vision blurred between smoke and tears, and all I could think was—this is it.Lumalapit na sa akin ang apoy; sinusunog ang lahat ng puwedeng masunog. My body was heavy, my skin stung from burns, and my blood mixed with the soot on the floor. I tried to crawl, pero nanginginig na ang braso ko.“Help…” I whispered, barely audible. “Alexus…”Then, through the chaos, I heard footsteps. Fast. Desperate.“Elize!”That voice—deep, frantic, familiar—cut through the roar of the fire. I forced my eyes open. Through the haze, I saw him.Alexus.He pushed through the smoke, his shirt already soaked with sweat, his face streaked with ash. “Elize!” he shouted, kneeling beside me. “Stay with me, okay? Don’t close your eyes.”I tried to speak, but only a weak sound came out. “She… Alice…”“She’s gone,” he said firmly, his voice shaking. “Patay na si Alice.”I blinked, trying to process his words.Dead.Alice.For a mo
AELICE’s POVAng lamig ng hangin sa warehouse, pero ang katawan ko ay naglalagablab sa sakit. Bawat bugbog ni Alice ay may kasamang galit na hindi ko maabot. “Akala mo makakatakas ka?” sigaw niya, sabay suntok sa tagiliran ko.Napasinghap ako at napaluhod. Ang dugo ko na tumulo sa semento ay naghalo sa pawis at luha ko. “Please…” Halos hindi na lumalabas ang boses ko. “Stop this…” “Stop?” Tumawa siya nang malamig. “Bakit ako titigil kung ikaw ang dahilan kung bakit nasira ang buhay ko?Hinila niya ako sa buhok at tinulak sa pader. Ang tunog ng pagbangga ng ulo ko sa bakal ay umalingawngaw sa silid. Nanghina ako, pero hindi ako bumitaw sa paghinga. “Hindi mo alam kung gaano ko pinaghirapan ang maging ikaw,” sabi niya habang humihingal. “Pero noong bumalik ka, lahat ng iyon nawala.” “Hindi ko sinadya…” “Lahat ng kasinungalingan mo, pare-pareho lang!” sigaw niya, sabay hagis ng tubo sa gild.Kinuha niya ang kutsilyo mula sa mesa at tumingin sa akin na parang ibang tao na ang nasa l
Ang boses niya pa rin ang umalingawngaw sa isip ko habang nakatingin sa kaniya, sa babaeng kamukha ko na parang salamin ng bangungot. Ang babaeng gusto akong burahin sa mundong ito.Pero habang tinititigan ko siya, may isang bagay na hindi ko maipaliwanag. Iyong galaw ng kamay niya habang naglalakad, iyong pag-ikot ng pulso bago niya itulak ang buhok palayo sa mukha. Sobrang pamilyar sa akin.Parang si Alice.Napasinghap ako. “Wait…”Ngumiti siya, iyon ding ngiting nakasanayan kong makita tuwing nagbibiro si Alice noon.This is impossible. “Funny, you noticed.”Hindi ako makagalaw. Para akong nakakita ng multo.Hindi puwedeng totoo ‘to. Hindi puwedeng siya. “Alice?” mahina kong sabi. Halos hindi ko marinig ang sarili ko.Tumawa siya nang malamig, parang may tunog ng basag na salamin. “Wow, three years later and you still remember my name.”Parang binagsakan ako ng mundo.Si Alice.Si Alice na akala kong patay na.Si Alice na nilibing ko kasama ng lahat ng alaala. “Hindi puwedeng
After everything that happened—lahat ng gulo, lahat ng away, lahat ng luha—I think I can finally breathe. The morning sun feels soft, parang gentle reminder na okay na talaga ang lahat. I even smile habang naglalakad papunta sa kotse, feeling that rare peace I haven’t felt in months.Walang threat, walang shadow sa likod ko. Just silence. Pero minsan, kinakabahan ako sa katahimikan na nararanasan ko.Or, maybe I’m just being paranoid.Akmang bubuksan ko na ang kotse nang may pumunta sa likod ko. Sobrang bilis ng pangyayari. Isang kamay, gamit ang panyo, ang sumaklob sa bibig ko. Isa pang kamay ang humawak sa braso ko at nilagay ito sa likuran ko para hindi ako makapanlaban.I tried to scream, pero walang lumalabas. Naaamoy ko lang ang chemical na
Hindi ko alam kung mas nakakainis ang tunog ng mga champagne glasses o ‘yong tawa ni Aelice na paulit-ulit kong naririnig kahit sa malayo. The Dimonds Charity Gala was supposed to be classy, elegant, peaceful. Pero sa totoo lang, para sa akin, parang battlefield ito.Lahat ng tao ay nakangiti, pero alam kong bawat ngiti ay may kasamang judgment.At sa gitna ng lahat ng iyon, nandoon siya—si Aelice, ang babaeng gustong ipakita sa mundo na siya ang perpekto.Pero kahit gaano pa niya ipakita sa lahat na perpekto siya, hindi niya maitatago na isa lamang siyang huwad.Ako? Tahimik lang sa gilid, hawak ang wine glass, sinusubukang hindi mapansin, lalo na ni Aelice. Pero kahit anong gawin ko, ramdam kong nakatutok pa rin ang mga mata niya sa akin.
“Elize…”Nilingon ko ang nagsalita. It was Alexus. Dumating siya gaya ng sinabi ko.Gusto kong ngumiti. Gusto ko siyang yakapin at sabihin na na-miss ko siya. Pero iba ang pinunta ko rito. Iba ang agenda ko.I am here to tell him the possible truth about Aelice’s identity. “Alexus, hindi na ako magpaliguy-ligoy pa—” “I missed you, Aelice,” sabi niya, sabay yakap sa akin.Naguluhan ako sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang tinawag niya akong Aelice. Nababaliw na ba siya?
Nakatitig lang siya sa’kin, kaya kinakabahan ako nang kaunti. Baka na-offend ko siya. It was just a silly joke. Ilang minutes na akong nakatayo rito pero wala pa rin siyang sinasabi. Balak ba niya akong patayuin dito magdamag? Nanlaki ang mga mata ko sa na-realize ko. Posible niyang gawin sa'kin ‘y
The hall glowed under the soft afternoon light, and for a moment, I forgot how to breathe. Everything looked unreal—the glass walls catching the sun, the white roses lining the aisle, the faint piano music that seemed to echo inside my chest.Tahimik ang paligid. I could hear the soft rustle of my
“Wait, Aelice! Where are you going?!”Napalingon ako sa limang lalaking humahabol sa’kin, kasama na si Alexus, na baliw na baliw kay Aelice na hindi ko naman alam kung saang lupalop ng mundo hahanapin. Nang dahil sa babaeng ‘yon hinahabol ako ng mga taong hindi ko naman kilala, at ayaw na ako tigil
Aligaga kong kinuha ang tatlong folder na may lamang mahahalagang documents sa loob nito. Male-late na naman ako. Kung hindi lang ako natagalan kanina sa karinderya ay baka mas maaga akong nakabalik ng office. Isa pang late ay mabubugahan na ako ng apoy ng boss kong pinaglihi sa dragon. Mainitin pa







