Home / Romance / The Billionaire’s Scripted Wife / CHAPTER 3: SCRIPTED PRESS CONFERENCE

Share

CHAPTER 3: SCRIPTED PRESS CONFERENCE

Author: MIYAAAW69
last update publish date: 2026-03-10 19:11:33

Humarap si Savannah Madrigal sa salamin ng vanity area sa De Cartier Tower. Suot niya ang isang champagne-colored midi dress na simple pero halatang mahal. Ito ang kailangang imahe ngayon—ang "Diamond Sweetheart" na malinis ang pangalan. Pero sa totoo lang, gusto na lang niyang maglaho. "Kaya mo 'to, Savannah. Isang oras lang na pagpapanggap," bulong niya habang hawak ang counter.

Bumukas ang pinto at pumasok si Sebastian de Cartier nang hindi kumatok. Agad na uminit ang ulo ni Savannah. Suot na ni Sebastian ang suit jacket nito at inaayos ang mamahaling relo. Tumingin ito sa kanya sa salamin nang walang emosyon. "Ready ka na?" tanong ni Sebastian. Casual lang ang boses nito, parang wala lang.

Tinaasan siya ni Savannah ng kilay. "Ready na akong matapos 'to. At baka pwedeng sa susunod, kumatok ka naman? Hindi dahil titira ako sa bahay mo eh pwede ka na lang pumasok basta-basta." Hindi natinag si Sebastian. Lumapit ito at tiningnan ang ayos niya. "Masyado kang maraming sinasabi. Ang kailangan ko lang, maniwala ang buong bansa na engaged tayo. My father is waiting. Ayaw niya ng nali-late."

"Galit ba siya sa akin?" tanong ni Savannah, medyo nabawasan ang tapang. Alam niya ang impluwensya ni Don Roman De Cartier. "He’s a businessman. Galit siya sa scandal mo, pero masaya siya dahil aayusin natin 'to. Now, let’s go. At tandaan mo, pagbukas ng pinto, we are the perfect couple. Wag kang gagawa ng eksena na wala sa script." Inayos ni Savannah ang buhok niya. "Professional actress ako. Wag mo akong turuan kung paano umarte."

Pagbukas ng pinto ng hall, sinalubong sila ng nakakasilaw na flashes ng camera. Nakakabingi ang ingay ng mga reporters. Nanatiling kalmado si Sebastian habang inakbayan si Savannah. Mukha silang protective couple sa harap ng lahat. Umupo sila sa gitna ng mesa na puno ng microphones. Katabi nila si Gina, ang manager ni Savannah na pilit din ang ngiti.

"Good evening," simula ni Sebastian. Ang boses niya ay seryoso at puno ng authority. "Alam ko kung bakit kayo nandito. Tungkol ito sa litratong kumalat kanina. Gusto naming linawin ang lahat para matigil na ang maling balita." Isang reporter ang agad na nagtaas ng kamay. "Mr. De Cartier, totoo ba ang photo? Paanong ang isang Savannah Madrigal ay napunta sa ganoong bar?" Tumingin muna si Sebastian kay Savannah at pinisil ang balikat nito.

"Yes, it was us. Celeberation 'yun. Savannah and I have been seeing each other privately for over a year now. Itinago namin ang relationship away from the spotlight dahil sa schedule niya." Nagkaroon ng bulungan sa paligid. Halatang marami ang hindi makapaniwala. "So, may seryosong relasyon talaga kayo?" tanong pa ng isa. "Paanong walang nakakaalam? Walang kahit anong leak sa social media?"

Sumingit si Savannah gamit ang pinaka-charm na boses niya. Nagpakawala siya ng natural na tawa—yung tawang in love. "Public ang buhay ko. Kaya nung nakilala ko si Sebastian, we agreed na itatago muna namin. We wanted something na amin lang. We wanted to build a foundation bago harapin ang atensyon. Last night was a moment where we got carried away. Celebration 'yun ng isang important milestone."

"Anong milestone 'yun, Savannah?" Tumingin si Savannah kay Sebastian, at kinuha naman ni Sebastian ang kamay niya. Itinaas nito ang kamay ni Savannah kung saan kumikinang ang isang dambuhalang diamond ring. "We’re engaged," simpleng sabi ni Sebastian. Nagkagulo ang mga reporters. Ang scandal ay biglang naging engagement story of the year.

"Sebastian asked me a few weeks ago," dagdag ni Savannah habang nakatitig sa singsing. "Dapat next month pa ang announcement, pero dahil sa nangyari, we decided na wag na patagalin. We don't want people to think negatively of us." Marami pang tanong ang ibinato. Lahat 'yun ay sinagot namin nang may sapat na detalye para magmukhang totoo, pero sapat din para hindi kami maipit sa huli.

Si Sebastian ay nagbitaw ng mga salitang nagpapakita ng pagpapahalaga kay Savannah. "I’ve always admired Savannah’s dedication," sabi nito. "Kahit magkaiba ang mundo namin, we found a common ground. I intend to protect her and our relationship." Pagkatapos ng press conference, pumasok kami sa backstage. Agad na kumawala si Savannah sa akbay ni Sebastian. Ramdam pa rin niya ang panginginig ng mga kamay ko.

"Grabe, hindi ko akalain na ganun kahirap 'yun," sabi ni Savannah. "Naniwala kaya sila? Feeling ko may mga doubtful pa rin." Kinuha ni Sebastian ang phone niya. "They bought it. Ang headlines ngayon ay tungkol na sa engagement natin. That was the goal." "So, anong next move?" tanong ni Savannah habang tinatanggal ang hikaw. Tumingin si Sebastian sa kanya. "Now, we start living together. My driver is outside. We’re going straight to my house. Doon ka na titira simula ngayon."

"Ngayon agad? Wala pa akong dalang gamit!" "Marcus is at your penthouse now. He’s packing your essentials. Susunod na lang ang iba bukas," sagot ni Sebastian habang naglalakad palabas. "Wala na tayong oras para mag-inarte. We need to be seen together." Napabuga ng hangin si Savannah. Wala siyang choice. Sumunod siya kay Sebastian palabas ng building. Binuksan ni Sebastian ang pinto ng kotse para sa kanya—isang gentleman move para sa mga usisero.

Sa loob ng sasakyan, namayani ang katahimikan. Nakatingin lang si Savannah sa labas, pinapanood ang mga billboards sa EDSA. Bukas, baka hindi na siya tinatanggal sa mga ads na 'yan. Pero alam niyang kapalit nito ang kalayaan niya. "Sebastian," tawag niya. "Hmm?" "Do you think this will work? Paano kung may magkamali sa atin?" Tumingin si Sebastian sa kanya. "Failure is not an option. I’ve never lost a deal. Just play your part well."

"Simple para sa'yo kasi wala kang nararamdaman," bulong ni Savannah. "Maybe. But in this world, feelings only complicate things. Mas mabuti na ang ganito—clear ang rules, at walang masasaktan." Natahimik sila hanggang makarating sa gate ng mansyon. Lalong bumigat ang pakiramdam ni Savannah. Alam niyang simula pa lang ito ng isang mahabang taon. Isang taon ng scripted na ngiti kasama ang lalaking pinaka-ayaw niya.

"And Savannah," dagdag ni Sebastian bago sila bumaba. "Wag mong kalimutan, you are my responsibility. Expect me to be everywhere."

"Control freak," asik ni Savannah. Huminto ang sasakyan sa tapat ng dambuhalang pinto. Bumaba si Sebastian at pinagbuksan siya uli. Tumingin si Savannah sa mansyon. Napakalaki nito, pero pakiramdam niya ay isa itong gintong hawla. "Welcome home, fiancée," sabi ni Sebastian habang iniaabot ang braso.

Pumasok sila sa loob nang magkahawak-kamay, at doon nagsimula ang kanilang scripted marriage.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire’s Scripted Wife   CHAPTER 60: SHATTERED FAITH

    SAVANNAHNiyakap ako nang mahigpit ni Gina sa sandaling makapasok kami sa loob ng kaniyang condo. Doon ko tuluyang pinakawalan ang lahat ng emosyong pilit kong ikinukulong habang nasa biyahe. Iyak ako nang iyak, basang-basa ang mukha ko at halos hindi ako makahinga sa tindi ng sakit na sumasakal sa dibdib ko. Kwinento ko sa kaniya ang lahat ng nangyari—mula sa pagbagsak ng pagkain sa sahig hanggang sa eksaktong posisyon kung paano ko nahuli si Sebastian at si Isabella sa opisina."HOW DARE HIM! And that slut, sasabunutan ko talaga 'yang impakta na 'yan!!" gigil na sabi ni Gina, namumula ang mukha niya sa galit habang hinahaplos ang likod ko. Kung may kakayahan lang siyang pumatay sa mga sandaling 'to gamit ang mga tingin niya, paniguradong ginawa na niya.Magang-maga na ang mga mata ko, pumurol ang paningin ko dahil sa walang katapusang pag-agos ng mga luha. In-off ko na rin ang cellphone ko dahil walang tigil ang pag-vibrate nito; walang katapusan ang mga tawag at text nina Marcus at

  • The Billionaire’s Scripted Wife   CHAPTER 59: FRAGILE ILLUSIONS

    SAVANNAHIlang araw na tahimik at masaya ang mundo namin ni Sebastian, tila ba umaayon na ang tadhana sa aming dalawa. Sa sobrang kapayapaan ng mga nagdaang linggo, tila ba nalimutan na namin na minsan ay pinag-isa lang kami dahil sa isang kontrobersiyal at pekeng kontrata. Nalimutan ko na ang mga araw na para kaming aso't pusa tuwing nagkakaharap sa iisang kwarto. Ngayon, para kaming dikya na tila ba hindi na nawawalay sa isa't isa, laging naghahanap ng dampi at presensya ng bawat isa sa tuwing may pagkakataon.I was about to surprise my husband today. Maagang natapos ang endorsement pictorial ko para sa isang sikat na clothing brand, kaya naman sa halip na umuwi sa mansyon ay dumeretso ako sa kumpanya niya. Bago pumunta rito, dumaan pa ako sa isang high-end restaurant para bilhin ang kaniyang paboritong seafood dish.Habang nasa likod ng sasakyan, panay ang tingin ko sa maliit na salamin ng powder compact ko. "Marcus, do I look pretty? I am not haggard?" untag ko sa kaniya, biglang n

  • The Billionaire’s Scripted Wife   CHAPTER 58: UNEXPECTED APPLAUSE

    SAVANNAHNagliligpit ako ng iilang gamit sa walk-in closet nang marinig ko ang ingay ng mga sasakyan sa labas ng mansyon. Sandali kaming napatigil ni Sebastian. Nang bumaba kami sa malawak na sala, doon namin nakita sina Tita Aurora at Don Roman—ang mga magulang ni Sebastian—na pumasok na may kasamang kakaibang awtoridad na laging dala ng kanilang pangalan.Agad na lumapit si Nanay Elena para asikasuhin ang kanilang mga gamit, bakas ang bahagyang pagkagulat sa biglaang pagbisita ng mga may-ari ng mansyon.Lumakad si Sebastian pababa ng hagdan, ang isang kamay ay nasa bulsa ng kaniyang slacks habang nakatitig sa kaniyang ama. "What brings you here? Bakit biglaan ang pagbisita niyo?" matigas at diretsong tanong ni Sebastian, walang paligoy-ligoy.Naupo si Don Roman sa single-seater na sofa, ang kaniyang mukha ay seryoso at walang emosyon habang sumasandal. "Can't I visit my own son and daughter-in-law after four months of total radio silence?" mariing tugon ng kaniyang ama. Tumingin ito

  • The Billionaire’s Scripted Wife   CHAPTER 57: MANSION HEAT

    SAVANNAHPagpasok pa lang ng sasakyan namin sa malawak na gate ng De Cartier mansion, ramdam ko agad ang kaibahan ng atmospera. Kung noong mga nakaraang buwan ay mabigat at puro tensyon ang dala ng lugar na 'to, ngayon ay tila gumaan ang paligid. Pagkababa pa lang namin ni Sebastian, sinalubong na agad kami ng mga kasambahay at tauhan sa mansyon. Bakas sa mga mukha nila ang tunay na galak nang makita akong muli."Welcome back po, Ma'am Savannah! Naku, napanood po namin kayo sa balita kanina, ang galing niyo po!" masayang bati ni Manang Elena, ang pinuno ng mga kasambahay.Ngumiti ako nang tapat at hinawakan ang kamay niya. "Salamat, Manang. Namiss ko rin kayong lahat dito."Artista man ako sa harap ng camera at kilalang mataray kung minsan ng media, ni kailanman ay hindi ako naging malupit sa mga nagtatrabaho sa amin. I always treated them with respect, dahil alam kong sila ang tunay na nag-aalaga sa tahanang ito. Nakita ko pa ang palihim na pagpupunas ng luha ng ilan sa mga nakababata

  • The Billionaire’s Scripted Wife   CHAPTER 56: ARENA RETURNS

    SAVANNAHMatapos ang halos apat na buwang katahimikan sa loob ng penthouse, dumating din ang araw na kailangan naming humarap sa totoong mundo. Sa sandaling bumukas ang elevator ng building patungo sa underground parking, ramdam ko ang biglang pagbago ng hangin. Wala na ang kalmado at tahimik na uniberso na binuo namin ni Sebastian sa itaas. Pag-apak pa lang namin sa labas, ang nag-aabang na reyalidad na ang sumalubong sa amin.Sumasabay si Sebastian sa bawat hakbang ko, ang kaniyang kamay ay protektadong nakahawak sa ibaba ng likod ko habang papalapit kami sa nakaparkeng sasakyan kung saan naghihintay si Marcus at Gina."Are you ready, sweetheart?" mababa at seryoso niyang tanong habang pinagbubuksan ako ng pinto.Tumingin ako sa kaniya at ngumiti nang maliit. "I'm born ready, Sebastian. Sila ang hindi handa sa pagbabalik ko."Sabay kaming pumasok sa loob ng sasakyan. Ngayong araw ang opisyal na pagbabalik namin sa trabaho. Si Sebastian ay dideretso sa main office ng De Cartier matapo

  • The Billionaire’s Scripted Wife   CHAPTER 55: BEHIND THE CAMERA

    SEBASTIANIn the past few months that we stayed together in this penthouse, everything changed. I got to know the real Savannah—the side of her that the camera never saw. For the rest of the world, she was the flawless Diamond Sweetheart, always acting perfect, poised, and calculated in front of every lens. She was a public property, managed and curated to fit an industry standard. But inside these walls? She was completely different. Here, she didn't have to carry the weight of being the country’s top actress. She was just a woman trying to find her own breath, and I was more than willing to give her the space to do so.I saw a Savannah who was incredibly lovable. A Savannah who was cute, clumsy, and loved acting like a baby around me whenever she wanted something.Minsan, kapag nagluluto ako sa kusina, bigla na lang siyang susulpot sa likod ko para yumakap, isisiksik ang mukha niya sa likod ko habang bumubulong na gutom na siya. She would pout her lips when I teased her about her mov

  • The Billionaire’s Scripted Wife   CHAPTER 47: BEYOND THE SCRIPT

    SAVANNAHIt’s our second month of being husband and wife based on the script we made. Hindi ko alam kung bakit, pero kahit peke lang ang lahat ng ito, naghanda pa rin ako ng regalo para sa kaniya. Noong nakaraang buwan kasi ay wala akong naibigay dahil sa sobrang busy naming dalawa. Siguro, ibibigay

  • The Billionaire’s Scripted Wife   CHAPTER 34: THE FAMILY VERDICT

    Maagang-maaga pa lang ay nabulabog na ang katahimikan sa loob ng kwarto ni Sebastian. Isang sunod-sunod na katok mula kay Nay Elena ang gumising sa amin. Napamulat ako ng mata at doon ko lang narealize na nakayakap pala sa akin ang aroganteng asawa ko. Kahit na nag-away kami kagabi, heto siya, mahim

  • The Billionaire’s Scripted Wife   CHAPTER 16: THE SILENT SHIFT

    Pagkatapos ng nakakapagod na prenup shoot, tila bawat himaymay ng kalamnan ni Savannah ay sumisigaw ng pahinga. Hindi biro ang tumayo sa harap ng lente nang buong araw, lalo na’t kailangan mong dayain ang sarili mong emosyon para magmukhang in love sa taong hindi mo naman dapat mahalin. Humiling siy

  • The Billionaire’s Scripted Wife   CHAPTER 14: THE UNWRITTEN SCRIPT

    Tahimik ang loob ng sasakyan habang pabalik sila sa mansyon. Pinagmamasdan ni Savannah ang nagliliparang mga ilaw ng siyudad sa labas ng bintana, ngunit ang isip niya ay naiwan sa opisina ng kanyang ama sa GMN-Network. Ramdam niya ang titig ni Sebastian sa kanya paminsan-minsan, isang titig na hindi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status