แชร์

Kabanata 2

ผู้เขียน: Rhea mae
last update วันที่เผยแพร่: 2026-06-15 10:57:16

Tipid na ngumiti si Megan sa Senyora Del Valle. Kinakabahan siya dahil baka masabi niya ang pangalan niya gayong pangalan ni Mariel ang kilala nila.

“Please have a seat, darling.” Nakapainit ng pagtanggap sa kaniya ng mga tao sa mansion.

“Issa, kunin mo ang gamit ni senyora mo at idiretso mo na sa magiging kwarto niya rito.” Utos ni Senyorita Estrella. Kinuha naman ng isang babaeng dalaga ang bag niya. Bahagya niya itong nginitian at pinasalamatan. Malaki ang bahay nila sa Manila pero tila ba bigla itong nanliit sa mansion ng mga Del Valle.

“Kumusta ang byahe mo, iha? Bakit hindi mo kasama si Evelyn?” Napatikhim muna si Megan para hindi siya mautal sa pagsagot.

“Nasa Australia po siya sa ngayon ma’am.” Nahihiya niyang sagot. Napapangiti naman si Estrella.

“Lola, tawagin mo na lang akong lola, iha. Hindi na kita makilala dahil ang laki-laki mo na. Sa tingin ko two years old ka pa lang noong huli kitang nakita. Ang ganda ganda mong bata, Mariel. Ang tagal-tagal kitang hinintay na makauwi rito. Alam mo naman kung anong ipinunta mo rito hindi ba? Matagal na naming usapan ng mommy mo na ikaw at si Akira ang ikakasal para sa isa’t isa.” Hindi na alam ni Megan ang isasagot niya kaya napapangiti na lang siya.

Napapaayos siya sa pagkakaupo niya dahil hindi na siya komportable. Kilala nila sa pangalan si Mariel pero hindi ang mukha nito. Napapaisip na lang si Megan kung hindi man lang ba nila nakita sa picture ang itsura ni Mariel.

“Kailan nga pala ang uwi ng mommy mo? Makakarating ba siya sa kasal niyo ni Akira? Sa susunod na buwan na ang kasal niyo at pinauwi kita rito para makapagprepare tayo at para na rin makilala niyo na ni Akira ang isa’t isa.”

“Hindi ko po kasi alam kung kailan siya makakabalik ng bansa. Hindi po niya sinabi sa akin ma’am.”

“Iha, lola. Sanayin mo na ang sarili mo na lola ang itawag sa akin, okay? Ikaw ang babaeng pakakasalan ng apo ko kaya you should call me lola from now on.” Nahihiyang ngumiti at tumango si Megan.

“S-Sige po l-lola.” Sagot niya saka siya napayuko.

“Laila, nasaan ba si Akira? Nakauwi na ba siya?” tanong ni Estrella sa katulong nila.

“Umuwi po siya kanina ma’am pero umalis din kaagad.” sagot nito. Napapailing na lang si Estrella dahil sa apo niya.

“Anyway, alam kong pagod ka na. Magpahinga ka muna sa kwarto mo tapos bumaba ka mamaya para makapagmeryenda ka. Kumain ka na ba ng lunch?” baling ulit nito kay Megan.

“Opo, kumain na ako kanina.”

“Oh siya, ipapahatid na kita sa kwarto mo para makapagpahinga ka na muna. Ipapakilala na lang kita kay Akira mamaya.” Tipid na ngiti ang isinagot ni Megan.

“Issa, ihatid mo siya sa magiging kwarto niya.” utos ni Estrella. Muling lumapit si Issa kay Megan para samahan siya sa magiging kwarto niya.

“This way po senyora.” Magalang na saad ni Issa. Bahagya naman munang yumuko si Megan kay Senyora Estrella bago ito sumama kay Issa.

“Ituring mong sarili mo itong bahay, iha. Huwag kang mahihiya.” Ani ng senyora na muling tinanguan ni Megan bago ito tuluyang sumama kay Issa para makapasok sa kwarto niya.

Umakyat sila sa napakagandang hagdan. Namamanghang tiningnan ni Megan ang buong bahay. Pakiramdam niya ay makakapag-exercise muna siya sa umaga bago makarating sa kusina dahil sa lawak at laki ng mansion.

“Dito po ang kwarto mo senyora. Kapag may kailangan ka tawagin mo lang ako.” Binuksan ni Issa ang pintuan at pumasok naman si Megan. Namamangha niyang tiningnan ang kwarto niya. Napakalawak nito, malayong malayo sa kwarto niya sa bahay ng stepmother niya. Ang kwarto niya sa bahay nila ay isang stock room pero dito, para siyang isang tunay na prinsesa.

“May kailangan ka pa po ba senyora?” nilingon ni Megan si Issa na naghihintay sa kaniya na baka may iutos siya.

“Wala naman, salamat.” Sagot niya. Ngumiti at bahagyang yumuko si Issa bago ito lumabas at isinarado na ang pintuan.

“Grabe, bakit tinalikuran ni Ate Mariel ang buhay niya rito? Kung siya lang ang pumunta, I’m sure matutuwa siya dahil para siyang prinsesa rito. Kung sabagay, kung hindi niya naman mahal ang lalaking ipinagkasundo sa kaniya, wala na akong magagawa dun.” Hinaplos ni Megan ang kama niya at kinikilig siyang humiga. Napapasipa pa siya. Impit ang sigaw niya dahil baka marinig siya.

“Oh my God. I can’t believe this. Ang ganda-ganda at ang komportable ng kwarto.”

Matapos niyang subukan ang malambot niyang kama ay lumabas siya ng balcony. Mula sa ibaba ay kita niya ang napakalawak na swimming pool.

“Gaano kaya kalawak ang mansion na ‘to?”

Nagpangalumbaba siya sa balcony habang nakatingin sa paligid ng kwarto niya. Napapalibutan ng napakalinis na bermuda grass ang buong mansion. Hindi niya mapigilang hindi mainggit sa magandang buhay ng Ate Mariel niya. Hindi nito kailangang magtrabaho para lang magkaroon ng allowance.

“Kung buhay lang sana kayong dalawa, mama, daddy, siguro masaya rin ang buhay ko pero ang bilis niyo akong iniwan.” Hindi niya maiwasang hindi malungkot kapag naaalala niya ang mga magulang niya. Namatay ang mama niya sa panganganak sa kaniya, dalawang taon na rin ang nakalipas nang mamatay din ang daddy niya sa isang aksidente.

Simula nang maulila siya sa magulang, naging miserable na rin ang buhay niya. Nakita niya na rin ang totoong ugali ng stepmother niya. Hindi niya naman masisisi ang stepmother niya dahil kabit ang mama niya. Ang kwento sa kaniya ng daddy niya ay walang kasalanan ang kaniyang ina dahil wala itong alam na kasal na pala ang daddy niya.

“I said I don’t want her here! Get her out of here! Goddamn it!” napatingin si Megan sa ibaba ng balcony niya ng marinig niya ang sigaw na yun.

Mula sa ibaba ay kita niya ang isang lalaki.

“Siya na naman? Dito ba siya nakatira?” usal ni Megan habang nakatingin sa gwapong lalaki. Tisoy, matangkad, perfect jaw line, golden brown eyes.

“Iho!” Napatingin naman si Megan kay Senyora Estrella habang sinusundan ang binatang lalaki.

“Sino kaya siya? Ano kayang role niya rito sa mansion?” kuryosong sambit ni Megan sa sarili niya. Nang lingunin niya ang lalaki ay mabilis itong tumalon sa tubig ng pool. Napaawang ang mga labi ni Megan. Kahit na malayo sa kaniya ang gwapong lalaki ay kitang-kita niya ang napakaganda nitong katawan, ang six packs abs at ang mga muscle nito.

Nang mapatingin sa kaniya ang lalaki ay mabilis siyang umupo para magtago. Ramdam niya ang bilis ng tibok ng puso niya. Dahan-dahan siyang naglakad ng nakaupo papasok ng kwarto niya. Nang maisarado niya ang balcony ay saka lang siya nakahinga ng maluwag. Napapahawak na lang siya sa dibdib niya.

“Sino ba siya?” aniya, kinakabahan dahil hindi imposibleng makasalamuha niya ang lalaki lalo na kung sa mansion din ito nakatira.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 24

    Seven years, pitong taon na kaagad ang lumipas nang umalis ng Pilipinas si Megan. Hindi naging madali ang buhay niya sa mga nakalipas na taon pero masaya siyang nalampasan niya ang lahat ng iyun. Naging madali ang buhay niya dahil nandyan ang mga kaibigan niya. May kasalitan siyang mag-alaga sa anak niya.“I’m so happy for you, girl! Look! Ang ganda ganda mo diyan.” Proud na proud na wika ni Kyline nang makita nila sa isang magazine ang picture ni Megan.“Grabe, halos hindi kita makilala. Ang matured mong tingnan sa picture mo lalo na at nakafierce ka. You are so gorgeous, indeed.” Sang-ayon ni Bianca.“Thank you, guys. Hindi ko naman mararating lahat ng ito kung hindi dahil sa inyo. Ang dami niyong naitulong sa akin simula pa lang. Kung ano man ang nakamit ko, nakamit niyo rin yun. Masayang masaya ako sa narating nating tatlo. Tingnan mo si Kyline, pinag-aagawan na ngayon ng mga malalaking company sa iba’t ibang bansa dahil magaling na architect. At ikaw naman, mas napalago mo ang bu

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 23

    Nakarating silang tatlo ng New York. Lahat sila ay nakangiti habang nasa gate ng isang school na papasukan nila.“Finally,” mahinang wika ni Kyline saka niya tiningnan si Megan at Bianca na tila hindi rin makapaniwala na nasa New York na sila. “Magkakasama pa rin tayo. Magkakaiba man tayo ng course pero iisang school ang pinapasukan natin at iisang apartment ang tinitirhan natin.” Masayang saad nito.“Kinikilig ako.” Tumatawang saad ni Bianca. “Group hug tayo, bilis!” Nagtatawanan naman silang nagyakapan.Mahigpit na hinawakan ni Megan ang bag niya. Ito na ang simula ng pagbabago ng buhay niya. Hindi niya man alam ang mangyayari sa kanila pero susubukan niyang makapagtapos sa school na ito at makahanap kaagad ng trabaho.Malayo na siya sa Ate niya at sa stepmom niya. Sigurado siyang makakalimutan niya na rin si Akira. Dalawang buwan na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakakalimutan si Akira.Sinubukan niya itong i-search sa social media pero hindi lumalabas ang

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 22

    Tulalang nakatingin sa kawalan si Megan. Isang linggo na ang nakalipas simula nang umalis siya sa poder ng mga Del Valle. Mapait siyang ngumiti. Siguradong ikinasal na rin si Akira at Mariel dahil kahapon ang schedule ng kasal nila.Mapait siyang ngumiti saka siya bumuntong hininga. Masakit pa rin sa dibdib niya ang nangyari. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkikita ng stepmom niya dahil umalis na siya sa bahay nila. Sapat na ang perang ibinigay ni Mariel sa kaniya para makapag-aral siya at matupad ang pangarap niya. Hindi niya na kaya ang walang katapusang utos ng stepmom niya sa kaniya. Hindi niya magawa ng maayos ang mga school works niya dahil gabi na bago siya matapos sa mga trabaho niya sa loob ng bahay nila.“Huy, okay ka lang?” Panggigising ni Kyline sa pagde-day dream ni Megan. Bumuntong hininga lang si Megan habang nananatiling nakatingin siya sa kawalan. Nakatira siya ngayon sa bahay ng isa sa mga kaibigan niya.“Naaalala mo pa rin ba siya? Bakit hindi mo subukang bal

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 21

    Masakit sa loob ni Megan na umalis ng bahay. Panay na ang hikbi niya na halos hindi na siya makahinga. She just want to talk to Akira pero ayaw na siyang makausap at makita ni Akira. Isa siyang impostora kaya sino siya para kausapin ni Akira Del Valle?Mabilis na pinunasan ni Megan ang mga luha niya pero sunod-sunod pa rin ang pagpatak ng mga ito sa pisngi niya.Muli siyang lumingon sa bahay pero nakasarado pa rin ito.Galit na galit namang tinabig ni Akira ang mga babasagin sa loob ng bahay nila sa rancho.“Damn it! Goddman it!” Galit na galit niyang sigaw habang tinatabig ang mga vase na nakadisplay sa sala. Nagkalat na ang mga basag na vase sa sahig. Hindi niya na tiningnan si Megan dahil hanggang ngayon ay nagagalit pa rin siya.Masakit pa rin sa loob niya na niloko lang siya ni Megan. Hindi niya akalain na mapapalapit siya sa isang impostora. Pera lang ba ang kailangan ni Megan sa kaniya kaya ito nagpanggap at lumapit sa kaniya?Hilaw na lang na natawa si Akira.“Pare-pareho lang

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 20

    Sunod-sunod ang paglandas ng mga luha ni Megan sa pisngi niya habang nasa dalampasigan siya. Nasa madilim siyang bahagi ng dagat dahil hindi siya pwedeng makita ng senyora.Mahigpit niyang hawak ang dibdib niya habang pigil ang paghikbi niya. Nasasaktan siya dahil ang malafairytale niyang buhay ay matatapos na. Gigising siya isang umaga na hindi na makikita si Akira. Hindi niya akalain na pagkatapos ng mga masasayang nangyari sa kaniya ay matatapos na. Mapapalitan ng sakit at lungkot.Malapit ng maghating gabi pero wala pa ring balita si Megan kung nakauwi na ba si Akira. Gusto niya sanang makausap ito kahit sa huling pagkakataon. Gusto niyang magpaliwanag. Gusto niyang sabihin na totoo ang lahat ng naramdaman niya. Ang saya na naranasan niya at kung bibigyan siya ng pagkakataon, handa niyang pakasalan si Akira. Pero alam niyang sa panaginip na lang mangyayari ang lahat ng iyun.Ayaw niya sanang maghihiwalay sila ni Akira na galit pa rin ito sa kaniya.Magang-maga na ang mga mata ni M

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 19

    Galit na galit na nakatingin si Estrella kay Megan. Hindi magawa ni Megan na tingnan sa mga mata ang Senyora.“Sinabi ko na sayo kung ano ang pinakaayaw ko sa isang tao, iha. Sinabi ko sayo na ayaw na ayaw ko ng niloloko ako at sinisira ang tiwala ko. Ang lakas ng loob mong lokohin ako at ang pamilya ko. Pwede kitang ipakulong sa ginawa mo pero iisipin ko na lang ang pinagsamahan natin sa loob ng isang buwan. Ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo kahit kailan at huwag na huwag ka na ring magpapakita sa apo ko. Pera ba ang kailangan mo?” Galit pa ring sambit ng Senyora.“Issa, ibigay mo sa akin ang cheque ko.” Maawtoridad na utos ni Estrella. Mabilis namang lumapit si Evelyn sa matanda.“Senyora, huwag niyong gawin ‘to. Hayaan niyong ako na ang maghatid sa kaniya pabalik ng Manila. Bukas na bukas din ay aalis na kami. Hindi ko hahayaan na maabutan mo pa siya bukas.” Ani ni Evelyn. Nang ibigay ni Issa ang cheque ng Senyora ay mabilis itong nagsulat ng amount at isinampal kay Megan.“Yan a

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 4

    Hindi alam ni Akira kung bakit mabilis na nakuha ng babae ang atensyon niya. Kanina pa siya paikot-ikot sa mansion pero hindi niya makita si Megan. Hindi niya naman alam ang pangalan nito kaya hindi niya matanong ang mga katulong nila.Kalahating oras na siyang naglalakad para mahanap si Megan pero

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 3

    Salubong ang mga kilay ni Akira habang hawak-hawak niya ang wineglass na pinapaikot-ikot niya.“Balita ko nasa bahay niyo na ang babaeng mapapangasawa mo. Congrats, ikakasal ka na.” Pang-aasar ni Geyvin saka ito uminom ng alak sa baso niya. Malamig pa rin ang mukha ni Akira. Maraming beses niya nan

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 1

    “Limang milyon piso, okay na ba ang halagang yun para pumayag ka sa gusto ko?” Napatitig si Megan sa Ate Mariel niya. Sapat na ang limang milyon para masuportahan niya ang sarili niya sa pag-aaral. Hindi niya na kailangang magmakaawa, hindi niya na kailangang sumunod muna sa utos nila bago siya mag

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 7

    Bahagyang ngumiti si Estrella dahil sa tanong ni Megan. Nagbabakasakali si Megan na macancel ang wedding nila kung siya ang gagawa ng paraan pero paano kung magalit naman sa kaniya ang stepmother niya kapag nalaman nito ang lahat ng ginawa niya?“Mga bata pa lang kayo ni Akira, ipinagkasundo na nam

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status