Share

Chapter 5

Author: Luna Aura
last update publish date: 2026-05-26 22:03:19

Chapter 5

"Nakita ko sa balita..." mahinang sagot ni Bella.

Isang kislap ng interes ang dumaan sa mga mata ng lalaki. "You're quite interested in me?"

Sandaling nabilaukan si Bella. Alam niyang kapag gumawa siya ng kung ano-anong dahilan, lalo lang siyang paghihinalaan nito. Kaya naman, gumawa siya ng kwentong may halong katotohanan at kasinungalingan.

"To be honest, fan ako ng couple pairing niyo ng asawa mo. Naturally, mas binibigyan ko kayo ng atensyon."

Noon pa man, ang relasyon ni Jaxon at Clara ay mas sikat pa kaysa sa mga sikat na artista. Marami silang tinitingalang followers, at hanggang ngayon, marami pa rin ang baliw na baliw sa kanila.

Kahit ang pulis ay napatawa sa narinig. "Sir Jaxon, fan din po ng asawa niyo ang kapatid ko."

Hinilot ni Jaxon ang kanyang makapal na kilay at hindi na muling nagtanong. 

Gayunpaman, tila biglang bumagsak ang temperatura sa loob ng ward habang unti-unting dumidilim ang mukha ng lalaki. Naging mabigat ang atmospera sa loob ng silid.

Sinamantala ni Bella ang pagkakataon para ibahin ang usapan. "Officer, kailangan ko pa po bang sumailalim sa medical examination?"

Dahil sa paalala niya, bumalik ang pulis sa pangunahing pakay nito. 

"Sir Jaxon, paano po si Sir Mateo?"

"Mali ang ginawa niyang pananakit. Dapat siyang parusahan at makulong. Please do as you see fit," kalmadong putol ni Jaxon sa usapan.

"Opo..." mabilis na sagot ng pulis.

Nakahinga nang maluwag ang opisyal dahil akala nito ay pipilitin ni Jaxon ang isang private settlement. 

Sa totoo lang, masyadong kalabisan ang ginawa ni Mateo sa isang babaeng gaya ni Bella.

"Babalik na ako sa police station para asikasuhin ito. Tungkol naman kay Miss Bella..."

"Bilang kamag-anak ng taong nanakit sa kanya, ako na ang bahalang mag-alaga sa biktima," saad ni Jaxon bago naupo sa silya sa tapat ng hospital bed.

Sa sobrang takot ay mas lalong sumiksik si Bella sa dulo ng kama. Kilalang-kilala niya si Jaxon. Ginamit lang nito ang taktika na kunwari ay umaatras pero sumusulong na pala. 

Ngayong pinaalis na ang mga pulis, para na siyang isang maliit na kuneho sa loob ng lungga ng lobo, handang lapain anumang oras.

"Officer, I..." Pinilit ni Bella na umupo. 

Akmang tutulungan siya ni Jaxon, at sa paglapit nito, naramdaman niya ang dapi ng manipis na labi nito sa kanyang tenga.

"Atty. Evangelista from Crestwood Law Firm, naglalagi sa mga bar... ganoon ka ba kabaon sa utang?" bulong nito.

Nanlaki ang mga mata ni Bella sa gulat habang nakatitig sa lalaki. 

Tinaasan lang siya ni Jaxon ng kilay at bahagyang ikiniling ang ulo.

Dahil doon, napilitan siyang baguhin ang dapat sana ay sasabihin sa pulis. 

"Officer... gusto ko lang po sanang makausap nang pribado si Mr. Singson."

"Sige, mauna na ako."

Nang makaalis na ang pulis, tiningnan ni Bella si Jaxon nang may pagkunot ng noo. 

"Kailan mo pa nalaman na isa akong Crestwood lawyer?"

"Hard to guess?" balik na tanong nito.

Siguro ay nahulaan nito dahil sa pagiging pamilyar niya sa mga legal provisions kanina, hanggang sa ipina-imbestiga na siya nito.

Nang maisip iyon, naglakas-loob na siyang magtanong. "Mr. Singson, ipinalinis mo ba agad ang room 809 pagkatapos mong malaman na na-report ang bar ni Mateo?"

"You're very smart." Ngumiti si Jaxon pero hindi umabot sa kanyang mga mata. 

Isang mapait na ngisi ang gumuhit sa mga labi ni Bella. "Hindi tulad mo na masyadong tuso. Alam mo namang totoo ang report ko pero nagawa mo pang magpanggap na biktima at pilitin akong humingi ng tawad. Ang galing mong bumaligtad ng katotohanan."

"You are not innocent either," maikling sagot ni Jaxon.

"Anong ibig mong sabihin?" kunot-noong tanong ni Bella.

Tumayo si Jaxon at dahan-dahang lumapit. "Atty. Evangelista, balak mo bang itago ang videong palihim mong kinuha sa private room para i-blackmail ako sa susunod?"

Hindi nakapagsalita si Bell.

Paano nito nalaman? 

It turned out he already guessed she had the video. 

Kaya pala pilit silang nakikipag-ayos kanina dahil natatakot silang ibigay niya ang ebidensya sa mga pulis.

Compared to his ruthless and aggressive style six years ago, mas naging kalmado ang lalaking ito ngayon. Pero mas lumalim din ang pagiging tuso niya. He became even more dangerous.

"Wala akong hawak na video," pagkakaila ni Bella.

"You're certainly stubborn," Jaxon said as he leaned against the window.

Pinagkrus nito ang mahahabang binti at nagsindi ng sigarilyo. Habang ibinubuga ang usok, mataman niyang pinagmasdan ang babae. 

Wala na ang makapal na make-up nito, revealing her original appearance. It was an extremely pure and delicate face.

Namumutla ang kanyang maliit na mukha, pero ang balat niya ay kasing-puti at kasing-kinis ng labanos. Her peach blossom eyes were as clear and bright as a pool of misty rain—pure and untouched by any impurities. Ang mahaba at kulot niyang buhok ay bagsak hanggang sa kanyang bewang.

Bukod sa suot nitong damit, her demeanor was both innocent and alluring. 

Her face had a youthful appearance, para lang itong college student sa edad na early twenties. She was so thin it was almost pitiful. 

For some reason, looking at her gave Jaxon a strange sense of familiarity.

"Ilang taon ka na Atty. Evangelista?" tanong nito.

Nakaramdam ng pagkailang si Bella sa ilalim ng matitinding tingin ng lalaki. Mas lalo siyang sumiksik sa kama. 

"Twenty-seven years old." Sinadya niyang dagdagan ng isang taon ang totoong edad niya dahil iyon ang nakalagay sa ID card ni Bella.

"You don’t look like it," komento ni Jaxon.

"Ikaw nga mukhang matanda e," ganti naman ni Bella saka inirapan ang lalaki.

"Matanda?" Isang misteryosong ngiti ang sumilay sa lalaki. "What I mean is I think you look young, but you think I'm old?"

Hindi nakasagot si Bella at nakagat na lang ang labi. 

She was nervous just now kaya kung ano-ano na lang ang lumabas sa bibig niya. 

In reality, Jaxon looked radiant and elegant, mas aloof at outstanding pa kaysa noong anim na taon ang nakalipas. 

Hindi siya matanda tingnan pero kasi… kinagat nalang niya angpang-ibabang labi at mabilis na nag-iwas ng tingin.

Nang makita siyang namamaluktot at tila depensibong-depensibo ang postura, Jaxon chuckled and gave a slight smile. Maski siya ay nagulat na nakikipag-usap siya nang ganito sa isang estrangherong babae.

Pinatay niya ang kalahati ng sigarilyo sa trash can at bumalik sa seryosong usapan.

"Atty. Evangelista, hindi mo ibinigay ang video sa pulis dahil gusto mong dagdagan ang bargaining power mo sa negosasyon, hindi ba? Since you're after money, name your price. Bibilhin ko."

Dahil sa matinding pagkapahiya sa maling paratang nito, hindi na napigilan ni Bella ang magalit.

"Mr. Singson, kahit magkano pa ang ialok mong pera, hinding-hindi ko iyon ibebenta," matigas niyang saad.

"Beautiful lady, don't make promises you can't keep."

Isang malinaw at pamilyar na boses ang nanggaling sa pintuan. 

Agad na napalingon si Bella sa direksyong iyon. 

Isang gwapo at pino ang kilos na lalaking nakasuot ng suit ang pumasok sa silid.

Nang makilala kung sino ito, lalong kumunot ang noo ni Bella. 

She recognized the man. 

He’s Jaxon’s childhood friend. Ang may ari ng Valderama Law Firm na isa ngayon sa mga top law firms sa bansa. Dylan Valderama is a nationally renowned Lawyer.

Pero sa likod ng magandang imahe, he is a charming rogue with a sharp tongue and a gentlemanly demeanor. 

Noon, sa lahat ng kaibigan ni Jaxon, siya ang pinakamahilig mang-asar sa kanya dahil sa pagiging pipi at mataba niya.

Naalala ni Bella kung paano siya hiyain at hamakin ng mga ito noon kaya biglang bumaliktad ang kanyang sikmura. 

The physiological nausea was so intense that her stomach churned violently.

Napahawak siya sa kanyang bibig at pilit na pinigilan ang pagduwal. 

Nagmamadali siyang bumaba sa hospital bed at pasuray-suray na tumakbo patungong banyo para magsuka.

"Damn, am I a virus or something? Isinusuka niya agad ako pagkakita pa lang sa akin?" Kunot-noong saad ni Dylan, tila hindi malaman kung magagalit o matatawa.

Hindi siya pinansin ni Jaxon at sa halip ay sumunod ito kay Bella sa loob ng banyo.

Wala namang masyadong nakain si Bella sa buong araw kaya wala siyang maisuka. It was utterly disgusting. 

Nang kumalma na ang kanyang sikmura ay nanghihina siyang tumayo at lumapit sa sink. 

Binuksan niya ang gripo at naghilamos ng malamig na tubig.

Pag-angat ng kanyang tingin, nakita niya ang repleksyon ni Jaxon sa salamin na malamig at seryoso ang mukha nito. 

Unti-unting humigpit ang kapit ni Bella sa gilid ng sink.

Bella looked at him in the mirror as he watched her quietly.

Ang tensyon sa pagitan nila ay tumagal lang ng dalawang segundo bago siya sumuko. 

Akma na siyang tatalikod para umiwas sa tingin nito nang biglang hawakan ni Jaxon ang kanyang manipis na pulso.

"Is there anything else that's bothering you?" tanong ni Jaxon.

Papalag na sana si Bella para makawala pero bigla siyang napatigil. 

Nanigas siya nang makita ang isang peach pit red rope bracelet na bahagyang lumitaw mula sa manggas ng suot na damit ng lalaki.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire’s Secret Marriage Trap   Chapter 82

    Chapter 82Parang ninakawan ng ari-arian ang mukha ni Dylan sa narinig, at agad na binalingan ng nagtatanong na tingin si Juancho. Hindi kumibo si Juancho, tumango lang ito bilang kumpirmasyon. Hindi niya alam kung umalis ba si Bella noong madaling-araw na kaya mas mabuting manahimik na lang.Kumunot ang noo ni Bella, magpapaliwanag na sana siya nang makitang ilabas ni Jaxon ang isang cellphone mula sa bulsa nito at ipinatong sa lamesa. Bahagyang itinagilig ng lalaki ang ulo nito patungo sa direksyon niya, senyas na lumapit siya.Napagat-labi si Bella sa tindi ng inis. Cellphone niya iyon. Ginagamitan na naman siya nito ng pagbabanta.Walang nagawa si Bella kundi ang humakbang papalapit. Pero bago pa siya tuluyang makalampas kay Dylan, bigla nitong binuhat ang isang upuan para harangan ang daraanan niya."Attorney Evangelista, mas bagay ka rito sa tabi ko. May pamilya na si Jaxon, baka kung ano pang isipin ng mga tao kapag masyado kayong naglapit," makahulugang paalala ni Dylan sabay

  • The Billionaire’s Secret Marriage Trap   Chapter 81

    Chapter 81Noong araw, sa tuwing sinusundo siya ni Seiji para ihatid kay Jaxon, madalas silang magkwentuhan ng mga walang kwentang bagay tulad nito. Noong mga panahong iyon, wala siyang ibang kaibigan kundi si Jaxon lang. Sobrang lungkot ng buhay niya noon.Hindi nagtagal, nagsimula nang umakyat ang sasakyan sa isang paliko-likong daan sa bundok. Habang pinagmamasdan ang pamilyar na tanawin sa labas ng bintana, napagtanto ni Bella na ang 'resthouse' na tinutukoy ni Seiji ay walang iba kundi ang mansyon kung saan siya dinala ni Jaxon noong gabing 'yun.Nang matanawan niya ang isang malaking puno sa gilid ng burol sa hindi kalayuan, biglang lumaktaw ang tibok ng kanyang puso. Binuksan niya ang bintana ng kotse at agad na humampas ang malamig na hangin sa kanyang mukha.Habang unti-unting nilalamon ng hamog ng gabi ang punong iyon, hindi na niya napigilang magtanong. "Seiji, parte ba 'to ng Arashiyama?"Hinawakan ni Seiji ang kanyang tenga at kaswal na sumagot, "Opo. Isang maliit at hind

  • The Billionaire’s Secret Marriage Trap   Chapter 80

    Chapter 80Pagkababa ng telepono, marahas na sinabunutan ni Bella ang sarili sa tindi ng frustasyon."Bwisit..." bulong niya sa hangin.Takot na takot siya na baka tuluyang mabaliw si Jaxon, buksan ang lumang cellphone niya, at pakialaman ang mga pribadong bagay doon. Sinasabi nitong isasauli lang ang bag, pero malinaw na pagbabanta ang ginagawa nito. Kahit nagagalit, taranta pa rin siyang nagpalit ng damit sa loob ng kwarto.Pagkalabas niya ng silid, nakita niyang nakatutok pa rin ang tatlong bata sa pinapanood na cartoons."Mommy, aalis ka po? Gutom na po ako..." patakbong lumapit si Moana at agad na yumakap sa kanyang baywang, nakatingala ang bilugang mga mata.Alas-dos na sila ng hapon nakapananghalian, at ngayon ay alas-siyete na ng gabi—oras na talaga para maghapunan. Tapos kailangan niya pang umalis muli.Sinalubong ni Bella ang tingin nina Maui at Matias at pinapalapit ang mga ito. "Mga anak, may kailangan lang puntahan si Mommy saglit. Hindi na ako makakapagluto ng dinner niy

  • The Billionaire’s Secret Marriage Trap   Chapter 79

    Chapter 79Pasado alas-dos na ng hapon nang makabalik kami sa inuupahan kong kwarto. Sa sala, abala ang tatlong bata sa panonood ng cartoons habang tahimik namang nagluluto si Bella sa kusina.Nang maisara nang maigi ang sliding door, hindi na nakatiis si Alvaro. Itinanong na niya ang kanina pa nagpapakaba sa kanya—ang tanong na hindi niya magawang bitawan sa harap ng mga bata."Anong nangyari kanina? Paanong nagkatagpo kayo ni Jaxon sa dinami-rami ng tao roon?" usisa ni Alvaro, bakas ang matinding pag-aalala sa boses."Nagkataon lang na nakasalubong ko ang pamilya na 'yun," malamig at kalmadong sagot ni Bella habang naghihiwa ng mga gulay."Isang pamilya?" gulat na ulit ni Alvaro. Kanina kasi ay nakay Jaxon lang ang buong atensyon niya kaya hindi na niya napansin kung sino ang mga kasama nito."Normal lang naman sa isang asawa na isama ang pamilya niya sa aquarium. Nagkataon lang na nandoon din sila," patuloy ni Bella sa kaswal na tono.Pero sa kabila ng pananalita niya, may naramdam

  • The Billionaire’s Secret Marriage Trap   Chapter 78

    Chapter 78Bahagyang kumunot ang noo ni Jaxon nang marinig na Evangelista ang apelyido ng bata.Evangelista? Sa kanya sumunod ang bata? Bakit hindi doon sa walang kwenta niyang boyfriend?Nahalata ni Bella ang matalim na titig ni Jaxon kay Moana na tila ba may malalim na iniisip. Kinagat niya ang kanyang labi."Jaxon, una na kami. May gagawin pa kasi ako," paalam ni Bella, pilit na tinatapos ang usapan.Hindi pa siya nakakahakbang nang may matinis at masayang boses ng bata ang sumingit sa pagitan nila."Daddy! Daddy! Sa wakas, nahanap din kita!"Nalingat ang tingin ni Bella. Isang batang babae na nakasuot ng napakagandang kulay-rosas na damit ang patakbong yumakap sa mga binti ni Jaxon.Bahagyang nanginig ang kamay ni Bella na nakahawak kay Moana.Sumabay ang reaksyon ng kanyang puso sa panginginig na iyon. Ang batang dumating ay kasing-edad at kasing-tangkad lang ng kanyang anak. Pero ang isang ito ay bihis na bihis, parang isang munting prinsesa na tumakas mula sa palasyo.Hawak nit

  • The Billionaire’s Secret Marriage Trap   Chapter 77

    Chapter 77Bumaba si Moana habang hila-hila ang maliliit na kamay ng mga kapatid niya. Noong una ay bakas ang takot sa mukha ng bata, pero nang makita ang malalaking isda na lumalangoy sa dambuhalang glass wall sa itaas ng ulo niya, masaya itong nagtatampisaw at pumalakpak.Nasa likod lang nila sina Bella at Alvaro, matang-manok na nakabantay para walang madapa o mauntog habang nag-uusap."Bella, ang babait at ang tatalino naman ng tatlong 'to. Nakakagigil, gusto ko na rin tuloy magka-baby!" ani Alvaro habang nakatitig sa mga bata.Ngumiti lang nang bahagya si Bella. "Maghanap ka muna kasi ng boyfriend. Mag-asawa ka na para hindi ka na kinukulit ni Dean Lopez."Agad na napasimangot si Alvaro at mabilis na sumagot. "Paano kung makatagpo ako ng gago katulad ni Jaxon? Ang hirap ng pinagdaanan mo nitong nakaraang anim na taon, Bella."Seryoso ang tono ni Alvaro, galing talaga sa puso niya ang pag-aalala.Pait na ngiti lang ang nagawang isagot ni Bella.Sa buhay naman talaga ng isang babae

  • The Billionaire’s Secret Marriage Trap   Chapter 18

    Chapter 18"Singson Heritage Estates... gustong makipagtulungan sa atin?" hindi mapigilang mabulong ni Bella sa sarili, bago pa man niya mapigilan ang labis na pagkagulat.Hindi siya makapaniwala. Ang kahit na maliit na proyektong malaglag lang sa mga daliri ng Singson Heritage Estates ay nagkakaha

  • The Billionaire’s Secret Marriage Trap   Chapter 7

    Chapter 7Kagat-labi si Bella. Halos mabaon ang kanyang mga kuko sa sariling palad.Ang galit at ang pakiramdam na hinalay ang kanyang dignidad ay walang-wala kumpara sa matinding kawalan ng kapangyarihan na nararamdaman niya sa mga oras na ito.Hindi siya natatakot na bumangga sa kahit na sino. Ga

  • The Billionaire’s Secret Marriage Trap   Chapter 6

    Chapter 6Isang sulyap lang sa pulsuhan ni Jaxon, parang pinilipit na ang puso ni Bella.Iyon ang unang regalo na ibinigay niya rito noong birthday nito. Ang mga panahong iyon... hindi pa ito binabawi ng marangyang pamilya Singson. Ang mga panahong madilim pa ang mundo nito dahil hindi pa naibabali

  • The Billionaire’s Secret Marriage Trap   Chapter 4

    Chapter 4Tumama ang ashtray sa noo ni Bella dahilan para pumutok iyon. Kahit anong pigil niya, hindi niya nagawang hindi mapasigaw sa sobrang sakit.Naramdaman niya ang matinding pagkahilo. Sa sobrang hilo ay tuluyan siyang nahulog mula sa kanyang upuan at bumagsak sa sahig. Bright red blood gush

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status