MasukChapter 89Celine's POV“Mom!”Parang himala ang tunog ng boses na iyon.Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Mabilis akong lumapit at niyakap si Brent nang buong higpit, na para bang natatakot akong mawala siyang muli sa aking mga bisig.“Brent…”Halos hindi ko na mabigkas ang pangalan niya sa sobrang pag-iyak.Ramdam ko ang panghihina ng maliit niyang katawan. May mga gasgas ang kanyang mga braso at mukha, at halatang ilang araw siyang hindi nakapagpahinga nang maayos. Ngunit sa kabila ng lahat ng pinagdaanan niya, napakahigpit ng yakap niya sa akin, na para bang gusto niyang tiyaking hindi na kami muling magkakahiwalay.“Mom… I missed you so much…”Lalong bumuhos ang mga luha ko.“I missed you too, baby… Mommy is so sorry…”Paulit-ulit ko siyang hinahalikan sa noo, sa pisngi, sa buhok. Hindi ko alam kung ilang beses ko iyong ginawa. Ang mahalaga lang sa akin ay maramdaman niyang ligtas na siya.Na narito na ang mommy niya.Na hindi na siya nag-iisa.Napaiyak din ang mga doktor at i
Chapter 88Alaric’s POV“Sir, nakita na po ang location.”Parang tumigil ang mundo ko sa narinig kong ulat.Tumayo ako agad sa kinauupuan ko at nilapitan ang digital map na naka-project sa malaking screen ng command vehicle.“Sigurado ba?” mariin kong tanong.“Yes, Sir. Three independent surveillance teams confirmed the location. Isang safehouse sa liblib na bahagi ng Bulacan.”"Ito ang itinuturo ng tracking device mula sa kwintas ni Sir Brent"Napapikit ako sandali.Salamat.Sa wakas.“Let's move.”“Hindi na tayo puwedeng mag-aksaya ng kahit isang segundo.”“Kailangan kong maibalik ang anak ko.”Agad kumilos ang buong operasyon.Habang umaandar ang convoy ng mga sasakyan, nakikipag-ugnayan na rin ako sa mga taong pinagkakatiwalaan ko sa gobyerno.Hindi puwedeng pumalpak ang operasyong ito.Alam kong napakalawak ng impluwensiya ng mga Montague.May mga tao sila sa pulisya.May koneksiyon sila sa militar.May mga opisyal silang kayang bilhin.Ayokong makarating sa kanila ang balita bag
Chapter 87Celine's POV"What is this, Dad?"Nakangiting inilabas ni Van ang dalawang maliit na velvet boxes.Tahimik niyang binuksan ang una at maingat na isinabit sa aking leeg ang isang napakagandang kwintas.May hugis itong puso na napapalibutan ng maliliit na berdeng gemstones. Sa gitna nito ay may isang makinang na emerald na tila kumikislap sa bawat tama ng liwanag.Napangiti ako."Ang ganda naman nito."Pagkatapos ay lumuhod siya sa harap ni Brent."At ito naman para sa little buddy ko."Excited na binuksan ni Brent ang kahon."Daddy! T-Rex!"Halos mapatalon siya sa tuwa nang makita ang pendant na hugis Tyrannosaurus Rex—ang paborito niyang dinosaur.Mabilis niya iyong isinabit sa sarili niyang leeg."Daddy! Ang astig!"Napatawa kaming dalawa ni Van.Napakainosente ng anak namin.Isang simpleng regalo lamang ay sapat na upang mapasaya ang kanyang buong araw.Ngunit napansin kong biglang naging seryoso ang mukha ni Van.Hinawakan niya ang balikat ni Brent."Promise me, anak.""
Chapter 86Celine's POVLumipas ang ilang buwan, ngunit nanatiling tahimik ang lahat tungkol kay Diana. Wala ni isang balita kung nasaan siya, kung ano ang ginagawa niya, o kung may binabalak pa ba siyang panibagong paghihiganti. Sa iba, ang katahimikang iyon ay maaaring senyales na tapos na ang lahat.Pero para sa amin ni Alaric...Mas nakakatakot ang katahimikan kaysa sa isang hayagang banta.Ang mga taong tunay na mapanganib ay hindi agad kumikilos. Naghihintay sila ng tamang pagkakataon.Samantala, sa Thorne Global Holdings, tuluyan nang sinimulan ni Alaric ang pinakamalaking paglilinis sa kasaysayan ng kumpanya.Isa-isang bumagsak ang mga taong dating akala mo ay hindi matitinag.Lahat ng napatunayang kaalyado ng mga Montague, sangkot sa katiwalian, ghost transactions, money laundering, overpriced contracts, at embezzlement ay agad na pinadalhan ng kaso.Walang sinanto si Alaric.Hindi siya nagpapatinag.Board members.Senior executives.Department heads.Kahit ilang dekada pa si
Chapter 85Celine’s POV“What?”Halos umalingawngaw sa buong dining area ang malakas na sigaw ni Alaric habang magkasabay kaming nag-aalmusal. Napatingin agad ako sa kanya. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone, habang unti-unting namumula ang kanyang mukha sa sobrang galit. Kitang-kita ko ang matinding pagpipigil niya sa sarili.Kanina lang ay maayos pa ang lahat. Tahimik kaming kumakain habang si Brent ay masayang nagkukuwento tungkol sa ginawa nila sa school noong nakaraang araw. Ngunit sa isang tawag lamang ay biglang nagbago ang ihip ng hangin.Naramdaman kong may mabigat na problemang paparating.“What’s wrong, Honey?” maingat kong tanong.Hindi siya agad sumagot.Ibinaba niya ang cellphone at mariing ipinikit ang kanyang mga mata. Huminga siya nang malalim na tila pilit na kinokontrol ang kanyang emosyon. Kilala ko si Alaric. Kapag ganito siya katahimik, ibig sabihin ay may seryosong nangyari.Ayaw niya lang muna akong alalahanin.Ilang segundo pa ang lumipas bago siya na
Chapter 84Celine's POVHalos nagkakagulo ang buong conference hall nang dumating kami ni Alaric.Mula pa sa labas ng boardroom ay rinig na ang maiingay na pagtatalo ng mga board members. Nag-uunahan silang magsalita, nagsisihan, nagtuturuan, at pilit na ipinagtatanggol ang kani-kanilang panig matapos ang kaguluhang nangyari sa 50th Grand Anniversary ng Thorne Global Holdings.Ang engrandeng selebrasyon na dapat sana'y naging simbolo ng limampung taon ng tagumpay ay nauwi sa pinakamalaking eskandalo sa kasaysayan ng kumpanya.Pagpasok namin, isa-isang napalingon ang lahat.Tumigil ang mga bulungan.Tumahimik ang silid.Magkahawak ang kamay namin ni Alaric.Hindi na kami nagkukubli.Hindi na kami nagpapanggap.Hindi na ako ang babaeng itinago niya sa likod ng mga kasinungalingan.Ako ang asawa niya.At ngayon, buong tapang niya akong ipinakilala sa buong mundo.Ramdam ko ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko. Hindi iyon para humingi ng lakas mula sa akin.Kundi para iparamdam na
KABANATA 5Celine Herrera POV Dalawang araw na ang lumipas mula nang magising ako sa clinic na ito. Sa loob ng dalawang araw na iyon, wala akong ibang nakita kundi ang mga nurse na nagdadala ng masustansyang pagkain at ang mga bodyguard na nakatayo sa labas ng pinto ko. Hindi ako pinapayagang lum
KABANATA 4Celine Herrera POV Puting kisame ang unang bumungad sa akin pagdilat ko ng mga mata, at puti rin ang kumot na nakabalot sa akin. Amoy disinfectants at mamahaling pabango ang paligid. Hindi ito ang amoy ng bahay namin, at mas lalong hindi ito ang amoy ng kalsada kung saan ako huling bum
KABANATA 3Celine Herrera POV Tatlong buwan na ang lumipas mula nang gabing iyon sa penthouse, pero pakiramdam ko ay habambuhay na ang dumaan. Akala ko, ang pagpirma sa kontrata ang pinakamahirap na bahagi. Akala ko, kapag nakuha na ang pera at nailipat si Lola sa maayos na ospital, magiging mada
KABANATA 2Celine Herrera POV Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang mataas na building. Pagkabukas ng pinto ng driver, sinalubong ako ng malamig na hangin ng gabi. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito, pero alam kong nasa bahagi kami ng lungsod kung saan nakatira ang mga taong hindi na kailangang







