LOGINIsang transaksyon, isang taon, at isang pekeng kasal. Pinasok ni Celine Herrera ang isang surrogacy contract kay Alaric Thorne para lang mailigtas ang kanyang lola. Pero bago pa matapos ang deal, namatay ang kanyang lola at ninakaw ng kanyang madrasta ang lahat ng pera—dahilan para maiwan siyang buntis at walang matuluyan. Walang ibang mapupuntahan, napilitan si Celine na tanggapin ang bagong alok ng bilyonaryo, isang taong marriage contract kapalit ng proteksyon at puhunan para sa kanyang pangarap na architectural firm. Ngunit sa gitna ng kanilang pagpapanggap, isang sabwatan ang magpapalayas sa kanya sa bansa upang protektahan ang kanyang anak. Pagkalipas ng limang taon, maghaharap silang muli. Hindi na bilang isang desperadang "biniling bride," kundi bilang isang world-renowned architect na kailangang suyuin at habulin ng lalaking minsan na siyang binalewala.
View MoreKABANATA 1
Celine Herrera POV
Mahigpit ang hawak ko sa asul na folder na naglalaman ng diploma ko. Sa wakas, Architect Celine Herrera na ako. Habang naglalakad ako palabas ng unibersidad, suot pa rin ang graduation toga, parang gusto kong sumigaw sa tuwa. Limang taon akong nagtiis sa kakarampot na allowance, puyat, at gutom. Ito na ang susi ko para maialis si Lola sa poder ng madrasta kong si Julianna.
“Lola, konting tiis na lang,” bulong ko sa sarili ko habang nakatitig sa certificate ko.
Nagmamadali akong sumakay ng jeep pauwi. Gusto kong sorpresahin si Lola. Gusto kong ipakita sa kanya na hindi nasayang ang paghihirap namin. Pero bago pa ako makababa sa kanto namin, nakatanggap ako ng text mula kay Julianna.
“Umuwi ka agad. Huwag kang dadaan kung saan-saan. May bisita tayo.”
Kumunot ang noo ko. Bihirang magkaroon ng bisita sa bahay na kailangan ko pang harapin. Madalas ay mga kumpare lang ni Julianna ang nandoon para magsugal o uminom. Kinabahan ako. Kilala ko si Julianna; kapag ganito ang tono niya, siguradong may kailangan siya sa akin.
Pagpasok ko sa gate ng maliit naming bahay, napansin ko ang isang itim na luxury sedan na nakaparada sa tapat. Makintab ito, at halatang milyun-milyon ang halaga. Hindi ito sasakyan ng mga tambay na kakilala ni Julianna.
Dahan-dahan akong pumasok sa sala. Bumungad sa akin ang amoy ng alak. Nakaupo si Julianna sa sofa, naka-cross legs, at may hawak na baso ng champagne. Sa harap niya, sa center table, may nakalatag na makapal na dokumento.
“Narito na pala ang bago nating Architect,” sarkastikong bati ni Julianna. Hindi niya man lang ako tinignan nang diretso. Nakatitig lang siya sa alak sa baso niya.
“Sino ang may-ari ng sasakyan sa labas?” diretsong tanong ko. Ibinaba ko ang bag ko at ang diploma ko sa upuan. “Nasaan si Lola?”
“Nasa kwarto niya, natutulog. Huwag kang maingay,” sagot niya sabay turo sa dokumento. “Maupo ka, Celine. May pag-uusapan tayong negosyo.”
“Negosyo? Julianna, katatapos lang ng graduation ko. Pwede bang bukas na lang—”
“Wala ng bukas-bukas, Celine!” bigla siyang sumigaw kaya napatigil ako. Ibinaba niya ang baso sa lamesa nang malakas, sapat para tumalsik ang laman nito. “Nasa foreclosure na ang bahay na ito. Apatnapu’t walong oras na lang ang ibinigay ng bangko bago tayo itapon sa kalsada. Ang tatay mo, namatay na baon sa utang. Akala mo ba ang perang ginamit mo sa tuition mo ay pinulot lang?”
Namilog ang mga mata ko. Alam kong may mga utang si Papa, pero hindi ko akalaing pati ang bahay ay mawawala na. “Bakit ngayon mo lang sinabi? Makakahanap ako ng trabaho, Julianna. Mag-a-apply ako bukas na bukas din—”
“Kahit mag-apply ka pa sa sampung kumpanya, hindi sasapat ang sahod mo para bayaran ang sampung milyong utang na iniwan ng tatay mo,” putol niya sa akin. “Pero mapalad ka. Dahil sa ganda mo, nakahanap ako ng sulosyon.”
Inabutan niya ako ng isang itim na folder na may nakatatak sa gilid na THORNE GLOBAL HOLDINGS.
Binuksan ko ang folder. Ang unang pahina ay isang kontrata. Binasa ko ang mga nakasulat, at unti-unting nanghina ang mga tuhod ko.
“Surrogacy and Marriage Contract?” mahinang basa ko. Saglit akong natigilan. “Ano ito, Julianna?”
“Isang kasunduan,” sagot niya, kalmado na uli ang boses. “Si Mr. Alaric Thorne ay kailangan niya ng tagapagmana. Pero hindi siya pwedeng mag-asawa ng kahit sino lang dahil sa mga kondisyon ng lolo niya sa kumpanya. Kailangan niya ng asawa sa papel, isang babaeng magdadala ng anak niya, at pagkatapos ng isang taon, matatapos na ang kasunduan.”
“Baliw ka na ba?!” bulyaw ko sa kanya. Nanginginig ang kamay ko habang hawak ang papel. “Ibinebenta mo ako sa isang lalaking hindi ko naman kilala? Para saan? Para lang mabayaran ang utang niyo?”
“Hindi lang para sa utang, Celine!” tumayo siya at lumapit sa akin. Dinuro niya ako. “Para sa lola mo! Isipin mo, kapag pumirma ka rito, babayaran ni Mr. Thorne ang lahat ng utang natin. Hindi tayo mawawalan ng bahay. Higit sa lahat, ililipat ang lola mo sa pinakamagandang ospital. Bibigyan siya ng sariling nurse at lifetime supply ng gamot. Kapag hindi ka pumirma, sige, lumayas ka. Pero huwag mong isasama ang lola mo dahil wala kang pambili kahit isang tableta ng gamot niya!”
Napatingin ako sa pinto ng kwarto ni Lola. Narinig ko ang mahina at hirap niyang pag-ubo. Alam ko ang katotohanan. Ang maintenance ni Lola ay nagkakahalaga ng libu-libo kada buwan. Nitong mga nakaraang linggo, tinitiis niya na lang ang sakit dahil wala na kaming pambili ng maayos na gamot.
“Bakit ako?” tanong ko. Halos pabulong na lang ang boses ko.
“Dahil ikaw ang gusto nila. Maayos ang background mo, walang boyfriend, at higit sa lahat, malinis ang record mo,” sagot ni Julianna. Inabot niya sa akin ang isang ballpen. “Pumirma ka na, Celine. Isipin mo ang lola mo, saka isang taon lang naman ito. Isang taon na pagpapanggap, kapalit ng buhay ng lola mo.”
Tumingin ako sa diploma ko na nakapatong sa sofa. Kanina lang, pakiramdam ko ay abot-langit ang pag-asa ko. Pero ngayon, pakiramdam ko ay basura lang ang piraso ng papel na iyon sa harap ng sampung milyong utang. Architect ako, oo. Pero sa mundong ito, ang diploma ay walang silbi kung wala kang pera o koneksyon.
Kinuha ko ang ballpen habang nanginginig ang mga kamay ko. Tinitigan ko ang pangalan ng lalaki sa kontrata. Alaric Thorne. Ni hindi ko alam kung ano ang itsura niya. Malupit ba siya? Matanda? Mapanganib?
“Pagkatapos ba nito, hindi na tayo guguluhin ng bangko?” tanong ko habang nakatitig sa linya kung saan dapat ako pumirma.
“Hinding-hindi na,” paninigurado ni Julianna. “At may allowance ka pa buwan-buwan na sapat para suportahan ang lola mo kahit wala ka rito.”
Huminga ako nang malalim. Ipinikit ko ang mga mata ko at inisip ang mukha ni Lola. Inisip ko ang mga panahong nagtitiis siya sa hirap at sakit para lang makapag-aral ako. Ngayon, ako naman ang kailangang magsakripisyo.
Mabilis kong isinulat ang pangalan ko. Celine Herrera.
Sa bawat guhit ng ballpen, ramdam ko ang pagkawala ng sarili kong kalayaan. Pinirmahan ko ang lahat ng pahina hanggang sa huli. Pagkatapos ay mabilis kong binitawan ang ballpen.
Agad na kinuha ni Julianna ang folder. May malapad na ngiti sa kanyang mga labi—isang ngiti na puno ng tagumpay.
“Mag-impake ka na,” sabi niya habang tinitignan ang pirma ko. “Darating ang susundo sa iyo mamayang alas-otso ng gabi.”
“Mamaya na agad?” gulat kong tanong. “Gusto ko munang magpaalam kay Lola.”
“Huwag na. Baka magising pa siya at gumawa ng eksena. Mas mabuting umalis ka na habang tulog siya,” utos ni Julianna. “Iwan mo na ang toga at diploma mo rito. Hindi mo naman kailangan ‘yan doon.”
Tumalikod ako at pumasok sa kwarto ko. Wala akong ibang nagawa kundi ang mapaupo sa kama. Tumingin ako sa salamin. Ang babaeng nakatingin sa akin ay hindi na ang masayang graduate kanina. Ang babaeng ito ay isa nang pag-aari ng isang bilyonaryo.
Binuksan ko ang luma kong maleta. Kaunti lang ang gamit ko. Habang nagtutupi ako ng mga damit, hindi ko mapigilang isipin kung anong klaseng pagsubok ang naghihintay sa akin sa mansyon ni Alaric Thorne.
Bandang alas-otso, narinig ko ang busina ng sasakyan sa labas. Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Julianna na kausap ang isang lalaking naka-suit. Mukhang driver o bodyguard.
“Handa na siya,” sabi ni Julianna sa lalaki. Tumingin siya sa akin. “Galingan mo, Celine. Huwag mong sisirain ang deal.”
Hindi ko siya sinagot. Lumakad ako palabas ng bahay nang hindi man lang nakapagpaalam kay Lola. Mabigat ang bawat hakbang ko. Sumakay ako sa backseat ng luxury sedan. Malamig ang aircon sa loob, pero mas malamig ang pakiramdam sa kalooban ko.
SelflessChapter 77Celine's POV“Mom… Mom… wake up.”Marahan kong naramdaman ang maliliit na kamay na marahang yumuyugyog sa balikat ko.Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko.Nanlalabo pa ang paningin ko at mabigat pa rin ang talukap ng mga mata ko dahil halos madaling-araw na ako nakauwi mula sa Carusso Grand Hotel.Doon ako nagpalipas ng ilang oras kasama si Alaric.Matagal-tagal din kaming hindi nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap nang payapa, kaya hindi ko namalayang lumipas ang oras.Pagtingin ko sa tabi ng kama, nakita ko ang pamilyar na ngiti ng anak ko.Si Brent.Nakasuot na siya ng malinis niyang school uniform, maayos ang pagkakasuklay ng buhok, at bitbit ang maliit niyang backpack.“Good morning, Mom,” masigla niyang bati.Napangiti ako kahit inaantok pa.“Good morning, baby.”Napasilip ako sa orasan.Alas siyete na pala.“Ay naku!”Mabilis akong napabangon.Iniabot niya sa akin ang isang sobre.“Mom, may invitation.”Kinuha ko iyon at agad binuksan.Habang binabasa
Chapter 76Alaric’s POVPagkabukas ko ng pinto ng bahay ay agad kong nakita si Diana na nakaupo sa sala. Nakapulupot ang isang paa sa isa pa habang tahimik na umiinom ng red wine. Halatang kanina pa niya ako hinihintay.Hindi ko siya pinansin.Hindi na ako nag-abalang makipagbatian o magpaliwanag.Diretso akong umakyat sa silid at binuksan ang aparador. Inilabas ko ang maliit kong maleta at isa-isang inilagay ang ilang polo, pantalon, mahahalagang dokumento, at laptop na ilang araw ko nang hindi nagagamit.Habang nag-iimpake ako, narinig ko ang mabibigat niyang yabag sa kahoy na sahig.Huminto siya sa may pintuan ng kuwarto."Oh, what a miracle. You're here."Punong-puno ng panunuya ang boses niya.Hindi ako lumingon.May mas mahalaga akong iniisip kaysa patulan ang isa na namang drama niya.Malapit nang matapos ang lahat.Halos kumpleto na ang mga ebidensiyang kailangan namin. Ang mga taong matagal naming pinaghihinalaan ay unti-unti nang nahuhulog sa sarili nilang patibong.Kaunting
Chapter 75Celine's POV“I’m sorry, Celine. You went through all that because I left you,” malungkot na sabi ni Romi habang magkatabi kaming nakaupo sa lounge ng opisina. Halatang may bigat pa rin ang konsensya niya dahil sa mga nangyari nitong mga nakaraang buwan.Ngumiti ako at marahang hinawakan ang kamay niya.“Naku, girl. Wala 'yon. Wala namang nangyaring masama sa akin,” sagot ko. “Oo, maraming pagsubok ang dumating, pero nalampasan din naman natin.”Umiling siya.“Kung hindi sana ako nag-resign, hindi ka mapapasok ng mga taong masama,” dagdag pa niya. “Pakiramdam ko, pinabayaan kita.”Napabuntong-hininga ako bago nagsalita.“Romi, wala kang kasalanan. Huwag mong akuin ang responsibilidad sa mga desisyong ginawa ng ibang tao. Ang mga masasamang tao, hahanap talaga ng paraan para manggulo kahit nandiyan ka pa.”Napatingin siya sa akin.“Ang mahalaga ngayon, isipin mo na lang ang sarili mo at ang baby ninyo ni Ethan. Huwag mong hayaang ma-stress ka. Kaya naming harapin ang mga pro
Chapter 74Celine’s POV“Ma'am Celine… patawarin nyo po ako. Hindi ko po talaga gustong gawin iyon sa inyo,” umiiyak na pakiusap ni Sunshine habang nakayuko. Halos hindi na niya maitaas ang tingin sa akin dahil sa sobrang hiya at pagsisisi.“But you still did,” malamig kong sagot.Parang tinamaan siya ng sampal sa sinabi ko. Lalong bumagsak ang kanyang balikat at tuluyan na siyang natahimik. Wala na siyang naisagot dahil alam niyang totoo ang sinabi ko.Tahimik kong pinagmasdan ang mukha niya. Kita ko ang pagsisisi, ngunit hindi na nito mababago ang nangyari.Totoo, nagkaroon siya ng limang milyong piso. Isang halagang sapat para baguhin ang buhay ng isang taong lubog sa utang at desperado.Pero ano ang naging kapalit?Ang sarili niyang dangal.Ang tiwalang ibinigay ko sa kanya.At ang reputasyon niyang matagal niyang binuo.Sa isang iglap, nawala ang lahat.Kung iisipin, hindi ko rin naman siya lubusang masisisi. Napakalaking tukso ng perang inialok sa kanya, lalo na sa isang taong d
Chapter 63Celine’s POVSinamahan ako ni Alaric sa aking bagong opisina sa Thorne Global. Habang naglalakad kami sa malawak na hallway ng executive floor, hindi ko maiwasang mapatingin sa mga salaming dingding at eleganteng disenyo ng buong gusali.Pakiramdam ko ay hindi ako empleyado kundi isa sa
One Villain At A TimeChapter 62Celine’s POVNagkaroon ng pinakamahalagang shareholders’ meeting sa kasaysayan ng Thorne Global, at iyon din ang araw na pormal akong ipakikilala ni Alaric sa lahat ng board members, investors, at committee heads ng kumpanya.Hindi ito basta simpleng pagpupulong.Is
Chapter 54Celine's POVNapakahalaga ng board meeting na iyon sa magiging direksiyon ng HCAF at TGH. Kaya bago umalis si Ethan, matagal ko muna siyang kinausap sa aking opisina.“Ethan, may invitation ang TGH for a board meeting. Please come on my behalf.”Hindi na siya nagtanong pa. Sanay na siyan
Chapter 53Alaric's POV“Mr. Thorne, we have already secured the deal with HCAF.”Hindi ko agad inangat ang aking tingin mula sa dokumentong binabasa ko. Tahimik kong pinagmasdan ang mga numerong nakalagay sa kontrata bago ko dahan-dahang isinara ang folder.“Good.”Tumayo ako at lumapit sa floor-t












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews