Share

The Boss and His Secretary
The Boss and His Secretary
Author: Dwendina

Kabanata 1 [Dagok]

Author: Dwendina
last update publish date: 2025-09-14 13:45:06

Naramdaman ko ang pagdaloy ng aking mga luha nang tuluyang magising ang aking diwa. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata mula sa malalim at mahimbing na pagkakatulog. Bumungad sa akin ang puting pintura ng buong dingding ng kwarto, maging ang kulay ng kisame ay gayundin. Dumako rin ang paningin ko sa swero na nasa aking kamay.

Saka ko lamang napagtantong nasa ospital na ako. Naglaro sa aking isipan ang naging pagtatalo namin ni Bert kanina. Naalala ko pa na siya ang naging dahilan nang pagtagas ng pulang likido sa aking hita at pagkawala ng aking malay. Kinabahan akong bigla nang maisip ang baby sa aking sinapupunan. Napahawak ako sa aking tiyan.

Napasulyap ako sa pintuan nang bumukas iyon. Iniluwa nito ang seryoso ngunit namumulang mukha ni Bert, ang fiancé ko.

“Glad you're awake..” tiim-bagang niyang saad sa ‘kin habang matalim at nagliliyab ang tingin. Ang titig na iyon, ganoon pa rin at hindi nagbabago. Tingin na huli kong naaalala bago ako mawalan ng malay. Bagay na hindi ko inaasahan na masilayan sa loob ng dalawang taon naming relasyon.

“Now that you’ve lost our baby, wala nang rason pa para manatili at ipagpatuloy ang ating relasyon,” mariin niya pang dagdag na unti-unting nagpalambot sa ‘kin.

Napakunot ang aking noo. “Teka.. babe.. ano itong–”

“You’ve heard me..” putol niya sa aking sasabihin.

Nagsimulang manikip ang aking dibdib, manginig at manghina ang aking katawan. Sumabay ang pagbagsak ng aking mga luha.

“Bert…” Akma na akong tatayo para lapitan siya nang masindak ako sa kaniyang ginawa. Sinampal niya ako at mahigpit na hinawakan sa aking braso na nagpaimpit sa akin. “Bert.. na-nasasaktan ako..” Hindi ko napigilan ang paggaralgal ng aking boses.

Kumunot ang kaniyang noo nang magsalita. “Anong klase kang babae, Trisha? Sa tingin mo ba, tatanggapin pa kita matapos mong pabayaan ang susunod na magiging tagapagmana ko? Ipinakita mo lang na wala kang kwenta, alam mo ba ‘yon? Tama lang talaga na maghiwalay na tayo!” Pabagsak niyang binitiwan ang aking braso.

Napahawak ako roon nang makitang namumula iyon. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang kaniyang galit gayong pwede pa naman kaming magpatuloy at bumuong muli. Kahit pa nalulungkot ako sa pagkawala ng aming sanggol sa aking sinapupunan. Mas pinili ko siyang unawain dahil alam kong mahalaga siya sa ‘kin.

“Hindi natin deserve ang isa't isa, Trisha,” lumamig ang kaniyang boses.

Pinilit kong tumayo at bumaba sa kama kahit pa ramdam ko ang panginginig ng aking tuhod. Buong sikap ko siyang inabot, nagbabakasakali na bawiin ang kaniyang mga sinabi.

“Hindi kita mahal. Napilitan lamang ako dahil sa pangako ko. May mahal akong iba, at kilala mo kung sino ‘yon.”

Natigilan ako sa aking mga narinig. Pakiramdam ko ay parang tinusok ng matalim na bagay ang aking puso. Hindi ako makapaniwala na iyon ang lalabas sa kaniyang bibig. Ang lalaking pinili ko at inalayan ko ng aking buhay ay siyang tatalikod sa akin ngayon.

Muling dumaloy ang masaganang luha sa aking pisngi. Kasabay nito ang pagsikip ng aking dibdib. Saka ko lamang naalala ang sinabi niya nitong huli.

‘Oo, binalak ko siyang ligawan pero ikaw ang pinili ko..’ Ang mga salitang iyon na matamis noon, ngayon ay sumaksaksak sa aking puso. Unti-unting tumatak sa aking isipan.

Tuluyan na akong napahikbi sa kaniyang harapan. Gusto kong magsalita pero walang lumalabas sa aking bibig. Gusto kong magmakaawa, magwala sa sakit na aking nararamdaman.

“Simula ngayon, pinuputol ko na ang ating relasyon o anumang koneksyon,” saad niya nang hindi na nag-abala pa na lingunin ako.

“Babe.. saglit..” Bago pa man siya makalakad, kaagad akong napaluhod. Pilit na inaabot ang kaniyang kamay habang nagsusumamo. “Gagawin ko ang lahat, huwag mo lang akong iwan. Mahal na mahal kita..”

Nagpatuloy siya sa paglakad na parang walang narinig. Sinundan ko na lamang siya ng tingin habang papalabas ng pinto. Hanggang sa maglaho na siya sa aking paningin.

Bumagsak ako sa malamig na sahig. Kinakapos sa hininga habang naninikip ang dibdib sa kakaiyak. Hanggang sa naabutan ako ng nurse sa aking kalagayan. Mabilis niya akong inalalayan patayo at pabalik sa kama. Nilagyan niya ako ng oxygen mask.

Tulala ako sa aking pwesto. Hindi ko na nga napansin nang iabot niya sa ‘kin ang aking cellphone.

“Sa iyo ba ito? Sagutin mo’t baka importante..”

Napatingin ako sa gawi niya. May bahid na kalungkutan ang kaniyang mga mata. Pinunasan ko ang namamasa kong pisngi. Ibinaling ang aking paningin sa cellphone nang tanggapin ito mula sa kaniya. Nakita ko ang pangalan ni lola na nakatatak sa screen. Kaagad kong tinanggal ang mask sa aking bibig.

“Lola, kumusta?” pilit kong pinasigla ang aking boses nang sagutin ito.

Muling nagsilaglagan ang aking mga luha nang marinig ang sinabi ni lola mula sa kabilang linya. “Ang kapatid mo, isinugod sa ospital..”

Napatingin ako sa gawi ng nurse. Matapos ibaba ang tawag ay nakiusap akong tanggalin na nito ang nakakabit na dextrose sa akin. Kailangan kong umuwi at puntahan ang aking kapatid na may autism sa lalong madaling panahon. Hindi ako pwedeng tumunganga lamang dito.

“Naku, ma'am. Wala po akong right para magpauwi ng pasyente hangga’t hindi pa sinasabi ng doctor. Hintayin n'yo na lamang po siya para malaman ninyo kung makakalabas na po ba kayo o hindi,” wika sa akin ng nurse saka lumabas na ng pinto.

Nang mawala na siya sa aking paningin, mabilis kong ini-off ang dextrose at binunot iyon sa aking kamay. Kahit pa ramdam ko ang hapdi, maging ang sakit sa parte ng aking katawan. Nagsumikap akong makalabas nang hindi nila namamalayan. Mas mahalaga sa akin ang kalagayan ng aking kapatid kesa sa aking sarili.

Habang nasa hallway, natigilan ako nang makita ng dalawa kong mata si Bert na inaalalayan si Shaina. Papasok sila sa elevator. Napahawak ako nang mahigpit sa aking dibdib. Masyadong masakit. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas para humakbang pa.

Nakasalubong ko si lola sa baba habang papalabas ako ng ospital. Umiiyak siya habang pinupunasan ng panyo ang kaniyang mga mata. Kaagad ko siyang nilapitan. Nanlaki pa ang mata niya nang makita akong nakasuot ng patient's clothes. Namumugto ang mga mata. Hindi ko na iyon inintindi pa at direktang tinanong si lola kung nasaan ang kapatid kong si Danny.

Nang makalabas ang doctor na tumingin sa kapatid ko. Malungkot ang mukha niyang sinabi sa amin na lumala na ang kondisyon ni Danny. Kailangan na itong maoperahan as soon as possible. Nang mga sandaling iyon ay tila binagsakan ako ng mundo.

Mula sa kawalan ng trabaho, pag-iwan sa akin ni Bert hanggang sa kalagayan ng aking kapatid. Napasubsob ako sa aking mga palad.

‘Saan ako makakakuha ng ganoon kalaking halaga? Halos kalahating milyon para sa operasyon?’ Lumabas ako kaagad at nagmamadaling sumakay ng jeep. Kahit pa ramdam ko sa sarili ang sakit.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Boss and His Secretary    Kabanata 160 [Sugat]

    "Babe, anong oras ang uwi mo? Ipaghahanda sana kita ng hapunan," tanong ni Trisha sa asawa. Hawak niya ang cellphone sa tainga habang nakatanaw sa labas ng balkonahe. Excited siya na pag-usapan ang gaganaping selebrasyon sa kaarawan niya. Sa susunod na linggo na iyon at wari'y nakalimutan ni William ang tungkol sa bagay na iyon. Maging ang mga magulang niya ay tila nakalimot na rin dahil sa sunud-sunod na pagsubok na nangyari sa buhay nila. "Yes, babe, uuwi ako at diyan ako maghahapunan. Maybe an hour nariyan na ako.." sagot nito mula sa kabilang linya. Napasikdo si Trisha sa excitement. "Sige, ipagluluto kita ng masarap." Alam niya ang paborito nito kaya't sisiguraduhin niyang masasarapan ito sa mga lutong gagawin niya. "Gano'n ba? Sige, maraming salamat pero mag-iingat ka, ah. Magpatulong ka kay Maria sa pagluluto kapag nahirapan ka," bilin nito. "Sige, ako na ang bahala. I love you." "I love you too.. babe," tugon naman nito na nagpakilig lalo kay Trisha. Paano kasi

  • The Boss and His Secretary    Kabanata 159 [Suporta]

    "Buti at naisipan mo ring umuwi ng mansyon," bungad ng kaniyang ama. Kararating lang ni William sa Ancestral House. Masyado siyang naging abala nitong nagdaang mga araw–sa trabaho, sa gulong kinakaharap ngayon ng pamilya Del Fuego at sa asawang may tila inililihim sa kaniya."Nawili ka na sa pamilyang iyon at halos hindi ka na nagpapakita rito sa lola mo," dagdag pa nito na hindi na lamang niya pinansin. Lumapit si William sa lola niya at hinalikan ito. "Kumusta na po kayo, grandma?" Ang nangungunot na mukha ng matanda ay kaagad na umaliwalas, kasunod niyon ay ang pagngiti nito nang tipid. "Buti na lamang at nandirito ang kakambal mong si Clarisse, dahil kung hindi baka namatay na ako sa–" "Grandma naman, kararating ko lang kung anu-ano na ang sinasabi.." sita niya rito."Naku, totoo naman kasi talaga ang sinasabi ko. Batang ito..." "Grandma, tama si twin brother.."Mabilis na inilipat ni William ang direksyon ng tinitingnan. Ang kambal niyang kapatid na senyoritang-senyorita ang

  • The Boss and His Secretary    Kabanata 158 [Hinala]

    "Mukha yatang may bumabagabag sa 'yo, ano iyon?" Humugot siya nang malalim na hininga. Iniisip niya kung sasabihin niya ba sa asawa ang tungkol sa bagay na iyon. "Si Mang Hector ba..." Ni hindi niya matapos ang sasabihin. Tama bang pagdudahan niya pa rin ang may edad na lalaki? Naguguluhan siya. "I mean.." saad niya na napapakamot na lamang. Nagbaba siya ng tingin. Alam niyang hindi siya matitigil hangga't patuloy niya pa ring itatago kay William ang bagay na gumugulo sa kaniya. "Bakit, ano ang tungkol kay Tiyo Hector?" Hinagod niya ito ng tingin. "Paano kung..." "Sige na, sabihin mo na. Ayokong may nililihim ka sa akin, lalo na kung iyon ang magdudulot sa iyo ng hindi maganda... na makakasama sa kalusugan mo." Muling humugot si Trisha nang malalim na hininga. Bahagyang kinabahan. "Babe." Hinawakan siya nito sa kamay. "Pareho nating kilala si Tiyo Hector, matagal na. Kung may problema ka sa kaniya, huwag kang magdalawang-isip na sabihin sa akin. Ayoko na nagtata

  • The Boss and His Secretary    Kabanata 157 [Missing]

    "Magandang hapon, Má, Pá.." "William, mabuti at naririto ka," turan ni Doc Sebastian. "Pinag-uusapan namin ang tungkol kay Carlito." Sumulyap si William sa kaniya. Ang mga mga mata nito ay may ipinahihiwatig. "Kung nakalabas siya ng bilangguan no'ng nakaraang taon, ano ang ginawa niya buong taon?" curious na bulong ni Trisha na hindi naiwasan ang mapatanong. Kung may masama itong balak sa kanila at sa mga magulang, bakit ngayon lang ito nagparamdam? Bahagyang napaisip ang kaniyang ina. "Nang mga panahong iyon, dapat kinuha na niya sa atin si Genevieve pero hindi niya ginawa." "Iyon ang bagay na hindi natin matukoy–hindi tayo sigurado. Ngunit sa ngayon, may lead na tayo." May kompyansang tumingin sa kanila ang ama at nagpatuloy. "Si Carlito ang tunay na nasa likod ng lahat ng ito. Kung ano man ang plano niyang gawin, hindi na ako papayag na hindi tayo maging handa." Tumango siya at mausisang nagtanong, "Saan kaya siya naroroon ngayon?" "Casino sa Quezon City, madalas s

  • The Boss and His Secretary    Kabanata 156 [Imbestigasyon]

    "Tipunin mo lahat ng tauhan natin, sabihin na maghanda sila." Naulinigan ni Trisha ang ama na kausap ang head security nito. Ang boses na iyon ay nagpakaba sa kaniya. Namuo ang mga katanungan sa isipan niya. 'Anong pinag-uusapan nila? May binabalak ba siyang gawin?' "Make sure na maayos ang lahat. Ayokong lumabas sa newspaper ang pangalan ko," babala ng kaniyang ama sa tauhan. Napakunot-noo si Trisha. Nahagilap ng kaniyang paningin ang inang nasa bandang tagiliran lang ng kinatatayuan ng kaniyang ama. Tahimik itong nakaupo sa single sofa. Nakatingin sa dalawa at nakikinig sa usapan ng mga ito. Napalingon ang mga magulang niya sa gawi niya nang tumunog ang kaniyang cellphone. Mabilis siyang napatingin sa screen. 'Raffy..' Nilingon niyang muli ang mga magulang bago sinagot ang tawag. Nagtama ang kanilang paningin ng kaniyang ina. Humakbang siya palayo sa den ng ama para makausap ng maayos ang hired detective niya. Si Clarisse ang tumulong sa kaniya upang makakuha ng tao

  • The Boss and His Secretary    Kabanata 155 [Biruan]

    "Hi, Tita.." bati ni William kay Tiya Marietta nang salubungin sila ng lalaki, na ikinatugon naman ng ngiti ng kaniyang tiyahin.Gayunman, si Trisha ay sinalubong naman ng halik ng kaniyang asawa."Mukhang nag-enjoy ka sa lakad n'yo, babe, a," giliw nitong wika nang mamalayan ang matamis niyang ngiti. "Super.." tugon ni Trisha na hindi maitago ang kilig. "Marami siyang pinamili sa 'kin.. Nakakatuwa nga, e." Lumuwang ang ngiti ng kaniyang tiyahin sa itinuran niya. "Paano, mauna na ako sa inyong umakyat. Matutulog pa kasi ako. Bababa ako maya-maya para makapag-dinner tayo ng sabay-sabay." "Sige po, tita. Ah, salamat nga po pala rito," pahabol niyang saad."Walang anuman, hija," sagot nito nang humawak sa kaniyang braso bago pumanhik.Kaagad namang pumulupot ang braso ni William sa bewang ni Trisha nang mawala na sa paningin nila ang may edad niyang tiyahin."Tara?" Bahagya siyang tumango. Sumabay siya rito ng hakbang paakyat ng hagdan patungong kwarto, kasunod ang maid na hawak-

  • The Boss and His Secretary    Kabanata 6 [Kapatid]

    Umuwi muna si lola para makapagpahinga. Tulog ang aking kapatid, mahimbing ang pagkakatulog. Katatapos niya lang maoperahan kanina at ngayon ay bumabawi ang katawan. Pinaghalong habag at saya ang aking naramdaman. Sa wakas ay magiging maayos na ang kalagayan ng aking kapatid. Hindi na ito mahihira

  • The Boss and His Secretary    Kabanata 5 [Blackmail]

    “Now, that I'm your boss. Susundin mo ang lahat ng ipag-uutos ko bilang personal secretary ko. Or else..” Mariin akong napapikit, nang tuluyang maramdaman ang init ng kaniyang hininga sa pagitan ng aking leeg at tenga. Nakumos ko ang laylayan ng suot kong maiksing palda. Naglaro sa aking diwa ang

  • The Boss and His Secretary    Kabanata 4 [Opisina]

    Naglalakad ako sa daan habang nakapayong nang biglang may dumaang kotse. “Grabe naman! Bulag ka bang driver ka!” inis kong sigaw matapos kong batuhin ang likurang bahagi ng kotse. Kinabahan ako nang biglang huminto iyon. Akala ko ay may bababa para labasin ako, ngunit kaagad iyung muling umandar

  • The Boss and His Secretary    Kabanata 3 [Cheque]

    Pakiramdam ko ay huminto ang lahat sa paligid. Marahan akong napapikit. Nakikiramdam sa mga susunod pang mangyayari. ‘Pamilyar ang kaniyang halik..’ bulong ko sa aking sarili. Napamulat ako nang bigla niya akong buhatin, dahilan para mapahawak ako sa kaniya nang mahigpit. “I'll take you out..” b

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status