LOGINLumaking hirap sa buhay ang 24 years old na si Trisha Julianna Brenzuela mula nang iwan sila ng kaniyang ina, matapos mamatay ng kaniyang ama. Hindi natapos ang kaniyang pagdurusa matapos naman siyang hiwalayan at ipagpalit ng fiancé niya sa isang kaibigan. Sa kadahilanan ng dagok ng buhay nang mawalan siya ng trabaho at sa kapatid na may sakit. Ginawa niya ang lahat kahit na maging isang bayaran sa loob ng isang gabi upang makalikom lamang ng malaking halaga ng pera para sa operasyon ng kapatid niyang may autism. Sa hindi inaasahan, ang pagtatagpo ng landas nila ng kaniyang childhood enemy na si William, ang kasalukuyang CEO ng Aveedra Electronics Company. Ang magpapabago ng kaniyang kapalaran. Matapos itong maka-one night stand dahil sa kalasingan, magiging boss niya sa trabaho ang kinamumuhiang lalaki. Ngunit, ang higit sa lahat ang pamba-blackmail ang huling naging alas nito mapapayag lamang siya sa kontratang kasal, palihim sa loob ng ilang buwan. Nang matutunan niya itong mahalin at mahulog ang loob nila sa isa't isa. Siya namang pagbabalik ng fiancée nito mula sa Paris na itinalaga ng pamilya Cervantes at Smith para sa nakaplanong arrange marriage ng dalawa. Paano pa nila maipaglalaban ang kanilang relasyon laban sa mga magulang ng dalawang kilalang makapangyarihang pamilya? Lalo pa't nais ng mga ito na siya'y mabura sa mundo.
View MoreNaramdaman ko ang pagdaloy ng aking mga luha nang tuluyang magising ang aking diwa. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata mula sa malalim at mahimbing na pagkakatulog. Bumungad sa akin ang puting pintura ng buong dingding ng kwarto, maging ang kulay ng kisame ay gayundin. Dumako rin ang paningin ko sa swero na nasa aking kamay.
Saka ko lamang napagtantong nasa ospital na ako. Naglaro sa aking isipan ang naging pagtatalo namin ni Bert kanina. Naalala ko pa na siya ang naging dahilan nang pagtagas ng pulang likido sa aking hita at pagkawala ng aking malay. Kinabahan akong bigla nang maisip ang baby sa aking sinapupunan. Napahawak ako sa aking tiyan. Napasulyap ako sa pintuan nang bumukas iyon. Iniluwa nito ang seryoso ngunit namumulang mukha ni Bert, ang fiancé ko. “Glad you're awake..” tiim-bagang niyang saad sa ‘kin habang matalim at nagliliyab ang tingin. Ang titig na iyon, ganoon pa rin at hindi nagbabago. Tingin na huli kong naaalala bago ako mawalan ng malay. Bagay na hindi ko inaasahan na masilayan sa loob ng dalawang taon naming relasyon. “Now that you’ve lost our baby, wala nang rason pa para manatili at ipagpatuloy ang ating relasyon,” mariin niya pang dagdag na unti-unting nagpalambot sa ‘kin. Napakunot ang aking noo. “Teka.. babe.. ano itong–” “You’ve heard me..” putol niya sa aking sasabihin. Nagsimulang manikip ang aking dibdib, manginig at manghina ang aking katawan. Sumabay ang pagbagsak ng aking mga luha. “Bert…” Akma na akong tatayo para lapitan siya nang masindak ako sa kaniyang ginawa. Sinampal niya ako at mahigpit na hinawakan sa aking braso na nagpaimpit sa akin. “Bert.. na-nasasaktan ako..” Hindi ko napigilan ang paggaralgal ng aking boses. Kumunot ang kaniyang noo nang magsalita. “Anong klase kang babae, Trisha? Sa tingin mo ba, tatanggapin pa kita matapos mong pabayaan ang susunod na magiging tagapagmana ko? Ipinakita mo lang na wala kang kwenta, alam mo ba ‘yon? Tama lang talaga na maghiwalay na tayo!” Pabagsak niyang binitiwan ang aking braso. Napahawak ako roon nang makitang namumula iyon. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang kaniyang galit gayong pwede pa naman kaming magpatuloy at bumuong muli. Kahit pa nalulungkot ako sa pagkawala ng aming sanggol sa aking sinapupunan. Mas pinili ko siyang unawain dahil alam kong mahalaga siya sa ‘kin. “Hindi natin deserve ang isa't isa, Trisha,” lumamig ang kaniyang boses. Pinilit kong tumayo at bumaba sa kama kahit pa ramdam ko ang panginginig ng aking tuhod. Buong sikap ko siyang inabot, nagbabakasakali na bawiin ang kaniyang mga sinabi. “Hindi kita mahal. Napilitan lamang ako dahil sa pangako ko. May mahal akong iba, at kilala mo kung sino ‘yon.” Natigilan ako sa aking mga narinig. Pakiramdam ko ay parang tinusok ng matalim na bagay ang aking puso. Hindi ako makapaniwala na iyon ang lalabas sa kaniyang bibig. Ang lalaking pinili ko at inalayan ko ng aking buhay ay siyang tatalikod sa akin ngayon. Muling dumaloy ang masaganang luha sa aking pisngi. Kasabay nito ang pagsikip ng aking dibdib. Saka ko lamang naalala ang sinabi niya nitong huli. ‘Oo, binalak ko siyang ligawan pero ikaw ang pinili ko..’ Ang mga salitang iyon na matamis noon, ngayon ay sumaksaksak sa aking puso. Unti-unting tumatak sa aking isipan. Tuluyan na akong napahikbi sa kaniyang harapan. Gusto kong magsalita pero walang lumalabas sa aking bibig. Gusto kong magmakaawa, magwala sa sakit na aking nararamdaman. “Simula ngayon, pinuputol ko na ang ating relasyon o anumang koneksyon,” saad niya nang hindi na nag-abala pa na lingunin ako. “Babe.. saglit..” Bago pa man siya makalakad, kaagad akong napaluhod. Pilit na inaabot ang kaniyang kamay habang nagsusumamo. “Gagawin ko ang lahat, huwag mo lang akong iwan. Mahal na mahal kita..” Nagpatuloy siya sa paglakad na parang walang narinig. Sinundan ko na lamang siya ng tingin habang papalabas ng pinto. Hanggang sa maglaho na siya sa aking paningin. Bumagsak ako sa malamig na sahig. Kinakapos sa hininga habang naninikip ang dibdib sa kakaiyak. Hanggang sa naabutan ako ng nurse sa aking kalagayan. Mabilis niya akong inalalayan patayo at pabalik sa kama. Nilagyan niya ako ng oxygen mask. Tulala ako sa aking pwesto. Hindi ko na nga napansin nang iabot niya sa ‘kin ang aking cellphone. “Sa iyo ba ito? Sagutin mo’t baka importante..” Napatingin ako sa gawi niya. May bahid na kalungkutan ang kaniyang mga mata. Pinunasan ko ang namamasa kong pisngi. Ibinaling ang aking paningin sa cellphone nang tanggapin ito mula sa kaniya. Nakita ko ang pangalan ni lola na nakatatak sa screen. Kaagad kong tinanggal ang mask sa aking bibig. “Lola, kumusta?” pilit kong pinasigla ang aking boses nang sagutin ito. Muling nagsilaglagan ang aking mga luha nang marinig ang sinabi ni lola mula sa kabilang linya. “Ang kapatid mo, isinugod sa ospital..” Napatingin ako sa gawi ng nurse. Matapos ibaba ang tawag ay nakiusap akong tanggalin na nito ang nakakabit na dextrose sa akin. Kailangan kong umuwi at puntahan ang aking kapatid na may autism sa lalong madaling panahon. Hindi ako pwedeng tumunganga lamang dito. “Naku, ma'am. Wala po akong right para magpauwi ng pasyente hangga’t hindi pa sinasabi ng doctor. Hintayin n'yo na lamang po siya para malaman ninyo kung makakalabas na po ba kayo o hindi,” wika sa akin ng nurse saka lumabas na ng pinto. Nang mawala na siya sa aking paningin, mabilis kong ini-off ang dextrose at binunot iyon sa aking kamay. Kahit pa ramdam ko ang hapdi, maging ang sakit sa parte ng aking katawan. Nagsumikap akong makalabas nang hindi nila namamalayan. Mas mahalaga sa akin ang kalagayan ng aking kapatid kesa sa aking sarili. Habang nasa hallway, natigilan ako nang makita ng dalawa kong mata si Bert na inaalalayan si Shaina. Papasok sila sa elevator. Napahawak ako nang mahigpit sa aking dibdib. Masyadong masakit. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas para humakbang pa. Nakasalubong ko si lola sa baba habang papalabas ako ng ospital. Umiiyak siya habang pinupunasan ng panyo ang kaniyang mga mata. Kaagad ko siyang nilapitan. Nanlaki pa ang mata niya nang makita akong nakasuot ng patient's clothes. Namumugto ang mga mata. Hindi ko na iyon inintindi pa at direktang tinanong si lola kung nasaan ang kapatid kong si Danny. Nang makalabas ang doctor na tumingin sa kapatid ko. Malungkot ang mukha niyang sinabi sa amin na lumala na ang kondisyon ni Danny. Kailangan na itong maoperahan as soon as possible. Nang mga sandaling iyon ay tila binagsakan ako ng mundo. Mula sa kawalan ng trabaho, pag-iwan sa akin ni Bert hanggang sa kalagayan ng aking kapatid. Napasubsob ako sa aking mga palad. ‘Saan ako makakakuha ng ganoon kalaking halaga? Halos kalahating milyon para sa operasyon?’ Lumabas ako kaagad at nagmamadaling sumakay ng jeep. Kahit pa ramdam ko sa sarili ang sakit."Magandang hapon, Má, Pá.." "William, mabuti at naririto ka," turan ni Doc Sebastian. "Pinag-uusapan namin ang tungkol kay Carlito." Sumulyap si William sa kaniya. Ang mga mga mata nito ay may ipinahihiwatig. "Kung nakalabas siya ng bilangguan no'ng nakaraang taon, ano ang ginawa niya buong taon?" curious na bulong ni Trisha na hindi naiwasan ang mapatanong. Kung may masama itong balak sa kanila at sa mga magulang, bakit ngayon lang ito nagparamdam? Bahagyang napaisip ang kaniyang ina. "Nang mga panahong iyon, dapat kinuha na niya sa atin si Genevieve pero hindi niya ginawa." "Iyon ang bagay na hindi natin matukoy–hindi tayo sigurado. Ngunit sa ngayon, may lead na tayo." May kompyansang tumingin sa kanila ang ama at nagpatuloy. "Si Carlito ang tunay na nasa likod ng lahat ng ito. Kung ano man ang plano niyang gawin, hindi na ako papayag na hindi tayo maging handa." Tumango siya at mausisang nagtanong, "Saan kaya siya naroroon ngayon?" "Casino sa Quezon City, madalas s
"Tipunin mo lahat ng tauhan natin, sabihin na maghanda sila." Naulinigan ni Trisha ang ama na kausap ang head security nito. Ang boses na iyon ay nagpakaba sa kaniya. Namuo ang mga katanungan sa isipan niya. 'Anong pinag-uusapan nila? May binabalak ba siyang gawin?' "Make sure na maayos ang lahat. Ayokong lumabas sa newspaper ang pangalan ko," babala ng kaniyang ama sa tauhan. Napakunot-noo si Trisha. Nahagilap ng kaniyang paningin ang inang nasa bandang tagiliran lang ng kinatatayuan ng kaniyang ama. Tahimik itong nakaupo sa single sofa. Nakatingin sa dalawa at nakikinig sa usapan ng mga ito. Napalingon ang mga magulang niya sa gawi niya nang tumunog ang kaniyang cellphone. Mabilis siyang napatingin sa screen. 'Raffy..' Nilingon niyang muli ang mga magulang bago sinagot ang tawag. Nagtama ang kanilang paningin ng kaniyang ina. Humakbang siya palayo sa den ng ama para makausap ng maayos ang hired detective niya. Si Clarisse ang tumulong sa kaniya upang makakuha ng tao
"Hi, Tita.." bati ni William kay Tiya Marietta nang salubungin sila ng lalaki, na ikinatugon naman ng ngiti ng kaniyang tiyahin.Gayunman, si Trisha ay sinalubong naman ng halik ng kaniyang asawa."Mukhang nag-enjoy ka sa lakad n'yo, babe, a," giliw nitong wika nang mamalayan ang matamis niyang ngiti. "Super.." tugon ni Trisha na hindi maitago ang kilig. "Marami siyang pinamili sa 'kin.. Nakakatuwa nga, e." Lumuwang ang ngiti ng kaniyang tiyahin sa itinuran niya. "Paano, mauna na ako sa inyong umakyat. Matutulog pa kasi ako. Bababa ako maya-maya para makapag-dinner tayo ng sabay-sabay." "Sige po, tita. Ah, salamat nga po pala rito," pahabol niyang saad."Walang anuman, hija," sagot nito nang humawak sa kaniyang braso bago pumanhik.Kaagad namang pumulupot ang braso ni William sa bewang ni Trisha nang mawala na sa paningin nila ang may edad niyang tiyahin."Tara?" Bahagya siyang tumango. Sumabay siya rito ng hakbang paakyat ng hagdan patungong kwarto, kasunod ang maid na hawak-
Naintriga siya sa sinabi ng kaniyang sister-in-law. "Bakit, may ideya ka ba kung ano ang pinag-uusapan nila?" kunwaring tanong niya kahit ang alam niya'y naghahanap lang ito ng maipapaksa upang makapag-usap silang dalawa. Humarap ito sa kaniya at lakas loob na sumagot, "Yes, of course." Hindi siya umimik. Mukhang pursigido nga itong magbigay detalye. Tahimik siyang naghintay sa karagdagang salita ng babae. "Usap-usapan sa bahay ilang araw na, ang tungkol sa insident na naganap sa inyo ng pamilya mo, kasama ng brother ko." Sumiksik ang mga salitang iyon sa bawat corner ng tenga niya na nagpakunot ng kaniyang noo. Clarisse crossed her arms, saka muling nagpatuloy, "May mga private agents sina dad and grandma na minsang pumupunta sa bahay–wala silang ibang topic kung hindi ang tungkol sa insidente." She cleared her throat. "Anong mga nalaman mo tungkol do'n?" kabado ngunit diretsa niyang tanong. "Well." Ibinaba nito ang walang laman na wine glass na hawak nito at nagdagda
“Maraming salamat,” bahagyang yumuko si William nang sabihin iyon. “Ako’y taos-pusong nagpapasalamat sa inyong pagdalo ngayong gabi lalo na sa aking ama at pinakamamahal na grandma na nagplano ng lahat ng ito na siyang modelo ng aming pamilya. Alam n'yo naman kung saan ako nanggaling bago ako muli
Napabuntong-hininga si William habang nakatayo’t iniinom ang alak away from the crowd. Wala roon sa party ang laman ng isip niya. Habang ang ama niya ay nakikipag-usap sa ilang mga kaibigan at kakilala roon, kitang-kita niya ang pagdating ng mag-amang Bartolome. Naging mahigpit ang pagkakahawak niya
“William, we have to talk,” pabagsak ang boses na saad ng ama ni William nang maabutan niya itong paakyat sa sala mula sa lanai. Nang magtama ang kanilang mga mata ng ama, disappointed ang mukha nitong tumitig sa kaniya na para bang may nagawa na naman siyang mali. Subalit bago pa man nabuo ang ka
“Oh, hi.” Marahang tumayo ang ginang mula sa sofa upang makipagkamay rito. “Ngayon lang may ipinakilalang kaibigan itong anak kong si Stephanie. Nice meeting you, ah, hi-hija..” tila naguguluhan pa kung hija o hijo ang bibigkasin ng mamá niya, pero sa huli mas pinili nito ang binabaeng tawag sapag











![The CEO’s Sudden Childs [Book 6- Hiltons Family]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews