Share

Chapter 2

Author: kkyrieehale
last update publish date: 2026-03-05 16:39:28

Masakit ang ulo kong bumangon sa higaan, buti na lang pag uwi ko kagabi ay tulog na si Mamay, kung hindi ay malilintikan talaga ako pag naamoy niya akong amoy alak.

Pag labas ko ng kuwarto ko ay naabutan ko si Mamay na nagluluto ng sinangag, may nakalapag na rin sa hapag na piniritong itlog at longganisa.

“Good morning, Mamay.” bati ko kay mamay at diretsyo agad ako sa banyo para mag hilamos at mag toothbrush.

Pag tapos kong mag hilamos at mag toothbrush ay nagpunas ako ng mukha tsaka ako lumapit kay Mamay at kiniss ito sa pisngi.

“May kasalanan ka no?” bigla nitong sabi sakin habang yung tingin niya ay para bang may kailangan siyang malaman, kahit wala naman.

“Bawal ba maglambing, ma? pag naglalambing ba otomatik na may kasalanan?” nakabusangot kong sabi na ikinatawa ni Mamay.

“Aynako, kumain na lang tayo at sigurado ako na napagod ka kagabi sa trabaho mo” ani mamay, kaya naman pasimple akong napakagat sa labi ko.

“H-hindi naman po masyadong pagod ma, hehe” pag sisinungaling ko.

Habang kumakain kami ni Mamay ay napahinto kami ng marinig kong mag ring ang phone ko mula sa loob ng kuwarto ko. Agad naman akong tumayo at pumasok sa kuwarto ko at ng tignan ko kung sino ang tumatawag ay numero lang ang nakalagay kaya sinagot ko agad ito.

“H-hello po?” sagot ko.

“Ah, yes hello.. kay Ms. Marianne Mercadejas po?” sagot ng sa kabilang linya.

“Ahh, yes speaking po.” sagot ko pa

“Good morning, Ms. Mercadejas. This is Ann Cruz from the Human Resources Department of Dominion Corporation. Tumatawag po ako regarding sa application ninyo for the Administrative Assistant position.” Agad akong napaupo sa gilid ng kama habang hawak ang cellphone. Habang pinipigilan ang sarili ko na mapasigaw.

“Ah, yes po,” sagot ko na para bang wala akong alam sabihin ngayon kund yes lang.

“We reviewed your application and we would like to invite you for an interview. Are you available to come to our office today at 10:00 in the morning?” halos manlaki ang mata ko sa narinig at bigla nalang akong napatayo.

“Opo, available po ako,” sagot ko habang pilit pinapakalma ang sarili ko.

“Alright. Kindly bring a copy of your resume and valid ID when you come.” saad pa nito.

“Sige po, thank you very much.”

“You’re welcome, Ms. Mercadejas. We look forward to meeting you. Have a good day.”

“Thank you po. Have a good day din po.” saad ko at narinig ko na ibinaba na ang tawag.

“AHHHHH!” sigaw ko sa saya ata nagpatalon talon pa, habang si mamay naman ay tarantang napatakbo palapit sakin

“Napano ka? anong nangyari sayo?” tanong ni mamay sakin, hindi ako agad sumagot at lumapit lang ako sakaniya tsaka ko siya niyakap.

“May interview ako ngayon, mamay! malaking kumpanya to” masaya kong sabi, hanggang sa bigla nalang akong napahikbi at humagulhol.

“O bakit naman umiiyak ka?” tanong ni mamay sakin

“Kasi… kasi kapag natanggap ako sa trabaho kong to, iingatan ko talaga mamay… hindi na tayo papalayasin ni Aling Cusing.” hikbi ko pa. Ngumiti lang si mamay sakin at pinunasan ang luha ko sa mukha ko gamit ang kamay niya.

“Masaya ako para sayo anak, kahit may mga kailangan tayong bayaran… ang gusto ko lang ay paglaanan mo pa rin ang sarili mo ha? masaya ako at proud ako sayo” nakangiting sabi ni mamay kaya naman niyakap ko ito ulit.

Matapos naming mag almusal ni mamay ay naligo na ako at nag ayos. Mag-co-commute pa kas ako papunta sa kumpanya kaya kailangan ay maaga akong makaalis ng bahay, lalo na at malayo layo rin ang lalakarin ko pakanto.

Suot ang crisp white blouse at knee-length skirt ay humarap ako sa salamin, atleast kahit sa ganitong suot ay maging presintable naman ako. Sinuot ko lang rin ang close heels ko na ga 2 inch lang naman ang taas, pag tapos ay pinusod ko lang ang buhok ko, nag lagay rin ako ng lip and cheek tint, tsaka ako nagpolbo. Hindi talaga kasi ako sanay mag make up.

“Oh, aalis ka na?” tanong ni mamay ng makita akong lumabas ng kuwarto ko.

“Opo ma, baka ma traffic pa ako, interview pa lang malelate na ako. nakakahiya naman yung ganon.” sagot ko naman at sinakbit ang bag ko sa balikat ko habang yakap naman ang naka envelope na mga requirements ko.

“Sige sige, mag iingat ka ha? good luck sa interview mo. Sana makatanggap ka anak” ani mamay tsaka ko na ito kiniss sa pisngi.

Paglabas ko sa maliit na gate ng bahay ay mabilis akong naglakad para agad kong marating ang kanto.

Nang marating ko ang kanto ay pumara agad ako ng jeep at nagbayad, tsaka ko naman isinaulo ang mga posibleng tanong at sagot mamaya sa interview.

“Para po!” saad ko ng makitang nasa harap na ako ng building ng kumpanya at huminto naman ang jeep. Pag baba ko ay halos takbuhin ko na ang entrance makapasok lang ako dahil 9:20 na pag tingin ko sa wrist watch ko.

Pag pasok ko ng building ay halos mapanganga ako sa laki, pero dahil malelate na ako ay isinantabi ko muna ang pagkamangha ko tsaka na ako dali daling pumasok sa elevator.

Habang inaayos ang buhok ko at pasara ang pinto ng elevator ay napansin ko ang isang pamilyar na lalaki na tutok lang sa phone niya, hanggang sa mapatingin ito sakin.

Shit! anong ginagawa niya dito?!

mabilis kong pinindot ng pa ulit ulit ang close button ng elevator hanggang sa tuluyan itong magsara at binelatan ko pa siya ng may kakaunti pang siwang na natira at halatang inis na inis siya.

Maghagdan siya! sino ba siya!

Nang marating ko ang HR Floor ay agad namang sumalubong sakin ang isang babaeng naka tailored suit.

“Ms. Mercadejas?” tanong nito sakin

“Ahh yes po, kayo po ba si Miss Ann?” tanong ko at agad naman siyang ngumiti sakin at nakipagkamayan.

“Halika pasok ka na sa loob.” aniya sakin at inassist ako papasok sa conference room.

“Siya na ba ang tinawagan mo Ms. Ann?” tanong ng isang babaeng sa naka white suit, straight ang buhok at kung titignan mo ay parang siya ang ceo ng kumapanya. gosh! nakakahiya.

“Ahh yes Ms. Lai.” sagot naman ni Ms. Ann.

“She’s the Department head. Medyo strict yan pagdating sa interview, pero mabait naman siya” bulong sakin ni Ms. Ann at nginitian ako, pagtapos ay pinaupo niya ako sa upuan sa harap nila.

“Good morning, Ms. Mercadejas” bati nito, sobrang diretsyo lang at wala kang makikita na kahit anong emosyon sakaniya.

“Good morning rin po.” sagot ko naman, pilit na ikinakalma ang sarili ko para hindi masira ang pag ka professionalism lo.

“Okay, let's start to your… educational background. How you’re prepared for this position as Administrative Assistant?” tanong nito sakin.

Gusto ko sana isagot na nakalagay naman sa resume ko yung educational background ko, bakit pa itatanong? charing!

“I graduated from a vocational program in Office and Hospitality Services. I’ve trained in administrative duties, scheduling, and customer relations. I’m detail-oriented, quick to learn, and I’m ready to contribute immediately to the company.” sagot ko at bahagyang napabuga ng malalim na hininga.

Nakita kong nag pa tango tango ito, habang si Ms. Ann naman ay nakangiti lang na nakatingin sakin at pasimpleng nag thumbs up sakin.

“Okay, you mentioned you’re detail-oriented and can handle multiple tasks. Can you give me an example of a time when you had to manage several responsibilities at once? How did you prioritize?” biglang tanong ni Ms. Lai, pareho kaming napatingin ni Ms. Ann sakaniya.

“During my vocational training, I often had to manage multiple administrative tasks at the same time—scheduling appointments, preparing documents, and assisting clients. I learned to prioritize by assessing deadlines and urgency first, keeping a checklist, and tackling high-priority tasks immediately. This way, everything was completed on time and with accuracy.” deretsyo kong sagot at siniguro kong hindi ako mauutal.. halos bumaon na rin ang kuko ko sa palad ko dahil sa pagkuyom at sobrang kaba.

Nakita ko ang bahagyang pag ngiti ni Ms. Lai habang tinitignan ang mga requirements ko. Kaya naman mas lalo pang tumindi ang kaba ko.

“Interesting. You handled all that while keeping accuracy intact? That shows you’re very capable under pressure. That’s exactly the kind of mindset we need for this rol—”

“Oh? We have an applicant who needs to be interviewed? And no one bothered to tell me?” napatayo sina Ms. Ann at Ms. Lai sa pumasok at nagsalita habang ako ay nanatili lang na nakaupo at nakataas ang kilay na tinignan ito.

Anong ginagawa niya dito?!

“I apologize, sir. We didn’t know you’d be visiting the office today. This is a standard candidate interview, and we tried to ensure it wouldn’t interfere with your schedule.” ani Ms. Ann

Sir? don't tell me he is the… no! wag naman sana!

“It’s fine. As a CEO of this company i just wanted to see who the applicant is… and what position she’s applying for.” saad nito at humarap sakin ng nakangisi.

Shit! malas ka sa buhay ko, Laxamana!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Casanova's Nemesis    EPILOGUE

    They said a Laxamana could never survive away from the grid. But Timothy proved that his entire world was already standing right in front of him.Dalawang taon matapos ang kasal—at dalawang taon mula nang magpasya si Timothy na tuluyang talikuran ang malamig at ang walang katapusang takbo ng mga stocks, ang mga flash ng media, at ang ingay ng Dominion, ay naging mga malabong alingawngaw na lamang ng nakaraan.Nakatayo kami sa isang pribadong isla sa Batangas. Isang nakatagong paraiso na walang mararangas na hotel, walang semento, at higit sa lahat, walang maayos na signal ng telepono. Dito namin piniling magtayo ng isang simpleng beachfront villa. Dito namin piniling mabuhay, malayo sa mga anino ng mga Del Rio at sa lahat ng sugat ng pitong taong digmaan na tuluyan nang natunaw sa bawat segundong lumilipas.Lumabas ako sa terrace ng aming bahay, suot ang isang simpleng puting linen dress na sumasabay sa marahang ihip ng hangin na may amoy ng asin at kalayaan. Doon ko sila nakita.Nakas

  • The Casanova's Nemesis    Chapter 79

    Ang unang liwanag ng sikat ng araw ay marahang sumilip sa pagitan ng mga puting kurtina ng villa, nag-iiwan ng mahahabang guhit ng ginto sa ibabaw ng malambot na kama. Kasabay nito ang banayad na simoy ng hangin mula sa dalampasigan na may dalang amoy ng sea salt, pamilyar at payapa.Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, sinalubong ng bahagyang hilo mula sa matinding pagod at emosyon ng nagdaang araw. Ngunit bago pa man tuluyang magproseso ang aking isip, naramdaman ko ang isang mabigat ngunit kumportableng braso na nakapulupot sa aking baywang, humihila sa akin pabalik sa isang mainit na dibdib.Napatitig ako sa lalaking katabi ko.Si Timothy. Ang aking asawa.Wala ang kaniyang karaniwang selyo ng buhok na naka-brush back; ang ilang hibla nito ay gulo-gulong nakalagay sa kaniyang noo, na nagpamukha sa kaniya na mas bata at malayo sa malamig na CEO na kinatatakutan sa boardroom. Ang kaniyang panga ay relaks, ang kaniyang mga labi ay bahagyang nakabukas, at ang mabagal na pag-n

  • The Casanova's Nemesis    Chapter 78

    Ang ingay ng labas ng katedral ay tila isang malabong humming sa aking pandinig habang naglalakad kami ni Timothy palabas, sinalubong ng ulan ng mga puting petals at ng nakakasilaw na flash ng mga kamera ng media. Ang kaniyang kamay ay mahigpit na nakahawak sa aking baywang, isang protektibong gawi na ngayon ay wala nang itinatagong takot—kundi purong pag-aari at kalayaan.Ang reception sa grand ballroom ng The Peninsula Manila ay naging isang obra maestra ng kontradiksyon. Sa isang banda, nandoon ang pormalidad ng alta lipunan: ang mga matatayog na kristal na chandelier, ang tunog ng banayad na jazz, at ang mga naglalakihang pangalan sa mundo ng negosyo. Ngunit sa gitna ng lahat ng iyon, ang aming lamesa ay puno ng init na kailanman ay hindi mabibili ng pera."Isang baso pa nga ng champagne, Trevor," natatawang utos ni Kacely habang nakasandal sa upuan, bahagyang namumula ang mga pisngi dahil sa nakatutuwang pagod ng buong araw. "Grabe, feeling ko ako 'yung ikinasal sa tindi ng kaba

  • The Casanova's Nemesis    Chapter 77

    They said a Laxamana wedding would always be a merger of empires. But Timothy made sure it was only a union of two souls.Ang Manila Cathedral ay binalot ng kakaibang antas ng elegansa na ngayon lang nakita ng alta lipunan. Walang mararahas na dekorasyon, walang nagtutunggaliang mga kulay.Ang buong dambana ay pinaligiran ng libu-libong buhay na white lisianthus, phalaenopsis orchids, at mga sariwang eucalyptus na nagpabango sa malamig na hangin sa loob ng simbahan. Ang dulo ng bawat upuan ay may nakasabit na mga kristal na may nakasinding kandila, lumilikha ng isang tila panaginip na liwanag na sumasayaw sa lumang arkitektura ng katedral.Ang tunog ng mga violin mula sa isang full orchestra ang dahan-dahang bumasag sa bulong ng mga piling bisita nang bumukas ang dambuhalang pinto ng simbahan.Napatayo ang lahat. Ngunit ang aking paningin ay nakatutok lang sa dulo ng mahabang karpet—kung saan nakatayo ang isang Timothy Axel Laxamana.He was wearing a bespoke, midnight-blue velvet tuxe

  • The Casanova's Nemesis    Chapter 76

    Akala ko, ang gulo sa Del Rio Tower, ang pagbagsak ng kanilang imperyo sa harap ng media, at ang sunod-sunod na balita sa telebisyon ang dulo ng lahat. Akala ko, iyon na ang pinakamatinding yugto ng kwento namin.Mali ako. Dahil ang totoong pinaplano ni Timothy Laxamana... ay mas tahimik. Mas malalim. At mas permanente. Isang hakbang na walang kinalaman sa mga stocks, sa Laxamana Holdings, o sa paghihiganti."Magbihis ka nang maayos," kaswal na sabi ni Trevor habang humihigop ng kape sa almusal.Bahagya kong isiningkit ang mga mata ko sa kaniya, puno ng hinala. "…Bakit?"Hindi siya nag-angat ng tingin mula sa kaniyang telepono, patuloy ang mabilis na pagpindot. "Sabi ni Lola, mahalaga raw. Huwag ka nang maraming tanong, Ate Marianne."Iyon lang. Walang paliwanag. Walang detalye. Isang maikling utos na may dalang kakaibang kaba. At si Timothy? Hindi siya nagsalita buong magdamag at maghapon. Pero sa tuwing magkakasalubong ang mga tingin namin, tinitingnan niya ako na tila ba alam na ni

  • The Casanova's Nemesis    Chapter 75

    Akala ko noon, kapag natapos na ang lahat ng gulo, ang kapayapaan ay magiging isang nakababagot na siklo ng paulit-ulit na araw. Akala ko, kapag wala nang banta ng mga Del Rio, babalik lang kami sa isang normal na buhay na walang masyadong kulay.Turns out… it feels like someone constantly checking if you’re still there.Mali ako. Dahil ang kapayapaan pala sa piling ng isang Timothy Laxamana ay nangangahulugan ng isang bagong uri ng tensyon—isang banayad ngunit walang katapusang pagsisigurado kung totoo bang hindi ako naglaho kasabay ng paglipas ng gabi.Paglabas ko ng aking silid kinaumagahan, sinalubong ako ng pamilyar na katahimikan ng mansiyon. Pero sa pagkakataong ito, masyadong tahimik. Too quiet. Ang kaba na akala ko ay tuluyan ko nang nailibing sa Del Rio Tower ay biglang gumapang pabalik sa aking dibdib."Good morning," kaswal kong bati sa malawak na hallway, pilit na itinatago ang biglaang pagbago ng ritmo ng puso ko.No reply. Walang sumagot."Timothy?" lakas-loob ko pang t

  • The Casanova's Nemesis    Chapter 29

    Napapikit na lang ako sa halik ni Timothy at napakapit sa lay layan ng damit niya. Kusa na lang rin tumulo ang mga luha ko sa gilid ng mata ko habang nakikipagsagutan sa halik ni Timothy.Ilang saglit pa ay kumalas siya sa halikan namin at pinagdikit niya ang noo namin. “So, why are you crying?” t

  • The Casanova's Nemesis    Chapter23

    Hindi ako nakatulog ng maayos matapos ng ginawang pag halik sakin ni Tukmol kagabi. Pa ikot ikot lang ako sa kama, pero hindi ko makuha ang antok ko.Bakit naman kasi bigla bigla na lang siyang nanghahalik? ano bang trip niya? Nakakainis! nakakainis kasi parang ako pa ngayon ang nahihiyang lumabas

  • The Casanova's Nemesis    Chapter 22

    NAPAMULAT ako ng mata ng mapagtanto ko na nakaidlip ako, pero halos mapasigaw ako dahil sa bumungad mismo sa harap ko, as in sobrang lapit ng mukha sakin ni Tukmol!Nagpalunok lunok ako dahil sa lapit niya sakin, nakayakap na rin siya sakin at ganoon rin ako kaya parang gusto kong mag wala ngayon m

  • The Casanova's Nemesis    Chapter 21

    Marianne's POVNanatili lang na tahimik si Tukmol since nakaupo kami sa hapag at sabay sabay na kumain kasama si mamay. Hindi ko alam kung bakit naging tahimik na lang siya bigla, e kanina lang ubod siya ng daldal at katatanong sakin. Pero mas ayos na siguro na tahimik na lang muna siya, at least

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status