MasukPagkatapos ng nakaraan ni Diana Millena Montreal sa mundo ng pag-ibig, pinangako niya sa kanyang sarili na hindi na siya basta-basta mahuhulog sa mga lalaki. Na hindi-hindi na siya basta-basta bibigay alang-alang sa kapakanan niya at ang kinabukasan ng kanyang pamilya. Nadala na siya sa ginawa ni Scott Atticus Alveron— ang ka-isa-isang lalaki na kanyang iniibig. Sinaktan lang naman siya nito. Nalagay sa alanganin ang reputasyon ng pamilya nila dahil sa kagagawan nito. Kaya napagdesisyunan niya na talikuran ito, ibaun sa limot ang nararamdaman niya at lisanin ang mundong ginagalawan. Subalit sa kanyang pagtalikod, isang serkreto rin ang pili niya'ng pinuprotektahan at tinatakpan. Isang sekreto na dasal niya sa tanang buhay ay sana hindi siya mabuko ni Scott Alveron.
Lihat lebih banyak“Iana!” sigaw ni Raine nang mabilis itong tumakbo papuntang banyo.
Umagang-umaga pero panay na ang duwal ni Diana sa inidoro. Kung hindi lang nakakadiri na ipasok ang kanyang ulo roon ay kanina pa niya iyon ginawa. Sa sobrang sama ng kanyang sikmura ay pinagpawisan na siya. Ilang segundo pa lang siya panay suka pero pakiramdam niya ay halos maubos na ang kanyang lakas. Habang nagluluto si Raine ng agahan ay takam na takam pa siya nang masinghot ang amoy ng sibuyas. Nang maamoy na niya ang karne'ng isinalang ay biglang bumaliktad ang kanyang sikmura. Tumakbo siya papunta banyo habang sapo ang kanyang bibig sa takot na baka magkalat siya sa kusina. Ilang araw na niya ito'ng iniinda. Habang tumatagal ay mas lalong lumalala ang kanyang nararanasan kaya hindi na mapakali si Diana. Hindi siya tanga para hindi mahulaan kung ano ang nangyayari sa kanya. Inaantay niya ang kanyang buwanan dalaw pero hindi pa siya dinadatnan. Marahan na hinaplos ni Raine ang kanyang likod. Muli siya'ng sumuka nang maamoy niya'ng kumapit sa damit ang amoy ng niluluto nito. Napahawak siya ng mariin sa takip ng inodoro. “Iana! Okay ka lang?” nag-alalang tanong ni Raine. Umiling-iling si Diana. Dumuwal ulit siya pero walang lumalabas. Habol niya ang kanyang hininga habang pumipikit. Nang maramdaman ni Diana na kumakalma ang kanyang tiyan ay dahan-dahan siya'ng tumayo. Kaagad siyang inalalayan ni Raine. Nagtungo siya sa sink at nagmugmog. Lumapit si Raine na may dalang puting tuwalya. “Ano ba'ng nangyari sa'yo? May kinain ka ba na masama kagabi kaya bumaliktad iyang sikmura mo?” muling tanong ni Raine habang nakatitig sa kanya. Umiling ulit si Diana. Dinampot niya ang toothbrush at saka nagsepilyo. Bumuntonghininga si Raine. Humalukipkip ito at sumandal sa pader na may katabing salamin. Humarap ito sa kanya. “Baka ulcer mo na naman ‘yan. Kakakape mo yan eh,” sermon ni Raine nang may malamig na mga mata. “Ano? Okay ka na?” Tumango si Diana. Tahimik niya'ng tinapos ang pagsesepilyo. “Kung kailan final exam na natin, saka ka pa nagkasakit,” muling sermon ni Raine. Pinahiran ni Diana ang kanyang bibig gamit ang tuwalya. Pagkatapos ay ngumiti siya. “Huwag kang mag-alala. Kaya ko pa naman,” sabi ni Diana. “Ikakain ko lang ‘to.” “Sigurado ka?” tanong ni Raine. “Kung pumunta na lang kaya tayo ng ospital mamaya pagkatapos ng exam natin sa school? Libre ako mamaya. Kailangan ka matignan. Baka lumala na iyang ulcer mo.” Namutla si Diana. Mabilis siya'ng lumabas ng banyo habang hawak ang tuwalya. “H-hindi…Ano ka ba.. Okay lang ako,” pangungumbinsi ni Diana. Umupo siya sa sofa. “Promise, okay lang ako.” Kunot-noong sumunod si Raine. “Sigurado ka?” Tumango si Diana. “Oo.” Naningkit ang mata ni Raine. “Eh kung sa clinic ng school?” “H-huwag na.” Lumunok si Diana at tumayo. “A-ano.. ako na lang pupunta ng hospital mamaya. Magpapasama na lang ako kay mommy.” “Sige,” sagot ni Raine. “Tatapusin ko lang iyong niluluto ko. May gusto ka bang inumin?” Humarap si Diana kay Raine. “May nagtitinda na kaya ng buko juice ngayon?” “Buko juice?” takang tanong ni Raine. “Iana, ang aga-aga pa. Buko juice talaga ang iinumin mo?” Hindi makapaniwalang wika niya. Hilaw na ngumiti si Diana. “Ah eh.. Bakit ba? Gusto ko lang maiba.” Lumapit siya kay Raine at tinulak ito papuntang kusina. “Sige na, magluto ka na ng almusal. Para makaalis na tayo pagkatapos.” “Teka lang sandali,” protesta ni Raine habang tinutulak. “Sige na…” Tumawa si Diana. “Sa kwarto muna ako. Mag-rereview muna ako saglit,” ani niya. Bumuntonghininga si Raine. “Oh siya.” Muli niya'ng tinitigan sa huling pagkakataon si Diana. Dinuro niya ito. “Iyong sabi mo ah?” “Oo, pupunta talaga ako,” saad ni Diana. “Tatawagan ko si mommy.” “Tch!” Pumasok si Raine sa kusina. “Apple? Gusto mo?” sigaw niya nang makarating sa kusina. “Yes, please.” Napangiti si Diana. “Thank you, Adih,” usal niya sabay talikod. Nawala ng parang bola ang ngiti ni Diana. Napatitig siya sa kanyang tiyan. Muli siya'ng lumunok at mabilis na pumasok sa kanyang kwarto. Pagkasarado ni Diana sa pinto ay napasandal siya roon. Napahawak siya sa kanyang tiyan at sinapo iyon. “No,no,no..” usal ni Diana nang maanalisa ang lahat. Muli niya tinitigan ang kanyang tiyan. “Oh no… This can't be.” Hindi siya pwedeng magkamali. Nangyari na ang kinatatakutan niya. Paano na lang ‘to? Nasa third year pa lang siya. Isang taon na lang at matatapos na siya sa kursong Business Accountancy. Tinakpan ni Diana ang kanyang mukha. Pumikit siya at huminga ng malalim. Nahulog siya sa malalim na pag-iisip. Hindi niya alam kung paano ito sasabihin sa kanyang magulang. Kinakabahan siya na natatakot. Mataas ang expectations nito sa kanya dahil siya lang ang unica hija. Tapos ngayon, dahil lang sa kapabayaan at pagiging mapusok niya— nahaharap na siya sa ganitong problema. Ang bata pa niya. “Hindi..” Umiling si Diana. Tumayo siya at muling umiling. “Hindi, kailangan ko ng pumunta ng hospital.” Oo, tama. iyon ang dapat gawin. Kailangan niya'ng magpatingin sa doktor. Hindi pwedeng manghuhula na lang siya. Dalawang linggo pa lang siya'ng delayed sa kanyang buwanang dalaw. Baka natagalan lang siya dahil sa stress niya noong nakaraan. Hectic lately ang schedule niya. Maliban sa defense— kailangan niya rin pumunta sa kompanya kanyang Daddy para tumulong. May mga ibang projects at exam pa na kailangan pag-aralan. May mga organization pa siyang sinasalihan. Kaya minsan kahit tanghali ay pagod na ang katawang lupa niya. Hindi pa siya natatapos sa pag-aaral pero hinahasa na ng kanyang Daddy ang utak niya sa mundo ng pagnenegosyo. Kaya hindi pwede ang iniisip niya, dahil talagang masisira ang pinaghirapan nila. Mabilis na lumapit si Diana sa cabinet. Nagbihis siya. Pagkatapos ay hangos siyang lumabas ng kwarto. “Adih! Alis na ako!” Sigaw ni Diana habang sinusukbit ang dalang bag. “Huh?” Lumabas mula sa kusina si Raine. “Iyong pagkain? At saka, akala ko ba sabay na tayo? “Hindi na.” Mabilis siya'ng lumapit sa shoe rack at nagsuot ng sneakers. “Kailangan ko ng umalis.” “Pero—” Binuksan ni Diana ang pinto. “Bye!” paalam niya sabat sara ng pinto. ***** “You're six weeks pregnant, Ms. Montereal,” imporma ni Dra. Javier— ang doctor na tumitingin kay Diana. Namilog ang mata ni Diana. Kahit alam na niya ang posibilidad, hindi niya pa rin maiwasang magulat. Natutop niya ang kanyang bibig habang pinuproseso ang lahat. “What?” Diana whispered, staring blankly at the table. “P-pregnant…? I’m pregnant?” Tumango si Dra. Javier. Muli niyang binasa ang medical results ni Diana. “Base sa mga sinasabi mo na symptoms, I can now confirm that you’re pregnant. Two weeks ka ng delayed. Nagduduwal ka na rin, madalas ka ng nahihilo, at may cravings ka na. Positive rin ang results ng PT mo. Your white blood cells is slightly elevated at lumalagpas na ng kaunti sa normal bracket.” Natigalgal si Diana. Napatingin siya sa kanyang tiyan. “B-buntis…” bulong ni Diana habang hinahaplos ang kanyang tiyan. Napakurap siya at napasinghap. Dra. Javier nodded. “Come with me. Let’s do your ultrasound.” Natahimik si Diana. Inalalayan siya ng assistant ng OB at pinahiga sa strecher. “See, that's your child,” nakangiting sabi ni Dra, Javier habang hawak ang ultrasound probe na nakatapat sa tiyan ni Diana. “And that's the heartbeat.” Napakurap si Diana. Parang may humaplos sa kanyang puso nang marinig ang malakas na pagtibok nito. Sa tanang buhay niya, iyon na ata ang pinakamaganda ritmo na kanyang naririnig.Hindi makapaniwala'ng tinitigan ni Diana si Scott. Talagang hindi ito nangingimi na sabihin na mahal nito si Chermund. Ang kapal talaga ng mukha nito. Hindi niya alam kung saan ito humugot ng lakas para maging arogante.Ngumisi si Diana. “You knew it, but you didn't do anything because you love her circling around you. Ano nga ulit iyong sinabi mo rati? Ah…”Tumango-tango si Diana. “Sabi mo, naaawa ka sa kanya dahil wala siya'ng kaibigan. Na walang gustong makipaglapit sa kanya dahil sa issue ng pamilya niya. But what about me? Ni isang beses ba, naisip mo ang nararamdaman ko?”Natahimik si Scott. Napalunok siya habang nakatitig kay Diana."If you really love her, then keep your distance from me. Alam mo, hindi kita maintindihan eh," sabi ni Diana. "Alam kong hindi mo na ako mahal, oo— matagal na. Pero ano ito'ng pinuputok ng botse mo? Nalaman mo lang na umaaligid ako sa pinsan mo, nagagalit ka na?""Because you're trying to destroy his life," Scott said coldly, though his eyes burne
Tahimik na naglalakad si Diana pauwi ng apartment. Nauna na siya'ng umuwi dahil may biglaan lakad si Raine. Hindi na niya tinanong kung saan ito pumunta. Dalawa lang ang panay sadya nito. Ang mama nito na nakaratay sa ospital hanggang ngayon, at ang secret husband nito na si Mr. Almonte. Minsan kung iisipin niya, hindi pa rin siya makapaniwala na naging asawa ni Raine si Crassus. Nagulat na lang siya nang sinabi nito na asawa nito si Mr. Almonte. Villanueva pa rin ginagamit ng mga empleyado para i-address siya. Talagang sinadya nito na maglihim. Naiintindihan naman niya ito.Kaya pala panay alis ito nitong nakaraan.Alangan naman na hindi siya maniniwala, may marriage certificate itong hawak. Sa dinami-daming tao rito sa mundo, ang pinsan pa talaga ni Scott ang naging asawa nito— at amo pa nila.Bumuntonghininga si Diana. Hanggang ngayon ay hindi niya alam kung paano magpaliwanag kay Raine. Ayaw na niya sana magsinungaling sa kaibigan niya. Mas lalo siya nakokonsensiya, pero sa sitw
Naalimpungatan si Diana nang biglang tumunog ang cellphone niya. Pikit-matang kinapa niya sa mesa. Nang makapa na niya ito ay sinagot niya ang tawag.“Diana…”Nawala ang antok ni Diana nang marinig ang boses ng mommy niya. Napadilat siya ng mata. Napalingon siya kay Raine. Tulog na tulog pa rin ito.Ngumiwi siya. Dali-dali siya'ng tumayo at pumasok sa loob ng kwarto niya. Kinuha niya sa bag ang ear pads niya. Sumalampak siya sa kama habang binutingting ang settings para sa earpads. Saka niya ini-on ang camera.“Mom,” bungad ni Diana. “Sorry po. Nakatulog ako.”“It's alright. Alam ko na may jetlag ka pa,” sagot ni Devara.Kumunot ang noo ni Diana. Narinig niya ang atungal ni Demi sa kabilang linya.“Wait, mom. Labas muna ako. Nasa sala kasi si Raine. Baka marinig niya tayo,” sabi ni Diana.Dali-daling lumabas ng kwarto si Diana. Mahina niya'ng sinarado ang pinto. Pagkatingin niya kay Raine ay tulog mantika pa rin ito. Hindi na rin siya nagtataka dahil naparami ang inom nito ng beer.Na
Pinagsisihan ni Diandra na pumasok sa opisina ngayong araw. Ito na yata ang pinakamalas na araw sa tanang buhay niya. Parang nakabuntot sa kanya ang kamalasan. Naghihintay lang yata ito na may butas sa pinaggagawa niya. Masakit na nga ang ulo niya— dumagdag pa ang mga asungot. Buong araw panay pabalik-balik sa office niya ang Head nila para lang i-check ang kanyang trabaho. Idagdag pa si Scott. Parati itong tumatawag. Kaya sa huli, iritado siya buong araw. Hirap nga siya'ng isubo ang kinakain noong lunch dahil pumipitik din ang kanyang sentido. Mabuti na lang at medyo nawala iyon pagkatapos niya'ng uminom ng gamit at kumain. Kaso inaantok naman siya. Kaya pagkalabas niya sa Forgato, salubong na salubong ang kilay ni Diandra. Sing kunot na ng kidlat ang kilay niya. Pati ang kanyang mukha— hindi na maipinta. Naglalakad siya papunta sa apartment nang may humarang sa kanya. Napahinto siya sa paglalakad.“Hey…” bati ni Scott nang makaharap si Diana.Naningkit ang mata ni Diana. Inilibot






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasan