Share

Chapter 07- Bugging her

Author: Aceisargus
last update publish date: 2026-06-04 22:38:37

“Ate! Bakit ngayon ka lang pumasok? Hinahanap ka ni Ma'am Zaragoza uy. Galit na galit,” sabi ni Hailey, ang kasama niya sa Public Relation Department.

Kumunot ang noo ni Diana. Kakapasok niya pa lang sa opisina at iyon na ang bumungad sa kanya. Medyo masakit pa ang ulo niya kaya wala siya sa mood.

Nilapag niya sa mesa ang bag. Pabagsak siya'ng umupo at pinaikot iyon.

“May bago ba? Parati naman galit iyang Head natin. Kahit na maayos itong Department natin, maghahanap ng butas para lang guluhin tayo,” pangatuwiran ni Diana.

“Luh! Iba ngayon uy. Ikaw talaga ang pinupuntirya niya,” giit ni Hailey. “Saan ka ba nagsusuot? Bakit ngayon ka lang pumasok?”

“It's none of your business.” Dinampot ni Diana ang isa sa mga files na nakatambak sa mesa niya.

“Ay! Sungit.” Sumimangot si Hailey. Inayos niya ang dalang files. “Ingat ka na lang. Dinig ko si Ma'am Raine tinalakan din ng Head nila. Nag-under time na naman daw kasi.”

Bumuntonghininga si Diana. “Thanks for giving me a heads up.” Pinagulong niya papuntang mesa ang upuan. “Sabihin mo kung may ipapagawa ka sa akin. Sagot ko na lunch mo.”

“Wow! Thank you, Ate Diana.” Ngumiti ng pagkalaki-laki si Hailey. “Nakalibre na naman ako.”

“Tch! Basta libre talaga eh no?” pang-aasar ni Diana.

Humagikhik si Hailey. “Siyempre, para makatipid at siyempre dahil sagot mo lunch ko— may pangbayad na ako ng parcel ko.”

Napailing si Diana. “Ano'ng pagtitipid doon, Hailey. Gastador siguro, pwede pa.”

“Ate naman eh,” maktol na wika ni Hailey.

“Magtrabaho ka na,” pagtataboy ni Diana sabay bukas ng computer.

Nakasimangot na bumalik sa cubicle si Hailey. Tahimik itong umupo at nagsimulang magtrabaho.

Kaka-ilaw pa lang ng computer ni Diana nang binulabog siya ni Hailey.

“Ate, may ibibigay pala ako sa'yo,” ani ni Hailey.

Tumayo si Hailey at lumapit sa cubicle ni Diana. Nilapag niya sa mesa nito ang dalawang regalo.

“Para sa'yo raw. Hindi ko alam kung kanino galing pero rito kasi naka-address. Tinago ko na lang para sa'yo,” paliwanag ni Hailey.

Kumunot ang noo ni Diana. “Sa akin?” tanong noya sabay turo sa sarili.

“Oo,” sabi ni Hailey. “Sige, balik na ako,” ani niya sabay balik sa kanyang pwesto.

Takang tinitigan ni Diana ang dalawang regalo. Walang nakalagay na card at lalong wala rin nakalagay na pangalan. Puro puti pa ang nakabalot kaya mas lalo siyang nagdududa.

Binuksan ni Diana ang regalo. Tumambad sa kanya ang isang mamahaling chocolate. Sinunod niya ang isa. Isang branded na perfume ang laman niyon na papalo sa one hundred thousand ang isang bote. Pagkuha niya sa kahon ang perfume para sana amuyin ay may nahulog na maliit na card. Binasa niya kung ano ang nakasulat.

[Sorry… from: Scott]

Naningkit ang mata ni Diandra. Padabog niyang binalik sa kahon ang perfume. Ginugutay niya ang pinagbalot sa regalo. Pati ang box of chocolate, niyupi niya at pinagsusuntok.

Napatayo si Hailey. Hangos na lumapit siya kay Diana. “Ate, bakit?”

Napatiimbagang si Diana. Kumuha siya ng plastic sa drawer at galit na ipinasok doon ang mga regalo. Nilabas niya ang basurahan at padabog na pinuwesto ito sa gilid ng cubicle. Napaawang ang labi ni Hailey.

“Hala, ate! Bakit mo sinira? Itatapon mo?” gulat na tanong ni Hailey habang pinagmasdan ang ginagawa ni Diana.

Hindi kaagad sumagot si Diana. Sa halip ay galit niyang pinasak sa trash can ang mga regalo. Tinapakan niya pa iyon para lang tuluyan ito'ng mabaun sa basurahan.

“Kailan ka pa nakarinig ng basura na hindi tinatapon?” matabang na wika ni Diana.

“Huh?” gulat na usal ni Hailey. Tinuro niya ang regalo. “Pero, ate. Sayang, d-di di ba, perfume iyon?”

“Ano naman?” pabalang na tanong ni Diana. “Parang hindi ko naman kayang bumili. Kahit umorder ako ng isang kahon ngayon, kayang-kaya ko. Ililigo ko pa kung gusto mo.”

Namilog ang mata ni Hailey. Tinutop niya ang kanyang bibig. “Ate?” Hindi makapaniwalang usal niya.

Naningkit ang mata ni Diana. “Sige na, balik ka na roon,” ani niya sabay harap sa computer.

Napakamot sa ulo si Hailey. Tahimik siya'ng bumalik sa pwesto niya.

Sinubukan ni Diana na mag-focus na lang sa trabaho. Kaso parati ng bumabagabag sa isip niya ang mga regalo. Kahit na pilit siya'ng tumipa sa keyboard, ang mukha ni Scott ang kanyang naalala. Kung paano ito ngumiti. Kung paano ito lumakad. Pati ang stubbles nito ay parang sirang plaka na pabalik-balik sa isip niya.

Lumingon siya sa basurahan. Nang maalala niya ang binigay nito na regalo. Napapikit siya ng mariin. Inis niyang kiniskis ang kanyang noo. Tinulak niya ang keyboard at sumandal sa upuan.

Habang pinipikit ni Diana ang kanyang mata ay biglang nag-ingay ang cellphone niya. Pikit-matang sinagot niya ang tawag.

“Hello,” sagot ni Diana habang hinihilot ang kanyang sentido.

“Diandra…”

Napamulat ng mata si Diana. Inilayo niya ang cellphone. Gulat na binasa niya kung sino ang caller pero unregistered number ang nakatatak sa screen. Ganoonpaman, kilala na niya kung sino ang tumawag. Paano niya malilimutan ang malalim nito na boses?

Binalik ni Diana sa tainga ang cellphone. “Scott?” Gulat na sagot niya.

“Hmmm.”

“Tsk!” Pinatay ni Diana ang tawag. Binato niya sa mesa ang cellphone at tinakpan ang kanyang mukha.

Nag-ring ulit ang kanyang cellphone. Dinampot niya ito at pinatay ang tawag. She turned the silent mode. Saka niya ito binato ulit sa mesa.

“Miss Montereal…”

Napamulat ng mata si Diana nang marinig ang boses ni Ma'am Zaragoza. Napangiwi siya. Inayos niya ang kanyang buhok, pati ang kanyang damit.

“Yes, Ma'am,” Diana replied.

Ma'am Zaragoza grimaced. “In my office, now," she said. Saka tumalikod at umalis ng nakahalukipkip.

Bumuga ng marahas na hangin si Diana. Napatingala siya at muling pumikit.

Ilang segundo ang dumaan ay sumunod si Diana sa head nila. Pinuntahan niya ito sa office nito. Pagpasok niya ay kakaupo pa lang nito sa swivel chair.

“So, care to tell me. Bakit hindi ka pumasok kahapon?” diretsahang tanong ni Ma'am Zaragoza. “Hindi ka ba natatakot na matanggal sa trabaho?”

Umangat ang gilid ng labi ni Diana at sabay iwas ng tingin. “Mas gugustuhin ko pa na matanggal ano,” bulong niya.

“What did you say?”

Humarap si Diana sa head nila. Ngumiti siya ng matamis. “I'm sorry, Ma'am. Talagang hindi na po kaya ng katawan ko na pumasok sa trabaho noong nakaraang araw. Sumakit po iyong ulo ko.”

Naningkit ang mata ni Ma'am Zaragoza. “Luma na iyang palusot mo.”

“Nasa inyo na kung maniniwala ba kayo o hindi, Ma'am,” malamig na sagot ni Diana pero pinanatili niya pa rin ang pagrespeto.

“Tch!” Tumayo si Ma'am Zaragoza. Naglakad siya at inikutan niya si Diana nang nakahalukipkip. “O baka naman sinadya mo talaga na umabsent dahil hindi kita pinayagan na mag-leave?”

Kamuntik ng umikot ang mata ni Diana. “Pasensiya na po pero bumigay na po talaga ang katawan ko, Ma'am."

Naglapat ng mariin ang labi ni Ma'am Zaragoza. “Next time na aabsent ka pa, suspend ka na.”

“Thank you, Ma'am for considering,” labas sa ilong na sabi ni Diana.

“You may go.”

Diana bowed her head. Saka siya tahimik na lumabas ng opisina nito. Nang marating na niya ang hallway ay saka pa niya inilabas ang kanyang pagkairita.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Day I Left the Coldhearted Billionaire    Chapter 54

    “Ay nako! Hindi ko naman inaano ang mga foreigner. For sightseeing lang naman ano. Saka biro ko lang naman iyon. Kumagat ka naman kaagad. Mas nakakahiya iyong feeling maganda pero hindi naman kagandahan no!" Pagpaparinig pa ni Diana sabay irap.Napaubo si Raine. Tumikhim pa ito ng ilang beses para lang pigilan ang sarili na hindi mapatawa. Si Thaddeus na kanina pa nakikinig ay hindi na maitago ang pagngisi. Tapos na siya maghakot ng mga gamit. Nakikinig lang siya kay Diana. He find Diana amusing and straightforward. Katulad ngayon, walang preno ang bibig nito. Talagang hindi ito nangingiming magparinig sa pinsan ni Raine na si Erasha.Diana flipped her hair. "Makaalis na nga. Naalibadbaran ako sa mga feeling maganda. Mukha naman'g paa." Saka niya tinitigan mula ulo hanggang paa si Erasha.Napasigok si Thaddeus. Iniwas niya ang kanyang tingin para hindi siya tuluyan mapatawa."Bye po, Lola!" Masayang paalam ni Diana. Nilapitan niya si Lola at nakipagbeso. "Mano po! Aalis na po kami."

  • The Day I Left the Coldhearted Billionaire    Chapter 53

    Kakauwi pa lang nila Diana galing sa Sea Side nang mapansin nila na nakaabang na ang Tiya ni Raine at ang anak nito sa labas ng bakuran. Napalingon si Diana kay Raine na nasa back seat.“Miss ka na ng Tiya mo, Raine,” pabirong wika ni Diana. Ngumisi siya. “Inaabangan ka na oh.”“Tch!” Napailing si Raine.“Hapon na rin kasi,” sabi ni Mama Roberta.“Ako na mauna lumabas,” suhestiyon ni Raine. “Ibababa ko lang iyong mga gamit.”“Huwag na, Raine. Kami na,” pigil ni Diana. “Baka mapaano iyang ulo mo.”“Tsk! Okay na kasi ako,” pagdadahilan pa ni Raine.“Kahit na, huwag matigas ang ulo, Raine,” babala pa ni Diana. Tumango siya. “Sige na, kami na sa gamit. Iyong bag mo na lang ang dalhin mo.”Napabuntonghininga si Raine. “Sige,” sagot niya at bumaba ng kotse.“Iyong usapan natin,” bilin ulit ni Mama Roberta. “Lalo ka na Ma, huwag masyado matabil ang dila. Baka mainggit si Manuela.”“Naintindihan ko,” sagot ni Lola Pansing.“Oh siya,” ani ni Mama Roberta at binuksan ang pinto. Dali-daling lum

  • The Day I Left the Coldhearted Billionaire    Chapter 52

    “Ginapang mo rin ang ex mo no?” panghuhula pa ni Raine na siya'ng ikinamilog ng mata ni Diana.“Hoy!” asik ni Diana. “H-hindi ah!”“Talaga?” wika ni Raine. “Mamatay ka man?”Tinampal ni Diana ang kamay ni Raine. “Bwesèt ka. Stop swearing me nga. Hindi nakakatuwa,”“Oh eh ano? Ginapang mo nga iyong ex mo?” Pang-uulit pa na tanong ni Raine.“Hindi nga!” Naririnding sagot ni Diana. “Ako? Manggagapang? Excuse me?”Baliw talaga. Kahit haling na haling siya kay Scott dati. Ni minsan ay hindi niya naisip na gapangin ito. Nahihiya nga siyang lapitan ito tapos siya ito'ng manggagapang? Si Scott lang naman ang parating nauuna nila rati. Kahit kailan, hind siya nagfifirst move noong magkasintahan pa sila. Ni hindi nga niya magawang salubungin ng maayos iyong titig ni Scott.“Oh bakit nag-susuggest ka na gapangin ko si Crassus?” Pang-uulit pa ni Raine. “Hindi mo naman i-susuggest iyon kung wala kang nararanasan.”“Ano ba!” Marahas na napakamot sa noo si Diana. Napabuga siya ng marahas na hangin

  • The Day I Left the Coldhearted Billionaire    Chapter 51- Crawl

    Hindi makapaniwala si Diana sa kanyang naririnig. Napaamang siya. “Ganoon?” tanong ni Diana nang makabawi. Tumango-tango siya. “Goodness! I can't believe you,” she said. Saka tumalikod.“Where are you going?” Scott asked, stopping her in her tracks.Napahinto si Diana. Hinarap niya si Scott. “Babalik na kasama ko. Ano? Gusto mo dito lang ako?” sarkastikang tanong niya.Naningkit ang mata ni Scott. Napairap si Diana. Kahit nanghihina man ang tuhod, mabilis siya'ng lumayo para hindi na makita si Scott. “Iana…” tawag ni Scott kay Diana. Hindi nakinig si Diana. Sa halip ay tumakbo siya. Gusto na niyang lumayo kay Scott. Kapag kakausapin niya pa ito, baka mauudlot pa ang pag-alis niya.****Kinabukasan, samang-samang naligo sila Diana, Thaddeus at Raine sa Sea Side. Kasama nila si Tita Roberta. Pati na rin ang Lola ni Raine na si Lola Pansing.Alas dies na sila bumiyahe papuntang Sea Side. Dumaan pa sila sa palengke para mamili ng mga prutas at kakanin. Bumili na rin si Raine ng isda a

  • The Day I Left the Coldhearted Billionaire    Chapter 50 - Kissing her roughly

    Marahas na hinila ni Scott ang braso ni Diana. “Bawiin mo iyang sinabi mo.”“No.” Diana snapped, leaving Scott momentarily speechless.Dumilim ang ekspresyon ni Scott. His jaw locked as he stared daggers at Diana, her name leaving his lips in a low, warning tone. “Diana…”"I said no, Scott,” Diana said with finality. “Don't you dare stop me.”Scott took a step closer, his gaze hardening. “Or what?” he asked, his voice low and dangerous.Nilabanan ni Diana ang titig ni Scott. “Or else…”Patuloy sa dahan-dahan na paghakbang si Scott papalapit kay Diana. Diana sensed that something isn't right. Umatras siya ng umatras habang nakatitig sa mga mata nito. Hanggang sa maatrasan na niya ang halaman na nasa likod. Napahinto siya. Saglit niya'ng tinitigan ang halaman subalit paglingon niya kay Scott ay ang dibdib na nito ang kanyang nabungaran.Nahigit ni Diana ang kanyang hininga. Nagkarombola sa pagtibok ang kanyang puso. Sa sobrang ingay niyon ay rinig na rinig niya ang pagdagundong niyon.B

  • The Day I Left the Coldhearted Billionaire    Chapter 49 - Tough Spot for her

    Nagkasukatan ng tingin sina Diana at Scott. Palipat-lipat ang mata ni Diana. Naging mapaglaro iyon. Na para bang kyuryoso ito sa bawat sulok ng mukha ni Scott. Mas lalong pumulupot ang braso ni Scott sa bewang niya. Ilang dangkal na lang ang kulang ay pwede na siyang mahalikan nito, pero hindi iyon ni ginawa ni Scott. Sa halip ay dahan-dahan nitong ipinalibot ang braso sa tagiliran niya. Napaawang ang labi ni Diana. Muling nag-ingay ang cellphone. Napatitig si Diana sa hawak niya. Sasagutin na niya sana ang tawag nang biglang sumiksik ulit ang baba ni Scott ni leeg niya. Naestatwa siya. “Scott..” sambit ni Diana na parang kakapusin na siya ng hininga. Hindi niya maintindihan ang sarili. Naninibago siya. Bakit hirap na hirap siya'ng itulak ito? Galit siya kay Scott. Abot hanggang langit ang pagkamuhi niya sa lalaki. Kinasusuklaman niya ito. Ano itong ginawa niya ngayon? Bakit haling na haling siya sa simpleng pagyakap lang nito? Nangako na siya kanyang sarili na hindi na siya ma

  • The Day I Left the Coldhearted Billionaire    Chapter 03- Keeping secret to her Best friend

    “I want to keep the baby. Gusto ko po'ng itago sa kanya na buntis ako.”Nagkatinginan ang mag-asawa. Pareho sila'ng nagulat sa desisyon ni Diana. Akala nila ay gagamitin ni Diana ang bata’ng dinadala nito para manghabol. Pareho nila alam kung gaano nito kamahal si Scott, pero bakit gusto nito itago

  • The Day I Left the Coldhearted Billionaire    Chapter 02- Disappointed

    Titig na titig si Diana sa medical results na kanyang hinahawakan. Binuklat niya papuntang likod ang papel. Bumungad sa kanya ang litrato ng kuha ng ultrasound.Kanina pa siya tapos magpakonsulta pero hindi pa niya magawang umalis ng ospital. Nangangatog pa rin ang tuhod niya at malakas pa rin sa p

  • The Day I Left the Coldhearted Billionaire    Chapter 01 - The heart beat

    “Iana!” sigaw ni Raine nang mabilis itong tumakbo papuntang banyo.Umagang-umaga pero panay na ang duwal ni Diana sa inidoro. Kung hindi lang nakakadiri na ipasok ang kanyang ulo roon ay kanina pa niya iyon ginawa. Sa sobrang sama ng kanyang sikmura ay pinagpawisan na siya. Ilang segundo pa lang si

  • The Day I Left the Coldhearted Billionaire    Chapter 04- Shocking Encounter after Three Years

    Lukot ang mukha ni Scott habang tinatahak ang hallway ng kompanya'ng pagmamay-ari ng parents niya. Hirap na hirap makisabay sa kanya si Gilbert— ang bago niyang lalaki na secretary.Umaatake na naman ang arthritis ng Daddy niya kaya siya ang nakatukang mamahala sa kompanya nila sa loob ng ilang ara

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status