Share

9

Author: ExDealers
last update publish date: 2026-07-04 11:05:08

"Gising na ba siya?" Pumikit ako nang marinig ko ang boses ni Rogue.

Nakita ko ang pigura niya sa telang nakapalibot sa akin. He's here to check on me? For what? Dahil nakonsensya siya sa nangyari sa akin?

Naramdaman ko ang pagpisil ni Jess sa ilalim ng kumot ko.

Nagpanggap akong wala pa ring malay. Bahala siya makonsensya ngayon.

"Hindi pa, doc. Baka mamaya pa siya magising," sagot naman ni Jess. "I'll let you know doc if gising na siya."

"Please do," wika ni Rogue sa malumanay na boses. "I'm
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Doctor's Innocent Maid Returns with a Genius Son    18

    Bigla siyang natumba sa akin. Akala ko pakulo lang niya, pero mukhang ang lalim ng tulog niya.Ngayon, anong gagawin ko? Itutulak ko ba siya? O mananatili kaming ganito? Naconscious ako bigla sa amoy ko. Hindi naman siguro ako mabaho?Bigla akong nataranta nang biglang bumukas ang pinto. Nagpanggap akong tulog nang makita kong si Jess 'yon, pero mukhang nahuli niya ako."Babae, alam kong gising ka, anyari? Bakit nakayakap na sa'yo si Doc?" Napadilat ako at sinamaan siya ng tingin. "Don't tell me..." Ngumisi siya."Gaga, hindi. Natumba siya sa akin. Malalim na ang tulog at saka parang pagod na pagod. Kung tulungan mo kaya ako dito, 'no? Alisin mo siya sa akin," mahina kong sabi at baka magising. Makonsensya pa ako. "Sige na.""Baka magising teh. Alam mo bang pagkatapos ng surgery niya, dumiretso siya rito tapos inalagaan ka. Diba nakatulog ako? Tapos siya ang bumungad sa akin habang pinupunasan ka," kwento niya na nagpatigil sa akin. "Swerte mo mabait si Doc Rogue. Kahit pagod, inalaga

  • The Doctor's Innocent Maid Returns with a Genius Son    17

    Sinamaan ko ng tingin si Jess habang naririnig ko itong tumatawa ng mahina. Kababalik lang namin sa hospital, diretso sa quarters. Si Ron, nakatulog, kaya hinatid muna namin sa kwarto. Napagod siguro kakagala kasama ni Rogue.Pagkatapos kasi namin magmeryenda, pumunta sila sa park, nag-arcade sa mall at kung anu-ano pa na sa tingin ni Rogue ay mag-e-enjoy ang bata.No'ng una, ayoko pa, pero no'ng makita ko 'yong excitement sa mata ng anak ko, hindi na ako nakatanggi. Hinayaan ko na lang, pero sinabihan ko si Rogue na last na 'yon. Hindi na mauulit. Ewan ko na lang kung tumupad sa usapan since um-oo naman siya.Ngayon, pabalik kami sa station namin dahil may kailangang tapusin na documents na ipapapirma agad kay Rogue. Literal na enjoy now, work later. Napa-overtime pa kami! Kasalanan 'to ng lalaking 'yon tapos isa pa 'tong kaibigan ko na kanina pa nang-aasar. Kulang na lang kaltukan ko. Pikon na pikon na ako eh."Hindi ka titigil?" banta ko sa kanya. "Kanina ka pa eh!" singhal ko sa k

  • The Doctor's Innocent Maid Returns with a Genius Son    16

    "Busog ako sa inis sa'yo," pabalang kong sagot at uminom na lang din ng tubig."Ay, grabe siya o. Ang hard," biro ni Jess habang patuloy sa pag-kain.Habang kumakain sila, pinapanood ko lang ang interaksyon nina Ron at Rogue. Masakit man aminin, pero may natural na koneksyon talaga silang dalawa. Ang paraan ng pagtawa ni Ron, ang paborito niyang pagkain, pati ang paraan ng paghawak ng tinidor, lahat 'yon, carbon copy ni Rogue. Nakakatakot. Paano kung isang araw tuluyan nang makuha ni Rogue ang loob ni Ron at mas gustuhin ng anak ko na kasama ang tatay niya kaysa sa akin?"Nga pala, Sue," biglang sabi ni Rogue habang nagpupunas ng kamay gamit ang table napkin. "I have an upcoming medical seminar next week in Tagaytay. It's a three-day event. I was thinking... maybe you and Ron could come with me?"Nabilaukan si Jess sa kinakain niya, habang ako naman awtomatikong napatingin nang matalim kay Rogue."No way," mabilis kong tanggi. "May trabaho ako, at may pasok si Ron.""Sige na, Mommy!

  • The Doctor's Innocent Maid Returns with a Genius Son    15

    "Sue..." mahinang tawag niya, nakatingin ng diretso sa harap. "Do you hate me that much?"Napatigil ang kamay ko sa hawakan ng pinto ng sasakyan. Ang seryoso ng boses niya, walang bahid ng pang-aasar na kanina lang ay halos ikasab0g ng dibdib ko sa inis.Hindi ko alam ang isasagot ko. Nanlalamig ako. Hindi ko siya magawang lingunin.Do I hate him? I don't know... maybe?Dahan-dahan akong lumingon sa kanya, sinusubukang basahin kung anong nasa isip niya. His grip on the steering wheel tightened, unti-unting namumuti ang mga daliri niya sa higpit ng hawak."Rogue, ano bang klaseng tanong 'yan?" pilit kong pinatatag ang boses ko. Ayokong mahalata niyang apektado ako. Ayokong isipin niya na may hawak pa rin siya sa emosyon ko pagkatapos ng lahat."Isang simpleng tanong na hindi mo masagot nang diretso," lumingon siya sa akin, ang matat4las niyang mga mata, may kakaibang bigat ngayon. "Kasi tuwing tinitingnan mo ako, Sue, parang nakakakita ka ng krimin4l. Galit na galit ka. Kulang na lang

  • The Doctor's Innocent Maid Returns with a Genius Son    14

    Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. Akala ko nakalimutan na niya 'yong tungkol doon, hindi pa pala."Hindi tayo close para humingi o bigyan kita ng reward," pabalang kong sabi sa kanya. "You've already performed so many successful surgeries. Why now? Are you like this with everyone? Do you ask for rewards every time you successfully perform an operation on someone you're not even close to?""Mommy, inaaway mo na naman ba si Doc?" Napatingin ako sa anak ko dahil sa tanong niya. "Mabait naman po siya.""No, Ron, we're just... uh, lambing. Yes, nilalambing lang ako ng Mommy mo kasi nagtampo ako sa kanya. We're good friends," si Rogue.Bwisit ka talaga, Rogue! Ang dami mong alam."Totoo, Mommy? Hindi mo niaaway si Doc?"Ni-wha-what?"Hala, niaaway mo kasi ako, Miss Reyes," natatawang sabat ni Rogue. "You don't niaaway me dapat."At pati siya, nagbe-baby talk na rin. Mag-ama nga sila, parehong pa-baby."Mommy? Huwag mo niaaway si Doc, please? We're friends." Yugyog sa akin ng anak ko. "Dap

  • The Doctor's Innocent Maid Returns with a Genius Son    13

    Napapikit ako nang mariin bago dahan-dahang humarap. Nandoon si Rogue, wala na 'yong surgical gown at mask niya, tanging ang green scrubs na lang ang suot pero basang-basa pa ang buhok niya, halatang galing sa mabilisang banlaw pagkatapos ng operasyon.I could smell him from here. Ito 'yong isa sa mga dahilan bakit crush na crush ko siya noon kasi bukod sa gwapo, ang bango rin niya tapos ang linis pang tingnan kapag naka-coat ng white."Doc Rogue!" Tuwang-tuwang bumitaw si Ron sa kamay ko at tumakbo palapit sa kanya.Sinalubong naman siya ni Rogue at binuhat nang walang kahirap-hirap. "Hey, buddy. Napanood mo ba si Doc?""Opo! Ang galing niyo po! Sabi ko kay Mommy gusto ko rin po maging doctor paglaki ko!" masayang pagmamalaki ni Ron habang nakakapit sa leeg ni Rogue.Nakita ko kung paano natigilan si Rogue. Isang emosyon ang dumaan sa mga mata niya, halong gulat, labis na kagalakan, at isang uri ng pangungulila na hindi ko inaasahang makikita sa isang katulad niya. Higit niyang hina

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status