Share

CHAPTER 3

Author: GennWrites
last update publish date: 2026-03-08 13:59:19

TAHIMIK na umandar ang sasakyan palabas ng driveway.

Habang papalayo, hindi napigilan ni Clyde ang sarili na sundan si Yumi palabas ng bahay. Sanay na silang sabay pumapasok sa opisina tuwing umaga.

“Yumi...” tawag ni Clyde, bahagyang nagmamadali. “Sabihin mo na lang sa assistant mo na ihatid ka. May malaking board meeting tayo ngayon.”

Hindi man lang siya nilingon ng babae habang binubuksan ang pinto ng kotse. “May appointment ako sa isang real estate agent. Titingin ako ng condo.”

Napakunot ang noo ni Clyde. “Pero importante ang meeting ngayon—”

Hindi pa siya tapos magsalita ay kalmado na siyang pinutol ni Yumi. “Mabilis maubos ang units doon. Kapag hindi ako pumunta ngayon, baka wala na bukas.” Huminto siya sandali bago lumingon. “Hindi ba ikaw ang palaging nagsasabi na endless ang trabaho? Na dapat matuto akong i-prioritize ang sarili ko?”

At sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakaramdam si Clyde ng kakaibang lamig pero agad din siyang ngumiti. “Okay. Hindi na lang ako papasok sa office ngayon. Sasamahan na lang kita tumingin.”

“No need.” Mas lalo pang lumapad ang ngiti ni Yumi. Lumapit siya at bahagyang tinapik ang dibdib ng lalaki gamit ang daliri. “Gusto kong ako muna ang pumili. Pag napili ko na, saka kita dadalhin doon.”

Alam niya ang tunay na dahilan. Hindi siya gustong samahan ni Clyde. Gusto lang siyang bantayan nito. Sa plano ni Clyde, kapag nabili ang property at naka-register sa kanilang dalawa bilang mag-asawa, sa huli mapupunta rin iyon sa lalaki at kay Bianca.

Napangiti si Clyde at hinawakan ang pulso niya. “Surprise ba ‘to para sa’kin?”

“Yes.”

Bahagyang nanigas ang labi ni Yumi, at agad din niyang hinila pabalik ang kamay matapos sabihin iyon.

“Okay,” sabi ni Clyde sa mababang tinig, saka inakbayan ang balikat niya. “Ikaw ang masusunod.”

Hindi na nakaiwas si Yumi kaya hinayaan na lang niya ito. Pinilit niyang tiisin ang pagkasuklam habang hawak siya ng lalaki.

Nang tuluyan nang makaalis ang kotse ni Yumi, biglang naglaho ang ngiti sa mukha ni Clyde. May mali. Pakiramdam niya, parang nagbago si Yumi. O baka naman natural lang sa babae ang pagiging sensitive? Baka naman nagseselos lang ito sa kanya at kay Bianca.

Hinila niya pababa ang kurbata habang napabuntong-hininga. Hindi niya dapat iniisip si Yumi. Dahil gaano man ito kabuti, gaano man ito ka-faithful sa kanya, iisa lang ang babaeng pakakasalan niya. Si Bianca lang...

---

SAMANTALA, mahigit isang oras ang lumipas. Nakatayo si Yumi sa harap ng napakalaking floor-to-ceiling window ng isang luxury condo showroom sa Bonifacio Global City.

Mula roon, tanaw ang buong financial district. Ang unit na pinili niya ay isang high-end single-floor penthouse na modern minimalist ang design, kumpleto sa smart home system, at may mahigit 280 square meters na floor area. Hindi man ito ang pinakamalaki sa building, pero ito ang may pinakamagandang view. Sa isip niya, malinaw na malinaw kung gaano kaganda ang tanawin dito kapag gabi at nagliliwanag na ang buong siyudad.

“This one is fine.” Kalmado niyang sinabi sa sales manager. “Process the papers. I-register under my name only.”

Napangiti nang malaki ang manager. Sa simula kasi ay akala nito ay casual viewing lang ang ginagawa ni Yumi. Pero mukhang serious buyer pala ito.

Agad siyang dinala sa VIP lounge sa lobby, pinaghanda ng juice at pastries, at personal na kinuha ang kontrata. Pagbalik nito, kailangan na lang ni Yumi pumirma at magbayad. Saka na aasikasuhin ng staff ang lahat ng dokumento. Makakalipat siya agad. At ibig sabihin noon, pwede na siyang umalis sa bahay na matagal na niyang kinamumuhian.

Habang naghihintay siya ng kontrata, isang matinis na boses ang biglang sumingit sa katahimikan.

“So ikaw pala ‘yung babaeng gustong agawin ang unit na gusto ko?”

Napatingin si Yumi. Isang babae na naka designer suit ang papalapit, naka-sunglasses pa at may dalawang bodyguard sa likod. Kasama nito ang isang sales manager.

“Are you talking to me?” tanong ni Yumi, kalmado.

“Who else?” mataray na sagot ng babae. “Ako ang unang nakakita ng unit sa Building A. Bibilhin ko ‘yon.” Tinanggal nito ang sunglasses. Defined at maganda ang mukha nito, pero punong-puno ng kayabangan ang ekspresyon.

“Hindi sinabi ng manager na reserved ang unit. At wala ka ring deposit,” malamig na sagot ni Yumi.

“Ako ang unang nagbayad. So technically… mine.” Halos mag-stomp ang babae sa inis.

“Whatever. Hindi naman ako nag-iinform.” Tumaas ang baba niya habang sinasabi iyon. “I have priority. So you have to give way.”

“Priority?” kunot-noong tanong ni Yumi.

Sumagot ang sales manager sa tabi ng babae. “Here, buyers must verify their funds first. Hindi po first come first served. Base po ito sa client's net worth.” Halatang puno ng pangmamaliit ang tono nito.

Bahagyang napabuntong-hininga si Yumi. “Medyo unfair naman ang rule na ‘yan.”

Sakto namang bumalik ang manager na may hawak ng kontrata ni Yumi. Kaagad nitong napansin ang tensyon. Lumapit ito kay Yumi at mahinahon siyang kinausap.

“M-Ma'am ang apelyido po ng babaeng ‘yan ay Tan. Ang pamilya nila ang may-ari ng pinakamalaking toy company sa bansa.”

Kilala ni Yumi iyon, ang Yu Playventures. Isa sa top business families sa Metro Manila. Sa ranking ng mga negosyante, nasa Top 6 ang pamilya nito. Kaya may dahilan para maging mayabang ang babaeng nasa harap niya.

“I understand kung upset kayo,” sabi pa ng sales manager. “Pero rules are rules.”

Tahimik na ngumiti si Yumi. “Actually hindi naman ako upset.” Huminga siya nang marahan. “Pero according to your rules, my priority is higher than hers.”

Tumayo siya. “I’ll take the unit.”

Napatigil ang lahat. Napasimangot naman si Miss Tan.

“Ha?” Napatingin siya sa manager.

“Anong sinabi niya?”

Agad na chineck ng sales manager ang reservation tablet. Imposible.nKung may mas mayamang client kaysa kay Miss Tan, dapat na-notify na sila agad. At base sa simpleng suot ng babaeng ito, mukha lang itong bagong-yaman.

“Miss, maybe hindi niyo po naiintindihan—”

“Let’s verify the funds,” putol ni Yumi. Iniabot niya ang ID. Hindi siya galit. Sanay na siya sa mga ganitong tao.

---

SA IKALAWANG palapag ng showroom, gumalaw ang manipis na kurtina ng isang VIP room. May matangkad na lalaking tumayo mula sa sofa. Ang kasama niya ay agad na nag-utos sa staff.

“President Zamora said there's no need to verify her assets.”

Huminto ang waiter.

“She’s the daughter of the Zamora family.”

Ang Zamora family. Ang pinakamayamang pamilya sa buong Metro Manila. Ngunit wala ni isa sa business circle ang nakarinig na may anak na babae ang pamilyang iyon.

---

SAMANTALA, umupo muli si Yumi sa sofa habang naiinip namana ang sales manager.

“Miss, please don’t overestimate yourself. Maybe may pera kayo, pero buying one unit here might already be your limit.” Tumigas ang tono nito nang sabihin iyon. “Kung hindi niyo mapapatunayan ang net worth niyo, we’ll have security escort you out.”

Sa pagkakataong iyon, natawa si Miss Tan.

“Relax. Hahayaan niyo siya.” Pinag-krus ang mga braso. “I want to see kung anong klaseng priority meron siya.” Tumingin siya kay Yumi nang may panghahamon. “Pero kapag wala… luluhod ka sa harap ko at magso-sorry.”

Bahagyang ngumiti si Yumi. “Sure. Pero kapag meron ako?” Bahagyang tumagilid ang ulo niya. “Will you kneel and apologize too?”

Hindi pa nakakasagot si Miss Tan nang may lalaking nakasuot ng suit ang nagmamadaling lumapit. Pawisan ito.

“Miss—I'm so sorry!” Halos yumuko ito. “You do have priority! Please forgive our negligence!”

Napatingin ang lahat. Nang i-check kasi nila ang records, lumabas na ang babaeng kausap nila ay may assets worth hundreds of billions. At kakarehistro lang bilang biological daughter of the Zamora family patriarch.

Biglang nanghina ang tuhod ng female sales manager. Halos lumuhod ito. “I’m sorry Miss Zamora! Hindi ko po kayo nakilala!”

Napaatras naman si Miss Tan. Hindi siya makapaniwala. “Z—Zamora family?” Ang Zamora family na kayang pabagsakin ang buong financial market ng bansa sa isang galaw lang?

Tahimik na pumirma si Yumi sa kontrata. “Please process it quickly,” sabi niya. “May iba pa akong aasikasuhin.”

Nanginginig ang manager habang kinukuha ang kontrata. Samantalang lumapit naman si Miss Tan.

“Kung Zamora ka… bakit hindi kita kilala?” Napakunot ang noo niya. “Hindi naman nagkaroon ng anak na babae si Don Rafael Zamora.”

Mas lalong nabalisa ang isip ng babae. Baka, illegitimate child?

Pero hindi pa siya nakakagalaw nang may grupo ng mga lalaking naka-itim na suit ang pumasok sa lobby. Huminto sila sa harap ni Yumi. Isang matandang lalaki na may puting guwantes ang lumapit.

“Miss Tan.”

Magalang ngunit may awtoridad ang boses. “Magkakilala tayo. Ako si Mang Lito, head butler ng Zamora family.”

Biglang nawala ang angas ni Miss Tan. “U-Uncle Lito…” Napalingon siya kay Yumi. “Siya ba talaga…?”

Tumango ang matanda. “Ang babaeng nasa harap mo ay ang tunay na anak ni Don Rafael Zamora. Ang nag-iisang tagapagmana ng pamilya.” Pagkatapos ay humarap siya kay Yumi. At yumuko nang siyamnapung degree. “Welcome home, Miss.”

Kasabay niya, sabay-sabay ding yumuko ang mga bodyguard. “Miss.”

Napailing si Yumi sa gulat. Hindi niya inaasahan ang eksenang iyon. Napahiya naman si Miss Tan. Halos hindi na siya makatingin kay Yumi ng mga sandaling iyon. Mahigpit niyang hawak ang bag habang tinatangkang umalis pero hinarang siya ng mga bodyguard.

Ngumiti si Mang Lito. “Miss Tan, may maliit kayong misunderstanding sa aming young lady. Should we resolve it now?”

Namumutla ang mukha ng babae. Kung luluhod siya ngayon,btapos na ang reputasyon niya sa buong social circle.

Saglit na nag-isip si Yumi. “Forget it,” sabi niya. “Wala naman akong naging loss.”

Tumango lang si Mang Lito. “Then Miss Tan, please apologize.”

Malakas ang pressure sa boses ng matanda. Kaya napalunok na lang si Miss Tan. “I—I'm sorry.” Pagkatapos noon, agad siyang umalis na halos takpan ang mukha sa kahihiyan.

Matapos ng gulo, lumapit si Mang Lito kay Yumi. “Nakahanda na po ang sasakyan sa labas.” Nag-gesture pa ito papunta sa exit. “Please come with us, Miss.”

Hindi gumalaw si Yumi. Diretso lang niyang tiningnan ang matanda. “Come with you?”

Bahagyang ngumiti si Mang Lito. “Of course. Back to the Zamora Mansion.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Fake Wife's Perfect Revenge   CHAPTER 193

    BAHAGYANG natigilan si Adrian. Sa unang pagkakataon simula nang itanong iyon ni Yumi, may malinaw na pagtataka na dumaan sa kanyang mga mata.Tahimik silang nakatayo sa tabi ng sasakyan habang umiihip ang malamig na hangin ng gabi.Ilang segundo siyang hindi nakapagsalita. Pagkatapos ay marahan niyang tinanong,"Bakit mo naisip 'yan?"Umiwas naman ng tingin si Yumi bago nagsalita. "Last night."Napakunot ang noo ni Adrian.n"Last night?"Tumango si Yumi. "May nabanggit ka habang natutulog."Nanigas nang bahagya ang ekspresyon ng lalaki, at napansin iyon agad ni Yumi. Parang may kung anong dumaan sa kanyang mga mata bago niya mabilis na itinago iyon."Ano'ng sinabi ko?" tanong ni Adrian.Mahinang bumuntong-hininga si Yumi. "Tinawag mo ang pangalan niya."Agad na bumigat ang katahimikan sa pagitan nila. Napakuyom ang kamao ni Adrian hanggang sa bumaon ang kuko siya sa kanyang palad.At dahil naman sa liwanag ng poste, napansin ni Yumi ang maliliit na gasgas sa gilid ng palad nito. Parang

  • The Fake Wife's Perfect Revenge   CHAPTER 192

    MATINDING katahimikan ang bumalot sa corridor.Nakatayo si Adrian sa dulo ng hallway, nakasuot ng maitim na overcoat. Dahil sa maputlang ilaw ng lounge, mas lalo lamang naging malamig ang kanyang presensya.Sa tabi niya ay nakasunod si Axel. Napaatras ang ilang tao nang kusa upang bigyang-daan siya. Samantalang si Heather naman ay bahagyang napasinghap.Ngayon lamang niya lubos na naunawaan kung bakit maraming tao ang natatakot kay Adrian Villareal. Hindi ito kailangang magtaas ng boses. Hindi rin nito kailangang magalit. Sapat na ang isang tingin nito upang maramdaman ng iba ang pressure.Diretso ang mga mata ni Adrian kay Clyde, malamig, at walang emosyon, gunit sa ilalim ng katahimikang iyon ay may nakatagong panganib.Humakbang ito palapit nang dahan-dahan, hanggang sa tuluyan siyang huminto sa tabi ni Yumi.Agad niyang hinawakan ang balikat ng asawa at marahang inilapit sa kanyang tabi. Parang isang simpleng kilos lamang, pero malinaw ang mensahe.Asawa niya si Yumi. At walang si

  • The Fake Wife's Perfect Revenge   CHAPTER 191

    NANIGAS ang panga ni Clyde. Ramdam pa rin niya ang hapdi ng pagkakasampal sa kanya, ngunit sa pagkakataong iyon ay tila wala na iyong halaga.Mas masakit pa rin ang malamig na tingin ni Yumi. Mas masakit pa rin ang paraan ng pagtingin nito sa kanya na para bang isa na lamang siyang estranghero."You can hit me all you want," paos niyang saad. Namula na ang kanyang mga mata. "Pero please, pakinggan mo muna ako."Bahagyang kumunot ang noo ni Yumi. "Wala akong obligasyong makinig sa'yo."Matalim ang bawat salitang lumabas sa kanyang bibig. At sa unang pagkakataon, walang pagtatago sa galit niya."Clyde, seryoso ka ba talaga?"Natigilan ang lalaki.Samantalang si Yumi ay diretsong tumingin sa mga mata nito."Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo, bakit iniisip mong may gusto pa akong simulan sa pagitan natin?"Bahagyang namutla si Clyde. Ngunit bago pa siya makapagsalita ay nagpatuloy si Yumi."Listen carefully,” malamig niyang sabi. "Matagal nang tapos ang lahat."Hindi namalayan ni Clyde na

  • The Fake Wife's Perfect Revenge   CHAPTER 190

    SA GABING iyon, ang plano ni Yumi na isang inumin lamang ay tuluyang nasira. Dahil sa mahabang usapan nila ni Heather, hindi niya namalayang nakaubos na rin siya ng ilang baso. Hindi naman ganoon kalakas ang mga inorder nila. Ngunit sapat na iyon upang bahagyang mabigatan ang kanyang ulo. Nang mapansin niyang palalim na nang palalim ang gabi, agad siyang kumuha ng cellphone. "Time to go home." Bahagyang tumango si Heather. Nauna nang nag-book si Yumi ng driver para sa kanilang pag-uwi kaya wala na silang dapat ipag-alala. Ilang sandali pa ay tumayo si Yumi mula sa kanyang upuan. "Pupunta lang ako sa restroom." "Okay." Naiwan si Heather sa mesa. Bahagya na rin itong nahihilo dahil sa alak. Nakasandal ito sa upuan habang walang gaanong ekspresyong nag-scroll sa mga contact sa cellphone nito. Hindi niya namalayang napunta siya sa pangalan ni Gabriel. Sandali siyang natigilan. Tahimik niyang pinagmasdan ang pangalan nito sa screen. Ngunit bago pa siya makapag-isip nang mas malalim

  • The Fake Wife's Perfect Revenge   CHAPTER 189

    BIGLANG humigpit ang pagkakahawak ni Heather sa baso."Because I have to get married."Lumabas ang mga salitang iyon nang hindi niya namamalayan. Parang matagal na iyong nakabara sa kanyang dibdib at ngayon lamang nakahanap ng pagkakataong makawala.Natigilan si Yumi.Napansin din ni Heather ang sarili niyang sinabi kaya agad siyang natahimik. Ngunit huli na. Narinig na iyon ni Yumi.Tahimik na ibinaba ni Heather ang tingin. Paano niya ba ipapaliwanag ang isang bagay na kahit siya mismo ay nahihirapang tanggapin? Matagal na panahon niyang kinimkim ang lahat.Noong bata pa siya, hindi niya nauunawaan kung bakit tila may mga taong gustong magdesisyon para sa buong buhay niya.Ngunit habang tumatanda siya, mas lalo niyang nauunawaan ang katotohanan. Parang mula pa noong una ay nakaplano na ang direksiyon ng buhay niya. Na para bang hindi sapat na mabuhay siya para sa sarili.Kailangan niyang umasa sa iba. Kailangan niyang sumunod sa gusto ng iba. At kailangan niyang ipagkatiwala ang kina

  • The Fake Wife's Perfect Revenge   CHAPTER 188

    BAHAGYANG napayuko si Heather. Hindi naman na siya nagulat sa naging reaksyon ni Yumi. Sa totoo lang, alam niyang hindi ito ang tipo ng taong makikialam sa buhay ng iba nang walang dahilan. At lalong hindi ito basta mag-aaksaya ng oras para sa isang taong halos hindi naman nito kilala. Tahimik siyang uminom sa hawak na baso. "Tinulungan niya ako noon. Pero parang ayaw niyang malaman ko." Bahagyang ngumiti si Yumi. "Dahil ganoon si Gabriel." Hindi na niya idinetalye pa. May mga bagay na mas mabuting ang mismong taong sangkot ang magsabi. Ilang sandali silang parehong natahimik. Mula sa maliit na entablado ng lounge ay maririnig ang mahinang tugtog ng live band. Humahalo iyon sa mahihinang usapan ng ibang customer sa paligid. Makalipas ang ilang segundo ay muling nagsalita si Yumi. "Actually, malaking risk ang ginawa niya para sa'yo." Napatingin si Heather. "Pero hindi niya kailanman ginamit iyon para pilitin kang suklian siya." Tumango si Heather. Alam niya iyon. Marahil iyon

  • The Fake Wife's Perfect Revenge   CHAPTER 113

    DAHIL KILALA ang totoong ama ni Heather sa magulong nakaraan at maagang namatay dahil sa sarili nitong mga pagkakamali, natakot ang kanyang ina na baka sundan din niya ang parehong landas.Bago ito pumanaw, matapos ang mahabang pag-iisip, ipinagkatiwala ng kanyang ina ang isang napakalaking fund na

  • The Fake Wife's Perfect Revenge   CHAPTER 111

    NAGULAT ang lahat sa biglaang ginawa ni Gabriel. Ang isa sa kanyang malalapit na kaibigan ay agad umubo, tila babala, natatakot na baka mawalan ito ng kontrol sa harap ni Lexie. Samantala, si Lexie ay hindi nakapagtago ng pagkagulat. Sa isang iglap, naging hindi mapakali ang kanyang ekspresyon n

  • The Fake Wife's Perfect Revenge   CHAPTER 110

    TUMAMA ang mga salita ni Kaila sa pinaka-mahina niyang bahagi. Mahigpit na napakuyom ni Heather ang kanyang kamao, halos mabaon ang mga kuko sa palad. Tahimik niyang kinagat ang kanyang labi, pinipigilan ang anumang emosyon na gustong kumawala. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Pero walang gustong u

  • The Fake Wife's Perfect Revenge   CHAPTER 108

    “A-ANO ang sinabi mo? Alam na ni Yumi ang tungkol sa inyo ni Bianca?”Sa loob ng sala ng Monteverde mansion, mabigat ang atmospera. Tahimik ngunit punong-puno ng tensyon ang bawat sulok ng silid.Si Clyde ay nakaupo sa sofa, halatang may mga pasa pa sa mukha. Kagagaling lamang niya sa ospital matap

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status