Share

CHAPTER 2

Author: GennWrites
last update publish date: 2026-03-08 11:27:19

WALA nang oras si Yumi para umiwas. Bumuhos ang malamig na juice sa mukha niya, dumaloy pababa sa buhok at leeg, sa damit niyang maayos pa kanina. Saglit na nanlabo ang paningin niya sa biglaang lamig ng paligid.

Nagkagulo ang paligid. Mabilis na nagsidatingan ang mga kasambahay, may dalang tuwalya at tissue, nagmamadaling tinulungan si Yumi na magpunas.

"Mico!" sigaw ni Clyde, galit na galit.

Nagulat ang bata. Sa isang iglap, tumakbo ito paakyat ng hagdan, mabilis na parang takot na takot.

Papasugod na sana si Clyde nang biglang tumayo si Bianca at hinarangan ito.

"Clyde," mahinahon ngunit mariin ang tono nito, "bata lang siya. Hindi pwedeng dahas ang ituro natin. Ako na ang kakausap sa kanya." Matapos magsalita, sumulyap siya kay Yumi na tila may gustong sabihin, pero piniling manahimik.

Si Clyde ay agad bumaling kay Yumi.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya, puno ng pag-aalala. "Tingnan ko—”

Tapos na magpunas si Yumi, pero inabot pa rin ng kamay ni Clyde ang mukha niya. “No, marumi ako,," bigla niyang sambit, malamig ang tinig. "Don't touch me."

Natigilan si Clyde. "What? Kailan ba ako nandiri, ha?" Napabuntong-hininga siya. "Kung alam ko lang na magiging ganyan si Mico, hindi na sana kita hinayaang ikaw ang mag-alaga mag-isa sa kanya."

Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Yumi, isang mapait na ngiti. "Oo," sagot niya, may halong pangungutya. "Mas maayos nga siguro kung ang tunay niyang nanay ang nag-aalaga sa kanya. Kaso patay na siya, 'di ba? Kaya heto ako, isang adoptive mother na ni hindi marunong magpalaki ng bata."

Nanigas ang mukha ni Clyde sa narinig. "Ano bang pinagsasabi mo?" tanong niya. "Inampon natin si Mico. Ikaw lang ang ina niya." Pagkasabi noon, marahan nitong ginulo ang buhok ni Yumi, gaya ng nakasanayan.

Hindi naka-iwas si Yumi. Nanikip ang dibdib niya sa pagkasuklam. Hindi na siya nagsalita pa, at diretso siyang umakyat sa kwarto at agad pumasok sa banyo para maligo. Pero ilang sandali lang, sumunod si Clyde. Hindi para magsorry, kundi para ipagpatuloy ang usapan. Alam ni Yumi iyon.

Kahit tawagin pang "discussion," alam niyang wala naman talaga siyang karapatang tumanggi. Si Bianca ang tunay nitong asawa, at siya ay substitute lang.

"Kritikal ang stage ng IPO," paliwanag ni Clyde habang nakatayo sa may pinto. "Hindi pwedeng mapabayaan si Mico. Kailangan ka rin ng kumpanya." Huminga nang malalim si Clyde. "Si Bianca ay child development specialist na ngayon. Kita mo naman, mas nakikinig sa kanya si Mico."

"Sige," putol ni Yumi, walang emosyon. "Kung gano'n, settled na." Ayaw na niyang makinig pa dahil bawat salita nito ay parang lason na unti-unting pumapatay sa kanya.

Bahagyang ngumiti si Clyde. "I know, ikaw lang ang taong nakakaintindi sakin." Lumapit pa ito at niyakap ang baywang ni Yumi.

Pero biglang humarap si Yumi at inilabas ang cellphone niya mula sa bulsa ng suot niyang jeans. Isang litrato ang lumitaw sa screen, isang modernong bahay sa tabi ng ilog, nasa BGC Financial District.

"Clyde," mahinahon niyang tanong, "anong tingin mo sa bahay na 'to?"

"Maganda," sagot nito, naguguluhan. "Prime location."

"Birthday ko next month," sabi ni Yumi, pilit pinatatamis ang boses. "Gusto ko 'yan. Pwede mo bang ibigay sa'kin bilang regalo?"

Dalawang taon. Dalawang taon niyang isinuko ang career niya para sa kumpanya nito. Tinanggihan ang scholarships, binitawan ang job offers. Siya ang bumuhay sa negosyo habang siya, wala nang natira. Hindi niya hahayaang wala lang ang lahat.

"Bakit biglang bahay ang gusto mo?" tanong ni Clyde. "Hindi ba okay na itong tinitirhan natin?"

"Okay ito," sagot ni Yumi. "Pero hindi pang-investment. Iba 'yan. Malapit sa negosyo. Magagamit sa events ng kumpanya mo. Makakatulong sa image mo."

Mabilis na nawala ang pagdududa sa mata ni Clyde. Gaya ng dati, iniisip pa rin daw nito ang kapakanan niya.

Magaan ang tinig ni Yumi nang idagdag, "Birthday gift lang naman. Hindi mo naman ako pagdadamutan, 'di ba?"

Nag-isip sandali si Clyde. "Magkano?"

"Seventy million lang," sagot niya, may ngiti.

Nanigas ang mukha ng lalaki. Masyadong mahal, pero hindi siya pwedeng umatras ngayon.

"Okay. Your wish is my command," saad niya sa huli. "Bibilhin ko." Sa harap mismo ni Yumi, tumawag siya sa finance.

Kinagabihan, pumasok ang ₱70,000,000 sa personal account ni Yumi. May note pa kung saan nakasaad, "For Yumi. Happy birthday."

Mula ₱150,000, naging ₱70,150,000 ang laman ng card niya kaya hindi niya mapigilan ang mapangiti sa sarili.

---

KINABUKSAN ng umaga, pagbaba ni Yumi, nakita niya si Clyde na naka-apron, masayang nagluluto kasama si Bianca. Samantalang si Mico naman ay nakabuntot sa babae na animo'y sobrang bait.

Perfect family...

Hanggang sa makita nila siya na nakatayo doon.

Naghiwalay agad sina Clyde at Bianca.

"Gising ka na?" masiglang bati ni Clyde. "Nagluto ako ng breakfast."

Sinulyapan ni Mia ang mga pagkain. Western food at obvious na hindi para sa kanya. Ngumiti si Yumi. "Mga paborito mo ba 'to, Bianca?"

"Oo," sagot nito nang natural. "Sobrang maalaga ni Clyde. Swerte mo."

"Sobrang maalaga nga," sagot ni Yumi. "Sa lahat ng babae."

Natigilan si Bianca. Pero si Mico, biglang tinapunan ng toyo ang pritong itlog ni Yumi, pati kamay niya nadumihan.

"Mico!" sigaw ni Clyde.

"Mico, what are you doing?” mahinahong sabi ni Bianca sabay abot ng tissue kay Yumi. "Mag-sorry ka."

"Sorry," sabi ng bata, taas-noo na para bang napipilitan lang.

At hindi pa man nakakahuma si Yumi sa nangyari, muling nagsalita si Bianca na para bang siya ang nanay ng bata.

“Alright. Go back to your room after you finish eating,” utos pa ni Bianca.

Kaagad namang tumayo si Mico at akma na sanang aalis pero biglang nagsalita si Yumi. "Sandali.” Hinila niya ang bata patungo sa dingding. "Tumayo ka diyan.”

“Let go of me!” bulalas ng bata.

Pero si Yumi ay pinalo ang bata sa puwitan ng tatlong beses na dahilan para umiyak ito ng malakas.

Si Bianca na nakikita ang ginagawa ni Mia ay tila ba parang namutla. “Y—Yumi...nag-sorry na si Mico sa'yo. Parang hindi naman yata maganda na paluin mo pa siya,” anito na nanginginig ang boses.

"Bianca," malamig na sabi ni Yumi habang nagpapatuloy, "anak ko siya. Bakit parang gusto mong pati pagdidisiplina ay ikaw ang gagawa?”

Awtomatikong nawalan ng kulay ang mukha ni Bianca. Nakapulupot ang mga daliri niya sa palad, halatang pinipigilan ang sarili. Nanuyo ang lalamunan niya bago siya muling nakapagsalita.

“A-Ang sa akin lang, bata pa kasi si Mico. At hindi naman gano’n kabigat ‘yung nagawa niya…”

“Kapag hindi itinatama ang maliliit na mali,” malamig niyang sagot, “lumalaki ‘yan habang tumatanda. Hindi ako tulad mo, Bianca. Expert ka nga sa child psychology pero ako ang nanay niya. Kung puro salita lang, hindi siya matututo.”

Tahimik ang buong dining area ng mga oras na iyon. Pati mga kasambahay, hindi makagalaw. Walang maisagot si Bianca. Sa sitwasyong iyon, wala siyang karapatang makialam. Hindi siya ang ina sa papel.

Si Clyde naman ay halatang nabigla. Kilala niya si Yumi, prangkang magsalita, oo, pero hindi kailanman nananakit. Ngayon lang niya ito nakitang ganito katigas.

Lumapit siya, pinigilan ang kamay ni Yumi. “Okay na,” sabi niya. “Tama na. Sobra na.”

Ilang palo na rin ang naibigay ni Yumi. Unti-unti nang humuhupa ang bigat sa dibdib niya. Bahagya na ring namumula ang kamay niya dahil sa pagpalong ginagawa.

Mabilis na tumakbo si Mico papunta kay Bianca at kumapit dito nang mahigpit. Humahagulgol na ito ngayon at nawala na ang kaninang tapang at galit. Huminga naman nang malalim si Bianca at marahang hinaplos ang likod ng bata, tahimik na inaalo.

Tumingin si Yumi sa dalawa saka dahan-dahang nagsalita. “Mico,” aniya, kalmado pero may diin, “tandaan mo ‘to. Ako pa rin ang nanay mo sa bahay na ‘to. Kailangan mo akong respetuhin. Kapag hindi mo natutunan ‘yan, hindi ako magdadalawang-isip na paluin ka ulit.”

Napatigil pati ang iyak ng bata. Natulala naman si Clyde. Pagkasabi niyon ni Yumi, tumalikod siya at diretsong lumabas ng dining area, hindi na lumingon pa.

Agad sanang susunod si Clyde, pero hinawakan ni Bianca ang kamay niya.

“Clyde…” mahina nitong tawag. Pagharap niya, nakita niya ang pamumuo ng luha sa mga mata ng babae, puno ng hinanakit at sama ng loob. Hindi na nito napigilan pa. Sa unang pagkakataon ngayong umaga, natanggal ang maamong maskara nito.

Alam ni Bianca kung gaano siya kamahal ni Clyde sa loob ng maraming taon. Sigurado siya roon. Kaya nasanay siyang kumilos na kalmado at mapagparaya. Pero ngayon, nasobrahan na.

Para sa kanya, masyadong lumalakas ang loob ni Yumi. Parang nakakalimot na ito kung sino lang ba talaga ang “totoo” at kung sino ang pansamantala lang...

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Fake Wife's Perfect Revenge   CHAPTER 193

    BAHAGYANG natigilan si Adrian. Sa unang pagkakataon simula nang itanong iyon ni Yumi, may malinaw na pagtataka na dumaan sa kanyang mga mata.Tahimik silang nakatayo sa tabi ng sasakyan habang umiihip ang malamig na hangin ng gabi.Ilang segundo siyang hindi nakapagsalita. Pagkatapos ay marahan niyang tinanong,"Bakit mo naisip 'yan?"Umiwas naman ng tingin si Yumi bago nagsalita. "Last night."Napakunot ang noo ni Adrian.n"Last night?"Tumango si Yumi. "May nabanggit ka habang natutulog."Nanigas nang bahagya ang ekspresyon ng lalaki, at napansin iyon agad ni Yumi. Parang may kung anong dumaan sa kanyang mga mata bago niya mabilis na itinago iyon."Ano'ng sinabi ko?" tanong ni Adrian.Mahinang bumuntong-hininga si Yumi. "Tinawag mo ang pangalan niya."Agad na bumigat ang katahimikan sa pagitan nila. Napakuyom ang kamao ni Adrian hanggang sa bumaon ang kuko siya sa kanyang palad.At dahil naman sa liwanag ng poste, napansin ni Yumi ang maliliit na gasgas sa gilid ng palad nito. Parang

  • The Fake Wife's Perfect Revenge   CHAPTER 192

    MATINDING katahimikan ang bumalot sa corridor.Nakatayo si Adrian sa dulo ng hallway, nakasuot ng maitim na overcoat. Dahil sa maputlang ilaw ng lounge, mas lalo lamang naging malamig ang kanyang presensya.Sa tabi niya ay nakasunod si Axel. Napaatras ang ilang tao nang kusa upang bigyang-daan siya. Samantalang si Heather naman ay bahagyang napasinghap.Ngayon lamang niya lubos na naunawaan kung bakit maraming tao ang natatakot kay Adrian Villareal. Hindi ito kailangang magtaas ng boses. Hindi rin nito kailangang magalit. Sapat na ang isang tingin nito upang maramdaman ng iba ang pressure.Diretso ang mga mata ni Adrian kay Clyde, malamig, at walang emosyon, gunit sa ilalim ng katahimikang iyon ay may nakatagong panganib.Humakbang ito palapit nang dahan-dahan, hanggang sa tuluyan siyang huminto sa tabi ni Yumi.Agad niyang hinawakan ang balikat ng asawa at marahang inilapit sa kanyang tabi. Parang isang simpleng kilos lamang, pero malinaw ang mensahe.Asawa niya si Yumi. At walang si

  • The Fake Wife's Perfect Revenge   CHAPTER 191

    NANIGAS ang panga ni Clyde. Ramdam pa rin niya ang hapdi ng pagkakasampal sa kanya, ngunit sa pagkakataong iyon ay tila wala na iyong halaga.Mas masakit pa rin ang malamig na tingin ni Yumi. Mas masakit pa rin ang paraan ng pagtingin nito sa kanya na para bang isa na lamang siyang estranghero."You can hit me all you want," paos niyang saad. Namula na ang kanyang mga mata. "Pero please, pakinggan mo muna ako."Bahagyang kumunot ang noo ni Yumi. "Wala akong obligasyong makinig sa'yo."Matalim ang bawat salitang lumabas sa kanyang bibig. At sa unang pagkakataon, walang pagtatago sa galit niya."Clyde, seryoso ka ba talaga?"Natigilan ang lalaki.Samantalang si Yumi ay diretsong tumingin sa mga mata nito."Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo, bakit iniisip mong may gusto pa akong simulan sa pagitan natin?"Bahagyang namutla si Clyde. Ngunit bago pa siya makapagsalita ay nagpatuloy si Yumi."Listen carefully,” malamig niyang sabi. "Matagal nang tapos ang lahat."Hindi namalayan ni Clyde na

  • The Fake Wife's Perfect Revenge   CHAPTER 190

    SA GABING iyon, ang plano ni Yumi na isang inumin lamang ay tuluyang nasira. Dahil sa mahabang usapan nila ni Heather, hindi niya namalayang nakaubos na rin siya ng ilang baso. Hindi naman ganoon kalakas ang mga inorder nila. Ngunit sapat na iyon upang bahagyang mabigatan ang kanyang ulo. Nang mapansin niyang palalim na nang palalim ang gabi, agad siyang kumuha ng cellphone. "Time to go home." Bahagyang tumango si Heather. Nauna nang nag-book si Yumi ng driver para sa kanilang pag-uwi kaya wala na silang dapat ipag-alala. Ilang sandali pa ay tumayo si Yumi mula sa kanyang upuan. "Pupunta lang ako sa restroom." "Okay." Naiwan si Heather sa mesa. Bahagya na rin itong nahihilo dahil sa alak. Nakasandal ito sa upuan habang walang gaanong ekspresyong nag-scroll sa mga contact sa cellphone nito. Hindi niya namalayang napunta siya sa pangalan ni Gabriel. Sandali siyang natigilan. Tahimik niyang pinagmasdan ang pangalan nito sa screen. Ngunit bago pa siya makapag-isip nang mas malalim

  • The Fake Wife's Perfect Revenge   CHAPTER 189

    BIGLANG humigpit ang pagkakahawak ni Heather sa baso."Because I have to get married."Lumabas ang mga salitang iyon nang hindi niya namamalayan. Parang matagal na iyong nakabara sa kanyang dibdib at ngayon lamang nakahanap ng pagkakataong makawala.Natigilan si Yumi.Napansin din ni Heather ang sarili niyang sinabi kaya agad siyang natahimik. Ngunit huli na. Narinig na iyon ni Yumi.Tahimik na ibinaba ni Heather ang tingin. Paano niya ba ipapaliwanag ang isang bagay na kahit siya mismo ay nahihirapang tanggapin? Matagal na panahon niyang kinimkim ang lahat.Noong bata pa siya, hindi niya nauunawaan kung bakit tila may mga taong gustong magdesisyon para sa buong buhay niya.Ngunit habang tumatanda siya, mas lalo niyang nauunawaan ang katotohanan. Parang mula pa noong una ay nakaplano na ang direksiyon ng buhay niya. Na para bang hindi sapat na mabuhay siya para sa sarili.Kailangan niyang umasa sa iba. Kailangan niyang sumunod sa gusto ng iba. At kailangan niyang ipagkatiwala ang kina

  • The Fake Wife's Perfect Revenge   CHAPTER 188

    BAHAGYANG napayuko si Heather. Hindi naman na siya nagulat sa naging reaksyon ni Yumi. Sa totoo lang, alam niyang hindi ito ang tipo ng taong makikialam sa buhay ng iba nang walang dahilan. At lalong hindi ito basta mag-aaksaya ng oras para sa isang taong halos hindi naman nito kilala. Tahimik siyang uminom sa hawak na baso. "Tinulungan niya ako noon. Pero parang ayaw niyang malaman ko." Bahagyang ngumiti si Yumi. "Dahil ganoon si Gabriel." Hindi na niya idinetalye pa. May mga bagay na mas mabuting ang mismong taong sangkot ang magsabi. Ilang sandali silang parehong natahimik. Mula sa maliit na entablado ng lounge ay maririnig ang mahinang tugtog ng live band. Humahalo iyon sa mahihinang usapan ng ibang customer sa paligid. Makalipas ang ilang segundo ay muling nagsalita si Yumi. "Actually, malaking risk ang ginawa niya para sa'yo." Napatingin si Heather. "Pero hindi niya kailanman ginamit iyon para pilitin kang suklian siya." Tumango si Heather. Alam niya iyon. Marahil iyon

  • The Fake Wife's Perfect Revenge   CHAPTER 149

    “YOU MEAN... nandito si Yumi?”Halatang natulala si Mikaela matapos marinig iyon. Mahigpit siyang napahawak sa paper bag na dala niya habang hindi makapaniwala ang mga mata. Hindi ba’t mismong si Adrian ang nag-utos na ilihim muna ang nangyari?Kahit nga ang pamilya Villareal ay kagabi lamang nalam

  • The Fake Wife's Perfect Revenge   CHAPTER 148

    MADALING araw na nang makarating si Yumi sa maliit na private airport malapit sa border ng Chiang Rai.Halos kakababa pa lamang niya ng eroplano ay agad na niyang tinawagan si Axel. Sunod sunod din ang messages na ipinadala niya rito habang mabilis na naglalakad palabas ng arrival area.Hindi inaas

  • The Fake Wife's Perfect Revenge   CHAPTER 147

    “YOU WERE listening to my phone call?”Agad na nanlamig ang ekspresyon ni Victor matapos mapansin ang reaksiyon ni Heather. Noon pa man ay hindi na nito gusto ang babae kaya mabilis na tumigas ang tono nito.Bahagyang natigilan si Heather bago agad na umiling. “I didn’t mean to overhear anything,”

  • The Fake Wife's Perfect Revenge   CHAPTER 146

    ALAM na alam ni Yumi kung gaano ka-irresponsable ang biglaang pag-alis niya sa gitna ng napakahalagang launch. Isa iyon sa pinakamahalagang pharmaceutical launches ng taon. At kahit halos plantsado na ang lahat ng preparations, kailangan pa rin ng final inspection at personal approval ni Yumi bago

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status