MasukDalawang taon na inakala ni Yumi Zamora na siya ang legal na Mrs. Monteverde. Dalawang taon niyang minahal, pinagtiisan, at ipinaglaban ang lalaking inakala niyang tunay niyang asawa. Pero isang araw, habang inaayos ni Yumi Zamora ang laman ng drawer ay aksidente niyang napunit ang kanilang marriage certificate. Pero nang magpunta siya sa Civil Registry Office para kumuha ng panibagong kopya ay doon niya natuklasan ang mapait na katotohanan— ang kasal nila ng asawang si Clyde ay peke at palabas lang ang lahat. Ang lalaking tinawag niyang asawa, si Clyde Monteverde, ay legal palang kasal sa ibang babae at mas masakit, sa dati nitong professor. Anim na taon siyang ginamit ng lalaki bilang panakip-butas sa lihim na relasyon ng dalawa. Siya ang inilagay sa harap ng tsismis, siya ang sinisi sa lahat, at pinalabas na baog para pilit ampunin ang batang hindi naman kanya. Subalit isang tawag mula sa isang abogado ang bumago sa buhay ni Yumi. Nalaman niyang siya pala ang illegitimate daughter at sole heiress ng isa sa pinakamayamang negosyante sa buong Pilipinas na si Don Rafael Zamora. At nang tanungin siya ng abogado tungkol sa kanyang marital status, sandali siyang nag-isip bago sinabing, “Attorney Reyes," malamig niyang sabi, "pipirmahan ko na ang inheritance agreement," aniya saka huminga nang malalim. "At para malinaw, unmarried po ako at wala po akong anak.” At para maisakatuparan ang paghihiganti, pumayag din siyang maging fiancé ni Adrian Villareal, ang lalaking kinatatakutan ng lahat—hindi lang sa kapangyarihan kundi sa angking kayamanan. Mula sa babaeng niloko at pinaglaruan, ay babangon si Yumi at maghihiganti. Sa larong sinimulan ng kasinungalingan, sisiguraduhin niyang siya mananalo...
Lihat lebih banyakISANG hapon, habang nag-aayos ng mga lumang dokumento sa drawer, napunit ni Yumi ang marriage certificate niya. Hindi naman niya iyon sinasadya, manipis na ang papel, at medyo luma na. Pero nang mabuo niya uli ang punit-punit na dokumento, may kung anong kaba ang gumapang sa dibdib niya, isang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. Kaya kinabukasan, nagtungo siya sa Local Civil Registry ng Maynila para mag-request ng replacement. Pagpasok niya, tahimik ang opisina. Sa likod ng salamin, tiningnan ng clerk ang dala niyang certificate, saka nagtaas ng kilay.
“Ma’am,” maingat na sabi nito habang nagta-type sa computer, “wala po kaming marriage record under your name.” Napakunot ang noo ni Yumi. “N-No. Two years na akong kasal, Miss.” Iniabot niya ang napunit na certificate at pilit ipinakita sa kaharap na babae. Paulit-ulit naman na nag-check ang clerk. Sa huli, iniikot nito ang monitor papunta sa kanya upang ipakita ang nasabing record. “Wala po talaga, Ma'am. I'm sorry po. At…” tumigil sandali ang clerk, “hindi rin po standard ang seal. Medyo tabingi. Possible pong peke ang marriage certificate ninyo.” Parang biglang pinagbagsakan ng langit at lupa si Yumi dahil sa narinig. Hindi na siya nakapagsalita pa at dali-dali siyang lumabas ng Civil Registry na parang walang direksiyon, wala sa sarili. Mainit ang araw, maingay ang kalsada, pero lahat ay tila nakabibingi para kay Yumi. Mayamaya pa'y nang akma na siyang tatawid sa pedestrian lane, biglang tumunog ang cellphone niya. Kaagad niya itong dinukot mula sa bulsa ng suot niyang blazer. Subalit nang tingnan niya kung sino ang nasa caller ID ay napakunot ang noon niya. “Hello? Sino 'to?” sagot niya sa tawag. “Ms. Mayumi Zamora? Good afternoon. Ako po si Attorney Reyes, personal lawyer ng inyong ama. Maaari po ba kayong magpunta sa Ortigas Law Center para pirmahan ang inheritance agreement?” Scammer. Uso ito sa panahon ngayon. Iyon ang unang pumasok sa isip ni Yumi. Kaya nag-decide siyang patayin na sana ang tawag, nang biglang nagsalita muli ang nagpakilalang lalaki. “Ang pangalan po ng inyong ina ay Marissa Alonzo. Dalawampung taon na ang nakalipas, iniwan po kayo sa gate ng San Jose Children’s Home. Na-verify na po namin, kayo po ang nag-iisang biological child ni Mr. Rafael Zamora, isa sa pinakamayamang businessman sa Metro Manila.” Nanlamig ang buong katawan ni Yumi sa narinig. Tama ang lahat ng sinabi ng lalaki tungkol sa kanya. Posible nga kayang totoo ang sinasabi nito? Subalit hindi na siya nagtanong pa. Kaagad siyang dumiretso siya sa appointment sa Ortigas at hindi na nag-aksaya pa ng oras. May kalahating oras din bago niya narating ang law office. Pagpasok niya sa loob ng opisina, parang may humahampas na alon sa utak niya habang ipinapaliwanag ng abogado ang lahat—ang yaman, ang mga kompanya, ang mga ari-arian. Ang ama niyang hindi niya kailanman nakilala ay pumanaw isang buwan na ang nakalipas. At siya ang nag-iisang tagapagmana ng mga naiwan nitong mga ari-arian. “Ms. Zamora,” tanong ng abogado matapos ang mahabang paliwanag, “ano po ang marital at reproductive status ninyo?” Sumagi sa isip ni Yumi ang mukha ng kanyang asawa. Tahimik siyang napatingin sa bag niya, naroon ang pinagtagpi-tagping na pekeng marriage certificate. “Bigyan niyo po ako ng dalawang oras,” mahinahon niyang sabi. “May kailangan lang akong kumpirmahin.” Paglabas niya ng opisina, dumiretso siya sa Monteverde Group Headquarters. Bahagyang nakabukas ang pinto ng opisina ni Clyde Monteverde, ang kanyang asawa. Iaangat pa lang sana ni Yumi ang kamay niya upang itulak ang pinto nang may marinig siyang boses ng babae na parang pamilyar sa kanya. “Clyde,” malambing na sabi nito, “five years na tayong kasal. Hanggang kailan mo ba ako itatago?” Nanigas si Yumi sa kinatatayuan. Kilala niya ang boses na iyon. Si Bianca Lee, ang university adviser nila noon. Anim na taon ang tanda nito kay Clyde. Maganda, elegante, at hinahangaan ng buong campus noon. At ano raw? Limang taon nang kasal? How come? Samantalang two years na silang kasal ni Clyde. Pinigil ni Yumi ang hininga niya, na at pilit na hinintay ang sagot ng kanyang asawa. Nagkakabasakali na baka nagkamali lang siya ng narinig. Ilang sandali pa'y sumunod ang boses ni Clyde na malumanay, kontrolado, eksaktong tono na minahal niya sa loob ng maraming taon. “Malapit na ang IPO ng company. Kailangan ko pa ang suporta niya sa maraming bagay. At may iniwang habilin si Lolo na hindi ka pwedeng pumasok sa pamilya. Ayokong mahirapan ka, at di ko kakayaning masaktan ka.” Halos lumobo ang ulo ni Yumi sa narinig. Tinakpan niya ang bibig niya para hindi mapahikbi. Dahan-dahan niyang inayos sa loob ng bag ang napunit na certificate na para bang isa itong mamahaling bato. Siya pala ang tanga. Simula pa lang ay niloloko na siya ni Clyde, ng lalaking itinuturing niyang mundo... --- KAAGAD na umalis si Yumi sa lugar na iyon at tinawagan ang abogado ng kanyang ama. “Attorney Reyes,” malamig at klaro ang boses niya, “pwede ko na pong pirmahan ang inheritance agreement,” aniya saka huminga nang malalim. “At para malinaw, unmarried po ako. Wala po akong anak. Sa akin po mapupunta ang buong ari-arian.” Matapos ang lahat, pauwi na sana siya nang mabangga ang sasakyan niya. Minor lang ang tama, pero nagkaroon siya ng maliit na sugat sa noo. Matapos magpa-first aid sa ER, naalala niyang pumunta sa sa OB-Gyne para magpa-test. At nang matanggap niya ang resulta, tuluyang lumubog ang puso niya. “So… normal po ang uterus ko?” tanong niya sa doktor. “Oo. Healthy ka, Ms. Zamora.” “Pwede po akong magbuntis?” “Of course.” “At… hindi po makakaapekto sa normal sex life?” Kahit ang babaeng doktor ay bahagyang namula. “Ms. Zamora, valid pa ba ‘yang tanong?” Naalala kasi ni Yumi ang sinabi ni Clyde noon, na ang medical report na ipinakita sa kanya. Ang kasinungalingang hindi raw siya pwedeng magkaanak. Sa madaling salita ay baog daw siya. “I’ll still marry you,” sabi nito noon. “Ikaw lang ang pinili ko.” Dahil doon, tiniis niya ang pang-aalipusta ng pamilya Monteverde. Ang panlalait ng biyenan. Ang mga gabing hindi siya makatulog. Lahat pala ay kasinungalingan... --- SAMANTALA, nang malaman ni Clyde ang aksidente, agad siyang pumunta sa ospital. Nakasuot pa ito ng puting polo, mukhang nag-aalala, ang lalaking minahal niya sa loob ng anim na taon. “Let’s go,” mabilis na sabi ni Yumi at nilampasan ito. Ang yakap na minsang naging tahanan niya, ngayon ay sukang-suka na siya. Sa sasakyan, patuloy pa rin ang pag-aalala ni Clyde. Hindi siya sinagot ni Yumi. Napatingin lang siya sa diamond ring sa daliri niya. Pagdating sa Monteverde Mansion sa Alabang, narinig niya ang tawanan sa itaas. Isang batang lalaki, at isang babaeng boses. Si Mico, ang batang inampon nila. Limang taong gulang at hawak ang kamay nito si Bianca. Tahimik na dumulog si Yumi sa dining table at hindi na kumibo pa. “Yumi,” maingat na panimula ni Clyde maya-maya, “si Ms. Bianca ay kasalukuyang nagsusulat ng parenting book at naghahanap ng tahimik na environment. Medyo busy rin ang kumpanya lately, at alam kong busy ka rin, kaya naisip ko lang…” Nakita ni Clyde ang tamang pagkakataon. Marahan niyang ibinaba ang kutsara at tumingin kay Yumi. “Gusto kong dito muna tumuloy si Bianca. Tutulungan ka niya kay Mico. Mukhang mas komportable rin naman si Marco sa kanya.” Limang taon ng pagtatago, at ngayon, mukhang gusto na ng babaeng ito ang pumasok ng lantaran sa buhay nila. Hindi tumingin si Yumi, parang hindi niya narinig ang sinabi ng asawa. Tahimik lang siyang kumain, mabagal at kontrolado ang bawat galaw. Biglang nanigas ang atmosphere. Medyo nailang si Clyde. Bahagya siyang yumuko at marahang nagpaalala, “Yumi, kinakausap kita.” Sa isang mahinang clatter, ibinaba ni Yumi ang kubyertos. Pero hindi pa man siya nakakapagsalita, mabilis nang sumingit si Bianca. “I'm really sorry,” agad nitong sabi, may halong pag-aalala ang boses. “Kasalanan ko kung nagiging awkward. Yumi, sinabi lang naman iyon ni Clyde dahil nag-aalala siya, busy ka sa work, sa bahay, at sa pag-aalaga kay Mico. Gusto lang niyang may tumulong sa’yo…” “No! I want Tita Bianca to stay!” Agad na tumutol si Mico, na katabi ni Bianca. At hindi pa man tapos magsalita si Bianca, nagsimula na itong maghampas ng kutsara sa mesa, paulit-ulit at walang pagpipigil. “Mico, no! That's bad, baby…” mabilis na saway ni Bianca. “Mico, wala kang modo,” sabay na sita ni Yumi, awtomatikong lumabas ang disiplina sa boses niya. Naghalo ang dalawang boses sa gitna ng tensyon. Dahan-dahang tumigil si Mico. Pero imbes na humupa, mas tumalim ang tingin nito kay Yumi. At kasunod niyon ay bigla nitong dinampot ang baso ng juice at buong lakas na itinapon ang laman na diretsong tumama kay Yumi...NANATILING walang imik si Clyde. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakatitig lamang sa sahig. Ngunit bago pa siya tuluyang makalakad palayo, isang lalaki mula sa kanilang grupo ang tila may naalalang bagay."Clyde."Mabagal siyang napalingon.Nagkamot ng batok ang lalaki na tila nag aalinlangan kung dapat ba niyang sabihin ang nasa isip. "May naalala lang ako."Tahimik ang lahat."Noong hindi pa kayo ni Yumi... naaalala mo ba si Bianca?"Bahagyang kumunot ang noo ni Clyde. "Ano'ng tungkol sa kanya?"Huminga muna nang malalim ang lalaki. "May isang beses na niyaya niya akong mag dinner kasama ang ilan pa nating kaibigan."Napatingin ang iba."Akala namin noon simpleng get together lang."Napailing siya."Pero habang tumatagal ang usapan... napansin naming halos ikaw lang ang laman ng bawat tanong niya."Nanigas ang mukha ni Clyde. "Anong ibig mong sabihin?""Halos lahat ng itinatanong niya tungkol sa'yo.""Kumusta ka raw noong college.""Ano raw ang mga hilig mo.""Paano ka raw
TAHIMIK na nanatili si Clyde.Hindi niya narinig ang mga sinasabi ng mga tao sa paligid.Paulit ulit lamang na bumabalik sa isip niya ang malamig na mga mata ni Yumi habang sinasabi nitong wala na itong nararamdaman para sa kanya. Pakiramdam niya ay may humihigpit sa kanyang dibdib sa bawat paghinga.Napansin iyon ng isa sa mga dating kaklase nilang lalaki. Bahagya itong napabuntong hininga bago lumapit."Clyde, huwag mo nang dibdibin ang sinasabi ng mga tao."Tumango naman ang isa pa. "Tama. Ang mga bagay na tungkol sa pag ibig, hindi talaga madaling ipaliwanag.""Nagkakamali ang lahat. Kahit ang pinakamatinong tao, nadadala rin ng damdamin."Isa pa ang sumingit."Kitang kita naman naming naging seryoso ka kay Yumi noon. Hindi mo rin naman siya pinabayaan sa loob ng maraming taon. Kung ganito na siya kalamig ngayon, siguro kailangan mo na ring tanggapin."Tahimik lamang na nakikinig si Clyde. Wala siyang lakas para sumagot. Ngunit si Clarisse ay unti unting nabubuo ang larawan ng nan
BAHAGYANG natigilan si Adrian. Sa unang pagkakataon simula nang itanong iyon ni Yumi, may malinaw na pagtataka na dumaan sa kanyang mga mata.Tahimik silang nakatayo sa tabi ng sasakyan habang umiihip ang malamig na hangin ng gabi.Ilang segundo siyang hindi nakapagsalita. Pagkatapos ay marahan niyang tinanong,"Bakit mo naisip 'yan?"Umiwas naman ng tingin si Yumi bago nagsalita. "Last night."Napakunot ang noo ni Adrian.n"Last night?"Tumango si Yumi. "May nabanggit ka habang natutulog."Nanigas nang bahagya ang ekspresyon ng lalaki, at napansin iyon agad ni Yumi. Parang may kung anong dumaan sa kanyang mga mata bago niya mabilis na itinago iyon."Ano'ng sinabi ko?" tanong ni Adrian.Mahinang bumuntong-hininga si Yumi. "Tinawag mo ang pangalan niya."Agad na bumigat ang katahimikan sa pagitan nila. Napakuyom ang kamao ni Adrian hanggang sa bumaon ang kuko siya sa kanyang palad.At dahil naman sa liwanag ng poste, napansin ni Yumi ang maliliit na gasgas sa gilid ng palad nito. Parang
MATINDING katahimikan ang bumalot sa corridor.Nakatayo si Adrian sa dulo ng hallway, nakasuot ng maitim na overcoat. Dahil sa maputlang ilaw ng lounge, mas lalo lamang naging malamig ang kanyang presensya.Sa tabi niya ay nakasunod si Axel. Napaatras ang ilang tao nang kusa upang bigyang-daan siya. Samantalang si Heather naman ay bahagyang napasinghap.Ngayon lamang niya lubos na naunawaan kung bakit maraming tao ang natatakot kay Adrian Villareal. Hindi ito kailangang magtaas ng boses. Hindi rin nito kailangang magalit. Sapat na ang isang tingin nito upang maramdaman ng iba ang pressure.Diretso ang mga mata ni Adrian kay Clyde, malamig, at walang emosyon, gunit sa ilalim ng katahimikang iyon ay may nakatagong panganib.Humakbang ito palapit nang dahan-dahan, hanggang sa tuluyan siyang huminto sa tabi ni Yumi.Agad niyang hinawakan ang balikat ng asawa at marahang inilapit sa kanyang tabi. Parang isang simpleng kilos lamang, pero malinaw ang mensahe.Asawa niya si Yumi. At walang si
“YOU WERE listening to my phone call?”Agad na nanlamig ang ekspresyon ni Victor matapos mapansin ang reaksiyon ni Heather. Noon pa man ay hindi na nito gusto ang babae kaya mabilis na tumigas ang tono nito.Bahagyang natigilan si Heather bago agad na umiling. “I didn’t mean to overhear anything,”
PAKIRAMDAM ni Yumi ay unti-unting umiingay ang paligid habang nakatitig siya sa screen ng cellphone niya. Hindi siya interesado sa comments ng netizens o sa entertainment article mismo.Ang gumugulo sa isip niya ay ibang bagay. Business trip ba talaga iyon ni Adrian kasama si Mikaela Yu? Kung oo, b
SA MGA salitang iyon, tuluyan nang nahubad ang tunay na laman ng isip ni Clyde. Sa harap niya, bahagyang ngumisi si Yumi, halatang hindi na niya kayang tiisin pa ang pagpapanggap ng lalaki. “Clyde…” malamig niyang sambit, ang boses ay magaan ngunit punong-puno ng pangungutya, “kahit maubos pa ang
KINAHAPUNAN, marahang kumatok si Marco sa pinto ng private ward ni Mikaela, bitbit ang isang mamahaling fruit basket.Sa loob, nakatagilid lamang si Mikaela sa kama, nakatanaw sa labas ng bintana. Walang emosyon ang kanyang mukha. Tahimik lang ito at parang wala nang natitirang lakas.Kaninang mada






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasanLebih banyak