LOGINNANG araw ding iyon, maagang nagpunta si Yumi sa opisina ng Monteverde Group, at dumiretso agad siya sa opisina ni Clyde. Ito ang perpektong pagkakataon. Wala ang lalaki. Maari niyang hanapin ang mga dokumentong kailangan niya. Ngunit kahit halughugin niya ang buong opisina, ay wala siyang nahanap. Kahit sa computer ni Clyde.
Habang nag-iisip siya kung saan pa maaaring hanapin ang mga iyon, may kumatok sa pintuan. “Secretary Yumi,” sabi ng staff. “Wala si Mr. Monteverde ngayon. May ilang contracts na kailangan ng signature.” Kinuha ni Yumi ang mga dokumento. Ang mga ito ay mga partnership agreements na siya mismo ang naghirap upang makuha. Kung maantala ang funding, malamang ay mabigo ang proyekto. “Na-contact niyo ba si Mr. Monteverde?” tanong niya. “Yes,” sagot nito. “Pero busy daw siya. Sinabi niya na kung may kailangan, ikaw na raw ang bahala.” Bahagyang ngumiti ng mapait si Yumi. Sa kumpanya ni Clyde, siya ang pinakamatrabaho. Kapag abala ang lalaki, siya ang gumagawa ng lahat ng desisyon. Ngunit sa papel, wala siyang kapangyarihan. Wala siyang shares. Kapag may mali sa desisyon, siya ang pinapagalitan ni Clyde sa meeting para ipakita sa shareholders na may accountability. Dati, sinabi ni Clyde na ginagawa niya iyon para hindi mahalata ang relasyon nila. “Leave it here,” sabi ni Yumi. “May pupuntahan lang ako. I’ll sign later.” Matapos umalis ang staff, iniwan niya ang kontrata sa mesa at lumabas ng opisina. Ngayong gabi, may dinner siya kasama si Adrian Villareal. Kaya kailangan niyang maghanda. Dumiretso si Yumi sa isang high-end beauty salon sa Makati. Halos alas-singko na nang matapos siya. Pagkatapos nito, pumasok siya sa isang luxury boutique sa loob ng mall. Isang light lavender evening dress ang agad na nakaagaw ng kanyang pansin. “Miss, bagay na bagay po sa inyo!” sabi ng saleslady. Tumingin si Yumi sa salamin. Ang kanyang maputing balat ay lalo pang lumitaw sa kulay ng damit. Ang strapless halter design nito ay elegante ngunit simple. Matagal na niyang hindi nakita ang sarili niyang ganito kaganda. Sa loob ng dalawang taon, puro trabaho lamang ang inatupag niya. “Okay,” sabi niya. “This one.” Ngunit pagdating niya sa cashier, may sinabi ang staff. “Miss, someone already paid for everything. Pati po ang matching bag, shoes, at jewelry set.” Napakunot ang noo ni Yumi. “Did they leave a name?” “Yes. Ang sabi po nila ay Villareal Group.” Napalingon si Yumi sa paligid. Tahimik ang mall entrance. Wala siyang nakitang pamilyar na mukha. Hindi ba sinabi ni Victor na malamig at mailap si Adrian Villareal? Matapos kunin ang mga pinamili, lumabas siya ng mall. At doon, isang itim na luxury sedan ang naghihintay. Pareho ito ng sasakyang nakita niya sa Zamora Mansion kahapon. Walang brand logo ngunit ang plaka nito ay napaka-imposibleng hindi mapansin. Bumaba mula roon ang isang lalaking naka-itim na suit. Ito rin ang parehong lalaking nagbigay sa kanya ng business card sa Zamora Mansion noong nakaraang araw. Ngunit ngayon ay hindi na ito naka-formal uniform. Naka simpleng itim na suit lamang ito at may suot na sunglasses, dahilan upang mas mukhang approachable. Magalang itong nagbukas ng pinto ng sasakyan para sa kanya. Ngumiti nang bahagya si Yumi bago sumakay. Mukhang talagang ipinadala ito upang sunduin siya. Sa loob ng kotse, silang dalawa lamang ang naroon. Tahimik na umandar ang sasakyan palabas ng mall parking. “Excuse me… sino ka nga ulit?” mahinahon niyang tanong. Ngumiti ang lalaki. “Ako po ang personal assistant ni Mr. Villareal,” sagot nito. “You can call me Axel.” “Axel,” muli niyang sabi, “bakit ako ang pinili ng boss mo para sa marriage alliance? Hindi naman kami magkakilala, right?” Ngumiti lang si Axel. “Hindi ko po alam ang mga personal na desisyon ng boss ko,” sagot nito. “Pero kakauwi lang niya sa Pilipinas ilang linggo ang nakalipas. Most likely, hindi rin po niya kayo kilala bago ito.” Napaisip si Yumi. Kung ganoon, bakit siya? Saglit siyang tumahimik bago muling nagsalita. “Then, what does he look like?” Bahagya siyang natawa sa sarili. Napakahiwaga ng lalaking ito. Halos walang litrato sa media at bihirang lumabas sa public events. Sa isip ni Yumi, may isang kakaibang tanong. “Paano kung… pangit pala ito?” Kahit arranged marriage lang iyon, kailangan pa rin niyang maging handa. Napahagalpak ng tawa si Axel sa tanong. Matagal na siyang kasama ni Adrian Villareal, at sa lahat ng babaeng nakilala niya, wala pang nagtanong kung guwapo ba ang boss niya. Ngunit agad din siyang naging seryoso. “Hindi ako ang tamang taong mag-comment tungkol sa itsura ng boss ko,” sabi niya. “Malalaman niyo rin po kapag nagkita na kayo.” Tahimik na napabuntong-hininga si Yumi. “Mukhang hindi nga kaguwapuhan,” isip-isip niya. Tinanggap na lang niya ang posibilidad. Hindi nagtagal ay pumasok ang sasakyan sa exclusive village sa Makati. Sa loob nito ay isang eleganteng villa na tila hiwalay sa ingay ng siyudad. Tahimik ang paligid at napakataas ng privacy. Ipinaliwanag ni Axel na ito ay isang private restaurant na bukas lamang sa mga miyembro. At para sa gabing iyon, ni-reserve ni Adrian Villareal ang buong lugar. Pagpasok ni Yumi sa loob ng restaurant, umatras na si Axel kasama ang mga bodyguard na nagbabantay sa labas at isang waiter ang naghatid sa kanya sa isang tahimik na private dining room. Huminto siya sa pintuan. “Mr. Villareal?” maingat niyang tawag. Sa loob ng silid, ang liwanag mula sa napakalaking crystal chandelier ay bumagsak sa isang matangkad na pigura na nakaupo sa dining table. Dahan-dahan itong lumingon. Sa sandaling iyon, ay napahinto si Yumi. Kay lalim ng mga mata ng lalaki kung tumitig, matangos ang ilong, at ang manipis ngunit perpektong hugis ng labi ay tila inukit nang maingat. Ang aura nito ay malamig at dominante. Ilang segundo siyang natulala habang pinagmamasdan ang lalaki. Hanggang sa marinig niya ang malamig na boses ng nit “Miss Zamora, please sit.” “O—Okay, thanks.” Agad na umiwas ng tingin si Yumi at mabilis na kumilos. Nalimutan pa nga niyang magpanggap na eleganteng babae at basta na lang siyang naupo sa single chair. “Hindi ba dapat… ordinary lang ang itsura nito?” tanong ni Yumi sa isipan habang nakatingin sa lalaki. Kaagad naman itong nahalata ni Adrian kaya kunot-noo siyang nagtanong. “Am I ugly?” Napalingon si Yumi sa lalaki at agad siyang umiling. “No! Not at all. You’re very handsome,” aniya na muntik pang mautal dahil sa kaba. “Actually, you're extremely handsome, Mr. Villareal.” Hindi iyon exaggeration. Sa buong buhay niya, wala pa siyang nakitang lalaking kasing guwapo ni Adrian Villareal. Si Clyde ay dating campus heartthrob noong college, isang lalaking halos kapantay ng mga celebrity ang itsura. Ngunit kumpara sa lalaking nasa harap niya ngayon, ibang level ito. Kung ang mga lalaki sa mundo ay obra ng kalikasan, si Adrian Villareal ay parang masterpiece. “Thank you,” kalmadong sagot ng lalaki. “Miss Zamora is also very beautiful. And that dress suits you.” Ngumiti si Yumi sa narinig. Bahagyang nag-init ang pisngi. “I should be the one thanking you for the gift.” “Just a small gesture,” sagot naman ni Adrian. “If you like it… I can give you more next time.” Magalang ang tono nito ngunit halatang may distansya pa rin. Matapos ang ilang sandaling usapan, nagsensya na si Adrian upang ihain ang pagkain. Isa-isang dumating ang mga putahe. Maliit lamang ang bawat serving ngunit napaka-elegante ng plating. Bawat kagat ay may kakaibang kombinasyon ng lasa. Para kay Yumi, napakabagal ng pagkain sa ganitong klaseng restaurant. At hindi rin siya madaling mabusog. Sa buong hapunan, tahimik lamang siyang pinapanood ni Adrian. Halos wala itong sinasabi. Hindi sila pamilyar sa isa’t isa kaya hindi maiiwasan ang awkward na katahimikan. Naalala pa nga ni Yumi ang sinabi ng Uncle Victor niya na mahirap pakisamahan ang lalaking ito. Kaya hindi rin siya naglakas-loob na magsalita. Matapos maubos ang main course at dumating ang dessert, saka lamang nagsalita si Adrian. “Do you like the food here?” “Yeah… it’s good,” sagot ni Yumi habang kumakain ng dessert. Pero agad niyang ibinaba ang kutsara. Napansin niya kasing parang masyadong simple ang sagot niya. Kaya naman nag-isip siya sandali, at dinagdagan niya ito. “The dishes are very unique. The flavors are layered and balanced.” Napayuko naman si Adrian, tila iniisip ang sinabi niya. Sandaling kinabahan si Yumi.nBaka mali ang sinabi niya at hindi nagustuhan ng lalaki. Hindi naman siya food critic. “If Miss Zamora doesn’t like it,” sabi ng lalaki matapos ang ilang sandali, “we can go to another restaurant next time. You can choose.” Nang marinig iyon ay mabilis siyang umiling. “No, I really like it. Actually, first time ko lang kumain sa ganitong klaseng restaurant. At medyo kinakabahan ako.”bBahagyang ngumiti si Yumi matapos sabihin iyon. “Maybe next time we can meet somewhere more relaxed. Mas madali siguro tayong makakapag-usap,” dagdag pa niya sa lalaki. “Alright,” sagot naman ni Adrian. Nanatiling seryoso ang mukha nito. “I’m just not very talkative. And I don’t know what to talk about.” “I noticed,” natatawang sagot naman ni Yumi. Mayamaya pa'y biglang sumandal ang lalaki sa kanyang upuan. Ang itim na polo nito ay bahagyang humapit sa katawan nito, na lalo pang nagpalabas ng maskuladong katawan. “I heard from Grandpa Zamora,” sabi ni Adrian, “that you already agreed to the marriage alliance.” Tumango naman si Yumi. “Yes.” “Traditional ang pamilya namin,” dagdag naman ni Adrian. “From engagement to marriage registration, everything must be done properly. I’m busy these days, so it might take some time. If you have any requests… let me know.” “No problem,” sagot ni Yumi. “I’ll leave everything to you.” Pagkuway tumingin si Adrian sa wristwatch na suot. “It’s getting late. We should end here.” Bago sila tuluyang tumayo, nagsalita pa si Yumi. “Mr. Villareal.” You already know my situation, right? May I ask… why did you choose me?” Nang marinig iyon ay diretsong tumingin si Adrian sa mga mata ng kausap. “I have no interest in your inheritance, or the Zamora family. I’m just at the age where I need to get married. And the Zamora family is a suitable choice.” Naintindihan naman agad ni Yumi ang ibig nitong sabihin. Bago siya pumunta sa dinner na iyon, nagpa-imbestiga din siya tungkol sa pamilyang Villareal. Ang yaman at impluwensiya ng pamilya ay hindi kailangang umasa sa mana niya. “Is your family pressuring you?” tanong muli ni Yumi. “More or less,” honest na sagot naman ni Adrian. “But I only need one thing... An obedient wife. Someone who will cooperate with everything.” Agad na naintindihan ni Yumi ang ibig sabihin nito. Ganito rin siya pinili ni Clyde noon, dahil madali siyang kontrolin. “I’m the heir of the Zamora Group. If the Villareal family wants to expand in Metro Manila, I can help. At ako naman…” Huminga siya nang malalim. “kung lalaban ako mag-isa sa pamilya Zamora, siguradong kakainin nila ako. Our marriage gives power to both sides. It’s fair trade.”BAHAGYANG natigilan si Adrian. Sa unang pagkakataon simula nang itanong iyon ni Yumi, may malinaw na pagtataka na dumaan sa kanyang mga mata.Tahimik silang nakatayo sa tabi ng sasakyan habang umiihip ang malamig na hangin ng gabi.Ilang segundo siyang hindi nakapagsalita. Pagkatapos ay marahan niyang tinanong,"Bakit mo naisip 'yan?"Umiwas naman ng tingin si Yumi bago nagsalita. "Last night."Napakunot ang noo ni Adrian.n"Last night?"Tumango si Yumi. "May nabanggit ka habang natutulog."Nanigas nang bahagya ang ekspresyon ng lalaki, at napansin iyon agad ni Yumi. Parang may kung anong dumaan sa kanyang mga mata bago niya mabilis na itinago iyon."Ano'ng sinabi ko?" tanong ni Adrian.Mahinang bumuntong-hininga si Yumi. "Tinawag mo ang pangalan niya."Agad na bumigat ang katahimikan sa pagitan nila. Napakuyom ang kamao ni Adrian hanggang sa bumaon ang kuko siya sa kanyang palad.At dahil naman sa liwanag ng poste, napansin ni Yumi ang maliliit na gasgas sa gilid ng palad nito. Parang
MATINDING katahimikan ang bumalot sa corridor.Nakatayo si Adrian sa dulo ng hallway, nakasuot ng maitim na overcoat. Dahil sa maputlang ilaw ng lounge, mas lalo lamang naging malamig ang kanyang presensya.Sa tabi niya ay nakasunod si Axel. Napaatras ang ilang tao nang kusa upang bigyang-daan siya. Samantalang si Heather naman ay bahagyang napasinghap.Ngayon lamang niya lubos na naunawaan kung bakit maraming tao ang natatakot kay Adrian Villareal. Hindi ito kailangang magtaas ng boses. Hindi rin nito kailangang magalit. Sapat na ang isang tingin nito upang maramdaman ng iba ang pressure.Diretso ang mga mata ni Adrian kay Clyde, malamig, at walang emosyon, gunit sa ilalim ng katahimikang iyon ay may nakatagong panganib.Humakbang ito palapit nang dahan-dahan, hanggang sa tuluyan siyang huminto sa tabi ni Yumi.Agad niyang hinawakan ang balikat ng asawa at marahang inilapit sa kanyang tabi. Parang isang simpleng kilos lamang, pero malinaw ang mensahe.Asawa niya si Yumi. At walang si
NANIGAS ang panga ni Clyde. Ramdam pa rin niya ang hapdi ng pagkakasampal sa kanya, ngunit sa pagkakataong iyon ay tila wala na iyong halaga.Mas masakit pa rin ang malamig na tingin ni Yumi. Mas masakit pa rin ang paraan ng pagtingin nito sa kanya na para bang isa na lamang siyang estranghero."You can hit me all you want," paos niyang saad. Namula na ang kanyang mga mata. "Pero please, pakinggan mo muna ako."Bahagyang kumunot ang noo ni Yumi. "Wala akong obligasyong makinig sa'yo."Matalim ang bawat salitang lumabas sa kanyang bibig. At sa unang pagkakataon, walang pagtatago sa galit niya."Clyde, seryoso ka ba talaga?"Natigilan ang lalaki.Samantalang si Yumi ay diretsong tumingin sa mga mata nito."Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo, bakit iniisip mong may gusto pa akong simulan sa pagitan natin?"Bahagyang namutla si Clyde. Ngunit bago pa siya makapagsalita ay nagpatuloy si Yumi."Listen carefully,” malamig niyang sabi. "Matagal nang tapos ang lahat."Hindi namalayan ni Clyde na
SA GABING iyon, ang plano ni Yumi na isang inumin lamang ay tuluyang nasira. Dahil sa mahabang usapan nila ni Heather, hindi niya namalayang nakaubos na rin siya ng ilang baso. Hindi naman ganoon kalakas ang mga inorder nila. Ngunit sapat na iyon upang bahagyang mabigatan ang kanyang ulo. Nang mapansin niyang palalim na nang palalim ang gabi, agad siyang kumuha ng cellphone. "Time to go home." Bahagyang tumango si Heather. Nauna nang nag-book si Yumi ng driver para sa kanilang pag-uwi kaya wala na silang dapat ipag-alala. Ilang sandali pa ay tumayo si Yumi mula sa kanyang upuan. "Pupunta lang ako sa restroom." "Okay." Naiwan si Heather sa mesa. Bahagya na rin itong nahihilo dahil sa alak. Nakasandal ito sa upuan habang walang gaanong ekspresyong nag-scroll sa mga contact sa cellphone nito. Hindi niya namalayang napunta siya sa pangalan ni Gabriel. Sandali siyang natigilan. Tahimik niyang pinagmasdan ang pangalan nito sa screen. Ngunit bago pa siya makapag-isip nang mas malalim
BIGLANG humigpit ang pagkakahawak ni Heather sa baso."Because I have to get married."Lumabas ang mga salitang iyon nang hindi niya namamalayan. Parang matagal na iyong nakabara sa kanyang dibdib at ngayon lamang nakahanap ng pagkakataong makawala.Natigilan si Yumi.Napansin din ni Heather ang sarili niyang sinabi kaya agad siyang natahimik. Ngunit huli na. Narinig na iyon ni Yumi.Tahimik na ibinaba ni Heather ang tingin. Paano niya ba ipapaliwanag ang isang bagay na kahit siya mismo ay nahihirapang tanggapin? Matagal na panahon niyang kinimkim ang lahat.Noong bata pa siya, hindi niya nauunawaan kung bakit tila may mga taong gustong magdesisyon para sa buong buhay niya.Ngunit habang tumatanda siya, mas lalo niyang nauunawaan ang katotohanan. Parang mula pa noong una ay nakaplano na ang direksiyon ng buhay niya. Na para bang hindi sapat na mabuhay siya para sa sarili.Kailangan niyang umasa sa iba. Kailangan niyang sumunod sa gusto ng iba. At kailangan niyang ipagkatiwala ang kina
BAHAGYANG napayuko si Heather. Hindi naman na siya nagulat sa naging reaksyon ni Yumi. Sa totoo lang, alam niyang hindi ito ang tipo ng taong makikialam sa buhay ng iba nang walang dahilan. At lalong hindi ito basta mag-aaksaya ng oras para sa isang taong halos hindi naman nito kilala. Tahimik siyang uminom sa hawak na baso. "Tinulungan niya ako noon. Pero parang ayaw niyang malaman ko." Bahagyang ngumiti si Yumi. "Dahil ganoon si Gabriel." Hindi na niya idinetalye pa. May mga bagay na mas mabuting ang mismong taong sangkot ang magsabi. Ilang sandali silang parehong natahimik. Mula sa maliit na entablado ng lounge ay maririnig ang mahinang tugtog ng live band. Humahalo iyon sa mahihinang usapan ng ibang customer sa paligid. Makalipas ang ilang segundo ay muling nagsalita si Yumi. "Actually, malaking risk ang ginawa niya para sa'yo." Napatingin si Heather. "Pero hindi niya kailanman ginamit iyon para pilitin kang suklian siya." Tumango si Heather. Alam niya iyon. Marahil iyon
“YOU MEAN... nandito si Yumi?”Halatang natulala si Mikaela matapos marinig iyon. Mahigpit siyang napahawak sa paper bag na dala niya habang hindi makapaniwala ang mga mata. Hindi ba’t mismong si Adrian ang nag-utos na ilihim muna ang nangyari?Kahit nga ang pamilya Villareal ay kagabi lamang nalam
MADALING araw na nang makarating si Yumi sa maliit na private airport malapit sa border ng Chiang Rai.Halos kakababa pa lamang niya ng eroplano ay agad na niyang tinawagan si Axel. Sunod sunod din ang messages na ipinadala niya rito habang mabilis na naglalakad palabas ng arrival area.Hindi inaas
“YOU WERE listening to my phone call?”Agad na nanlamig ang ekspresyon ni Victor matapos mapansin ang reaksiyon ni Heather. Noon pa man ay hindi na nito gusto ang babae kaya mabilis na tumigas ang tono nito.Bahagyang natigilan si Heather bago agad na umiling. “I didn’t mean to overhear anything,”
ISANG hapon, habang nag-aayos ng mga lumang dokumento sa drawer, napunit ni Yumi ang marriage certificate niya. Hindi naman niya iyon sinasadya, manipis na ang papel, at medyo luma na. Pero nang mabuo niya uli ang punit-punit na dokumento, may kung anong kaba ang gumapang sa dibdib niya, isang pakir







