공유

CHAPTER 7

작가: GennWrites
last update 게시일: 2026-03-12 19:28:52

HINDI na nagsalita si Adrian, at bahagya lamang siyang tumango na para bang mayroon silang isang lihim na kasunduan.

Paglabas nila ng restaurant, lumapit kaagad kay Adrian ang assistant nitong si Axel at may ibinulong. Nahalata naman kaagad niyang tila may importante pang lakad ang lalaki kaya hindi na siya nang-abala pa.

“No need to send me home,” ani Yumi. “I’ll just take a taxi.”

Hindi siya sinagot ng lalaki, ngunit sinamahan pa rin siya nito hanggang sa sasakyang naghihintay sa labas. Pagkasakay niya, nagpalitan pauna sila mg marahang pagtango sa isa't-isa, at saka lamang ito umalis.

---

HABANG nasa biyahe pauwi, tumawag ang kanyang Uncle Victor. Nais nitong malaman kung kumusta ang unang pagkikita nila ni Adrian Villareal. Sinabi ni Yumi ang totoo na maayos naman ang usapan nila. At kung may problema man, iyon ay ang napakalakas na presensya ni Adrian Villareal. Hindi maiwasang kabahan kapag malapit ito sa kanya.

Pag-uwi sa kabibili lang niyang condo, kaagad na naligo si Yumi. Subalit paglabas niya ng banyo habang pinupunasan ang basang buhok ay napansin niyang paulit-ulit na umiilaw ang kanyang cellphone. Nang tingnan niya kung sino iyon, ay si Clyde ang tumatawag at naka-ilang miscalls na ang lalaki sa kanya.

Doon, naisipan ni Yumi na tumawag pabalik, na kaagad naman nitong sinagot.

“Honey, it’s so late. Why aren’t you home yet? Did something happen? Why aren’t you answering my calls?” sunod-sunod na tanong ng lalaki mula sa kabilang linya.

Tahimik lamang si Yumi habang nakatingin sa city lights sa labas ng kanyang floor-to-ceiling window. Napakaganda ng tanawin. Hindi niya maiwasang isipin na maganda talaga ang napili niyang bahay.

“Mayumi?” muli nitong tawag, this time ay gamit na ang buo niyang pangalan.

Napapikit nang mariin si Yumi, at napangiti nang mapait matapos marinig sa lalaki ang pagbanggit nito sa buo niyang pangalan na matagal na niyang hindi naririnig dito.

“Oh,” sagot niya, “may meeting ako with a client today. Medyo malayo ang location. So nag-check in na lang ako sa hotel.”

Akala niya alam na ni Clyde na umalis na siya sa bahay. Pero mukhang abala pa rin ito kay Bianca.

“Are you comfortable there? I’ll pick you up. Send me the address.”

“No need. Pagod lang ako.nGusto ko nang matulog.”

Napilitan na lamang si Clyde na sumang-ayon. “Okay. See you tomorrow at the office.”

“Mmm.”

Ibababa na sana ni Yumi ang tawag nang muling magsalita ang lalaki.

“Honey… I miss you. Did you miss me?”

Nanahimik siya nang matagal dahil pakiramdam niya ay tinutusok ng libo-libong karayom ang kanyang dibdib. Dahil alam ni Yumi na sa kabila nang matatamis na salita na iyon ay nagtatago ang isang kasinungalingan.

“Honey?” untag nito nang hindi siya sumagot.

“I’m sleepy, Clyde…” mahina niyang sagot, na parang inaantok.

“Okay then. Sleep well,” sagot naman ni Clyde.

Kaagad niyang pinutol ang tawag, pero kabilang linya, napatingin si Clyde sa cellphone.bHindi niya maipaliwanag kung bakit, pero nitong mga nakaraang araw ay parang may kakaibang pakiramdam sa dibdib niya. Sanay na siya sa lambing at pag-aalaga ni Yumi.

Pero ngayon, parang may kulang.

“Clyde, do you love me?”

Biglang may dalawang braso ang yumakap sa kanya mula sa likod. Si Bianca. Malamyos at malambing ang boses nito nang magsalita.

Agad na ngumiti si Clyde at hinawakan ang kamay ng babae. “Is that even a question? You’re the woman I love the most in this life. I’d do anything for you.”

Totoo iyon.

Simula nang iligtas siya ni Bianca noong labing-anim na taong gulang pa lamang siya, nangako na siya na poprotektahan niya ito habang buhay.

“But I’m scared,” sa halip ay sagot ni Bianca.

“Ano’ng kinakatakutan mo?”

Dahan-dahang humarap si Clyde kay Bianca at marahang niyakap ang babae. Ang boses niya ay napakalambing, halos kayang tunawin ang lamig ng gabi.

Ibinaba ni Bianca ang tingin. Bahagyang nanginginig ang boses niya. “Natatakot ako na balang araw paghiwalayin tayo ng pamilya Monteverde.nNatatakot akong manatiling walang pangalan habang buhay, kasama lang si Mico. At natatakot ako na kapag tumanda ako, baka magbago ang isip mo.”

Bahagyang napahigpit ang yakap ni Clyde sa kanya. “No,” agad niyang sagot. Marahan niyang hinawakan niya ang mukha ni Bianca at pinunasan ang mga luha sa gilid ng mata nito gamit ang hinlalaki.

“I already told you. I will protect you. No one can stop me from being with you. And I will never change my mind.”

“Clyde…” mahina niyang bulong.

Punong-puno ng emosyon ang boses ni Bianca habang ipinikit niya ang mga mata at dahan-dahang hinalikan ang labi ng lalaki.nKahit nasa kritikal na yugto ang IPO preparation ng Monteverde Group, sinunod pa rin ni Clyde ang gusto ni Bianca at hinatid ito pauwi.

Pero sa totoo lang, ramdam ni Bianca na malaki ang ipinagbago ng lalaki sa nakalipas na dalawang taon. Hindi na ito kasing init ng dati kapag kasama siya. At mas madalas na nitong banggitin si Yumi sa harap niya.

Natural sa babae ang pagiging sensitibo. Kahit gaano pa siya ka-kumpiyansa sa pagmamahal ni Clyde, hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba. Habang naghahalikan sila sa loob ng silid, unti-unting umakyat ang kamay ni Clyde sa likod ng leeg ni Bianca.

Lumipat sila sa kama.nNgunit sa gitna ng init ng sandali, biglang pumasok sa isip ni Clyde ang mukha ni Yumi. Parang kidlat na dumaan sa utak niya. Sa mismong sandali na iyon, bigla siyang tumigil.

“Ano’ng nangyari?” nagulat na tanong ni Bianca.

Mabilis niyang hinawakan ang braso ng lalaki. Pero hindi siya pinansin ni Clyde. Diretso itong pumasok sa banyo at binuksan ang malamig na shower. Nalilito ang isip niya. Hindi niya maintindihan kung bakit, ang simpleng pag-alala kay Yumi ay agad pumapatay sa lahat ng gana niya. Syempre, hindi niya iyon pwedeng sabihin kay Bianca.

Paglabas niya ng banyo, muling niyakap ni Clyde ang babae at paulit-ulit na humingi ng tawad. “Siguro may nakain akong masama. Bigla akong nahilo.”

Kahit hindi masaya si Bianca, hindi na siya nagreklamo. Sa nakalipas na dalawang araw, sobrang mapagbigay si Clyde sa lahat ng gusto niya. Kaya sapat na iyon para sa kanya. Isa pa, bagaman may kaunting pag-aalinlangan, alam niyang mahal siya si Clyde...

---

KINABUKASAN ng umaga, maagang nagtungo si Clyde sa opisina dahil hbang nasa sasakyan siya, ay may tumawag. Pagkarinig niya ng balita, biglang sumabog ang galit niya.

“Ano’ng ibig sabihin nito?!”

Halos umalingawngaw ang sigaw niya sa buong conference room. Tahimik ang lahat ng empleyado.

“Mr. Monteverde…” nanginginig na sagot ng staff. “Na-cancel po ang cooperation dahil na-delay ang funding.”

“Delayed? Paano nangyari ‘yon?!”

“Hindi po kasi na-sign kahapon…”

Napahinto si Clyde. Doon niya naalala, may tumawag nga kahapon tungkol doon. Pero sinabi niyang kay Yumi na lang ipagawa.

“Nasaan si Secretary Yumi kahapon?” galit niyang tanong. Pero bigla din siyang natigil. Naalala niyang wala palang authority si Yumi na pumirma sa ganung dokumento.

“Useless!” sigaw niya. “Lahat kayo lumabas!” Matapos magwala, ipinatawag naman niya si Yumi.

Sa labas ng opisina, narinig na ni Yumi ang balita tungkol sa nawalang partnership. Lumapit ang isang kasamahan sa kanya.

“Miss Yumi, sobrang galit ni Sir Clyde. Ipinatatawag ka.”

Kalmado lang siyang tumango. “I know.” Mabilis na kumilos si Yumi at nagmamadaling nagtungo sa private office ni Clyde. Pagdating doon, kumatok lang siya at diretsong pumasok.

Pagpasok niya sa opisina, agad na humupa ang galit ni Clyde nang makita siya.

“You’re here.”

Lumapit si Yumi sa mesa. “Kahapon,” mahinahon niyang sabi, “nung pinapapirma ang contracts, may important meeting ako with a client. Kailangan kong umalis agad.”

Huminga siya nang bahagya. “You know naman, wala akong formal authority. Signing documents is very sensitive. Kapag may mali, ako ang sasalo ng responsibility. At baka madamay ka pa. Hindi ko rin akalaing ganun ka-impatient ang partners natin. Isang araw lang na delay, umatras agad sila.”

Walang bahid ng paninisi ang boses niya. Pero malinaw na ipinaliwanag niya ang problema, ang kakulangan ng authority na ibinigay sa kanya.

Napatingin si Clyde sa kanya. Unti-unting nawala ang hinala niya na sinadya iyon ni Yumi. Kilalang kilala niya ang babae. Para sa kumpanya, ibinuhos nito ang buong buhay nito. Kung kahapon man ay nakipag-meeting ito sa client, natural lamang iyon.

Mas lalo pang nakaramdam ng guilt si Clyde sa narinig. Sa kritikal na panahon ng IPO, nagpaka-busy siya sa pag-aalaga kay Bianca at Mico.

“Clyde,” mahinahong sabi ni Yumi. “Since critical ang situation ngayon…Why don’t you grant me some company authority? Para kung may emergency, kaya kong magdesisyon agad.”

Nagulat si Clyde. Hindi niya inaasahan na hihingi si Yumi ng power. Sa loob ng dalawang taon, halos hindi ito humawak ng kahit anong company authority. Kahit kapag kailangan niyang i-check ang data, ginagawa niya iyon sa harap ni Clyde.

“What?”

“Nahihirapan ka bang ibigay?” tanong ni Yumi. “If you’re worried then—”

“Of course not,” agad na putol ni Clyde. “I trust you.” Natakot siyang mahalata ni Yumi ang pag-aalinlangan niya. “But granting full authority needs board approval. So I’ll give you partial access first.”

Ngumiti si Yumi. “That’s fine.”

Alam niyang hindi siya papayagan ng lalaki nang ganun kadali. Pero sapat na ang partial authority para magawa niya ang plano.

---

ILANG oras lamang matapos makuha ang access, na-copy na niya ang core data ng Monteverde Group sa nakalipas na dalawang taon. Gamit ang data na iyon, magkakaroon siya ng kontrol sa paparating na IPO at bidding projects ng kumpanya. Hindi siya pwedeng magmadali. Para tuluyang pabagsakin ang kumpanya ni Clyde, kailangan niya ng tamang timing...

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • The Fake Wife's Perfect Revenge   CHAPTER 193

    BAHAGYANG natigilan si Adrian. Sa unang pagkakataon simula nang itanong iyon ni Yumi, may malinaw na pagtataka na dumaan sa kanyang mga mata.Tahimik silang nakatayo sa tabi ng sasakyan habang umiihip ang malamig na hangin ng gabi.Ilang segundo siyang hindi nakapagsalita. Pagkatapos ay marahan niyang tinanong,"Bakit mo naisip 'yan?"Umiwas naman ng tingin si Yumi bago nagsalita. "Last night."Napakunot ang noo ni Adrian.n"Last night?"Tumango si Yumi. "May nabanggit ka habang natutulog."Nanigas nang bahagya ang ekspresyon ng lalaki, at napansin iyon agad ni Yumi. Parang may kung anong dumaan sa kanyang mga mata bago niya mabilis na itinago iyon."Ano'ng sinabi ko?" tanong ni Adrian.Mahinang bumuntong-hininga si Yumi. "Tinawag mo ang pangalan niya."Agad na bumigat ang katahimikan sa pagitan nila. Napakuyom ang kamao ni Adrian hanggang sa bumaon ang kuko siya sa kanyang palad.At dahil naman sa liwanag ng poste, napansin ni Yumi ang maliliit na gasgas sa gilid ng palad nito. Parang

  • The Fake Wife's Perfect Revenge   CHAPTER 192

    MATINDING katahimikan ang bumalot sa corridor.Nakatayo si Adrian sa dulo ng hallway, nakasuot ng maitim na overcoat. Dahil sa maputlang ilaw ng lounge, mas lalo lamang naging malamig ang kanyang presensya.Sa tabi niya ay nakasunod si Axel. Napaatras ang ilang tao nang kusa upang bigyang-daan siya. Samantalang si Heather naman ay bahagyang napasinghap.Ngayon lamang niya lubos na naunawaan kung bakit maraming tao ang natatakot kay Adrian Villareal. Hindi ito kailangang magtaas ng boses. Hindi rin nito kailangang magalit. Sapat na ang isang tingin nito upang maramdaman ng iba ang pressure.Diretso ang mga mata ni Adrian kay Clyde, malamig, at walang emosyon, gunit sa ilalim ng katahimikang iyon ay may nakatagong panganib.Humakbang ito palapit nang dahan-dahan, hanggang sa tuluyan siyang huminto sa tabi ni Yumi.Agad niyang hinawakan ang balikat ng asawa at marahang inilapit sa kanyang tabi. Parang isang simpleng kilos lamang, pero malinaw ang mensahe.Asawa niya si Yumi. At walang si

  • The Fake Wife's Perfect Revenge   CHAPTER 191

    NANIGAS ang panga ni Clyde. Ramdam pa rin niya ang hapdi ng pagkakasampal sa kanya, ngunit sa pagkakataong iyon ay tila wala na iyong halaga.Mas masakit pa rin ang malamig na tingin ni Yumi. Mas masakit pa rin ang paraan ng pagtingin nito sa kanya na para bang isa na lamang siyang estranghero."You can hit me all you want," paos niyang saad. Namula na ang kanyang mga mata. "Pero please, pakinggan mo muna ako."Bahagyang kumunot ang noo ni Yumi. "Wala akong obligasyong makinig sa'yo."Matalim ang bawat salitang lumabas sa kanyang bibig. At sa unang pagkakataon, walang pagtatago sa galit niya."Clyde, seryoso ka ba talaga?"Natigilan ang lalaki.Samantalang si Yumi ay diretsong tumingin sa mga mata nito."Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo, bakit iniisip mong may gusto pa akong simulan sa pagitan natin?"Bahagyang namutla si Clyde. Ngunit bago pa siya makapagsalita ay nagpatuloy si Yumi."Listen carefully,” malamig niyang sabi. "Matagal nang tapos ang lahat."Hindi namalayan ni Clyde na

  • The Fake Wife's Perfect Revenge   CHAPTER 190

    SA GABING iyon, ang plano ni Yumi na isang inumin lamang ay tuluyang nasira. Dahil sa mahabang usapan nila ni Heather, hindi niya namalayang nakaubos na rin siya ng ilang baso. Hindi naman ganoon kalakas ang mga inorder nila. Ngunit sapat na iyon upang bahagyang mabigatan ang kanyang ulo. Nang mapansin niyang palalim na nang palalim ang gabi, agad siyang kumuha ng cellphone. "Time to go home." Bahagyang tumango si Heather. Nauna nang nag-book si Yumi ng driver para sa kanilang pag-uwi kaya wala na silang dapat ipag-alala. Ilang sandali pa ay tumayo si Yumi mula sa kanyang upuan. "Pupunta lang ako sa restroom." "Okay." Naiwan si Heather sa mesa. Bahagya na rin itong nahihilo dahil sa alak. Nakasandal ito sa upuan habang walang gaanong ekspresyong nag-scroll sa mga contact sa cellphone nito. Hindi niya namalayang napunta siya sa pangalan ni Gabriel. Sandali siyang natigilan. Tahimik niyang pinagmasdan ang pangalan nito sa screen. Ngunit bago pa siya makapag-isip nang mas malalim

  • The Fake Wife's Perfect Revenge   CHAPTER 189

    BIGLANG humigpit ang pagkakahawak ni Heather sa baso."Because I have to get married."Lumabas ang mga salitang iyon nang hindi niya namamalayan. Parang matagal na iyong nakabara sa kanyang dibdib at ngayon lamang nakahanap ng pagkakataong makawala.Natigilan si Yumi.Napansin din ni Heather ang sarili niyang sinabi kaya agad siyang natahimik. Ngunit huli na. Narinig na iyon ni Yumi.Tahimik na ibinaba ni Heather ang tingin. Paano niya ba ipapaliwanag ang isang bagay na kahit siya mismo ay nahihirapang tanggapin? Matagal na panahon niyang kinimkim ang lahat.Noong bata pa siya, hindi niya nauunawaan kung bakit tila may mga taong gustong magdesisyon para sa buong buhay niya.Ngunit habang tumatanda siya, mas lalo niyang nauunawaan ang katotohanan. Parang mula pa noong una ay nakaplano na ang direksiyon ng buhay niya. Na para bang hindi sapat na mabuhay siya para sa sarili.Kailangan niyang umasa sa iba. Kailangan niyang sumunod sa gusto ng iba. At kailangan niyang ipagkatiwala ang kina

  • The Fake Wife's Perfect Revenge   CHAPTER 188

    BAHAGYANG napayuko si Heather. Hindi naman na siya nagulat sa naging reaksyon ni Yumi. Sa totoo lang, alam niyang hindi ito ang tipo ng taong makikialam sa buhay ng iba nang walang dahilan. At lalong hindi ito basta mag-aaksaya ng oras para sa isang taong halos hindi naman nito kilala. Tahimik siyang uminom sa hawak na baso. "Tinulungan niya ako noon. Pero parang ayaw niyang malaman ko." Bahagyang ngumiti si Yumi. "Dahil ganoon si Gabriel." Hindi na niya idinetalye pa. May mga bagay na mas mabuting ang mismong taong sangkot ang magsabi. Ilang sandali silang parehong natahimik. Mula sa maliit na entablado ng lounge ay maririnig ang mahinang tugtog ng live band. Humahalo iyon sa mahihinang usapan ng ibang customer sa paligid. Makalipas ang ilang segundo ay muling nagsalita si Yumi. "Actually, malaking risk ang ginawa niya para sa'yo." Napatingin si Heather. "Pero hindi niya kailanman ginamit iyon para pilitin kang suklian siya." Tumango si Heather. Alam niya iyon. Marahil iyon

  • The Fake Wife's Perfect Revenge   CHAPTER 122

    SA SANDALING makauwi si Yumi sa kanilang unit, sunod-sunod na nag-vibrate ang kanyang phone.Isang bank notification ang agad niyang nakita. May pumasok na halaga na may label na subsidy para sa equity transfer processing fees. Hindi pa man siya nakakausad, agad namang may tumawag mula sa isang unk

  • The Fake Wife's Perfect Revenge   CHAPTER 121

    SA LOOB ng pribadong VIP lounge ng airport, tahimik na naghihintay si Adrian Villareal.Nakapatong sa mesa ang tablet na naglalaman ng project report na kailangan niyang talakayin, ngunit hindi iyon ang laman ng isip niya. Paulit-ulit na bumabalik sa alaala niya ang huling tingin ni Yumi bago siya

  • The Fake Wife's Perfect Revenge   CHAPTER 116

    MABILIS na inayos ni Marco ang kanyang kurbata at diretsong naglakad patungo sa elevator, ngunit bago pa siya tuluyang makarating, sinalubong siya ni Yumi mula sa kabilang direksyon.“Mr. Zamora,” mahinahon ngunit may bahid ng ngiti niyang sambit. “Aren’t you about to meet the partners? Where are y

  • The Fake Wife's Perfect Revenge   CHAPTER 114

    NAPANSIN ni Heather ang bahagyang paggalaw ng lalamunan ni Gabriel. Umangat at bumaba ang kanyang Adam’s apple, tila pilit niyang nilulunok ang galit na ayaw niyang pakawalan. Ang mga ugat sa kanyang sentido ay nakaumbok, malinaw na pinipigilan niya ang sarili.Kilala niya kapag ganito ang itsura n

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status