LOGINHELLO PO. GUSTO KO LANG PO PASALAMATAN YUNG MGA NAG BABASA UP UNTIL NOW!! THANK YOU SO MUCH POO!!
Chapter 292Agad na nagsalubong ang mga kilay ko nang marinig ang sinabi niya.Tulad ng inaasahan ko, may iba na naman siyang pakay. At alam na alam ko kung ano iyon dahil kahit sa kailaliman ng sikmura niya, alam ko ang takbo ng isip at ugali niya.Padabog kong inilapag ang papel sa lamesa niya. "Hindi na ako magpapagamit sa iyo," madiing sabi ko sa kanya."Really?" nakangising tanong niya.Tumayo ako mula sa pagkakaupo kaya naman napaatras siya. "Oo. Mas pipilitin ko pang magkandakuba sa ibang trabaho na alam kong marangal kaysa gawin ang gusto mo," madiing sabi ko sa kanya."Okay, if that's what you want. Pero sabi mo kanina ay wala kang pera—""Maghahanap ako ng paraan at babayaran kita. Magkano ba ang binayaran mo sa ospital ni Itay? Ibibigay ko sa iyo nang buo, at kung gusto mo ay dadagdagan ko pa ng interes," matapang na sabi ko, habang mas lalong lumalaki ang ngisi sa kanyang labi."Okay, let's see," aniya at muling bumalik sa upuan niya para kuhanin ang isa pang papel. "See it
Chapter 291Kinabukasan ay nakalabas din ako ng ospital. Habang si Itay naman ay wala pa ring malay hanggang ngayon, kaya naman napagdesisyunan kong umuwi muna para makapagdala ako ng gamit niya pagbalik ko."Hoy Maria! Lumabas ka diyan! Demonyita ka!" rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses mula sa labas ng bahay namin.Napabuga na lang ako sa hangin bago isantabi ang mga ginagawa ko at labasin siya."Magandang umaga po, Aling Myrna," bati ko sa kanya."Anong maganda sa umaga, ha! Pagkatapos ng ginawa mo sa anak ko, tingin mo ba ay may igaganda pa ang umaga ko!" galit na sigaw niya."Hindi ko na po kasalanan kung nakulong si Wayne. Sarili niya pong kapabayaan iyon, lalo na matapos ang ginawa niya kay Itay," sagot ko rito."Demonyita ka talaga! Kung hindi mo sana nilandi ang anak ko ay hindi 'to mangyayari sa kanya! Kasalanan mo lahat ng 'to!" dagdag niya pa."Si Wayne po ang kusang lumapit sa akin. Sa tingin niyo po ba ay aabot ng dalawang taon ang panliligaw niya sa akin kung nil
Chapter 290Ramdam ko ang pananakit ng buong katawan ko nang dahan-dahan kong imulat ang aking mga mata.Hindi pamilyar sa akin ang lugar kaya naman kahit masakit ay pinilit kong umupo mula sa pagkakahiga."Oy! Ano ba? Huwag ka munang masyadong gumalaw," rinig kong sabi ni Hilda."Nasaan ako?" nanghihinang tanong ko sa kanya bago inilibot ang tingin sa paligid."Nasa ospital ka, hindi ko alam kung anong nangyari sa'yo. Basta tinawagan na lang ako ni Kio," aniya. Nang marinig ko ang sinabi niya ay agad na bumalik lahat ng alaala ko.Simula nang makausap ko si Wayne hanggang sa ginawa niyang pananakit kay Itay ay muli kong naalala."H-Hilda, si Itay? Nasaan si Itay?""Ang itay mo? Nandito ang itay mo?" takang tanong niya sa akin."Hindi ko maalala ang nangyari pero duguan si Itay, Hilda! Sinaksak siya ni Wayne," kwento ko sa kanya."Ano!" hindi makapaniwalang sabi niya. "Teka, tatawag ako ng doktor," aniya at dali-daling lumabas.Napasabunot na lang ako sa sarili kong buhok dahil hindi k
Chapter 289TW: This chapter contains sensitive scenes. Please skip if you feel uncomfortable.Kinabukasan ay napagdesisyonan kong huwag muna pumasok sa hacienda. Linggo naman at walang masyadong trabahong kailangang gawin.Sa mga ganitong araw ay pumapasok pa rin talaga ako, pero sa ngayon ay kailangan ko ng katahimikan at kapayapaan. Hindi ko makukuha iyon kung papasok ako sa trabaho at makikita si Kio.Sumabay pa si Wayne sa mga iniisip ko. Halos magdamag siyang tumatawag at nagpapadala ng mensahe. Pero ni isa sa mga iyon ay hindi ko sinagot o binasa.Masyadong sarado ang isip ko ngayon para makausap siya. At panigurado akong itatanggi at itatanggi niya ang ginawa niyang panloloko sa akin.Napahinto na lang ako sa pagmumuni-muni ko nang makarinig ng sunod-sunod na katok mula sa labas ng bahay.Tumayo ako mula sa kama para silipin kung sino iyon. At nang makitang si Wayne iyon ay parang lalong nasira ang araw ko."Anong kailangan mo?" walang emosyong tanong ko sa kanya nang pagbuksan
Chapter 288Parang nag-init ang buong katawan ko at nagsimulang mamawis. Gusto kong tumakbo at lumayo sa kanya pero hindi ko magawa. Hindi ko magawang gumalaw at takbuhan siya."Hey, silang dalawa ang makakasama mo dito. You better be on your best behavior," saway sa kanya ni Kuya Keefer."What? I'm not doing anything, I'm just greeting her," painosenteng sabi niya pa."I'll take my leave. Kayo na ang bahala sa bahay," muling paalam ni Kuya Keefer.Rinig kong nagsalita si Kio pero para akong nabingi at walang maintindihan sa sinasabi niya.Sumama sina Riya at Kio sa paghatid kay Kuya Keefer sa labas ng mansyon habang ako naman ay tulala pa rin mula sa kinatatayuan ko.Ibig sabihin ay si Kio ang tinutukoy ng senyor na mamahala dito sa hacienda? Ano na ang gagawin ko? Hindi pa ako handa na harapin siya. "Why didn't you come home yesterday? Akala ko pa naman ay makikita na kita," rinig kong sabi ni Riya.Nang lingunin ko ang gawi nila ay nakita kong nakapalupot ang kamay niya sa bewang n
Chapter 287"Hey? Are you good?"Agad na napunta ang tingin ko kay Riya nang marinig siya."A-Ayos lang," pilit-ngiting sagot ko sa kanya."Hmm? Do you know that guy? I thought you were gonna approach him," tanong niya sa akin habang nakatingin sa gawi ni Wayne.Agad naman akong umiling. "Hindi, napagkamalan ko lang," tanggi ko sa kanya."Okay, then. Let's start our shopping, it's already night. Baka sarahan na tayo nila," patawang sabi niya at hinatak ako.Kung saan-saang store napadpad si Riya, habang ako naman ay tahimik na sumunod sa kanya.Buong oras na namimili kami ay tahimik lang ako. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko kanina.'Talaga bang si Wayne iyon? Baka naman namalikmata lang ako? Pero imposible, nakita ko ang tattoo niya sa braso kaya imposible magkamali ako sa nakita ko.'Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Nasasaktan ako sa nakita ko. Lahat ng mga alaala na magkasama kami ay paulit-ulit na bumabalik sa isip ko.Totoo ba lahat ng iyon? Yung mga pinakita niya, yung







