LOGINHindi kailanman pumasok sa isipan ni Zoren Caius Voss na mahuhulog siya—lalo na sa isang fashion show na sa simula't sapul ay ayaw naman talaga niyang daluhan. Ngunit nang tumama ang paningin niya kay Renese Diora Kensington, a socialite draped in silk and scandal, alam niyang wala nang atrasan. From that moment on, she was all he could see. And Zoren always gets what he wants. When Renese’s fashion empire teeters on the edge of collapse, Zoren offers her one way out: marry him… or lose everything. It’s a business deal, he says—but the fire in his eyes tells a different story. Ngayong ikinasal na sila, ginugol ni Zoren ang bawat araw para siguraduhing hindi na ito makakatakas. Binigyan niya si Renese ng lahat—yaman, pangalan, kapangyarihan. Pero kapalit nito, ang kalayaan ng dalaga. Pero habang lumalalim ang kanilang kasal, unti-unti namang nabubuwag ang depensang matagal itinayo ni Renese para sa sarili. And the deeper she falls into Zoren’s world, the more she realizes that this man will ruin kingdoms just to keep her and maybe—just maybe, she’ll let him.
View MoreTAHIMIK lang na naghahapunan ang pamilya Agustine at ang pamilya ni Renese sa hapagkainan. Walang nagtatangkang magsalita o bumasag sa katahimikan. Ang tanging ingay lang na bumabalot sa bahaging iyon ng kanilang munting tahanan ay ang tunog ng nagtatamang kutsara’t tinidor sa isa’t isa. Panay ang sulyap ni JD kay Renese na kanina pa hindi mapakali at panay rin ang sulyap sa pinto kung saan naroroon pa rin si Zoren sa mga oras na ‘to. Nanay Jusa cleared her throat. “Mga apo, pagkatapos ninyong kumain ay matulog na kayo kaagad ha? Maaga pa tayong aalis bukas,” tuluyang basag ng matanda sa mga batang enjoy na enjoy sa pagkain ng pinakbet. “Yes po, Lola!” sabay na turan ng mga bata. Pagkatapos nilang kumain ay dumiretso na sa kwarto ang mga bata. Ang natira na lang sa kusina ay sina JD, Nanay Jusa, at si Renese na tahimik na naghuhugas ng pinggan. “Hija,” tawag ni Nanay Jusa kay Renese. “Hindi ka ba naaawa?” Natigilan si Renese sa kanyang ginagawa pero ipinagpatuloy din niya ang pa
ABALA si Renese sa paggisa ng sibuyas at bawang sa kawali. Kumalat sa paligid ng kanilang bahay-kubo ang mabangong amoy habang tuloy-tuloy niyang hinahalo iyon gamit ang sandok. Maaga siyang naghahanda ng hapunan dahil mabilis nang magdidilim kaya mas mahihirapan na siyang kumilos kapag gabi na. Hindi pa umuuwi sina Nanay Jusa, JD, at JM. Sina Nanay Jusa at si JD ay umalis para kunin ang ipinangakong pera na gagamitin bilang panimulang pera sa relocation site, habang si JM naman ay nagpunta para kunin ang mahahalagang dokumento niya sa school dahil lilipat na siya ng pag-aaral. Nakatakda na kasi silang umalis bukas ng umaga bilang bahagi ng first batch ng lilipat. Sinabi ni JD kay Renese kanina na inaasahang darating mamayang gabi ang barkong sasakyan nila papunta sa syudad. Buong araw na balisa si Renese, pero habang lumilipas ang oras ay unti-unti siyang kumalma. Kumbinsido na kasi siyang makakaalis sila sa isla nang hindi nagtatagpo ang landas nila ni Zoren. Knock. Knock. Kno
ALA sais na ng umaga pero gising na gising pa rin ang diwa ni Zoren habang nagbabasa ng ilang folder na naglalaman ng pangalan ng lahat ng residente sa Isla Azores simula 1970 hanggang sa kasalukuyan. Wala pa siyang tulog. Kaunti lang rin ang kinain niya buong magdamag dahil sa dedikasyon niyang mahanap ang pangalan ng asawa niyang limang taon nang nawawala. “Is this all?” Zoren asked for the ninth time to Felix, who was clearly exhausted and sleepy. Nagulat si Felix sa boses ng kanyang amo, kaya’t hindi na natuloy ang paghila sa kanya ng antok. “Y-Yes, sir…” Felix answered. Zoren continued flipping pages and scanning names of the people in the current year. Halos maduling na siya sa dami ng pangalan na nakikita niya, pero hindi pa rin siya tumitigil. His jaw tightened. “I know what I saw…” he whispered. Hindi niya ipagkakailangan madalas siyang namamalikmata na nakikita si Renese nitong mga nakalipas na taon, pero iba ang nangyari kahapon. Hindi lang iyon simpleng imagination
NANLALAKI ang matang biglang napatayo si Renese nang makita si Liora na nakatayo ngayon sa pinto ng bahay nina Mang Francisco. Lahat ay nanigas sa kanilang mga puwesto habang nakatingin sa babae na masama ang tingin kay Renese. Hindi nila napansin na nakasunod pala ito sa kanila dahil sa sobrang pagkataranta sa kalagayan ngayon ni Riri. Renese turned to Nanay Jusa and JM. “’Nay, kayo na muna po ang bahala kay Roro, ha? Kakausapin ko lang po siya sa labas,” mahinahon na pakiusap ni Renese sa matanda. Kahit nagtataka ay tumango naman kaagad ito. Nginitian lang siya ni JM bago kinarga si Roro na panay pa rin ang singhot ng sipon, dahilan ng walang tigil na pag-iyak nito kanina. Renese turned to Liora. “Let’s talk outside,” Renese said coldly and walked past her. Naramdaman kaagad ni Renese ang mabibigat na hakbang ni Liora sa buhangin. Ramdam niya ang kirot sa kanyang mga paa, pero mas nangingibabaw ang kaba at pagod sa dibdib niya. Liora broke the silence between them by letting o
TAHIMIK LANG si Renese habang nakatitig sa labas ng bintana papunta sa restaurant kung saan niya kikitain ang boyfriend ni Ravisse. It’s been two weeks since they started to investigate Ravisse’s past, and it’s harder than they ever imagined. Hindi naging madali para sa kanilang kumbinsihin ang bo
“RENESE, DARLING! You look tired. Manila life is wearing you down, I see. Come in, come in! I have so many pasalubong to show you fresh from Europe!” excited na bunga sa kaniya ng ina niyang si Roxanne nang makapasok siya sa mansion nila.Bumungad sa kaniya ang sala na punong-puno ng mga paper bag
NANGINGINIG ang kamay na binaba ni Renese ang phone niya pagtapos niyang kausapin si Franky na pinaliwanag sa kaniya ang lahat ng nalaman nito sa pag-iimbestiga.Zoren was standing behind her while rubbing her back to calm her down.“Calm down, wife. I’m here. Relax,” Zoren said.She shook her head
“ANOTHER Bacardí Gold, please,” Renese calmly ordered to the bartender once again, who immediately obeyed.She’s quietly observing the ice slowly melt and mix with the Bacardí in the rock glass. She was composed. No crying and no drama, but she’s clearly hurting. She was just there sitting calmly i






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews