Share

CHAPTER 2: For Lola Azon

Author: Lilianna Jade
last update publish date: 2026-07-04 21:27:33

Halos isang oras pa ang lumipas bago tuluyang mailabas si Lola Azon mula sa emergency room.

Tahimik kong sinundan ang stretcher na tinutulak ng dalawang nurse. Habang naglalakad kami sa mahabang pasilyo ng ospital, hindi ko inaalis ang tingin ko sa mukha ni lola. Nakakabit pa rin sa kaniya ang suwero at oxygen cannula habang paminsan-minsang tumutunog ang portable monitor na nakakabit sa gilid niya.

"Ma'am, dito po tayo,” sambit ng isa sa nurse na kasama namin ni lola.

Huminto kami sa tapat ng isang pribadong silid.

Maingat na inilipat ng mga nurse si lola mula sa stretcher papunta sa kama. Isa-isa ring inayos ang mga nakakabit na tubo sa kaniyang katawan. Sinuri ang suwero, kinuhanan siya ng blood pressure, at ikinabit ang monitor na susukat sa tibok ng kaniyang puso.

"Azon Mendoza?" tanong ng isang nurse habang sinusuri ang chart ni Lola Azon.

Tumango ako.

"Okay po. Mamaya ay may ilang laboratory requests pa pong kukunin sa pasyente. Kailangan din po nating obserbahan ang blood pressure niya kada oras."

Matapos asikasuhin ng mga nurses si lola ay lumapit sa akin ang isa sa mga nurse. May hawak itong makapal na clipboard.

"Ikaw ba ang watcher ng pasyente?"

"Opo,” mabilis kong sagot. Sandali kong sinulyapan ang papel na nakalagay sa clipboard. Nakita ko roon ang pangalan ni Lola Azon.

"Inihanda na po namin ang admission papers ng pasyente. Pakibasa na lang po at paki-pirmahan."

Tiningnan ko ang mga papel. Isa-isa kong binasa ang bawat pahina kahit halos wala na akong maintindihan sa dami ng nakasulat.

"Nurse..." mahina kong tawag. "Pwede po bang mamaya na lang ang down payment? Wala pa po kasi akong hawak na pera ngayon."

“Wala pong problema. Basta kung gusto niyo pong makita ang initial billing ng pasyente ay sa billing window po kayo magpunta. Nasa first floor po ‘yon nitong building.”

Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang lumabas ang mga nurse sa silid. Pag-alis nila ay binalot ng katahimikan ang pribadong kwarto ni lola. Tanging ang mahinang tunog lang ng heart monitor at ang malamig na ihip ng air conditioner ang maririnig.

Malalim akong nagbuntong hininga. Dahan-dahan akong umupo sa maliit na upuan sa tabi ng kama ni lola. Pag-upo ko ay doon mo lamang napagtanto na nanginginig pa rin pala ang mga kamay ko. Ngayon lang nagsimulang sumagi sa isip ko ang lahat ng nangyari.

“Laban lang po, lola. Magiging maayos din po ang lahat.”

Dahil tulog si Lola Azon ay tumungo muna ako sa tabi niya. Hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako dahil sa sobrang pagod.

Ilang oras ko ring hawak ang kamay niya. Takot akong bitawan iyon kahit saglit dahil pakiramdam ko, kapag binitiwan ko ang kamay niya ay tuluyan na rin siyang mawawala sa akin.

“Victoria,” mahina niyang tawag. 

Naalimpungatan ako kaya agad akong nagmulat ng mga mata. Pagtingala ko, nakatingin sa akin si Lola Azon. Bahagya siyang nakangiti habang pinipisil-pisil ang kamay ko.

“Lola… gising na po kayo,” napatayo ako. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Maingat ko siyang niyakap.

Tinapik-tapik niya ang likod ko. Noong sandaling iyon ay naiiyak na ako pero pinigilan ko lamang ang aking sarili.

“Kumusta po ang pakiramdam niyo, lola? Nahihilo pa po ba kayo?”

Umiling siya. Hinaplos niya ang pisngi ko. “Ayos na ako, apo. Nahilo lang naman ako. Bakit mo pa ako dinala dito, eh wala tayong ibabayad dito.”

Ngumiti ako ng pilit. Napalunok ako habang napapa-isip kung paano ko sasabihin kay lola ang kondisyon niya.

“Bakit ka natahimik diyan? Tumayo ka na, apo. Sabihin mo sa nurse na uuwi na tayo. Wala tayong pera na ibabayad dito.” 

Pilit na naupo si lola pero pinigilan ko siya. 

“Huwag niyo pong pilitin ang sarili niyo. Hindi pa po kaya ng katawan niyo na gumalaw-galaw kaya mahiga po muna kayo, lola.” Inabot ko ang pisngi niya at hinaplos din iyon. “Dito po muna tayo habang nagpapagaling kayo.”

“Pero, apo… ayos lang ako. Tsaka sa bahay na lang ako magpapahinga. Ayoko dito dahil lalo akong magkakasakit dito.”

“Lola, huwag na pong makulit, okay? Sige po kayo mas lalo tayong hindi makakalabas kapag naging matigas ang ulo niyo.” Inabot ko ang bandang ulo ni Lola Azon at hinaplos-haplos ko iyon. Hinalikan ko rin ang noo niya. “Magpagaling po kayo, lola! Laban po tayo ha?”

Nang mag-unat ako ng ulo ay nagtama ang mga mata namin ni lola. Kabisado niya ako at nabasa niya ang lungkot sa mga mata ko kaya hindi niya naiwasang magtanong.

“T-teka lang, apo… bakit malungkot ang mga mata mo? Ano’ng problema? M-may nangyari ba?” sunod-sunod na tanong ni Lola Azon.

Hindi ko alam kung paano siya sasagutin. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya ang totoo. Kung paano at saan ako magsisimula. 

Bumwelo ako. Tumikhim. Handa na akong sabihin kay lola ang tungkol sa sitwasyon niya nang biglang bumukas ang pintuan. 

“Tito Martin—” sambit ko nang iluwa ng pintuan si Tito Martin—ang bunsong anak ni Lola Azon.

“Ikaw talaga, Victoria! Bakit hindi mo sinabi sa akin na nandito kayo ni mama? Kung hindi pa tumawag si Ate Tess, hindi ko pa malalaman na naka-confine dito si mama,” baritonong sambit ni Tito Martin pagpasok niya pa lamang. 

“Huwag mong sisihin si Victoria, Martin. Baka nataranta lang siya noong nahilo ako at bumagsak kaya sinugod na niya ako agad dito ng hindi tumatawag sa inyo.”

“Iyan ka na naman, ma! Pinagtatanggol mo na naman ‘yang ampon mo.” Nagpamewang si Tito Martin matapos niyang sabihin iyon. Sinamaan naman siya ng tingin ni Lola Azon. 

Alam kong magtatalo na naman ang mag-ina dahil sa akin kaya pumagitna na ako. 

“Tama na po, Lola Azon, Tito Martin! Huwag na po kayong magtalo dahil lang sa akin,” turan ko. 

Hinawakan ko ang braso ni Tito Martin. Bahagya ko siyang hinila palayo kay Lola Azon.

“Please, Tito Martin… mabigat ang pinagdadaanan ni lola ngayon. Huwag muna natin siyang bigyan ng stress dahil hindi naman biro ang pinagdadaanan niya.” Pakiusap ko. Hindi sumagot si Tito Martin sa pakiusap ko pero alam ko na naintindihan niya ako. 

Tumikhim siya. Naghila siya ng upuan at pumuwesto sa tabi ni lola. “Ako na muna ang bahala na magbantay kay mama. Bumalik ka sa palengke at ipaubos mo ang mga paninda niyo.”

Kapwa kami nagkatinginan ni Lola Azon. Alam kong ayaw niya na iwan ko siya. 

“P-pero Tito Martin…”

“Malaking pera ang kakailanganin natin para sa pambayad dito sa ospital. Itong dala ko, tiyak na kukulangin ‘to kaya lumarga ka na. Huwag ka ng mag-aksaya ng oras.”

Hindi na ako umalma pa sa utos ni Tito Martin. Ayokong makipagtalo dahil ayokong ma-stress si Lola Azon kaya inabot ko ang kamay niya. Hinalikan ko siya sa noo bago magpaalam. 

“Aalis muna po ako, lola, ha? Magtitinda muna po ako para may pandagdag po tayo sa pambayad dito sa ospital.”

Lalong humigpit ang hawak ni lola sa kamay ko. Alam ko na ayaw niya akong umalis pero wala akong magagawa. Tama si Tito Martin at si Tita Tess. Kailangan kong tumulong para sa pambayad ni lola sa ospital.

“Ano pang hinihintay mo? Sige na… ako nang bahala dito.”

Tumango ako bago umalis ng kwarto. Paglabas ko ng ospital, agad akong pumara ng traysikel at dumiresto sa palengke. Halos alas-singko na ng hapon nang makarating ako sa puwesto namin ni Lola Azon.

Pagdating ko doon ay kaunti na ang mga mamimili. Ilang tindera na ang nagsisimula nang magligpit ng kani-kanilang paninda.

Napabuntong-hininga ako.

"Hija..."

Napalingon ako sa katabing tindahan. Si Aling Cora iyon.

"Kumusta na si Aling Azon?" tanong niya sa akin.

Pinilit kong ngumiti. "Medyo okay na po pero naka-confine po siya ngayon."

“Naku! Napakahirap maospital sa panahon ngayon. Ilang oras lang ay libo na ang babayaran kaya kayong mga bata, ingatan niyo ang katawan niyo. Mahirap magkasakit. Mahal ang magkasakit.” Napa-iling pa si Aling Cora matapos niyang sabihin iyon. “Kawawa naman si Azon. Sana ay maging maayos na siya.”

Hindi na ako sumagot. Tumango na lang ako dahil hindi ko na kayang magsalita pa. Tahimik kong inayos ang mga natitirang tinapa at daing sa mesa.

Hindi ko alam kung paano ako makakapagtinda sa lagay ng isip ko. Para akong wala sa sarili dahil bawat customer na lumalapit ay napapatingin ako sa oras. Bawat minutong lumilipas ay naiisip ko si Lola Azon.

"Ineng, magkano ang isang kilo ng daing?"

Napakurap ako. "Ah... dalawang daan po."

"Sige, isang kilo."

Mabilis kong isinilid sa supot ang binili ng matanda.

"Salamat."

Pagka-alis ng huli kong customer ay mabilis kong binilang ang perang nasa maliit kong alkansya. Isang libo't apat na raan at walumpung piso.

Napapikit ako.

Hindi man lang ito sasapat sa isang araw na bayad sa ospital. Kulang na kulang ito lalo na sa mga gamot.

Napaupo ako sa monoblock chair habang nakatitig sa mga barya at gusot na perang nasa harapan ko. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapatanong. Ganito lang ba talaga kaliit ang halaga ng buong araw na pagod namin ni lola?

Habang wala akong tigil sa pag-iisip ay biglang may humintong traysikel sa tapat ng puwesto namin. Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko si Tita Tess.

Hindi siya bumaba. Tinanglaw lamang niya ako mula sa butas ng sinasakyan niya.

"Victoria." Sigaw niya kaya tumayo agad ako.

"Tita—”

Sinulyapan niya ang mga natitira pang paninda bago siya muling nagsalita. "Kahit ibenta mo pa lahat ng nasa puwestong 'yan, hindi sasapat ang kikitain mo para sa pagpapagamot ni mama."

Hindi ako nakasagot dahil alam kong totoo ang sinabi niya.

Tumikhim siya bago muling nagsalita. “Napag-isipan mo na ba ang sinabi ko? Payag ka na bang magtrabaho sa Maynila dahil naghahanap ng bagong kasambahay ang amo ko."

Nanlaki ang mga mata ko. "Kasambahay po?"

"Oo." Mabilis niyang sambit. "Kung gusto mong gumaling pa si mama ay sumama ka sa akin sa Maynila. Mayaman ang amo ko kaya may kalakihan din ang sweldo. Ang kikitain mo sa pagtatrabaho doon ay malaki ang maitutulong para makatulong ka sa pagpapagamot sa lola mo.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Ruthless Billionaire's Little Maid   CHAPTER 5: First Encounter

    Pasado alas sais na ng gabi nang magtungo kami ni Tita Tess sa ospital para magpaalam kay Lola Azon. Dumaan muna kami roon bago magtungo sa bus station papuntang Maynila.Tahimik lamang akong nakaupo sa traysikel habang mahigpit na yakap ang maliit kong bag.Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay lalo lamang bumibigat ang bawat minutong lumilipas habang papalapit kami sa ospital. Parang may parte sa akin na gustong umatras. Parang may parte sa akin na gustong manatili na lamang sa tabi ni lola.Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang huminto ang traysikel sa tapat ng ospital. Tahimik akong bumaba."Huwag ka nang magtagal sa loob," paalala ni Tita Tess habang inaayos ang bag na dala niya. "May oras pa tayong hahabulin sa terminal."Tumango lamang ako bilang tugon bago tuluyang pumasok sa loob ng ospital.Pag-akyat ko sa second floor ay tahimik ang pasilyo. Tanging tunog lamang ng aircon at mahinang yabag ng mga nurse ang maririnig. Huminga muna ako nang malalim bago marahang

  • The Ruthless Billionaire's Little Maid   CHAPTER 4: Goodbye, Home

    Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa gilid ng kama ni Lola Azon. Madaling-araw nang maramdaman kong may bahagyang tumapik sa balikat ko."Ma'am, kukunan na po namin ng dugo ang pasyente."Agad akong napabangon. Tiningnan ko ang pinanggalingan ng boses. Attending nurse iyon na tumitingin kay lola dalawang beses sa isang oras."Ah... opo,” wika ko sabay ayos ng upo. Tinapik ng nurse si Lola Azon saka nito sinimulan ang paghahanap ng ugat ni lola na siyang pagkukuhanan ng dugo. Habang ginagawa niya iyon ay napapapikit ang lola ko. Hindi ko naman maiwasang maawa. Hindi kaya ng puso kong makita ang pag-ngibit ni lola. Pakiramdam ko ay puso ko ang tinutundo ng injection kaya nagpaalam muna ako sa nurse na lalabas muna, gayundin kay lola.“Lola, lalabas po muna ako sandali, ha? Babalik din po ako agad.”Hindi sumagot si Lola Azon. Ngiti ang siyang naging tugon niya sa sinabi ko. Hinawakan ko ang kamay niya sandali. Pinisil ko iyon bago Paglabas ko, nadatnan kong nakaupo si Tita

  • The Ruthless Billionaire's Little Maid   CHAPTER 3: Her Decision

    Mula sa palengke ay umuwi muna ako sa amin. Pagkababa ko ng traysikel ay agad kong tinungo ang maliit naming bahay. Tahimik ang buong bakuran. Wala ang pamilyar na boses ni Lola Azon na palaging sumasalubong sa akin tuwing umuuwi ako mula sa palengke. Wala ring amoy ng sinaing na kanin o ng pinatutuyong daing na madalas niyang inaasikaso sa likod-bahay. Huminto ako sa may pintuan. Noon ko lang napagtanto kung gaano pala kalungkot ang bahay kapag wala ang taong bumubuo rito. Dahan-dahan kong itinulak ang lumang pintong yari sa kahoy. Sumalubong sa akin ang maliit naming sala. Naroon pa rin ang lumang sofa na ilang beses nang tinahian ni lola, ang mesa na kami mismo ang gumawa mula sa pinagtagpi-tagping tabla, at ang lumang orasan na paminsan-minsan na lamang tumutunog. Napangiti ako nang bahagya. Kahit simple ang bahay namin ay hindi ko kailanman naramdaman na may kulang sa akin dahil kasama ko si lola. Ang buong buhay ko ay umikot lamang kasama siya. Malalim akong nagbuntong

  • The Ruthless Billionaire's Little Maid   CHAPTER 2: For Lola Azon

    Halos isang oras pa ang lumipas bago tuluyang mailabas si Lola Azon mula sa emergency room.Tahimik kong sinundan ang stretcher na tinutulak ng dalawang nurse. Habang naglalakad kami sa mahabang pasilyo ng ospital, hindi ko inaalis ang tingin ko sa mukha ni lola. Nakakabit pa rin sa kaniya ang suwero at oxygen cannula habang paminsan-minsang tumutunog ang portable monitor na nakakabit sa gilid niya."Ma'am, dito po tayo,” sambit ng isa sa nurse na kasama namin ni lola.Huminto kami sa tapat ng isang pribadong silid.Maingat na inilipat ng mga nurse si lola mula sa stretcher papunta sa kama. Isa-isa ring inayos ang mga nakakabit na tubo sa kaniyang katawan. Sinuri ang suwero, kinuhanan siya ng blood pressure, at ikinabit ang monitor na susukat sa tibok ng kaniyang puso."Azon Mendoza?" tanong ng isang nurse habang sinusuri ang chart ni Lola Azon.Tumango ako."Okay po. Mamaya ay may ilang laboratory requests pa pong kukunin sa pasyente. Kailangan din po nating obserbahan ang blood pres

  • The Ruthless Billionaire's Little Maid   CHAPTER 1: The Diagnosis

    Kanina pa ako pabalik-balik ng lakad sa labas ng emergency room. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong sumilip sa salamin sa itaas ng pinto habang umaasang bubukas iyon at may magsasabing ayos na si lola. Mahigpit kong pinaglaruan ang laylayan ng suot kong lumang palda. Hindi ko na halos maramdaman ang sakit ng mga paa ko sa kakatayo at kakalakad. Hindi ko alam kung ilang beses na akong nagdasal simula nang isugod ko siya rito. "Sino po dito ang kasama ng pasyenteng si Azon Mendoza?" Mabilis akong napatayo mula sa bakal na upuan sa labas ng emergency room nang lumabas ang doktor. "Ako po, Doc. Apo po niya ako." "Pwede ba kitang makausap sandali?" Walang pagdadalawang isip akong tumango sa doktor pero kasabay no’n ay bigla akong nakaramdam ng matinding kaba. Mula nang isugod namin si lola kaninang umaga matapos siyang mawalan ng malay sa palengke ay hindi na ako mapakali. Hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang panginginig ng mga kamay ko. Sinundan ko ang dokt

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status