LOGINMula sa palengke ay umuwi muna ako sa amin. Pagkababa ko ng traysikel ay agad kong tinungo ang maliit naming bahay. Tahimik ang buong bakuran. Wala ang pamilyar na boses ni Lola Azon na palaging sumasalubong sa akin tuwing umuuwi ako mula sa palengke. Wala ring amoy ng sinaing na kanin o ng pinatutuyong daing na madalas niyang inaasikaso sa likod-bahay.
Huminto ako sa may pintuan. Noon ko lang napagtanto kung gaano pala kalungkot ang bahay kapag wala ang taong bumubuo rito. Dahan-dahan kong itinulak ang lumang pintong yari sa kahoy. Sumalubong sa akin ang maliit naming sala. Naroon pa rin ang lumang sofa na ilang beses nang tinahian ni lola, ang mesa na kami mismo ang gumawa mula sa pinagtagpi-tagping tabla, at ang lumang orasan na paminsan-minsan na lamang tumutunog. Napangiti ako nang bahagya. Kahit simple ang bahay namin ay hindi ko kailanman naramdaman na may kulang sa akin dahil kasama ko si lola. Ang buong buhay ko ay umikot lamang kasama siya. Malalim akong nagbuntong hininga. Inilapag ko ang maliit kong bag sa ibabaw ng mesa bago dumiretso sa kusina. Kumuha ako ng isang maliit na kaldero at nagsalang ng tubig. Buti at may natitira pa kaming kalahating tasa ng bigas at sapat na iyon para makagawa ng lugaw. Habang hinihintay kong kumulo ang tubig, isa-isa kong hiniwa ang luya na nakasabit pa sa gilid ng kusina. Umawang ang labi ko. Parang narinig ko ang boses ni lola na pinapaalala sa akin na huwag na huwag magtitipid sa luya dahil mas masarap ang lugaw kapag mas marami no’n. Naaalala ko pa noon. Kapag may sakit ako ay lugaw ang palaging niluluto ni lola sa akin kaya ngayong siya ang may sakit ay ako naman ang magluluto para sa kaniya. Tahimik kong hinahalo ang lugaw hanggang sa unti-unti itong lumapot. Naglagay na ako ng mga pampalasa sa lugaw at ang huling itlog na natitira sa bahay. "Pasensya na po, la," mahina kong bulong. "Ito lang muna ang kaya kong ihanda para sa’yo." Matapos kong mailipat ang lugaw na niluto ko sa food container ay dumiretso ako sa kwarto namin. Binuksan ko ang lumang kabinet. Kumuha ako ng dalawang bestida ni lola, isang tuwalya, toothbrush, suklay, at ang salamin niyang madalas niyang hanapin kapag nagbabasa ng dasal. Nakita ko rin ang rosaryong palagi niyang hawak bago matulog. Sandali ko iyong tinitigan. Pagkatapos ay marahan kong isinama sa bag. "Hindi puwedeng mawala ito," nakangiti kong sabi. Habang isinasara ko ang kabinet ay may kumatok sa pintuan. "Victoria?" Napalingon ako. "Aling Cora, kayo po pala. Ano pong sadya niyo? Papunta pa lang po ako sa ospital. Pagkatapos ko pong ayusin ang gamit niya ay babalik na din po ako doon.” Napabuntong-hininga ito. May inilabas itong maliit na sobre mula sa bulsa ng suot nitong bestida at iniabot ito sa akin. “Pagdamutan mo na ito, Victoria! Maliit lang ito pero sana ay makatulong ‘to sa lola mo.” Napatulo ang luha ko. Nanginginig kong tinanggap ang sobre. “Hindi ko po ito tatanggihan, Aling Cora. Kailangang-kailangan po namin ito ngayon.” Tinapik ni Aling Cora ang balikat ko. Niyakap ko naman siya ng mahigpit. Alam mo, napakabuti ng lola mo. Noong magkasakit ang asawa ko at nawalan ng trabaho, si Azon ang unang nagdala ng pagkain sa bahay namin. Palagi siyang bukas palad sa lahat kaya hayaan mo naman ako na makabawi sa kaniya." “Maraming salamat po. Tatanawin ko po itong isang malaking utang na loob.” “Huwag mong isipin ‘yon. Bukas ay mag-iikot ako sa palengke. Kakalap ako ng tulong sa mga kapwa tindero at tindera natin at ibibigay ko agad ‘yon sa’yo.” Sa tuwa ko ay hindi ko na napigilan umiyak. Pagka-alis ni Aling Cora ay agad kong isinilid ang sobre sa bag. Huminga ako nang malalim bago ito damputin. Tumikhim ako. Mahigpit kong hinawakan aking bag na naglalaman ng mga gamit ni Lola Azon at ang food container ng lugaw na niluto ko bago ako muling sumakay ng traysikel pabalik sa ospital. Halos mag-aalas siyete na ng gabi nang makarating ako roon. Pagpasok ko ng ospital ay tahimik na ang buong pasilyo. Iilan na lamang ang mga taong naglalakad sa labas habang abala naman ang mga nurse sa pag-aasikaso sa kani-kanilang mga pasyente. Lumunok ako. Kumatok na rin ako ng mahina bago marahang itinulak ang pinto ng pribadong silid ni lola. "Apo..." Napangiti ako nang marinig ang boses ni Lola Azon. Gising pa pala siya. Nakasandal siya sa ulunan ng kama habang magkatabing nakaupo sina Tita Tess at Tito Martin sa gilid niya. Nang mapansin nila ako ay sabay silang napalingon. "Buti at bumalik ka na, apo," sambit ni Lola Azon. "Opo, La." Lumapit ako sa kaniya at inilapag ang bag sa maliit na mesa sa tabi ng kaniyang kama. "Nagluto po ako ng lugaw. Baka sakaling magustuhan ninyo." "Naku, nag-abala ka pa." Umiling ako. "Hindi po iyon abala, lola. Maliit na bagay lang po ito kumpara sa lahat ng ginawa niyo para sa akin.” Hihila pa lamang sana ako ng upuan nang muling bumukas ang pinto ng pribadong silid. "Magandang gabi po—” Pumasok ang doktor kasama ang isang nurse na may hawak na medical chart. Sabay-sabay kaming napatayo. "Kumusta na po ang pakiramdam natin, Lola Azon?" nakangiting tanong ng doktor. "Mas maayos na po kaysa kanina, Doc." Wika naman ni lola. "Mabuti kung ganoon." Binuklat ng doktor ang chart bago muling humarap sa amin. "Sa ngayon ay maganda ang naging tugon ng katawan ninyo sa mga unang gamot na ibinigay namin. Bumaba na rin ang blood pressure ninyo at naging stable ang vital signs ninyo." Dahil sa tinuran ng doktor ay bahagyang gumaan ang dibdib ko ngunit agad ding nawala ang ginhawang iyon nang muli itong nagsalita. "Pero hindi pa rin tayo maaaring maging kampante." Dugtong nito. Natahimik kaming lahat. "Ang pagkawala ng malay ni Lola Azon ay hindi lamang dulot ng mataas na blood pressure. Kailangan pa nating alamin kung gaano na kalawak ang epekto ng sakit sa kaniyang mga bato at kung paano nito naaapektuhan ang iba pa niyang mga organs." Napahigpit ang hawak ko sa bakal sa gilid ng kama ni Lola Azon. "Ano pa po ang kailangan niyang pagdaanan, Doc?" tanong ni Tito Martin. "Bukas ng umaga ay kukuhanan ulit siya ng dugo para sa repeat blood chemistry, creatinine, BUN at electrolyte tests. Magpapagawa rin tayo ng urinalysis at renal ultrasound upang makita ang kondisyon ng kaniyang mga bato." Sandali siyang tumigil bago nagpatuloy. "Dahil nakitaan din siya ng komplikasyon sa puso, ipapa-ECG at 2D echocardiogram din natin siya." Napayuko ako. Parang bawat test na binabanggit ng doktor ay lalo lamang nagpapatunay na mas malala ang kondisyon ni lola kaysa sa inaakala ko. "Kapag kumpleto na ang lahat ng resulta, saka natin mapagpapasyahan ang pinakaangkop na gamutan para sa kaniya." Tumango si Tita Tess. "Gagawin niyo po ang lahat ng kailangan, Doc. Para lang gumaling siya. Huwag po kayong mag-alala dahil handa rin po kaming gawin ang lahat para lang gumaling si mama." "Maganda iyon," tugon ng doktor. "Ang mahalaga ngayon ay manatiling positibo ang pasyente at masunod ang lahat ng kailangan niyang gamutan." Pagkasabi niyon ay bahagya siyang ngumiti bago lumabas ng silid kasama ang nurse. Muling binalot ng katahimikan ang silid paglabas ng doktor pero ako ang unang bumasag nito. "Lola, tikman n'yo muna po ang lugaw na niluto ko habang mainit-init pa." Tinulungan ko siyang umayos ng upo bago siya marahang sinubuan. Napangiti siya matapos ang unang subo. "Ang sarap naman nito, apo. Manang-mana ka talaga sa akin!” Napatawa ako. "Naku, lola. Baka naman binobola n'yo lang po ako." "Hindi, ah. Mas masarap pa nga ito kaysa sa niluluto ko." "Lalo pong hindi kapani-paniwala iyan dahil wala na pong tutumbas sa luto niyo. Luto niyo po kaya ang pinakamasarap na natikman ko.” Napangiti rin si Tito Martin habang umiiling dahil sa tinuran ko. "Paborito ka talaga ni mama." Hindi na ako sumagot. Tahimik ko na lamang ipinagpatuloy ang pagsubo ng lugaw kay lola. Hanggang sa si Tita Tess ang malalim na napabuntong-hininga. "Victoria—” Napatingin ako sa kaniya. "Napag-isipan mo na ba ang sinabi ko kanina?" Alam kong ang tinutukoy niya ay ang alok niyang trabaho sa Maynila. Hindi ako nakasagot kaagad. "Tess..." mahinang saway ni Lola Azon. "Huwag na muna natin iyang pag-usapan." "Kung hindi ngayon, kailan pa, ma?" sagot ni Tita Tess. "Alam niyo naman siguro ang kondisyon niyo. Hindi biro ang perang kakailanganin natin. Hindi lang barya ang babayaran sa pagpapagamot ninyo. Hindi naman sapat ang perang kinikita ko dahil may pamilya din akong binubuhay. Kung hindi siya magtatrabaho, paano siya makakatulong sa atin? Matanda na ‘yang paborito mong apo. Kaya na niyang magbanat ng buto.” Umiling si Lola Azon. "Hindi kailangang magsakripisyo ni Victoria para sa akin." Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. "Huwag kang sasama sa Maynila, apo. Dito ka lang sa tabi ko. Mataas ang pangarap ko para sa’yo. Hindi kita pinalaki para magsilbi sa ibang tao." Napababa ako ng tingin. Kung may ibang paraan lang, kung may ibang trabaho lang na puwede kong pasukan ay pipiliin ko iyon pero sa ngayon ay wala. Wala akong pamimilian. Payak akong ngumiti at marahang pinisil ang kamay ni Lola Azon. "Lola, huwag na po kayong mag-alala. Kung ito lang po ang paraan para matulungan ko kayo.” “P-pero, apo… iyon ba talaga ang gusto mo?” Maluha-luha akong tumango. “Gagawin ko po ito dahil mahal na mahal ko po kayo, lola. Gusto ko po na gumaling kayo kaya gagawin ko po ang lahat. At kung kailangan kong isakripisyo ang sarili ko para gumaling kayo, handa po akong gawin iyon." Hindi na napigilan ni Lola Azon ang sarili niya. Napaiyak na lamang siya habang pinipisil-pisil ang kamay ko. “Halika nga rito, Victoria! Payakap si lola sa maganda niyang apo.” Walang pag-aatubili akong naupo sa tabi niya at yumakap sa kaniya ng mahigpit. Naiiyak na rin ako noong sandaling iyon pero nilalabanan ko ang sarili kong luha huwag lamang iyong pumatak dahil ayaw kong malungkot siya.Pasado alas sais na ng gabi nang magtungo kami ni Tita Tess sa ospital para magpaalam kay Lola Azon. Dumaan muna kami roon bago magtungo sa bus station papuntang Maynila.Tahimik lamang akong nakaupo sa traysikel habang mahigpit na yakap ang maliit kong bag.Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay lalo lamang bumibigat ang bawat minutong lumilipas habang papalapit kami sa ospital. Parang may parte sa akin na gustong umatras. Parang may parte sa akin na gustong manatili na lamang sa tabi ni lola.Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang huminto ang traysikel sa tapat ng ospital. Tahimik akong bumaba."Huwag ka nang magtagal sa loob," paalala ni Tita Tess habang inaayos ang bag na dala niya. "May oras pa tayong hahabulin sa terminal."Tumango lamang ako bilang tugon bago tuluyang pumasok sa loob ng ospital.Pag-akyat ko sa second floor ay tahimik ang pasilyo. Tanging tunog lamang ng aircon at mahinang yabag ng mga nurse ang maririnig. Huminga muna ako nang malalim bago marahang
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa gilid ng kama ni Lola Azon. Madaling-araw nang maramdaman kong may bahagyang tumapik sa balikat ko."Ma'am, kukunan na po namin ng dugo ang pasyente."Agad akong napabangon. Tiningnan ko ang pinanggalingan ng boses. Attending nurse iyon na tumitingin kay lola dalawang beses sa isang oras."Ah... opo,” wika ko sabay ayos ng upo. Tinapik ng nurse si Lola Azon saka nito sinimulan ang paghahanap ng ugat ni lola na siyang pagkukuhanan ng dugo. Habang ginagawa niya iyon ay napapapikit ang lola ko. Hindi ko naman maiwasang maawa. Hindi kaya ng puso kong makita ang pag-ngibit ni lola. Pakiramdam ko ay puso ko ang tinutundo ng injection kaya nagpaalam muna ako sa nurse na lalabas muna, gayundin kay lola.“Lola, lalabas po muna ako sandali, ha? Babalik din po ako agad.”Hindi sumagot si Lola Azon. Ngiti ang siyang naging tugon niya sa sinabi ko. Hinawakan ko ang kamay niya sandali. Pinisil ko iyon bago Paglabas ko, nadatnan kong nakaupo si Tita
Mula sa palengke ay umuwi muna ako sa amin. Pagkababa ko ng traysikel ay agad kong tinungo ang maliit naming bahay. Tahimik ang buong bakuran. Wala ang pamilyar na boses ni Lola Azon na palaging sumasalubong sa akin tuwing umuuwi ako mula sa palengke. Wala ring amoy ng sinaing na kanin o ng pinatutuyong daing na madalas niyang inaasikaso sa likod-bahay. Huminto ako sa may pintuan. Noon ko lang napagtanto kung gaano pala kalungkot ang bahay kapag wala ang taong bumubuo rito. Dahan-dahan kong itinulak ang lumang pintong yari sa kahoy. Sumalubong sa akin ang maliit naming sala. Naroon pa rin ang lumang sofa na ilang beses nang tinahian ni lola, ang mesa na kami mismo ang gumawa mula sa pinagtagpi-tagping tabla, at ang lumang orasan na paminsan-minsan na lamang tumutunog. Napangiti ako nang bahagya. Kahit simple ang bahay namin ay hindi ko kailanman naramdaman na may kulang sa akin dahil kasama ko si lola. Ang buong buhay ko ay umikot lamang kasama siya. Malalim akong nagbuntong
Halos isang oras pa ang lumipas bago tuluyang mailabas si Lola Azon mula sa emergency room.Tahimik kong sinundan ang stretcher na tinutulak ng dalawang nurse. Habang naglalakad kami sa mahabang pasilyo ng ospital, hindi ko inaalis ang tingin ko sa mukha ni lola. Nakakabit pa rin sa kaniya ang suwero at oxygen cannula habang paminsan-minsang tumutunog ang portable monitor na nakakabit sa gilid niya."Ma'am, dito po tayo,” sambit ng isa sa nurse na kasama namin ni lola.Huminto kami sa tapat ng isang pribadong silid.Maingat na inilipat ng mga nurse si lola mula sa stretcher papunta sa kama. Isa-isa ring inayos ang mga nakakabit na tubo sa kaniyang katawan. Sinuri ang suwero, kinuhanan siya ng blood pressure, at ikinabit ang monitor na susukat sa tibok ng kaniyang puso."Azon Mendoza?" tanong ng isang nurse habang sinusuri ang chart ni Lola Azon.Tumango ako."Okay po. Mamaya ay may ilang laboratory requests pa pong kukunin sa pasyente. Kailangan din po nating obserbahan ang blood pres
Kanina pa ako pabalik-balik ng lakad sa labas ng emergency room. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong sumilip sa salamin sa itaas ng pinto habang umaasang bubukas iyon at may magsasabing ayos na si lola. Mahigpit kong pinaglaruan ang laylayan ng suot kong lumang palda. Hindi ko na halos maramdaman ang sakit ng mga paa ko sa kakatayo at kakalakad. Hindi ko alam kung ilang beses na akong nagdasal simula nang isugod ko siya rito. "Sino po dito ang kasama ng pasyenteng si Azon Mendoza?" Mabilis akong napatayo mula sa bakal na upuan sa labas ng emergency room nang lumabas ang doktor. "Ako po, Doc. Apo po niya ako." "Pwede ba kitang makausap sandali?" Walang pagdadalawang isip akong tumango sa doktor pero kasabay no’n ay bigla akong nakaramdam ng matinding kaba. Mula nang isugod namin si lola kaninang umaga matapos siyang mawalan ng malay sa palengke ay hindi na ako mapakali. Hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang panginginig ng mga kamay ko. Sinundan ko ang dokt







