LOGINNang marinig ni Joyce ang mga sinabi ni Arabella ay bigla siyang tumayo at mariin na hinampas ang lamesa.
“Arabella!”
Ngunit wala nang pakialam ang babae rito, tuluyan na siyang tumalikod at umalis. Pag balik niya sa kanyang lamesa, inilabas niya ang kanyang pocket mirror at tiningnan ang maliit na sugat sa kanyang pisngi.
Tumalikod siya at umalis.Pagbalik sa kanyang mesa, inilabas niya ang maliit na salamin sa kanyang bag.Tinitigan niya ang manipis na gasgas sa kanyang pisngi.Hindi naman ito malalim.Pinunasan niya iyon gamit ang basang tissue at hindi na nag-abalang lagyan pa ng gamot.
Tutal, sa tingin niya, wala nang saysay kung madagdagan pa ng isa pang peklat ang mukha niyang ito.Muli niyang naalala ang babaeng nakita niya kanina.Habang iniisip niya ito, pakiramdam niya ay pamilyar ang mukha nito.
Parang nakita na niya ito noon.Malapit nang matapos ang oras ng trabaho nang makatanggap siya ng tawag mula sa kanyang ama.Nakabalik na raw si Gerald at gusto siyang pauwiin para sabay-sabay silang mag hapunan.Napangiti si Arabella.
“Bumalik na si Kuya Ge? Hindi ba sabi niya sa fifteen pa siya uuwi?”
“Maaga niyang natapos ang trabaho kaya napaaga ang pag-uwi.” Sagot ng kanyang ama,
“Sige po. Uuwi ako pagkatapos ng trabaho.”
Pagkatapos ng kanyang shift, nagmaneho si Arabella pauwi sa bahay ng kanyang ama.
Matatagpuan ito sa isang subdivision sa makati.Isang maluwag na second-hand apartment na binili lamang nila ngayong taon.May-ari ang kanyang ama ng isang medium-sized real estate company.
Hindi man sila kabilang sa pinakamayayamang pamilya, sapat naman ang kanilang kayamanan upang mamuhay nang komportable.Kaya lumaki rin si Arabella sa maayos at marangyang kapaligiran.
Ngunit sa kasalukuyan, humina ang industriya ng real estate.Anim na buwan na ang nakalipas, dahil sa maling pamumuhunan, nalubog sa matinding problema sa pananalapi ang kumpanya ng kanyang ama at halos mabangkarote.
Nang malaman ng kanyang ama na buntis siya sa anak ni Nathaniel, hindi siya nito pinilit na pumunta sa pamilya nito upang humingi ng paliwanag o pananagutan.
Ngunit habang nakikita niya ang kanyang ama na unti-unting tumatanda at nanghihina sa pagod at pag-aalala, hanggang sa puntong kailangan na nilang ibenta ang kanilang mga ari-arian upang makabayad ng utang...
Doon siya tuluyang nagpasya.
Siya mismo ang pumunta sa mga Mondragon.At sa totoo lang...Hindi lamang para sa kanyang ama.Kundi para rin sa sarili niya.May lihim siyang pag-asa noon.Umaasa siyang makakasama niya ang lalaking minahal niya sa loob ng maraming taon.
Nakuha man niya ang gusto niya sa huli—Nabayaran ng mga Mondragon ang malaking halaga ng dowry na nagligtas sa kanilang pamilya mula sa pagkakautang.Ngunit kapalit nito ay ang kabayaran na kailangan niyang pasanin ngayon.
Kaya para kay Arabella, ang lahat ng sakit na dinaranas niya ngayon ay bunga lamang ng sarili niyang mga desisyon.Wala siyang ibang masisisi.Pagdating niya sa bahay, lumabas si Gerald mula sa kusina.
“Ara, nakauwi ka na pala.”
Noong siyam na taong gulang si Arabella, naghiwalay ang kanyang mga magulang.
Isinama ng kanyang ina ang kanyang kuya.At iniwan siya kasama ng kanyang ama.Kalaunan ay nakilala ng kanyang ama si Catherine.Ngunit hindi kailanman nagpakasal ang dalawa.Namuhay lamang silang magkasama bilang magkasintahan.
Noong una, hindi matanggap ni Arabella ang bagong kinakasama ng kanyang ama.Minsan pa nga ay kinamumuhian niya ito.Ngunit habang lumilipas ang panahon, naramdaman niya ang kabutihan nito.Maging si Gerald ay napakabait sa kanya.Nang mawala sa kanya ang kanyang tunay na kuya, tila nagkaroon naman siya ng panibagong kuya.
“Tita Cath, nasaan po sina Papa?”
“Pauwi na yata sila. Magpahinga ka muna habang hinihintay natin.”
“Sige po.”
Tumango si Arabella.
Pagpasok niya sa kanyang kwarto, agad siyang sinalubong ng pamilyar na pakiramdam ng tahanan.Kahit may asawa na siya, palaging may nakalaang silid para sa kanya ang kanyang ama.Muli pa nga itong ipinarenovate ayon sa mga bagay na gusto niya.
Sa sandaling makabalik siya sa lugar na ito, tila kusang naglalaho ang lahat ng pagod at sama ng loob na kanyang dinadala.Umupo siya sa gilid ng kama.Napansin niya ang photo album na nakapatong sa bedside table.
Inabot niya ito at dahan-dahang binuksan.Ang unang bumungad sa kanya ay isang sirang family picture.Luma na ang larawan.Walong taong gulang pa lamang siya noon.Sa larawan, buhat siya ng kanyang guwapo at batang ama.
Nakatayo sa tabi nito ang kanyang kuya na labing-apat na taong gulang noon.Sa kabilang panig naman ay ang kanyang ina.Ngunit hindi na buo ang litrato.Siya mismo ang pumunit dito noon.Dahil galit siya,galit na galit siya sa kanyang ina dahil isinama nito ang kanyang kuya at iniwan silang mag-ama.
Ngunit habang lumilipas ang panahon, naghilom na rin ang sugat na iyon.Wala na ang sakit na minsang nagpahirap sa kanya.Binaliktad niya ang susunod na pahina.Isang larawan ng isang dalagitang nasa kanyang kabataan ang naroon.
Nakasuot ito ng puting bestida at maliit na kulay-kapeng sumbrero.Nakatayo sa ilalim ng ginintuang puno ng ginkgo.Sinasalamin ng sikat ng araw ang kanyang maliwanag at masayang ngiti.Mahaba ang kanyang maitim na buhok.
Maliit ang kanyang hugis-itlog na mukha.Maganda at kaakit-akit ang kanyang mga tampok.Ngunit higit sa lahat, kapansin-pansin ang kanyang mga mata.Maliwanag at kumikislap na tila mga bituin sa kalangitan.Napakaganda niya noon.Ngunit kalaunan ay nagkasakit siya nang malubha.
Dahil sa mga gamot na may steroid na kinailangan niyang inumin, unti-unting tumaba ang kanyang katawan.Kahit anong diyeta at ehersisyo ang gawin niya, hindi na niya maibalik ang dati niyang pangangatawan.
Nagagawa na lamang niyang pigilan ang lalo pang pagdagdag ng timbang sa pamamagitan ng gutom at matinding pag-eehersisyo.Habang nakatitig sa larawan, biglang sumagi sa isip niya ang babaeng nakita niya kanina.
At saka niya napagtanto kung bakit pamilyar ito.May pagkakahawig ang kanilang mga mukha.Lalo na ang mga mata.Katulad ng batang babae sa larawan.Katulad ng dating siya.
Kinabukasan, balak sana niyang bumalik sa Forbes.Ngunit nang maalala niya ang nangyari noong gabi, biglang tumatag ang kanyang loob.Ayaw na niyang sundin ang utos ng kanyang asawa.Nakikita naman niyang laging magkasama ang asawa niya at ang babae nito kahit saang okasyon.Bakit kailangan pa niyang sumunod sa bawat salita nito?Tutal, hindi naman talaga sila nag tuturingan na mag-asawa.Tinanong siya ng kanyang Tita Catherine kung kailan siya babalik sa Forbes, dahil nag-aalala ito na baka magalit si Nathaniel sa kanila.“Hindi na po muna ako babalik. Hintayin ko munang maayos ang problema ng kumpanya ni Papa.”Nagulat ang ginang sa pagiging matatag niya, dahil alam nito na kung ano ang sabihin ng lalaki ay agad nitong susundin.“May nangyari ba?”Bagama't hindi madalas mag-usap ang mag-asawa, alam nitong may takot si Arabella sa lalaki dahil sa napakalakas nitong presensya.Matipid na umiling ang babae.“Wala naman po, siguro pagod na po akong maging sunod-sunuran sa kanya..”Dahil ayaw
Napatingin naman si Valentina sa direksyon ng pintuan ng ballroom kung saan lumabas ang dalawa. Iniisip niya kung susundan niya ba ang mga ito or hahayaan na lang niya. Samantala, si Arabella naman ay tahimik pa rin na naghihintay sa lounge kung saan siya iniwan ng kanyang professor. Maya-maya, may narinig na siyang tunog ng pagbukas ng pinto. Pag-angat niya ng tingin, nakita na niyang pumasok ang professor at kasunod na nito si Andrei.Habang sinusubukan niyang tumayo habang hawak ang kanyang tiyan, agad siyang pinigilan ni Andrei.“Huwag ka ng tumayo, umupo ka nalang.”Kaya nanatili siyang nakaupo.Umupo ang lalaki sa tapat niya at mahinahong nagtanong,“Ano ang maitutulong ko?”“Ah ano kasi, makikiusap sana ko na baka pwede mong icheck tong mga documents na hawak ko.”Inilabas ng babae ang isang folder mula sa kanyang bag at inabot ang mga dokumento. Ipinaliwanag niya ang buong sitwasyon at ang dahilan kung bakit gusto niya itong makausap.Hindi lamang niya binanggit ang tungkol k
Medyo nakaramdam naman ng hiya si Gerald dahil wala man lang siyang maitulong. Matagal na nilang pinagtatrabahuhan ang kasunduang ito sa mga Velasquez. Kapag hindi natuloy ang kontarta, malaking pagkalugi iyon para sa kanila bukod pa sa lahat ng oras at pagod na inilaan nila.“Sige papayagan kita sa balak mo, pero dapat pag may nangyari sasabihin mo agad sa akin.”“Okay po, wag ka mag alala mag iingat naman po ako.”Kinabukasan, hiningi ni Arabella sa kanyang ama ang lahat ng dokumentong may kaugnayan sa Elevate. Sinabi lamang niyang gusto niyang tingnan kung may naging problema.Ayaw sana ni Lorenzo na mapagod ang anak niya at sinabing siya na ang bahala, ngunit nagpumilit ang babae kaya ipinadala rin nito ang kumpletong internal documents ng kumpanya.Buong umaga niyang pinag-aralan ang mga ito at wala siyang nakitang anumang problema.Matagal siyang nag-isip bago tuluyang tinawagan si Andrei. Ang number na binigay sa kanya ay ang official number ng office nito, ngunit ang secretary
Nang ma-demote siya ay naging bihira ang kanilang pag-uusap dahil nagtungo sa ibang bansa si Ynna para sa negosyo.Nagulat si Ynna nang matanggap ang tawag mula kay Arabella, dahil nga sa tagal na nilang hindi sila nag uusap. “Talagang matagal na nga tayong hindi nag usap. Kumusta ka na? Balita ko buntis ka na?”“Hehe opo ate, due date ko na po next month. Okay lang naman po ako, ikaw po ba kamusta ka na?” tanong ng babae.“Okay naman, medyo pagod lang sa work pero alam mo naman na kasama sa buhay ang mapagod.” “Wag mo naman po kakalimutan na magpahinga, baka magkasakit ka naman niyan sa sobrang pagod.” pag papaalala ng babae. “Oo naman wag ka mag alala, nagpapahinga naman ako. So ano nga ang sadya natin at napatawag?” Kilala kasi siya ng kanyang Ate Ynna, hindi siya tumatawag ng basta-basta lang. “Hehe kilala mo talaga ako ate, hindi na ako mahihiya may gusto po sana akong ipatanong sayo.”“Syempre naman noh, sige ano ba yon?” agad na sagot ng babae.Maikling ipinaliwanag ni Arab
Agad na napalingon ang babae sa pintuan, tiningnan niya ang lalaki ngunit hindi man lang siya nito tiningnan pabalik. Mabilis na lumapit si Raiza, inabot ang pambahay na tsinelas nito at kinuha ang itim na coat na suot niya.Sakto naman na lumabas ng kwarto si Catherine. Nang makita si Nathaniel na kakauwi lang, nagtanong siya agad.“Kumain ka na ba?”Tumango lang ang lalaki bilang tugon bago tahimik na umakyat sa second floor ng bahay.Dahan-dahang binawi ni Arabella ang kanyang tingin.Kinabukasan tinawagan ni Catherine si Lorenzo, sinabi nito na nais munang muling suriin ng kabilang panig bago magdesisyon kung itutuloy pa ba nila ang pagpirma ng kontrata.Nang marinig iyon ni Arabella, hindi niya maiwasang magduda.Sa mundo ng negosyo, kapag malapit nang mapirmahan ang isang kasunduan at biglang may ganitong dahilan, kadalasan ay palusot lamang iyon. Ninety percent ng mga ganitong kaso ay nauuwi sa pagkansela ng kontrata.Malinaw na may nangyaring problema sa pinakahuling parte ng
Nagsimula ng kumanta ang TheJuans, lalo ng natuwa ang mga tao na nanunuod. Tuluyan ng naging masaya ang buong concert hall. Tuluyan nang nawalan ng gana si Chriztle dahil sa mga taong nakita niya kanina.Sa kabutihang-palad, unang nag perform ang isa sa mga paborito niyang banda. Talagang maganda ang concert ngayon kumpara noong nakaraang taon.Habang nakikinig sa musika, unti-unting nailalayo ni Arabella ang isip niya kay Nathaniel.Sa totoo lang, hindi naman talaga siya ganoon kadaling naka-move on gaya ng ipinapakita niya.Ngunit nang makita niya ang susunod na aakyat sa entablado, bahagyang nanigas siya.Nakasuot si Valentina ng isang kulay-lilang strapless gown na puno ng kumikislap na mga dyamante. Nakaayos pataas ang mahaba nitong buhok at lalong namumukod-tangi ang maganda nitong mukha. Para itong nagniningning sa ilalim ng mga ilaw.Mula sa kinauupuan ni Arabella, kitang-kita niya ang tagiliran ng mukha ni Nathaniel.Nakatitig ito sa dalaga sa entablado nang may buong atensyon.
Matagal bago natauhan si Arabella matapos ibaba ang cellphone. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. “Uuwi ka?” tanong ng kanyang . Narinig din nito ang sinabi ni Nathaniel sa tawag.Sandaling natahimik ang babae bago sumagot.“Uuwi na po muna ako. Tingnan ko kung ano ang gusto niyang pag-usa
Nang makabali siya sa kanyang lamesa ay agad niyang minessage si Professor Lhanze. Gusto niya kumpirmahin ang narinig niya kanina sa mga empleyado tungkol sa project na nawala sa kumpanya nila.Arabella: Professor, nakuha ba ninyo ang project ng Mondragon Shipping Investment?Habang hinihintay niya
Hindi nag tagal ay huminto na ang sasakyan sa tabi ng istasyon.Dahan-dahang bumaba si Arabella hindi man lang siya pinagbuksan ng pinto ng asawa niya. Pagsara ng pinto, agad siyang sinalubong ng malamig na hangin ng gabi. Agad na namula ang kanyang mga mata. Naglakad na siya patungo sa istasyon. H
Kasabay nito sa Forbes Park sa bandang makati. Isa itong exclusive village ng mga mayayaman na matagal nang nakatayo. Bagama’t medyo luma na ito, nananatili pa rin ang karangyaan nito.Dahan-dahang huminto ang isang Bentley sa harap ng isang malaking bahay.Ito mismo ang dating mansyon ng pamilya Ro







