LOGINMyla’s POVBiro lang naman ang pagnguso ko. Sinusubukan ko lang kung talagang papatulan niya ang pang-aasar ko sa kaniya, pero nang maramdaman kong lumapit din ang mukha niya sa akin, doon na ako tuluyang kinabahan.Napahakbang ako paatras, ngunit hindi niya ako hinayaang tuluyang makalayo. Muli niya akong hinapit palapit sa kaniya at walang pag-aalinlangan na sinakop ang labi ko. Biro lang ang ginawa ko, pero siya ang tumuloy. Ramdam ko ang malambot niyang labi na unti-unting gumagalaw sa akin.Walang pagmamadali sa halik na iyon. Dahan-dahang dumadampi ang labi niya sa akin. Paminsan-minsan ay marahan niyang sinisipsip ang ibaba kong labi at bahagyang kinakagat, ngunit hindi iyon masakit. Sa halip, para akong kinikiliti.Ilang minuto rin niyang inangkin ang labi ko. Hindi rin naman ako nagreklamo at, sa halip, ginantihan ko ang bawat galaw ng labi niya. Kaya nang pareho kaming tumigil, malalalim na hininga ang sabay naming pinakawalan. At kahit
Myla’s POV“O-Oh…” Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Mas lalo akong nahilo sa biglaang paghila sa akin ni Raven.“A-Ayos lang talaga ako. P-Pupunta sana ako sa banyo para maghilamos…” paliwanag ko at sinubukan kong alisin ang kamay ni Raven na nakahawak sa akin, ngunit hindi niya ako hinayaang gawin iyon.“Umuwi ka na. Ako na ang bahala sa kaniya,” sambit ni Raven habang diretsong nakatingin kay Gabriel. Hindi man lang niya pinansin ang sinasabi ko.Naramdaman ko pa ang bahagyang paghigpit ng kapit ng braso niya sa akin. Wala talaga siyang balak na pakawalan ako.“Huh? Bakit ikaw? Ako na ang bahala sa kaniya. Isa pa, baka hinihintay ka na ni Aleron.”Humakbang palapit sa akin si Gabriel para alalayan ako, ngunit muli akong inilayo ni Raven sa kaniya.“Should I repeat myself, Gabriel?”Malamig ang tono ng tanong ni Raven na parehong nakapagpatigil sa amin ni Gabriel. Kahit yata ang paghinga ko ay napigilan ko para lang hindi makalikha ng ingay.Nagpalipat-lipat ang tingin ni
Myla’s POVSininop ko muna ang iba naming ginamit at nagsimula na rin akong maghanda ng mga kutkutin para pagdating niya ay iinom na agad kami. Malapit lang naman ang binilhan niya kaya nang bumukas ang pint0 ng store ay agad akong nagsalita.“Diyan na lang tayo sa isang lamesa. Mas maganda riyan para makita rin natin ang mga dumadaang tao—”Napahinto ako sa pagsasalita nang maiangat ko ang ulo ko at sa halip na si Gabriel ang makita ko ay si Raven ang nakatayo roon. Diretso siyang nakatayo, suot pa rin ang kulay itim niyang office suit. Mukhang kagagaling lang niya sa opisina at dito agad siya dumiretso.“R-Raven, anong ginagawa mo rito?” sambit ko, halos pabulong dahil sa gulat ko.Walang dahilan para magpunta siya rito. Imposible ring naligaw lang siya para kumain dahil sobrang salungat ng daan papunta rito kumpara sa ruta papunta sa bahay nila.Bago ko pa marinig ang sagot niya ay muling bumukas ang pint0 ng store.“Myla, nakabili na ako. Bumili na rin ako ng yelo kasi sa tingin k
Myla’s POV“Ah! Hayaan mo na kung hindi ka komportableng sagutin, hindi naman talaga mahalaga sa akin kung mayroon o wala. Ibibigay ko na lang ang best ko para makuha ko ang atensyon mo. Kapag nangyari ’yon, hindi malabong magkaroon ka rin ng feelings sa akin.” Muli siyang ngumiti at ibinalik ang atensyon sa gulay na hinihiwa. “G’wapo naman ako, matalino, may kaya rin ako, kaya maibibigay ko ang mga gusto mo.”Napaubo naman ako sa narinig. Hindi ko naman akalain na ganito kalaki ang tiwala niya sa sarili. Pero hindi rin naman siya mali. Talaga namang g’wapo siya, mukhang matalino, masayahin, parang mabait din naman, at mayaman.Wala akong masabing kasinungalingan sa sinabi niya kaya napatawa na lang ulit ako nang mahina. Hindi ko rin naman alam kung ano ang isasagot sa sinabi niya.“Kahit sino pang lalaki ’yan, kaya kong kalabanin. Isa lang naman ang alam kong matatalo ako,” sambit niya habang nakangising tumingin sa akin.Napatingin din tuloy ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay.
Myla’s POVHindi ko pa man nabubuksan ang rolling door ng store ay huminto na ang isang mamahaling kotse sa tapat nito. Agad na nakuha ang atensyon ko nang bumaba si Gabriel mula sa sasakyan at ngumiti nang malawak sa akin.Anong ginagawa niya rito?Hindi ko maiwasang mapakunot ang noo nang nagmamadali siyang lumapit para tulungan akong buksan ang rolling door. Sobrang sigla ng kilos niya, para bang nakainom siya ng ilang bote ng energy drink.“Gabriel, anong ginagawa mo rito?” hindi ko na napigilang itanong nang tuluyan naming mabuksan ang store at makapasok sa loob. Marami pa akong gagawin at wala akong oras para i-entertain siya. “Magtatrabaho ako ngayon. Kung gusto mong mamasyal, hindi ako puwede,” paliwanag ko, ngunit agad niya iyong inilingan.“Naku, hindi ako nagpunta rito para ayain kang mamasyal. Hindi ba sinabi mo kagabi, noong hinatid kita, na magtatrabaho ka ngayon sa store? Tutulong ako!” masigla niyang sabi na siyang ikinalaglag ng panga ko.Anong sinasabi niyang tutulon
Raven's POV“Hindi naman sa gano'n, Raven. Miss ko rin namang makalaro si Aleron. Matagal na rin simula nang makasama ko siya,” pilit ni Gabriel na halatang wala talagang balak tumigil.Napailing ako.“Gabi na. Kailangan na naming umuwi. Halika na, Aleron, uuwi na tayo,” pag-aaya ko. Hindi ko na kayang pagtiisan ang kakulitan ni Gabriel, lalo na kung ang pinag-uusapan ay ang plano niyang makipag-date kay Myla.“Bro, maaga pa!” pigil niya sa akin. Hinila niya ako at muli akong inakbayan, saka inilapit ang bibig sa tainga ko. “Raven naman, magpinsan tayo. Tulungan mo naman ako. Minsan lang ako magka-interes sa babaeng hindi ko gaanong kilala. Tulungan mo na akong maging girlfriend siya.”Lalong nag-init ang pakiramdam ko sa narinig.Talagang gusto niyang maging girlfriend si Myla?Tinitigan ko siya sa mga mata, hinahanap ang mapaglaro niyang tingin, ngunit wala akong makita.Seryoso talaga siya?“Bro, please?”Hinila niya ako papunta sa kabilang sofa, katapat ni Myla, at halos sapilitan
Myla’s POVMahigpit kong hinawakan ang sling ng bag ko habang ang hakbang ko ay unti-unti na ring bumibilis. Kahit anong gusto kong lumingon sa aking likuran ay pinilit kong panatilihin ang paningin ko sa aking harapan. Hindi naman na ‘to ang unang beses na may sumusunod sa akin. Ilang araw ko nang
Zarina’s POVHindi ko maiwasang mapangisi habang pinapanood ko si Raven na sumimsim sa kopitang hawak niya. Ayos lang kung magalit siya sa akin o mapahiya ako ng kaunti. Ang akin lang, sa huli ay nasa akin pa rin ang huling halakhak.Kapag gumana na ang plano ko, tiyak na magiging akin na ng tuluya
Myla’s POVKabado man ay dahan-dahan kong inangat ang palad ko para tanggapin ang alok ni Raven. Unang lapat pa lang ng balat ko sa kaniya ay pakiramdam ko’y makukuryente ako. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito na lang ang epekto niya sa akin. Parang…parang hindi ito ang unang beses na na
Myla’s POVHinawi ko ang mahaba at medyo kulot kong buhok. Ipinaskil ko rin ang pinakamatamis kong ngiti sa labi ko at humakbang palapit kay Mr. Coast. Binuka ko ang bibig ko para kunin ang atensyon niya ngunit nang maunahan niya ako ng tingin ay agad na umurong ang dila ko. Mabilis akong napaiwas







