LOGINMula nang bumalik si Trixie sa bansa, halos lahat ng gusto nito ay ibinibigay ni Franco. Kung hihiling ito ng buwan at mga bituin, parang kaya pa nitong abutin para sa kanya.Kaya ngayon, nang makita niyang seryoso at malamig ang lalaki, hindi niya maiwasang kabahan. Namumuo ang luha sa kanyang mga mata habang mahina siyang nagsalita.“Franco, wala naman akong masamang intensyon. Nalanta na kasi ang halaman kaya akala ko mas mabuting palitan na lang.”Maingat niyang inilagay ang paso sa lugar na itinuro ni Franco.“Maghahanap ako ng paraan para maalagaan natin ito.”Ngunit malamig ang sagot ng lalaki.“Huwag na.”Pagkatapos ay lumingon ito kay Christian.“Dalhin mo sa akin ang pinakabagong schedule.”“Opo, Sir.”Kinuha ni Franco ang dokumento.“Maaari ka nang umalis, Trixie.”Ayaw sana nitong umalis, ngunit nang makita ang seryosong mukha ni Franco, wala siyang nagawa kundi sumunod. Pagkaalis ni Trixie, muling nagsalita si Franco.“Maghanap ka ng eksperto sa halaman.”Nagulat si Chri
Matapos ang kalahating buwang pahinga, bumalik na si Rochelle sa trabaho matapos sabihin ng doktor na maayos na ang kanyang kalagayan. Dahil alam niyang abala ang studio, hindi na siya nakatiis sa bahay.Sinalo nina Stacey at Roan ang lahat ng mabibigat na gawain at pinayagan lamang siyang gumawa ng magagaan na trabaho.Isang tanghali, niyaya ni Rochelle si Stacey na magtanghalian sa isang simpleng Japanese restaurant.Pagkaupo pa lamang nila, agad na nagtanong si Rochelle."Hindi ba kita naaabala sa trabaho mo?"Umiling si Stacey."Hindi naman. Kaunti lang ang customer ngayon. Nagpaalam na rin ako sa supervisor."Napabuntong-hininga si Rochelle."Paano kung malaman ni Franco na nagtatrabaho ka rito bilang part-time? Hindi ba nakakahiya iyon para sa kanya?"Ngumiti si Stacey, ngunit bakas ang pagod sa kanyang mga mata."Malapit na rin naman kaming maghiwalay. At nasa ICU pa rin si Mama. Halos sampung libo ang gastos bawat araw. Wala na akong panahon para isipin ang iba."Natahimik si
Nang marinig ni Roan ang mga bulung-bulungan, agad siyang hinila ni Stacey paupo.Pero huli na ang lahat. Narinig na siya ng mga tao.Lahat ay napatingin sa kanila. Akmang magsasalita pa si Roan nang biglang itinaas ni Raymond ang kanyang baso.“Dumating na sina President Franco at Manager Trixie! Tara, mag-toast tayo!”Dahil paborito ni Franco si Trixie sa kompanya, mabilis na nakisabay ang lahat. Walang naglakas-loob na pag-usapan kung sino ang legal na asawa at sino ang kabit.Habang masayang nagdiriwang ang lahat para kina Franco at Trixie, tahimik na lamang na naupo si Roan.“Ate Stacey, naaawa talaga ako sa’yo,” malungkot niyang sabi.Ngumiti si Stacey at nilagyan pa ng cake ang plato nito.“Hindi ako kawawa.”Napansin ni Franco ang direksiyong tinitingnan ng mga tao at napatingin siya kay Stacey na tahimik na nakaupo sa isang sulok.Samantala, lumapit si Trixie kina Raymond.“Ano ang sigaw ng assistant ni Stacey kanina?”“Mistress daw kayo,” sagot ni Raymond.Ngumiti si Trixie.
Pagkatapos magligpit, lumabas si Stacey at nakita sina Franco at Mr. Joseph na nakatayo sa ilalim ng bubong ng gusali. Malakas ang hangin kaya bahagyang lumilipad ang kanilang mga amerikana. Mukhang seryosong-seryoso si Mr. Joseph habang nagsasalita. Si Franco naman ay tahimik lamang, isang kamay ang nasa bulsa habang nakikinig. Nang makita iyon ni Stacey, bahagyang bumigat ang kanyang dibdib. Tahimik siyang tumalikod at bumalik sa kanyang studio. Nang gabing iyon, pag-uwi ni Franco sa mansyon, agad niyang nakita si Aling Rose. Masaya siyang ngumiti. "Kumusta si Pengpeng? Isang taon na siyang nasa Amerika. Siguradong malaki na ang itinangkad niya." Napangiti si Aling Flor. "Opo, Sir. Lumaki at tumaba na rin siya. Habambuhay kaming magpapasalamat sa inyo. Kung hindi dahil sa tulong ninyo, hindi ko kakayaning mapag-aral siya sa ibang bansa." Umiling si Franco. "Huwag mo nang isipin iyon. Matagal ka nang bahagi ng pamilyang ito." Pagkatapos ay napansin niyang wala
Pagkaalis ni Stacey, agad na lumapit si Trixie kay Franco."Franco, pumunta ka rito, nag-aalala ka kay Stacey, hindi ba? Huwag kang mag-alala. Kinausap ko na siya kanina. Sigurado akong maayos ang magiging performance niya ngayon."Ngunit hindi siya pinansin ni Franco. Tahimik lamang itong nakatingin sa exhibit hall.At tama nga si Trixie.Napakaganda ng naging presentasyon ni Stacey.Sa dami ng tour guides sa exhibit, siya ang pinakikinggan ng mga bisita at nasa kanya ang atensyon ng mga ito.Hindi lang kasi siya basta nagkukuwento tungkol sa mga sinaunang perlas. Ikinukuwento rin niya ang kasaysayan, kultura, at mga alamat sa likod ng mga ito. Dahil doon, mas lalo silang nahuhumaling makinig.Paulit-ulit ang palakpakan.Maging ang mga bisitang nakikinig sa ibang guide ay lumipat sa grupo ni Stacey.Napansin iyon ni Mr. Joseph.Lumapit siya kay Franco."Franco, mukhang mas gusto ng lahat si Stacey. Hayaan na lang nating siya ang magpatuloy sa buong presentasyon."Nanigas ang ngiti ni
Habang naghihintay sa labas ng opisina, nakatanggap si Stacey ng tawag mula sa ospital.Lumala ang kalagayan ng kanyang ina dahil sa naipong plema sa baga. Nagdagdag ang doktor ng ilang gamot, at ang ilan sa mga ito ay hindi sakop ng insurance.Mas lalong sumakit ang ulo niya nang makita ang halaga ng mga gamot. May isa pang imported na gamot na napakamahal.Noon, maaaring humingi siya ng tulong kay Franco. Pero ngayon, malapit na silang maghiwalay. Wala na siyang lakas ng loob na humingi ng kahit ano rito.Napaisip siya.Kung hindi matutuloy ang proyekto nila sa Palasyo Museo at mawawala pa sa kanya ang trabaho bilang guide sa exhibit ng Mondragon Corp. mababawasan nang malaki ang kanyang kita.Paano na ang pagpapagamot ng kanyang ina?Magde-delivery rider ba siya?O magmamaneho ng service?Kahit anong trabaho ay papasukin niya kung kinakailangan. Kaya hindi puwedeng mawala ang trabahong ito sa kanya. Huminga siya nang malalim at tumingin kay Franco."Mr. Franco, gusto ko pa ring ma
Halos mawalan ng hininga si Stacey nang makita ang necktie ng asawa, ngunit hindi niya ito pinahalata sa babae sa harap niya. “Alam mo kaya mo naman na yan ibigay kay Franco, alam mo naman siguro yung office niya di’ba? Hindi para ipaabot mo pa sakin yan.”Ngumiti lang si Trixie.“Flight ko na kas
Nang makababa siya ay agad siyang nagtungo sa pinto para umais nang makita siya ni Rose. “Madam, saan po kayo pupunta?” tanong nito.“May aasikasuhin lang po ako. Kumain na kayo mamaya, huwag na ninyo akong hintayin.”Sa mga ganitong panahon na pinanghihinaan siya ng loob, mas gusto niyang makita
Noong ikasal sila, may pinirmahan silang kasunduan.Isang malinaw pero hindi patas na kasunduan.Nakasulat doon na habang kasal sila, sasagutin ng Mondragon Corporation ang lahat ng gastusin sa pagpapagamot ng mama niya.Pero dahil nahihiya sila ng lola niya, ang regular na bayarin lang ang hinayaang
“Ano ba ang tinatago mo?”Bahagyang yumuko ang lalaki at marahang hinalikan ang labi ni Stacey. Pigil ang kanyang mga kilos pero ramdam mo ang init ng mga labi nito .“Nasan na ang tapang mo? Parang kanina lang ang lakas ng loob mong halikan ang adam’s apple ko ah”Ang mapuputi at makinis na binti







