Share

Chapter 3

last update publish date: 2026-06-13 09:42:16

Nang makababa siya ay agad siyang nagtungo sa pinto para umais nang makita siya ni Rose. 

“Madam, saan po kayo pupunta?” tanong nito.

“May aasikasuhin lang po ako. Kumain na kayo mamaya, huwag na ninyo akong hintayin.”

Sa mga ganitong panahon na pinanghihinaan siya ng loob, mas gusto niyang makita ang mama niya. Agad siyang ang tungo sa ospital kung saan naka confine ang kanyang ina.

Makati Medical Center, sa hallway ng inpatient department.

“Miss Stacey, buti nalang at napadalaw ka ngayon kasi tatawagan pa lang sana kita. Dumating na ang bayad mula sa Mondragon Corporation, pero ipinag-utos ng lola mo na ilipat ang mama mo sa ordinary room. Ano pong gusto ninyong gawin?”

Mahigpit na hawak ng babae ang atm card.

“Ibalik niyo siya sa special care ward.”

“Pero sabi po ng lola mo—”

“Sakin kayo makinig, ako ang masusunod.”

Habang inaayos ang papeles, nagtanong siya tungkol sa bayarin. Napabuntong-hininga ang nurse.

“Dati advance magbayad ang Mondragon Corporation. Pero nitong mga nakaraang buwan, paulit-ulit pa naming kailangang maningil bago sila magbayad.”

“Hindi naman siguro problema kay Sir Franco ang pera…”

Biglang natigilan ang nurse nang maalalang asawa ni Franco ang kausap niya. Mabilis nitong tinakpan ang bibig at awkward na ngumiti.Nang matapos ang lahat, madaling-araw na.Tahimik na nakaupo si Stacey sa tabi ng kama ng mama niya.

Mas lalo pang namutla si Jaira dahil sa puting kumot.Nakahiga lang ito roon nang walang malay, parang lumang perlas na natabunan ng panahon.

Sampung taon na mula nang maaksidente ito at nauwi sa pagiging comatose.Tatlong taon na ang nakalipas nang lumala ang kondisyon nito.Kung hindi dahil kay Franco na nagbabayad para sa special care at mamahaling gamot, matagal na sanang nawala ang kanyang ina.

Hinawakan ni Stacey ang malamig na kamay ng ina.Marami siyang gustong sabihin. Pero sa huli, iisang pangungusap lang ang lumabas.

“Mama… sana magising ka na, miss na miss na kita.”

Dalawang araw siyang nanatili sa ospital. Dahil bukod doon… wala siyang ibang mapuntahan.Sa studio? Ang pagre-restore ng ancient beads ay nangangailangan ng tiyaga at konsentrasyon.

At wala siya noon ngayon.Sa bahay ng lola niya?Kapag nakita siya ni Maricel sa ganoong kalagayan, siguradong mag-aalala lang ito.Sa ikatlong araw, pinilit niyang bumangon at pumunta sa studio.

Isinuot niya ang simpleng robe at manipis na puting gloves bago humarap sa worktable.Habang nagtatrabaho, tumawag ang matalik niyang kaibigan at business partner na si Rochelle.

Hindi raw maganda ang resulta ng pregnancy check-up nito kaya pinag-papahinga muna ito ng doktor ng isang buwan.Pinakiusapan siya nitong siya muna ang humawak sa partnership sa Mondragon Corporation.

Pumayag si Stacey at pinayuhan itong magpahinga nang mabuti. Napunta rin ang usapan sa promotion ng asawa ni Rochelle.

“Sa totoo lang, Stacey, hanggang ngayon naiinggit pa rin sa’yo ang mga kaklase natin.”

“Jusko naman, ano naman ang kainggit inggit sa buhay ko?”

“Simple lang ang pamilya mo at tahimik ka pa… paano ka nagustuhan ng tulad ni Franco?”

“Hindi ko rin alam.” simpleng sagot niya kay Rochelle.

“Siya ang CEO ng Mondragon Corporation. Kapag kumilos siya, yayanig ang buong business world.” paliwanag ng kaibigan niya.

“Maghihiwalay na kami.” naka yukong sambit niya.

“Ha?! Bakit naman? May problema ba kayo?”

“Wala naman kaming problema pero, bumalik yung ex niya.”

Biglang tumaas ang boses ng kaibigan niya.

“May problema ba sa utak yang asawa mo?! Nangako siyang poprotektahan ka niya habambuhay!”

“Wala eh kahit na kasal na siya sa akin, mas mahal pa rin niya yung ex niya.”

“Kung ganoon pala niya kamahal ang babaeng iyon, bakit sila naghiwalay noon? Dapat iyon nalang ang pinakasalan niya”

Dahil sa sobrang emosyon, sumakit ang tiyan nito.

Napansin agad iyon ni Stacey.

“Huwag ka nang magalit, ako nga na asawa hindi galit eh. Makakasama sayo at sa baby pag nagalit ka.”

“Hindi ba sabi mo may GC kayo? Isama mo na lang ako roon para hindi maapektuhan ang trabaho.”

“Magpahinga ka nang mabuti. Huwag mo na akong isipin, kaya ko na ang sarili ko.”

Pagkababa ng tawag, idinagdag siya ang kaibigan sa group chat ng kumpanya.

Pinadalhan din siya nito ng urgent notice mula sa tourism department ng Mondragon Corporation. Matapos iyong basahin, tumayo siya at nag paalam sa isa niyang assistant.

“Roan, ikaw muna bahala rito. Lalabas lang ako.”

Pumunta siya sa Mondragon Corporation. At sa seventh floor… hindi niya inaasahan na makaka salubong niya si Trixie.

“Miss Stacey? Hi ako nga pala si Trixie.”

“Kahit hindi pa tayo officially nagkita, alam mo naman siguro kung sino ako, hindi ba?”

“May kailangan ba kayo, Miss Trixie?”

Unang beses na nakita ni Stacey nang malapitan ang babaeng mahal ng asawa niya. Medyo magkahawig sila, pareho sila ng mata at parehong mahaba ang nakalugay nilang buhok. Kaya pag nakatalikod ay mapag kakamalan mo silang isang tao lang.

“Sinabi kasi ni Franco na sa tatlong taon ng pagsasama ninyo, hindi siya naging totoong masaya.”

“Palagi kang abala sa pagre-restore ng beads. Hindi mo man lang alam kung ano ang gusto at ayaw niya. Pero iba kasi ako sayo eh, alam kong ayaw niya ng asukal sa kape at alam ko rin na ayaw niyang pinapatay ang ilaw kapag natutulog”

Habang nagsasalita, dahan-dahan itong lumapit tila nang aasar pa.

“At sinabi rin niya… na ang pagpapakasal niya sa’yo ay isang pagkakamali lang, dahil ang totoo ay ako pa rin talaga ang mahal niya.”

Parang biglang dinurog ang puso ni Stacey, bahagya niyang nakuyom ang kanyang mga kamay. Pero mas nanatili siyang kalmado, na para bang tahimik na lawa ang ekspresyon ng mukha niya at hindi pinapakita na apektado siya sa lahat ng sinasabi ng babae sa harap niya.

Tila naasar ang babae sa reaksyon ni Stacey, kaya naman kinuha niya ang isang necktie mula sa kanyang bag. 

“Nga pala kay Franco pala to, naiwan niya nung isang gabi nung magkasama kami. Paki bigay nalang ha? Salamat.” 

Pagkasabi nito ay ngumiti ang babae na may halong pang aasar, samantalang si Stacey ay parang estatwa na hindi na nakagalaw habang hawak-hawak ang necktie ng asawa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Too Late, Mr. CEO: I Left With Your Baby   Chapter 21

    Mula nang bumalik si Trixie sa bansa, halos lahat ng gusto nito ay ibinibigay ni Franco. Kung hihiling ito ng buwan at mga bituin, parang kaya pa nitong abutin para sa kanya.Kaya ngayon, nang makita niyang seryoso at malamig ang lalaki, hindi niya maiwasang kabahan. Namumuo ang luha sa kanyang mga mata habang mahina siyang nagsalita.“Franco, wala naman akong masamang intensyon. Nalanta na kasi ang halaman kaya akala ko mas mabuting palitan na lang.”Maingat niyang inilagay ang paso sa lugar na itinuro ni Franco.“Maghahanap ako ng paraan para maalagaan natin ito.”Ngunit malamig ang sagot ng lalaki.“Huwag na.”Pagkatapos ay lumingon ito kay Christian.“Dalhin mo sa akin ang pinakabagong schedule.”“Opo, Sir.”Kinuha ni Franco ang dokumento.“Maaari ka nang umalis, Trixie.”Ayaw sana nitong umalis, ngunit nang makita ang seryosong mukha ni Franco, wala siyang nagawa kundi sumunod. Pagkaalis ni Trixie, muling nagsalita si Franco.“Maghanap ka ng eksperto sa halaman.”Nagulat si Chri

  • Too Late, Mr. CEO: I Left With Your Baby   Chapter 20

    Matapos ang kalahating buwang pahinga, bumalik na si Rochelle sa trabaho matapos sabihin ng doktor na maayos na ang kanyang kalagayan. Dahil alam niyang abala ang studio, hindi na siya nakatiis sa bahay.Sinalo nina Stacey at Roan ang lahat ng mabibigat na gawain at pinayagan lamang siyang gumawa ng magagaan na trabaho.Isang tanghali, niyaya ni Rochelle si Stacey na magtanghalian sa isang simpleng Japanese restaurant.Pagkaupo pa lamang nila, agad na nagtanong si Rochelle."Hindi ba kita naaabala sa trabaho mo?"Umiling si Stacey."Hindi naman. Kaunti lang ang customer ngayon. Nagpaalam na rin ako sa supervisor."Napabuntong-hininga si Rochelle."Paano kung malaman ni Franco na nagtatrabaho ka rito bilang part-time? Hindi ba nakakahiya iyon para sa kanya?"Ngumiti si Stacey, ngunit bakas ang pagod sa kanyang mga mata."Malapit na rin naman kaming maghiwalay. At nasa ICU pa rin si Mama. Halos sampung libo ang gastos bawat araw. Wala na akong panahon para isipin ang iba."Natahimik si

  • Too Late, Mr. CEO: I Left With Your Baby   Chapter 19

    Nang marinig ni Roan ang mga bulung-bulungan, agad siyang hinila ni Stacey paupo.Pero huli na ang lahat. Narinig na siya ng mga tao.Lahat ay napatingin sa kanila. Akmang magsasalita pa si Roan nang biglang itinaas ni Raymond ang kanyang baso.“Dumating na sina President Franco at Manager Trixie! Tara, mag-toast tayo!”Dahil paborito ni Franco si Trixie sa kompanya, mabilis na nakisabay ang lahat. Walang naglakas-loob na pag-usapan kung sino ang legal na asawa at sino ang kabit.Habang masayang nagdiriwang ang lahat para kina Franco at Trixie, tahimik na lamang na naupo si Roan.“Ate Stacey, naaawa talaga ako sa’yo,” malungkot niyang sabi.Ngumiti si Stacey at nilagyan pa ng cake ang plato nito.“Hindi ako kawawa.”Napansin ni Franco ang direksiyong tinitingnan ng mga tao at napatingin siya kay Stacey na tahimik na nakaupo sa isang sulok.Samantala, lumapit si Trixie kina Raymond.“Ano ang sigaw ng assistant ni Stacey kanina?”“Mistress daw kayo,” sagot ni Raymond.Ngumiti si Trixie.

  • Too Late, Mr. CEO: I Left With Your Baby   Chapter 18

    Pagkatapos magligpit, lumabas si Stacey at nakita sina Franco at Mr. Joseph na nakatayo sa ilalim ng bubong ng gusali. Malakas ang hangin kaya bahagyang lumilipad ang kanilang mga amerikana. Mukhang seryosong-seryoso si Mr. Joseph habang nagsasalita. Si Franco naman ay tahimik lamang, isang kamay ang nasa bulsa habang nakikinig. Nang makita iyon ni Stacey, bahagyang bumigat ang kanyang dibdib. Tahimik siyang tumalikod at bumalik sa kanyang studio. Nang gabing iyon, pag-uwi ni Franco sa mansyon, agad niyang nakita si Aling Rose. Masaya siyang ngumiti. "Kumusta si Pengpeng? Isang taon na siyang nasa Amerika. Siguradong malaki na ang itinangkad niya." Napangiti si Aling Flor. "Opo, Sir. Lumaki at tumaba na rin siya. Habambuhay kaming magpapasalamat sa inyo. Kung hindi dahil sa tulong ninyo, hindi ko kakayaning mapag-aral siya sa ibang bansa." Umiling si Franco. "Huwag mo nang isipin iyon. Matagal ka nang bahagi ng pamilyang ito." Pagkatapos ay napansin niyang wala

  • Too Late, Mr. CEO: I Left With Your Baby   Chapter 17

    Pagkaalis ni Stacey, agad na lumapit si Trixie kay Franco."Franco, pumunta ka rito, nag-aalala ka kay Stacey, hindi ba? Huwag kang mag-alala. Kinausap ko na siya kanina. Sigurado akong maayos ang magiging performance niya ngayon."Ngunit hindi siya pinansin ni Franco. Tahimik lamang itong nakatingin sa exhibit hall.At tama nga si Trixie.Napakaganda ng naging presentasyon ni Stacey.Sa dami ng tour guides sa exhibit, siya ang pinakikinggan ng mga bisita at nasa kanya ang atensyon ng mga ito.Hindi lang kasi siya basta nagkukuwento tungkol sa mga sinaunang perlas. Ikinukuwento rin niya ang kasaysayan, kultura, at mga alamat sa likod ng mga ito. Dahil doon, mas lalo silang nahuhumaling makinig.Paulit-ulit ang palakpakan.Maging ang mga bisitang nakikinig sa ibang guide ay lumipat sa grupo ni Stacey.Napansin iyon ni Mr. Joseph.Lumapit siya kay Franco."Franco, mukhang mas gusto ng lahat si Stacey. Hayaan na lang nating siya ang magpatuloy sa buong presentasyon."Nanigas ang ngiti ni

  • Too Late, Mr. CEO: I Left With Your Baby   Chapter 16

    Habang naghihintay sa labas ng opisina, nakatanggap si Stacey ng tawag mula sa ospital.Lumala ang kalagayan ng kanyang ina dahil sa naipong plema sa baga. Nagdagdag ang doktor ng ilang gamot, at ang ilan sa mga ito ay hindi sakop ng insurance.Mas lalong sumakit ang ulo niya nang makita ang halaga ng mga gamot. May isa pang imported na gamot na napakamahal.Noon, maaaring humingi siya ng tulong kay Franco. Pero ngayon, malapit na silang maghiwalay. Wala na siyang lakas ng loob na humingi ng kahit ano rito.Napaisip siya.Kung hindi matutuloy ang proyekto nila sa Palasyo Museo at mawawala pa sa kanya ang trabaho bilang guide sa exhibit ng Mondragon Corp. mababawasan nang malaki ang kanyang kita.Paano na ang pagpapagamot ng kanyang ina?Magde-delivery rider ba siya?O magmamaneho ng service?Kahit anong trabaho ay papasukin niya kung kinakailangan. Kaya hindi puwedeng mawala ang trabahong ito sa kanya. Huminga siya nang malalim at tumingin kay Franco."Mr. Franco, gusto ko pa ring ma

  • Too Late, Mr. CEO: I Left With Your Baby   Chapter 8

    Bahagyang napatingin si Franco kay Stacey bago siya umiwas ng tingin.“May mga paa naman siya.”Pagkasabi nito, kinuha niya ang kanyang amerikana at umalis.Agad naman siyang sinundan ni Trixie.“Franco, malakas ang ulan. Dahan-dahan lang tayo maglakad para hindi ka mabasa.”Malumanay ang boses ni

  • Too Late, Mr. CEO: I Left With Your Baby   Chapter 7

    Hindi pa gaanong nakakalayo ang itim na Rolls-Royce nang mag-vibrate ang telepono sa loob ng sasakyan. Narinig nila ang mahinahong boses ni Trixie.“Franco, may naiwan bang mga dokumento si Stacey? Nakita at inayos ko na ang mga ito. Dadalhin ko ba ngayon para hindi na maantala ang trabaho ninyo?”

  • Too Late, Mr. CEO: I Left With Your Baby   Chapter 6

    Kinabukasan, pagkatapos mag-almusal, umalis si Stacey sa lumang mansyon.May kukunin siyang mga dokumento sa bahay kaya dumaan muna siya roon. Pagpasok niya, nasalubong niya si Franco na palabas naman.Naroon sina Ronald at Clara na nagliligpit ng mga gamit matapos mag-almusal.Nagulat siya nang ka

  • Too Late, Mr. CEO: I Left With Your Baby   Chapter 5

    Biglang kumunot ang noo ni Franco sa kanyang narinig.“Wala kang karapatan na makialam sa buhay ko.”Napasinghal si Dominic, malamig nitong tiningnan si Stacey bago tuluyang nanahimik.Pagpasok nila sa loob, agad silang sinalubong ng isang matandang babaeng nakangiti hanggang magkulubot ang mga mata

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status