LOGINHindi pa gaanong nakakalayo ang itim na Rolls-Royce nang mag-vibrate ang telepono sa loob ng sasakyan. Narinig nila ang mahinahong boses ni Trixie.
“Franco, may naiwan bang mga dokumento si Stacey? Nakita at inayos ko na ang mga ito. Dadalhin ko ba ngayon para hindi na maantala ang trabaho ninyo?” Napatingin si Stacey kay Franco. Alam niyang dahilan lang iyon ni Trixie para makasama sa business trip. Pero sigurado siyang hindi ito papayagan ni Franco. Kilala niya ito. Palaging trabaho ang inuuna nito at hindi nito hinahalo ang personal na buhay sa trabaho. Kahit gaano pa kamahal ni Franco si Trixie, hindi siya basta gagawa ng espesyal na pabor. Ngunit sa sumunod na sandali, kalmadong sinabi ni Franco habang may sigarilyo sa labi: “Pumunta ka rito.” Bahagyang humigpit ang hawak ni Stacey sa kanyang panulat. Doon niya napagtanto na ang mga prinsipyo ni Franco ay para lamang sa kanya. Kapag si Trixie ang kasangkot, handa itong balewalain ang kanyang prinsipyo. Pagkaraan ng tatlong oras, dumating sila sa cultural tourism town. “Mr. Mondragon, bumagsak po ang pangunahing display stand sa handicraft area!” Nagkunot-noo si Franco. “Maaaring maitayo ulit ang stand, pero nasira ang ilang mahahalagang exhibit. Bukas darating ang mga turista at ang Imperial Group para mag-inspeksyon. Kapag hindi ito naayos ngayon, mapipilitang isara ang buong lugar.” Napatingin siya kay Stacey. “Ako na ang titingin,” sagot nito. Pagkalipas ng sampung minuto, nakita niya ang problema. Hindi pasado sa standard ang mga bolt na ginamit at may mga bahagi ring binago ang construction team nang walang pahintulot. Habang tinitingnan ang mga sinaunang kuwintas na nakakalat sa sahig, ipinaliwanag niya ang sitwasyon kay Franco. “Sabihin kay Mr. Paulo na ayusin at palakasin ang stand. Ako naman ang mag-aayos ng mga kuwintas. Ilayo muna ang mga turista rito at huwag munang papasukin ang lugar.” “Sige.” Pagkatapos ay malamig na sinabi ni Franco kay Paulo: “Ikaw ang may responsibilidad dito. Kapag nagkaproblema ulit, umalis ka na sa kumpanya.” Kinabahan si Paulo at agad na sumang-ayon. Pagkaalis ni Franco, agad na sinimulan ni Stacey ang pagkukumpuni ng mga kuwintas. Mula tanghali hanggang dapit-hapon, natapos niya rin ang lahat. Humanga si Paulo. “Talagang maaasahan si Stacey.” Hindi niya namalayan na nakatayo na pala si Franco sa malapit. Maya-maya ay dumating si Trixie na nakasuot ng rosas na damit. “Franco,” matamis nitong bati. Masayang sinalubong siya ng mga tao. Namigay siya ng pastry at kape. “Salamat sa inyong lahat. Hindi kayo pababayaan ng Mondragon Corp.” Pagkatapos ay lumapit siya kay Stacey na pawis na pawis pa sa trabaho. Ngumiti siya ngunit may halong pang-iinsulto. “Laging maaasahan sina Jaira. Kaya nakapagtataka kung bakit bumagsak ang display stand.” Pagkatapos ay idinagdag niya: “O baka naman mali ang timbang ng mga exhibit na ibinigay ni Stacey?” Natahimik ang lahat. Napatingin si Paulo kay Franco. Alam niyang istrikto ito at may mananagot kapag may pagkakamali. Ngunit walang sinabi si Franco. Ipinasok lamang niya ang isang kamay sa bulsa at umalis. Agad siyang sinundan ni Trixie. Bago umalis, sinabi nito kay Stacey: “Stacey, pupunta muna kami sa restaurant. Hintayin ka namin doon.” Pagkaalis nila, nagsialisan din ang mga tao. Walang gustong madamay. Pagsapit ng gabi, mag-isang naiwan si Stacey sa exhibition area. Malungkot ang kanyang pakiramdam. Sa lugar na siya ang namamahala naganap ang aksidente, kaya anumang paliwanag niya ay magiging walang saysay hangga't hindi pa natutukoy ang tunay na sanhi nito. Naalala niyang may isang taong kahina-hinala ang kilos sa construction site kanina. Pakiramdam niya ay may sabwatan at kailangan niya itong imbestigahan. Hindi siya papayag na siya ang sisihin nang walang dahilan. Pagkatapos ng trabaho, nagtungo siya sa restaurant. Pagpasok niya, nakita niyang nag-uusap sina Trixie at Paulo. “Salamat sa ginawa mo ngayon, Miss Trixie,” sabi ni Paulo. “Wala iyon. Sinabi ko lang ang totoo,” sagot ni Trixie. Dahil malayo siya, hindi niya marinig ang usapan. Nang makita niyang naroon si Franco, balak sana niyang umalis. Ngunit tinawag siya ni Trixie. “Stacey, buong hapon kang nagtrabaho. Join us, sabay na tayong kumain.” Umupo si Trixie sa tabi ni Franco habang si Stacey ay umupo sa tapat nila. Habang kumakain, sinabi ni Trixie: “Hindi lang naman para kay Franco kaya ako pumunta rito.” Pagkatapos ay sumulyap siya kay Stacey. “Ilang araw na lang at kaarawan na ng tatay ko. Mahilig siya sa orchid, at sikat ang mga orchid dito. Bibili ako ng isa para sa kanya.” Napahinto si Stacey. Naalala nia na malapit na rin ang kaarawan ng kanyang ama na si Ronald Madrigal. Naisip niyang bilhan din ito ng orchid. Ngunit nagbago ang kanyang isip dahil marahil ay matagal na siyang nakalimutan ng kanyang ama. Pagkatapos ng aksidente ng kanyang ina, nahinto nadin ang kanyang ama sa pagbigay ng suporta. Sinubukan niyang makipag-ugnayan noon, ngunit palagi siyang hinaharang ng assistant ng kanyang ama. Kaya kalaunan ay hindi na niya ito muling hinanap. Biglang tumunog ang kanyang telepono. “Nurse Joyce,” sagot niya. “Ms. Stacey, may kailangan kayong bayaran para sa pagpapagamot. Naipadala ko na ang detalye sa inyong telepono.” “At pakisabihan si Sir Franco na bayaran na nang maaga ang gastusin sa paggamot at huwag nang hintayin na habulin pa namin siya.” Pagkatapos nito ay ibinaba na ng nars ang tawag. Nagkunot-noo si Franco. “Nahuli ba ang bayad sa pagpapagamot ng nanay mo?” Akala niya ay sinasadya lamang ito ni Stacey. Balak sana ni Stacey na paalalahanan siya tungkol sa kanilang kasunduan. Hindi pa sila annulled at obligasyon pa rin nitong bayaran ang gastusin ng kanyang ina. Ngunit bago pa siya makapagsalita, aksidenteng natabig ni Trixie ang baso ng tubig. Nabasa ang manggas ni Franco. “Pasensya na, napakaburara ko talaga,” sabi niya habang pinupunasan ito. Pagkatapos ay tumingin siya sa labas ng bintana. “Umuulan pala. Wala akong dalang payong. Paano ako makakauwi?” Palihim siyang sumulyap kay Franco. Tinawag ni Franco ang waitress. “Pwede bang makahiram ng payong?” Pagkatapos ay sinabi niya kay Trixie: “Ihahatid na kita. Daan ko rin naman iyon.” Tumayo silang dalawa. Habang naglalakad, kunwari ay aksidenteng natamaan ni Trixie ang upuan ni Stacey. Pagkatapos ay inosenteng tumingin siya kay Franco. “Franco, kung ihahatid mo ako, paano naman si Stacey? Wala rin siyang dalang payong.”Mula nang bumalik si Trixie sa bansa, halos lahat ng gusto nito ay ibinibigay ni Franco. Kung hihiling ito ng buwan at mga bituin, parang kaya pa nitong abutin para sa kanya.Kaya ngayon, nang makita niyang seryoso at malamig ang lalaki, hindi niya maiwasang kabahan. Namumuo ang luha sa kanyang mga mata habang mahina siyang nagsalita.“Franco, wala naman akong masamang intensyon. Nalanta na kasi ang halaman kaya akala ko mas mabuting palitan na lang.”Maingat niyang inilagay ang paso sa lugar na itinuro ni Franco.“Maghahanap ako ng paraan para maalagaan natin ito.”Ngunit malamig ang sagot ng lalaki.“Huwag na.”Pagkatapos ay lumingon ito kay Christian.“Dalhin mo sa akin ang pinakabagong schedule.”“Opo, Sir.”Kinuha ni Franco ang dokumento.“Maaari ka nang umalis, Trixie.”Ayaw sana nitong umalis, ngunit nang makita ang seryosong mukha ni Franco, wala siyang nagawa kundi sumunod. Pagkaalis ni Trixie, muling nagsalita si Franco.“Maghanap ka ng eksperto sa halaman.”Nagulat si Chri
Matapos ang kalahating buwang pahinga, bumalik na si Rochelle sa trabaho matapos sabihin ng doktor na maayos na ang kanyang kalagayan. Dahil alam niyang abala ang studio, hindi na siya nakatiis sa bahay.Sinalo nina Stacey at Roan ang lahat ng mabibigat na gawain at pinayagan lamang siyang gumawa ng magagaan na trabaho.Isang tanghali, niyaya ni Rochelle si Stacey na magtanghalian sa isang simpleng Japanese restaurant.Pagkaupo pa lamang nila, agad na nagtanong si Rochelle."Hindi ba kita naaabala sa trabaho mo?"Umiling si Stacey."Hindi naman. Kaunti lang ang customer ngayon. Nagpaalam na rin ako sa supervisor."Napabuntong-hininga si Rochelle."Paano kung malaman ni Franco na nagtatrabaho ka rito bilang part-time? Hindi ba nakakahiya iyon para sa kanya?"Ngumiti si Stacey, ngunit bakas ang pagod sa kanyang mga mata."Malapit na rin naman kaming maghiwalay. At nasa ICU pa rin si Mama. Halos sampung libo ang gastos bawat araw. Wala na akong panahon para isipin ang iba."Natahimik si
Nang marinig ni Roan ang mga bulung-bulungan, agad siyang hinila ni Stacey paupo.Pero huli na ang lahat. Narinig na siya ng mga tao.Lahat ay napatingin sa kanila. Akmang magsasalita pa si Roan nang biglang itinaas ni Raymond ang kanyang baso.“Dumating na sina President Franco at Manager Trixie! Tara, mag-toast tayo!”Dahil paborito ni Franco si Trixie sa kompanya, mabilis na nakisabay ang lahat. Walang naglakas-loob na pag-usapan kung sino ang legal na asawa at sino ang kabit.Habang masayang nagdiriwang ang lahat para kina Franco at Trixie, tahimik na lamang na naupo si Roan.“Ate Stacey, naaawa talaga ako sa’yo,” malungkot niyang sabi.Ngumiti si Stacey at nilagyan pa ng cake ang plato nito.“Hindi ako kawawa.”Napansin ni Franco ang direksiyong tinitingnan ng mga tao at napatingin siya kay Stacey na tahimik na nakaupo sa isang sulok.Samantala, lumapit si Trixie kina Raymond.“Ano ang sigaw ng assistant ni Stacey kanina?”“Mistress daw kayo,” sagot ni Raymond.Ngumiti si Trixie.
Pagkatapos magligpit, lumabas si Stacey at nakita sina Franco at Mr. Joseph na nakatayo sa ilalim ng bubong ng gusali. Malakas ang hangin kaya bahagyang lumilipad ang kanilang mga amerikana. Mukhang seryosong-seryoso si Mr. Joseph habang nagsasalita. Si Franco naman ay tahimik lamang, isang kamay ang nasa bulsa habang nakikinig. Nang makita iyon ni Stacey, bahagyang bumigat ang kanyang dibdib. Tahimik siyang tumalikod at bumalik sa kanyang studio. Nang gabing iyon, pag-uwi ni Franco sa mansyon, agad niyang nakita si Aling Rose. Masaya siyang ngumiti. "Kumusta si Pengpeng? Isang taon na siyang nasa Amerika. Siguradong malaki na ang itinangkad niya." Napangiti si Aling Flor. "Opo, Sir. Lumaki at tumaba na rin siya. Habambuhay kaming magpapasalamat sa inyo. Kung hindi dahil sa tulong ninyo, hindi ko kakayaning mapag-aral siya sa ibang bansa." Umiling si Franco. "Huwag mo nang isipin iyon. Matagal ka nang bahagi ng pamilyang ito." Pagkatapos ay napansin niyang wala
Pagkaalis ni Stacey, agad na lumapit si Trixie kay Franco."Franco, pumunta ka rito, nag-aalala ka kay Stacey, hindi ba? Huwag kang mag-alala. Kinausap ko na siya kanina. Sigurado akong maayos ang magiging performance niya ngayon."Ngunit hindi siya pinansin ni Franco. Tahimik lamang itong nakatingin sa exhibit hall.At tama nga si Trixie.Napakaganda ng naging presentasyon ni Stacey.Sa dami ng tour guides sa exhibit, siya ang pinakikinggan ng mga bisita at nasa kanya ang atensyon ng mga ito.Hindi lang kasi siya basta nagkukuwento tungkol sa mga sinaunang perlas. Ikinukuwento rin niya ang kasaysayan, kultura, at mga alamat sa likod ng mga ito. Dahil doon, mas lalo silang nahuhumaling makinig.Paulit-ulit ang palakpakan.Maging ang mga bisitang nakikinig sa ibang guide ay lumipat sa grupo ni Stacey.Napansin iyon ni Mr. Joseph.Lumapit siya kay Franco."Franco, mukhang mas gusto ng lahat si Stacey. Hayaan na lang nating siya ang magpatuloy sa buong presentasyon."Nanigas ang ngiti ni
Habang naghihintay sa labas ng opisina, nakatanggap si Stacey ng tawag mula sa ospital.Lumala ang kalagayan ng kanyang ina dahil sa naipong plema sa baga. Nagdagdag ang doktor ng ilang gamot, at ang ilan sa mga ito ay hindi sakop ng insurance.Mas lalong sumakit ang ulo niya nang makita ang halaga ng mga gamot. May isa pang imported na gamot na napakamahal.Noon, maaaring humingi siya ng tulong kay Franco. Pero ngayon, malapit na silang maghiwalay. Wala na siyang lakas ng loob na humingi ng kahit ano rito.Napaisip siya.Kung hindi matutuloy ang proyekto nila sa Palasyo Museo at mawawala pa sa kanya ang trabaho bilang guide sa exhibit ng Mondragon Corp. mababawasan nang malaki ang kanyang kita.Paano na ang pagpapagamot ng kanyang ina?Magde-delivery rider ba siya?O magmamaneho ng service?Kahit anong trabaho ay papasukin niya kung kinakailangan. Kaya hindi puwedeng mawala ang trabahong ito sa kanya. Huminga siya nang malalim at tumingin kay Franco."Mr. Franco, gusto ko pa ring ma
Biglang kumunot ang noo ni Franco sa kanyang narinig.“Wala kang karapatan na makialam sa buhay ko.”Napasinghal si Dominic, malamig nitong tiningnan si Stacey bago tuluyang nanahimik.Pagpasok nila sa loob, agad silang sinalubong ng isang matandang babaeng nakangiti hanggang magkulubot ang mga mata
Halos mawalan ng hininga si Stacey nang makita ang necktie ng asawa, ngunit hindi niya ito pinahalata sa babae sa harap niya. “Alam mo kaya mo naman na yan ibigay kay Franco, alam mo naman siguro yung office niya di’ba? Hindi para ipaabot mo pa sakin yan.”Ngumiti lang si Trixie.“Flight ko na kas
Nang makababa siya ay agad siyang nagtungo sa pinto para umais nang makita siya ni Rose. “Madam, saan po kayo pupunta?” tanong nito.“May aasikasuhin lang po ako. Kumain na kayo mamaya, huwag na ninyo akong hintayin.”Sa mga ganitong panahon na pinanghihinaan siya ng loob, mas gusto niyang makita
Noong ikasal sila, may pinirmahan silang kasunduan.Isang malinaw pero hindi patas na kasunduan.Nakasulat doon na habang kasal sila, sasagutin ng Mondragon Corporation ang lahat ng gastusin sa pagpapagamot ng mama niya.Pero dahil nahihiya sila ng lola niya, ang regular na bayarin lang ang hinayaang







