Share

Chapter 4

last update publish date: 2026-06-13 09:42:58

Halos mawalan ng hininga si Stacey nang makita ang necktie ng asawa, ngunit hindi niya ito pinahalata sa babae sa harap niya. 

“Alam mo kaya mo naman na yan ibigay kay Franco, alam mo naman siguro yung office niya di’ba? Hindi para ipaabot mo pa sakin yan.”

Ngumiti lang si Trixie.

“Flight ko na kasi mamaya, may business trip ako. Two days pa ko bago ko makabalik, kaya baka naman pwedeng ikaw na ang mag balik kasi favorite necktie niya to eh”

Agad niya itong inabot kay Stacey at wala ng nagawa pa ang babae dahil nilagay na ito mismo sa kamay niya.

Nakita ni Trixie ang hawak na folder ng babae, agad niyang inunat ang kanyang kamay para maabot ito. Ngunit mas mabilis si Stacey at agad na niyakap ng mahigpit ang folder niya, naglalaman ito ng mahalagang dokumento.

Mas importante para sa kanya na matapos ng maayos ang project ng kumpanya kaysa sa walang saysay na pang aasar ng babaeng nasa harapan niya.

“Dinala mo iyan dito para ipakita sa akin, hindi ba?” malambing na sabi ni Trixie.

Natigilan si Stacey.

“Si Miss Rochelle ang dating kausap namin tungkol sa project, tama? Hindi ba niya nabanggit sayo ang tungkol sa akin?”

Naalala ng babae ang sinabi sa kanya noon ng kaibigan. May bagong supervisor daw na dumating sa tourism department ng kumpanya. Maganda, bata at medyo may hawig pa raw sa kanya.

Kung noon ay hindi niya ito binigyan ng pansin, dahil sa dami naman ng empleyado sa kumpanya hindi niya akalain na si Trixie pala ang tinutukoy nito.

Habang nag-iisip siya, walang paalam na kinuha ng babae ang folder at binuklat iyon.

“Miss Stacey, narinig kong kilala ka sa larangan ng restoration at may magaling ka pang naging mentor. Pero hindi naman tugma ang proposal mo sa direksyon ng tourism department namin” puna ng babae.

“Hindi ba inform sayo na hindi kami nag hahanap ng restoration. Ang kailangan namin at isang selling point.” 

Pagkatapos nito, ibinalik ng babae ang folder sa kanya.

“Sa susunod nating pagkikita, umaasa akong may bago ka nang proposal. Dahil kung hindi wala ng kwenta kung itutuloy pa ang partnership nito”

Matapos siyang pagsabihan ng babae ay taas-noo itong umalis. Samantalang naiwan si Stacey na nakatitig sa proposal na ilang araw niyang pinaghirapan. Sa mga simple mga salita ni Trixie tila lahat ng pagod niya ay parang bula na biglang naglaho.

Pero wala siyang magawa. Kinakatawan ito ng kumpanya, tahimik siyang tumingin sa hawak niyang dokumento at sandaling nag isip.Nang iangat niya ang tingin, nakita niya ang transparent elevator ilang metro ang layo sa kinatatayuan niya.

Pababa na ito at sakay nito ang asawa niya at babaeng kanina lang ay kaharap niya.Huminto ang elevator sa isang palapag at may ilang empleyado ang sumakay.May isang lalaking gustong tumabi kay Trixie.Pero nakita agad iyon ni Franco.Agad itong lumapit at tumayo sa harapan ng babae.

Napakalapit nila sa isa't isa.Maliit at marupok tingnan si Trixie, parang isang babasaging vase kung protektahan.Samantalang si Francis naman ay nakatayo sa tabi ng salamin, isang kamay ang nasa bulsa.

Malapad ang balikat, makitid ang baywang, at taglay pa rin ang malamig ngunit marangal na aura.Isang sulyap lang ang ibinigay ni Stacey bago siya umiwas ng tingin.Nakakapagtaka dahil mas kalmado na siya ngayon. Hindi tulad noong gabing umuulan at halos hindi niya makontrol ang sarili niya emosyon.

Pagbalik niya sa studio, agad niyang itinapon ang dating proposal at nagsimulang gumawa ng panibago.Paulit-ulit siyang nagsulat, pero wala ni isa sa ginawa niya ang pumasa sa panlasa niya.

Natapos na ang office hours, hindi na nag paalam si Roan at agad na siyang umuwi. Samantalang si Stacey ay nanatiling nagsusulat hanggang inabot na siya ng gabi. 

Pumunta siya sa pantry ng office para uminom ng tubig, pagkatapos nito ay may tao siyang tinawagan.

“Tungkol sa cultural products project ng museum na Bagong Buhay ng mga Artefakto... gusto rin naming sumali ng Rebirth of Cultural Relics.”

“Ako na ang gagawa ng design. Pagkalipas ng kalahating buwan, dadalhin ko mismo sa inyo ang proposal.” ilang segundong tahimik ang kabilang linya bago ito nagtanong.

“Stacey, kailangan mo ba ng pera?”

“K-kailangan? Hindi naman...” mahina niyang sagot.

Lalong lumamig ang boses ng kausap niya.

“Kasi nung nakaraan lang ikaw mismo ang tumanggi sa project na yan, hindi ka nga nag dalawang isip eh. Pero bakit biglang nagbago ang isip mo ngayon?”

Kinagat ni Stacey ang kanyang labi.

“Kapag hindi ako sumipot sa pagkakataong ito…hindi mo na ako makikita ulit.”

Muling natahimik ang kabilang linya.Pagkatapos ay ibinaba nito ang tawag.Alam niyang pumayag na ito.Bahagya siyang ngumiti.Pagkatapos ay tumingin siya sa kalangitan sa labas ng bintana.Maliwanag ang gabi dahil punong-puno ng bituin ang madilim na langit.

At bigla niyang naalala ang mga sinaunang beads na may ukit ng mga konstelasyon.Biglang lumiwanag ang mga mata niya.Parang konektado ang mga bituin at ang mga sinaunang perlas sa paglipas ng panahon.

“Isang Libong Taon ng Ningning ng mga Bituin…”

Mahina niyang binigkas ang pangalan.

“Ito na ang magiging tema.”

Ang cultural town na itinatayo ng Mondragon Corporation ay may mahigit isang libong taong kasaysayan.Perpekto ang temang iyon.Agad siyang bumalik sa harap ng computer at sinimulang ayusin ang proposal.

Masyado siyang nakatutok sa trabaho kaya hindi niya napansin ang pagdating ni Christian.

“Madam, susunduin ko na po kayo.”

Agad na tumayo si Stacey. Sasabihin pa naman sana niya na hindi siya uuwi ngayon pero naalala niya ang necktie ng asawa niya. Kaya binuksan niya ang drawer kung saan niya ito tinago at kinuha ito. 

Matalas ang mata ni Christian, agad niyang naintindihan niya ang sitwasyon. At tulad ng dati hindi na siya nag tanong pa.Tahimik siyang tumalikod.

Sa ilalim ng malaking puno sa gilid ng kalsada, nakaparada ang Rolls-Royce.Bahagyang nakabukas ang bintana.Kita ang malamig at matigas na side profile ng kanyang asawa.

May sigarilyo sa pagitan ng mahahaba nitong daliri habang tahimik na nakatingin sa isang convenience store sa di kalayuan.

Nang lumapit ang babae, dala niya ang malamig na hangin ng gabi.Sumakay siya sa kotse at naupo sa kabilang side.May bakas pa rin ng alaala ng gabing iyon sa loob ng sasakyan.

At ngayon, tila lalo iyong naging mapait.Hindi siya tumingin sa lalaki.Tahimik niyang inilagay ang necktie sa tabi nito.

“Pinapabigay ng babae mo naiwan mo raw sakanya.”

Mahina ang boses niya ngunit malamig.Napatingin si Franco sa necktie.Saglit siyang natigilan.Pagkatapos ay kumuha siya ng wet tissue, pinulot ang necktie, at itinapon iyon sa labas.

Diretso iyon sa basurahan sa gilid ng kalsada.Parang halimaw na nilamon ang necktie.

“Bumalik na si Lola. Pinapapunta niya tayo sa bahay para makapag dinner”

Parang nag-uulat lang siya ng trabaho habang itinatapon din ang sigarilyo.

Tahimik lang si Stacey.Hindi siya sumagot.Hindi nagtagal, nakarating sila sa lumang mansyon ng mga Mondragon.

Isang magandang garden na may mahigit dalawang daang taong kasaysayan.Hindi pamilyar si Stacey sa lugar dahil ilang beses pa lang siya nakapunta roon

Kung ang Makati ay ang center ng business district, ang mga Mondragon ang nasa pinakatuktok nito.

Kaya hindi kataka-takang hindi siya gusto ng pamilyang napasok niya.Matagal nang naghihintay ang chairman ng Mondragon Corporation.Pagkakita pa lang sa kanila, agad itong nagsalita.

“Bago malaman ng matanda, maghanap kayo ng oras at ayusin niyo na ang paghihiwalay niyo. Kung mas maagang matapos, mas mabuti. Franco binabalaan kita, huwag mong sirain ang kinabukasan mo para sa isang taong hindi tayo kayang pantayan.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Too Late, Mr. CEO: I Left With Your Baby   Chapter 21

    Mula nang bumalik si Trixie sa bansa, halos lahat ng gusto nito ay ibinibigay ni Franco. Kung hihiling ito ng buwan at mga bituin, parang kaya pa nitong abutin para sa kanya.Kaya ngayon, nang makita niyang seryoso at malamig ang lalaki, hindi niya maiwasang kabahan. Namumuo ang luha sa kanyang mga mata habang mahina siyang nagsalita.“Franco, wala naman akong masamang intensyon. Nalanta na kasi ang halaman kaya akala ko mas mabuting palitan na lang.”Maingat niyang inilagay ang paso sa lugar na itinuro ni Franco.“Maghahanap ako ng paraan para maalagaan natin ito.”Ngunit malamig ang sagot ng lalaki.“Huwag na.”Pagkatapos ay lumingon ito kay Christian.“Dalhin mo sa akin ang pinakabagong schedule.”“Opo, Sir.”Kinuha ni Franco ang dokumento.“Maaari ka nang umalis, Trixie.”Ayaw sana nitong umalis, ngunit nang makita ang seryosong mukha ni Franco, wala siyang nagawa kundi sumunod. Pagkaalis ni Trixie, muling nagsalita si Franco.“Maghanap ka ng eksperto sa halaman.”Nagulat si Chri

  • Too Late, Mr. CEO: I Left With Your Baby   Chapter 20

    Matapos ang kalahating buwang pahinga, bumalik na si Rochelle sa trabaho matapos sabihin ng doktor na maayos na ang kanyang kalagayan. Dahil alam niyang abala ang studio, hindi na siya nakatiis sa bahay.Sinalo nina Stacey at Roan ang lahat ng mabibigat na gawain at pinayagan lamang siyang gumawa ng magagaan na trabaho.Isang tanghali, niyaya ni Rochelle si Stacey na magtanghalian sa isang simpleng Japanese restaurant.Pagkaupo pa lamang nila, agad na nagtanong si Rochelle."Hindi ba kita naaabala sa trabaho mo?"Umiling si Stacey."Hindi naman. Kaunti lang ang customer ngayon. Nagpaalam na rin ako sa supervisor."Napabuntong-hininga si Rochelle."Paano kung malaman ni Franco na nagtatrabaho ka rito bilang part-time? Hindi ba nakakahiya iyon para sa kanya?"Ngumiti si Stacey, ngunit bakas ang pagod sa kanyang mga mata."Malapit na rin naman kaming maghiwalay. At nasa ICU pa rin si Mama. Halos sampung libo ang gastos bawat araw. Wala na akong panahon para isipin ang iba."Natahimik si

  • Too Late, Mr. CEO: I Left With Your Baby   Chapter 19

    Nang marinig ni Roan ang mga bulung-bulungan, agad siyang hinila ni Stacey paupo.Pero huli na ang lahat. Narinig na siya ng mga tao.Lahat ay napatingin sa kanila. Akmang magsasalita pa si Roan nang biglang itinaas ni Raymond ang kanyang baso.“Dumating na sina President Franco at Manager Trixie! Tara, mag-toast tayo!”Dahil paborito ni Franco si Trixie sa kompanya, mabilis na nakisabay ang lahat. Walang naglakas-loob na pag-usapan kung sino ang legal na asawa at sino ang kabit.Habang masayang nagdiriwang ang lahat para kina Franco at Trixie, tahimik na lamang na naupo si Roan.“Ate Stacey, naaawa talaga ako sa’yo,” malungkot niyang sabi.Ngumiti si Stacey at nilagyan pa ng cake ang plato nito.“Hindi ako kawawa.”Napansin ni Franco ang direksiyong tinitingnan ng mga tao at napatingin siya kay Stacey na tahimik na nakaupo sa isang sulok.Samantala, lumapit si Trixie kina Raymond.“Ano ang sigaw ng assistant ni Stacey kanina?”“Mistress daw kayo,” sagot ni Raymond.Ngumiti si Trixie.

  • Too Late, Mr. CEO: I Left With Your Baby   Chapter 18

    Pagkatapos magligpit, lumabas si Stacey at nakita sina Franco at Mr. Joseph na nakatayo sa ilalim ng bubong ng gusali. Malakas ang hangin kaya bahagyang lumilipad ang kanilang mga amerikana. Mukhang seryosong-seryoso si Mr. Joseph habang nagsasalita. Si Franco naman ay tahimik lamang, isang kamay ang nasa bulsa habang nakikinig. Nang makita iyon ni Stacey, bahagyang bumigat ang kanyang dibdib. Tahimik siyang tumalikod at bumalik sa kanyang studio. Nang gabing iyon, pag-uwi ni Franco sa mansyon, agad niyang nakita si Aling Rose. Masaya siyang ngumiti. "Kumusta si Pengpeng? Isang taon na siyang nasa Amerika. Siguradong malaki na ang itinangkad niya." Napangiti si Aling Flor. "Opo, Sir. Lumaki at tumaba na rin siya. Habambuhay kaming magpapasalamat sa inyo. Kung hindi dahil sa tulong ninyo, hindi ko kakayaning mapag-aral siya sa ibang bansa." Umiling si Franco. "Huwag mo nang isipin iyon. Matagal ka nang bahagi ng pamilyang ito." Pagkatapos ay napansin niyang wala

  • Too Late, Mr. CEO: I Left With Your Baby   Chapter 17

    Pagkaalis ni Stacey, agad na lumapit si Trixie kay Franco."Franco, pumunta ka rito, nag-aalala ka kay Stacey, hindi ba? Huwag kang mag-alala. Kinausap ko na siya kanina. Sigurado akong maayos ang magiging performance niya ngayon."Ngunit hindi siya pinansin ni Franco. Tahimik lamang itong nakatingin sa exhibit hall.At tama nga si Trixie.Napakaganda ng naging presentasyon ni Stacey.Sa dami ng tour guides sa exhibit, siya ang pinakikinggan ng mga bisita at nasa kanya ang atensyon ng mga ito.Hindi lang kasi siya basta nagkukuwento tungkol sa mga sinaunang perlas. Ikinukuwento rin niya ang kasaysayan, kultura, at mga alamat sa likod ng mga ito. Dahil doon, mas lalo silang nahuhumaling makinig.Paulit-ulit ang palakpakan.Maging ang mga bisitang nakikinig sa ibang guide ay lumipat sa grupo ni Stacey.Napansin iyon ni Mr. Joseph.Lumapit siya kay Franco."Franco, mukhang mas gusto ng lahat si Stacey. Hayaan na lang nating siya ang magpatuloy sa buong presentasyon."Nanigas ang ngiti ni

  • Too Late, Mr. CEO: I Left With Your Baby   Chapter 16

    Habang naghihintay sa labas ng opisina, nakatanggap si Stacey ng tawag mula sa ospital.Lumala ang kalagayan ng kanyang ina dahil sa naipong plema sa baga. Nagdagdag ang doktor ng ilang gamot, at ang ilan sa mga ito ay hindi sakop ng insurance.Mas lalong sumakit ang ulo niya nang makita ang halaga ng mga gamot. May isa pang imported na gamot na napakamahal.Noon, maaaring humingi siya ng tulong kay Franco. Pero ngayon, malapit na silang maghiwalay. Wala na siyang lakas ng loob na humingi ng kahit ano rito.Napaisip siya.Kung hindi matutuloy ang proyekto nila sa Palasyo Museo at mawawala pa sa kanya ang trabaho bilang guide sa exhibit ng Mondragon Corp. mababawasan nang malaki ang kanyang kita.Paano na ang pagpapagamot ng kanyang ina?Magde-delivery rider ba siya?O magmamaneho ng service?Kahit anong trabaho ay papasukin niya kung kinakailangan. Kaya hindi puwedeng mawala ang trabahong ito sa kanya. Huminga siya nang malalim at tumingin kay Franco."Mr. Franco, gusto ko pa ring ma

  • Too Late, Mr. CEO: I Left With Your Baby   Chapter 11

    Matalim na tinitigan ni Franco si Stacey. Bahagyang gumalaw ang kanyang Adam's apple bago siya nagsalita."Mukhang ikaw ang nagsumbong kay Lola tungkol sa art exhibit ni Trixie?"Mapait na napangiti si Stacey.Kahit sabihin niyang hindi, maniniwala ba ito?Noon nga ay nagawa nitong isipin na siya a

  • Too Late, Mr. CEO: I Left With Your Baby   Chapter 9

    Nakasuot si Stacey ng mahabang puting damit na marahang sumasayaw sa bawat hakbang niya.Maputi at makinis ang kanyang balat. Maganda at malinaw ang kanyang mga mata, habang ang mahaba niyang itim na buhok ay simpleng nakatali lamang.May ilang hibla ng buhok na nakalaylay sa tabi ng kanyang mukha,

  • Too Late, Mr. CEO: I Left With Your Baby   Chapter 8

    Bahagyang napatingin si Franco kay Stacey bago siya umiwas ng tingin.“May mga paa naman siya.”Pagkasabi nito, kinuha niya ang kanyang amerikana at umalis.Agad naman siyang sinundan ni Trixie.“Franco, malakas ang ulan. Dahan-dahan lang tayo maglakad para hindi ka mabasa.”Malumanay ang boses ni

  • Too Late, Mr. CEO: I Left With Your Baby   Chapter 7

    Hindi pa gaanong nakakalayo ang itim na Rolls-Royce nang mag-vibrate ang telepono sa loob ng sasakyan. Narinig nila ang mahinahong boses ni Trixie.“Franco, may naiwan bang mga dokumento si Stacey? Nakita at inayos ko na ang mga ito. Dadalhin ko ba ngayon para hindi na maantala ang trabaho ninyo?”

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status