LOGIN“I love it! I really really love it! Hindi talaga ako nagkamali sa pagpili sa’yo. Napakaganda ng kinalabasan ng design mo para sa’kin!” masayang puri ng magandang babae kay Aviannah habang hawak-hawak nito ang sketchbook na may wedding dress na iginuhit niya para dito.
Nang matapos sa pag-aaral si Aviannah ay tinahak niya ang pagiging isang fashion designer. At kahit na isang taon pa lamang siya sa larangan na ito ay tila eksperto na siya sa ganda ng mga feedback sa kanya ng mga nagiging kliyente niya, at sa dami na rin ng nagpapagawa at nagtitiwala sa kanya. Kaya naman kahit na isang taon pa lamang siya sa ganitong larangan ay nakapagpatayo na siya ng sarili niyang boutique. At proud na proud siya na ang lahat ng iyon ay nagmula sa sarili niyang pagsisikap at paghihirap. Kahit pa ilang beses na siyang kinukumbinsi ng kanyang ama at ng kanyang madrasta na tumulong na lamang siya sa sariling negosyo ng mga ito.
Para kay Aviannah, iba pa rin ang magkaroon siya ng sariling pangalan sa larangan ng negosyo at makamit niya ang kanyang mga pangarap bilang isang fashion designer. Kaya kahit na may mga sariling negosyo ang kanyang ama ay hindi niya iyon pinakialaman.
“Masaya ako na nagustuhan mo ito. Sisiguraduhin ko na hinding-hindi ka talaga magsisisi sa’kin hanggang sa huli,” masayang tugon ni Aviannah sa babae.
“Thank you so much, Ms. Aviannah. I know that you’re the best!” masayang pahayag naman ng babae sa kanya.
Mabilis na lumipas ang buong maghapon at para kay Aviannah, ay magsisimula pa lang ang masayang parte ng araw niya.
Nang matapos siya sa trabaho ay excited niyang isinara ang sariling boutique, upang magtungo sa isang five-star resto-bar, kung saan gaganapin ang isang birthday party para sa kaibigan niyang si Sandra.
“Hey, Avie! Here!” Mabilis na napalingon si Aviannah sa babaeng tumawag sa kanya pagkapasok niya ng resto-bar. Agad na gumuhit ang malapad na ngiti sa kanyang mga labi nang makita niya ang kaibigang si Jamie na kumakaway sa kanya kasama ang iba pa nilang mga kaibigan. Agad siyang lumapit sa mga ito.
“I’m sorry, I’m late—” paghingi sana niya ng paumanhin na agad din namang pinutol ni Jamie.
“No, it’s okay, Avie. Kaka-start pa lang din naman.”
“That’s good then. Uhm… where’s Sandra by the way?” tanong niya pa kasabay ng marahang paglinga-linga niya sa paligid upang hanapin ang kaibigang nagdiriwang ngayon ng kaarawan.
“Uhm… si Sandra? Uhm… ano kasi…” ani Jamie na tila hindi malaman ang isasagot sa kanya.
“Bakit? May problema ba?”
“Wala namang problema. Pero lumabas lang siya sandali para sunduin si ano—” Hindi na natapos ni Jamie ang sinasabi nito nang bigla nang dumating si Sandra kasama ang isang lalaki.
Bahagyang natigilan si Aviannah nang makita kung sino ang bisitang kasama ng kaibigan.
“Uhm… You’re here na pala, Avie,” marahang bati ni Sandra sa kanya. “Uhm… I invited him here, and I hope it’s okay.”
“Oh, yeah. Of course it’s fine,” tugon naman niya saka siya ngumiti rito.
“Thank you,” Sandra mouthed.
“Hi, Aviannah! How are you? It’s been a while,” saad ng bisitang kasama ni Sandra.
“Hi, Alfred! I’m good. How about you?” ganting tanong naman niya rito.
“I’m good as well,” nakangiting sagot ni Alfred sa kanya.
“That’s good to hear.” At bago pa man umusbong ang awkwardness sa pagitan nila ay kaagad na ulit siyang nagsalita. “Uhm… by the way, this is for you, Sandra. Happy birthday!” aniya sabay abot ng regalo sa kaibigan.
“Thank you so much, Avie!” masayang sabi naman ni Sandra pagkatanggap nito ng regalo mula sa kanya.
“Let’s start the party, guys! Come on!” pagkuwan ay masayang lapit sa kanila ng iba pa nilang mga kasama saka sila masayang nagsalo-salo at nag-inuman.
“Avie, are you okay?” ilang sandali pa’y lapit ni Jamie kay Aviannah.
“Of course, I’m okay. Bakit mo naman naitanong ‘yan?”
“Because you know… Alfred is here.” Binalingan ng tingin ni Aviannah si Alfred na masayang nakikipagsiyahan ngayon sa kanyang mga kaibigan kasama si Sandra.
“Well… we’re goods naman. Kaya it’s okay lang. Saka wala naman kaming masakit na nakaraan, you know…”
“Sa bagay… unlike kay Andrei—” Kusang natigilan si Jamie sa pagsasalita nang mabanggit ang pangalan na iyon. “Oops, I’m sorry.”
“It’s fine, ano ka ba. Palagi ko rin naman naririnig ang pangalan na iyan kina daddy and tita.”
“Sa bagay, for sure palagi niyo rin siyang napag-uusapan sa bahay niyo.”
“Hmm. Not really. Kapag siya na kasi ‘yong topic, umiiwas na ako.”
“So, sa five years… wala na talaga kayong naging pag-uusap?” curious na tanong ni Jamie kay Aviannah.
“Yup. Sa loob ng limang taon, wala na,” marahang sagot naman ni Aviannah sa kaibigan. At hindi maitatanggi ang pagdaan ng lungkot sa mga mata niya dahil sa pinag-uusapan nila ngayon ng kaibigan.
Limang taon na ang lumipas mula nang maka-graduate sila ng senior highschool. Limang taon na rin ang nakalipas mula nang umalis ng bansa ang lalaking iniibig niya upang mag-aral sa ibang bansa. Limang taon na niya itong hindi nakikita at nakakausap. At sa loob ng limang taon na iyon ay napakarami nang nangyari at nagbago sa kanyang buhay.
Nagkaroon siya ng mas maraming kaibigan, nakapagtatapos siya ng pag-aaral, at nakapagpatayo siya ng sarili niyang boutique. Maraming bagay na ang nangyari at nagbago. At umaasa siyang sana, isa na rin doon ang kanyang damdamin.
Sa dami kasi ng nagbago sa buhay niya, ay tila nananatiling pareho pa rin ng nakaraan ang kanyang damdamin. Bagay na matagal na niyang sinisikap na baguhin. Ngunit anong magagawa niya kung hindi niya mapatay-patay ang damdamin para sa lalaking hindi niya dapat iniibig.
“Well, you deserve so much better, Avie,” pagkuwan ay komento ni Jamie sa tabi niya na ikinalingon niya rito. “I mean, okay na rin ‘yon na hindi na kayo nag-usap. At least, napigilan mo na ‘yong feelings mo para sa kanya, ‘di ba?”
Sandali siyang napatitig sa kaibigan bago tuluyang nakasagot. “O-Oo naman! Syempre naman,” aniya saka siya pilit na ngumiti rito. “Sa loob ng limang taon, napigilan ko ‘yong feelings ko para sa kanya. Na dapat lang naman talaga, ‘di ba?”
Mula nang umalis ng bansa si Andrei ay sinikap na ni Aviannah na magkunwaring wala nang nararamdaman dito. Sa harap ng mga kaibigan niya ay ganoon ang ipinapakita at sinasabi niya.
“So, in that case, baka may chance na kayo ni Alfred ngayon?” tila excited na sabi ni Jamie sa kanya na kanyang bahagyang ikinagulat.
“Huh?”
“Five years ago, ni-reject mo siya dahil kay Andrei. And after no’n, bihira na kayo magkita at magkausap ulit. So, why don’t you try to work things out with him?”
“Alam mo… wala pa kasi sa isip ko ang mga ganyang bagay. Saka isa pa, look at him with Sandra. Hindi ba at parang mas bagay silang dalawa?” wika niya saka sila sabay na bumalin ng tingin sa kanilang mga pinag-uusapan.
Humalukipkip si Jamie kasabay ng marahang pagngiwi nito na tila ba napapaisip ito ng mabuti dahil sa sinabi ni Aviannah. “Hmm, well, alam mo parang may point ka.”
“Hindi ba? Imagine, sino bang mag-aakala na magiging good friends sila five years ago?” dagdag pa ni Aviannah.
“Parang may something nga sa kanila, ‘no?” saad ni Jamie nang sabay nilang makita kung paano masayang tumingin sa isa’t isa ang dalawa.
“See? I told you!”
“Hoy, Avie! Jamie! Ba’t ba nandyan kayo sa tabi? Dito nga kayo, sumali kayo rito sa amin!” pagkuwan ay tawag sa kanila ni Tin, isa sa kanilang mga kasama sa kasiyahan ng pagdiriwang ng kaarawan ni Sandra.
Sabay-sabay naman na napalingon ang iba pa nilang mga kasama sa kanila ni Jamie.
“Oo nga! Ba’t ba kayo nandyan? Natakas kayo sa shot, ano?” wika naman ni Anie, isa rin sa kanilang mga kasama.
“Oy, hindi kami natakas sa shot ah. Ito na nga at papunta na dyan!” sagot ni Jamie saka sila nagtungo sa mga kaibigan.
Aviannah had fun with her companions that night. Kaya naman hindi niya matanggihan ang mga ito sa tuwing pinapainom siya ng mga ito.
“No half measures, darling—make it a full one!”
“Go, Avie!”
Masayang inubos ni Aviannah ang laman ng shot glass na hawak niya at itinaas pa ito sa ere para ipakita sa mga kasama niya.
“Woah! You’re the best, Avie!”
“Guys, I think Avie has had enough. That will be her last shot,” pagkuwan ay sabi ni Sandra sa kalagitnaan ng kanilang kasiyahan.
“Bakit naman? Kaya pa naman ni Aviannah ‘yan,” ani Tin.
“Oo nga, Sandra. Besides, it’s your birthday naman. Hayaan mo lang kaming magkasiyahan dito,” Segunda naman ni Anie saka siya muling nagsalin ng inumin sa shot glass na pinaiikot nila. “Tin, it’s your turn!” masayang balin pa nito sa kasama nilang si Tin.
“Okay lang ako,” pagkuwan ay bulong ni Aviannah kay Sandra saka ito ngumiti. At nagpatuloy nga lang ang kasiyahan nilang lahat.
Hindi alam ni Aviannah kung nakailang shot ba siya bago niya maramdaman ang unti-unting paggalaw ng kanyang paligid.
“Avie, shot mo na,” wika ni Jamie na agad na tinutulan ni Sandra.
“That’s enough, Jamie. Hindi na kaya ni Aviannah. At ikaw rin. Look at yourself,” ani Sandra sabay kuha ng shot glass mula kay Jamie.
“Uy, kaya ko pa naman ah,” makulit na singit ni Aviannah sa dalawa niyang kaibigan habang pilit na kinukuha sa kamay ni Sandra ang shot glass.
“No, Avie. You should stop,” saway ni Sandra.
Ang ilan sa kanilang mga kasama ay bagsak na rin, ang iba naman ay nagpasundo na sa kani-kanilang mga driver pauwi.
“Are they okay?” lapit naman ni Alfred.
“No. They’re not okay,” sagot ni Sandra.
“So, how are we going to take them home?”
“I can take Jamie home to them since I'll be passing by their house. But… for Avie—”
“I can take her, then,” mabilis na putol ni Alfred kay Sandra.
“Sure ka? Pero kasi… nag-text na ako sa yaya niya na ipasundo na lang siya sa family driver nila—”
“It’s okay. Ako na lang ang maghahatid sa kanya sa kanila. I’ll call his dad,” muli ay putol ni Alfred kay Sandra habang pinag-uusapan si Aviannah na ngayon ay nakayupayop na sa table dahil sa labis na kalasingan.
“O-Okay, sige.” Sa huli ay wala nang nasabi pa si Sandra sa nais na gawin ni Alfred.
Katulong ang family driver nina Sandra, ay maingat nilang inakay si Jamie palabas ng resto-bar.
“Aalis na kami. Ikaw na ang bahala kay Avie,” paalam ni Sandra kay Alfred.
“Sure. Ingat kayo. Happy birthday ulit,” nakangiting tugon naman ni Alfred.
Matamis na ngumiti si Sandra pabalik sa lalaki. “Salamat.”
Akmang hahakbang na sana paalis si Sandra nang bigla siyang matigilan dahil sa kanyang nakita. Bumakas din ang gulat sa mukha ni Alfred nang mapalingon sa isang lalaking seryosong naglalakad ngayon palapit sa kanila.
“You? What are you doing here?” malalim na tanong ni Alfred sa lalaki nang huminto ito sa tapat niya.
Bumaba ang tingin ng lalaki sa natutulog na si Aviannah na naroon pa rin sa table.
“I’m here to pick up my sister,” seryosong sagot ng lalaki kay Alfred.
Ang mahabang conference table ay puno ng mga folder, laptop, coffee cups, at iba’t ibang fabric swatches na nakakalat sa magkabilang gilid. Sa harapan ng silid, maliwanag na nakaproject ang presentation slides sa malaking screen.Tahimik na nakaupo si Aviannah habang seryosong inaayos ang tablet sa kanyang harapan. Nakatuon naman ang mga mata ng buong team sa kanya.“Aviannah, can you walk us through the new concept for the Holiday collection? We need to finalize the color palette by next week,” saad ng ManagerHuminga nang malalim si Aviannah bago tumango at tumayo mula sa kanyang upuan.“Sure. The theme revolves around urban elegance—modern and sophisticated, but still warm and relatable. I prepared three variations for the color story.”Lumipat ang slide sa screen.“Option A leans toward muted grays with deep crimson accents. It gives off a strong and polished feel. Option B is softer, combining beige tones with teal highlights for a more relaxed and refined look,” pagtutuloy ni Av
Marahang iminulat ni Aviannah ang kanyang mga mata nang magising siya sa pag-iingay ng cellphone niya. Mabilis siyang nakatulog kanina nang dumating siya sa unit niya. At kung hindi pa mag-ingay ang cellphone niya dahil sa isang incoming call ay sigurado siyang magtutuloy-tuloy na ang tulog niya hanggang kinabukasan.“Hello? Avie, Anak? Kumusta ka na dyan?”“I’m good, dad,” mahinang sagot niya sa ama na nasa kabilang linya. Nakita niyang alas otso na pala ng gabi. Napahaba talaga ang tulog niya.“Kausap ko si Alfred kanina. Nabanggit niya sa akin na maaga ka niyang inihatid pabalik sa unit mo. Hindi raw maganda ang pakiramdam mo,” saad pa ng kanyang ama.“Pagod lang po ako, dad,” tugon niya rito.“Sigurado ka bang dahil sa pagod lang ‘yan? Baka kailangan mo nang magpatingin sa doctor. Ano bang nararamdaman mo ngayon?” nag-aalalang tanong pa ng kanyang ama sa kanya.Ano nga bang nararamdaman niya ngayon? Sa totoo lang ay hindi niya rin talaga alam. Sinasakop na ni Andrei ang kanyang bu
“N-Nandito ka pala, Aviannah…” marahang usal ni Khyline kay Aviannah na halatang nagulat sa nadatnan nitong eksena nila ni Andrei.“Uhh…” Hindi naman malaman ni Aviannah ang sasabihin.“Bakit hindi kayo nagpasabi na darating kayo ngayon?” singit na tanong ni Andrei.“Nagsabi kami sa’yo kagabi pero busy ka yata.” Ang kaibigan ni Andrei na si Chris ang sumagot.“Ako? Busy? Hindi ah. Hindi naman ako busy.”“Hindi mo rin sinasagot ang tawag namin sa’yo kanina,” dagdag pa ni Chris na marahang ikinatikhim ni Khyline.“Ang ibig kong sabihin… baka masyado pang maaga ‘yon kaya hindi mo nasagot,” pagtutuloy ni Chris.“Baka nga,” ani Andrei.“Nga pala, may dala kaming breakfast. Tamang-tama at nandito si Aviannah, tara kain tayo sa loob,” sabi pa ni Chris kasabay nang pagpapakita nito ng mga pagkaing dala.“Pero nakapag-breakfast na kami,” mabilis na sagot naman ni Andrei sabay balin ng tingin kay Alfred na naroon pa rin.“Huh? Nag-breakfast na kayong dalawa?” tanong ni Chris “Oo—” natigilan s
“Ano naman ba kasi sa’yo kung magkasama kami? Isa pa, nasisiraan ka na ba? Baka nakakalimutan mong kaya kami nandito ay para sa trabaho. Kaya malamang madalas at halos araw-araw kaming magkakasamang dalawa,” inis na sabi ni Aviannah kay Andrei.“That’s why I’m here.”“Ano?”“Kumain ka na.”Napasinghap si Aviannah sa inis. “Wow. Ang bilis mo naman mag-change topic ah.”“Huwag mong sabihing nag-dinner ka na rin kasama niya?”Napahigit ng malalim na paghinga si Aviannah. Hindi niya lubos maunawaan si Andrei sa mga inaasal nito sa kanya. Naguguluhan siya sa kung paano at sa kung ano ba ang dapat niyang maramdaman.“Kung nag-dinner nga ako kasama siya, ano naman ba sa’yo?”“So, kumain ka na nga?”“Oo—” Natigilan si Aviannah sa pagsagot niya sana nang biglang kumalam ang sikmura niya. “Uhm…” napalunok siya na ikinangisi naman ni Andrei.“Maupo ka. Ipagluluto kita,” wika nito sa kanya.“Hindi na,” mabilis na sagot naman niya rito. “Hindi mo naman ako kailangang ipagluto. May sarili akong pag
“Ayaw ko,” simpleng sagot ni Aviannah kay Andrei.“Ano?” kunot-noong tanong naman ni Andrei kay Aviannah.“Bakit naman kita susundin? Isa pa, sinabi ko ba sa’yong ipaghanda mo ako ng lunch? At saka, ano bang ginagawa mo rito? Bakit ka ba kasi nandito?” Kahit na nagulat si Aviannah na makita at malaman na nasa katabing unit niya lamang si Andrei, ay hindi niya iyon ipinahalata sa lalaki. Suot niya pa rin ang mataray na awra niya para dito.Marahang humigit ng malalim na paghinga si Andrei habang seryosong nakatingin kay Aviannah. At pagkuwan ay humalukipkip ito.“Okay sige, isa-isahin natin. Una, bakit mo ako susundin? Kasi kuya mo ako.”Kaagad na kumunot ang noo ni Aviannah sa sinabing iyon ni Andrei. “Ano?” Napasinghap siya. “Talagang feel na feel mo ang pagiging kuya ko?”“Hindi naman sa ganoon. Pero… ano mo ba kasi ako gusto?” tila mapang-asar na tanong ni Andrei kay Aviannah.“Ano?”“Pangalawa, hindi mo nga naman sinabi na ipaghanda kita ng lunch, pero ipinaghanda pa rin kita. Hin
“Kung gusto mong ipagluto kita, pritong itlog lang ang maihahain ko sa’yo,” mapang-asar na sabi ni Aviannah kay Andrei nang makabalik sila sa unit ni Aviannah.“Samahan mo na rin ng hotdog, may binili ako rito,” tanging tugon naman ni Andrei kay Aviannah saka nito inayos at itinabi ang mga pinamili nila.Ang akala ni Aviannah ay maaasar ang lalaki sa kanya, pero parang ayos lang pala rito kahit na pritong itlog lang ang lutuin niya para dito.“Seryoso ka ba?” tila si Aviannah pa ang naasar sa huli.“Huh?” lingon ni Andrei kay Aviannah.“Kung aalis ka na ngayon dito at sa labas ka kakain, mas masarap ang makakain mo kaysa sa pritong itlog at hotdog.”“At least luto mo. Kaya mas pipiliin ko pa rin ang pritong itlog at hotdog,” tanging tugon naman ni Andrei saka ito matamis na ngumiti sa dalaga.“Ano bang trip mo?” inis na tanong ni Aviannah.“Huh? Hindi ako nangti-trip. Seryoso ako.”“Ah talaga ba? Seryoso ka pala.”“Palagi akong seryoso pagdating sa’yo,” tugon pa ni Andrei na siyang ba
Wala talaga sa intensyon ni Aviannah na ma-lock si Andrei sa loob ng unit niya. Kaya naman agad niyang tiningnan ang smart lock feature ng unit niya, at nakita niyang naka-activate ang child lock kaya naman nag-automatic itong mag-lock pagkasara niya rito mula sa labas kanina.“Bakit ba naka-activa
“What are you doing here?!” gulat na tanong ni Aviannah kay Andrei na prenteng nakatayo lamang sa harapan niya.“it’s time for dinner,” tanging saad lamang ng lalaki sa kanya.“What?” kunot ang noong tanong niya rito saka siya napasinghap. “Tinatanong kita kung anong ginagawa mo rito. Bakit ka nand
“Nasaan na sila?” alalang tanong ni Alfred kay Jamie pagkababa nito ng sasakyan. Tila mabuting sinusuri ang paligid upang hanapin sina Aviannah at Sandra, na ayon kay Jamie, ay kapwa nakainom.“Pasensya ka na, Alfred, inihatid na kasi sila ni Andrei,” nahihiyang tugon ni Jamie kay Alfred.“What?” k
Nanikip ang dibdib ni Aviannah dahil sa lahat ng alaalang nagbalik sa kanyang isipan. Ilang minuto pa lamang ang nakakalipas mula nang umalis sila at magpaalam sa kanyang ama, pero hindi niya alam kung bakit tila nabalikan niya ang lahat ng mga alaala niya sa kanyang nakaraan. Na para bang sa pagita







