Share

Chapter 26:

last update publish date: 2025-04-21 23:07:18

Mainam na pinagmasdan ni Aviannah ang single na motor na sasakyan ni Andrei. Nawala sa isipan niya na kahit kailan ay hindi pa pala siya nakakasakay sa ganitong klase ng sasakyan. Ito ang unang beses kung sakali. Kaya namang pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman niya ngayon.

“Ate! Tara na po,” masayang sabi sa kanya ni Tonya saka ito lumapit sa motor.

Kasunod nito ay ang paglabas naman ni Andrei mula sa loob ng bahay. Dumeretsyo ito ng lapit sa motor nito saka ito bumalin ng tingin sa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Too Wrong to Love   Chapter 71:

    Umawang ang mga labi ni Aviannah. “A-Anong sabi mo?”“I’m sorry, Avie. Hindi ko gustong lokohin ka. Kailangan mo nang malaman ang totoo. I’m so sorry,” paghingi ulit ng paumanhin ni Khyline kay Aviannah.“So… nagpapanggap lang kayo ni Andrei na kayo? Niloloko niyo lang ako?”“I’m sorry, Avie,” naluluhang tanging nasambit na lamang ni Khyline.Napasinghap si Aviannah. Hindi siya makapaniwala na nagpapanggap lamang pala sina Andrei at Khyline. Sa totoo lang ay hindi rin niya alam kung ano ba ang una niyang dapat na maramdaman pagkatapos malaman ang katotohanan. Dapat ba siyang magalit dahil niloko siya ng mga ito? Pero bakit parang may parte sa loob niya ang masaya na malamang hindi naman pala totoong magkasintahan ang dalawa.“Avie, I’m sorry rin. Ginawa lang namin ‘yong gusto ni Andrei,” wika ni Chris.“Pakana lahat ‘to ni Andrei?&rdq

  • Too Wrong to Love   Chapter 70:

    Ang mahabang conference table ay puno ng mga folder, laptop, coffee cups, at iba’t ibang fabric swatches na nakakalat sa magkabilang gilid. Sa harapan ng silid, maliwanag na nakaproject ang presentation slides sa malaking screen.Tahimik na nakaupo si Aviannah habang seryosong inaayos ang tablet sa kanyang harapan. Nakatuon naman ang mga mata ng buong team sa kanya.“Aviannah, can you walk us through the new concept for the Holiday collection? We need to finalize the color palette by next week,” saad ng ManagerHuminga nang malalim si Aviannah bago tumango at tumayo mula sa kanyang upuan.“Sure. The theme revolves around urban elegance—modern and sophisticated, but still warm and relatable. I prepared three variations for the color story.”Lumipat ang slide sa screen.“Option A leans toward muted grays with deep crimson accents. It gives off a strong and polished feel. Option B is softer, combining beige tones with teal highlights for a more relaxed and refined look,” pagtutuloy ni Av

  • Too Wrong to Love   Chapter 69:

    Marahang iminulat ni Aviannah ang kanyang mga mata nang magising siya sa pag-iingay ng cellphone niya. Mabilis siyang nakatulog kanina nang dumating siya sa unit niya. At kung hindi pa mag-ingay ang cellphone niya dahil sa isang incoming call ay sigurado siyang magtutuloy-tuloy na ang tulog niya hanggang kinabukasan.“Hello? Avie, Anak? Kumusta ka na dyan?”“I’m good, dad,” mahinang sagot niya sa ama na nasa kabilang linya. Nakita niyang alas otso na pala ng gabi. Napahaba talaga ang tulog niya.“Kausap ko si Alfred kanina. Nabanggit niya sa akin na maaga ka niyang inihatid pabalik sa unit mo. Hindi raw maganda ang pakiramdam mo,” saad pa ng kanyang ama.“Pagod lang po ako, dad,” tugon niya rito.“Sigurado ka bang dahil sa pagod lang ‘yan? Baka kailangan mo nang magpatingin sa doctor. Ano bang nararamdaman mo ngayon?” nag-aalalang tanong pa ng kanyang ama sa kanya.Ano nga bang nararamdaman niya ngayon? Sa totoo lang ay hindi niya rin talaga alam. Sinasakop na ni Andrei ang kanyang bu

  • Too Wrong to Love   Chapter 68:

    “N-Nandito ka pala, Aviannah…” marahang usal ni Khyline kay Aviannah na halatang nagulat sa nadatnan nitong eksena nila ni Andrei.“Uhh…” Hindi naman malaman ni Aviannah ang sasabihin.“Bakit hindi kayo nagpasabi na darating kayo ngayon?” singit na tanong ni Andrei.“Nagsabi kami sa’yo kagabi pero busy ka yata.” Ang kaibigan ni Andrei na si Chris ang sumagot.“Ako? Busy? Hindi ah. Hindi naman ako busy.”“Hindi mo rin sinasagot ang tawag namin sa’yo kanina,” dagdag pa ni Chris na marahang ikinatikhim ni Khyline.“Ang ibig kong sabihin… baka masyado pang maaga ‘yon kaya hindi mo nasagot,” pagtutuloy ni Chris.“Baka nga,” ani Andrei.“Nga pala, may dala kaming breakfast. Tamang-tama at nandito si Aviannah, tara kain tayo sa loob,” sabi pa ni Chris kasabay nang pagpapakita nito ng mga pagkaing dala.“Pero nakapag-breakfast na kami,” mabilis na sagot naman ni Andrei sabay balin ng tingin kay Alfred na naroon pa rin.“Huh? Nag-breakfast na kayong dalawa?” tanong ni Chris “Oo—” natigilan s

  • Too Wrong to Love   Chapter 67:

    “Ano naman ba kasi sa’yo kung magkasama kami? Isa pa, nasisiraan ka na ba? Baka nakakalimutan mong kaya kami nandito ay para sa trabaho. Kaya malamang madalas at halos araw-araw kaming magkakasamang dalawa,” inis na sabi ni Aviannah kay Andrei.“That’s why I’m here.”“Ano?”“Kumain ka na.”Napasinghap si Aviannah sa inis. “Wow. Ang bilis mo naman mag-change topic ah.”“Huwag mong sabihing nag-dinner ka na rin kasama niya?”Napahigit ng malalim na paghinga si Aviannah. Hindi niya lubos maunawaan si Andrei sa mga inaasal nito sa kanya. Naguguluhan siya sa kung paano at sa kung ano ba ang dapat niyang maramdaman.“Kung nag-dinner nga ako kasama siya, ano naman ba sa’yo?”“So, kumain ka na nga?”“Oo—” Natigilan si Aviannah sa pagsagot niya sana nang biglang kumalam ang sikmura niya. “Uhm…” napalunok siya na ikinangisi naman ni Andrei.“Maupo ka. Ipagluluto kita,” wika nito sa kanya.“Hindi na,” mabilis na sagot naman niya rito. “Hindi mo naman ako kailangang ipagluto. May sarili akong pag

  • Too Wrong to Love   Chapter 66:

    “Ayaw ko,” simpleng sagot ni Aviannah kay Andrei.“Ano?” kunot-noong tanong naman ni Andrei kay Aviannah.“Bakit naman kita susundin? Isa pa, sinabi ko ba sa’yong ipaghanda mo ako ng lunch? At saka, ano bang ginagawa mo rito? Bakit ka ba kasi nandito?” Kahit na nagulat si Aviannah na makita at malaman na nasa katabing unit niya lamang si Andrei, ay hindi niya iyon ipinahalata sa lalaki. Suot niya pa rin ang mataray na awra niya para dito.Marahang humigit ng malalim na paghinga si Andrei habang seryosong nakatingin kay Aviannah. At pagkuwan ay humalukipkip ito.“Okay sige, isa-isahin natin. Una, bakit mo ako susundin? Kasi kuya mo ako.”Kaagad na kumunot ang noo ni Aviannah sa sinabing iyon ni Andrei. “Ano?” Napasinghap siya. “Talagang feel na feel mo ang pagiging kuya ko?”“Hindi naman sa ganoon. Pero… ano mo ba kasi ako gusto?” tila mapang-asar na tanong ni Andrei kay Aviannah.“Ano?”“Pangalawa, hindi mo nga naman sinabi na ipaghanda kita ng lunch, pero ipinaghanda pa rin kita. Hin

  • Too Wrong to Love   Chapter 21:

    "Ako na po ang magbubukas!" excited na sabi ni Jake saka ito tumakbo patungo sa pintuan upang buksan iyon. Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ni Aviannah ay awtomatiko siyang napatago. Kumabog sa kaba ang dibdib niya dahil sa tila takot na baka kung sino na ang nandyan. Naiisip niya kasi ang lal

  • Too Wrong to Love   Chapter 19:

    Nang dahil sa trahedyang nangyari kay Aviannah ay nawala ang lahat ng pera at gamit niya. Wala na rin ang cellphone niya kaya paano niya pa makakausap ang mga kaibigan niya?"Ilang araw na kaya mula nang umalis ako sa amin?" malungkot at mahinang pagtanong niya sa kanyang sarili. Sigurado siyang ga

  • Too Wrong to Love   Chapter 18:

    Unti-unting nagising ang diwa ni Aviannah mula sa tila matagal na pagkakahimlay. Ramdam niya ang pagsakit ng buong katawan niya na tila ba binugbog ito ng husto. Bukod doon ay kumikirot din ang ulo niya at ang mga sugat niya.Pero salamat sa Diyos at buhay siya! Salamat sa Diyos dahil kahit nararam

  • Too Wrong to Love   Chapter 17:

    Lumipas ang ilang sandali hanggang sa tuluyan nang magdilim. Labis na nababahala si Andrei dahil sa pasyenteng nasa kanilang tahanan. Nababahala siya para sa lolo niya lalo pa at nalaman nitong may mga taong gustong manakit sa pasyenteng kinupkop nila. Ayaw na sana niyang umalis at pumasok muna sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status