LOGINAng mahabang conference table ay puno ng mga folder, laptop, coffee cups, at iba’t ibang fabric swatches na nakakalat sa magkabilang gilid. Sa harapan ng silid, maliwanag na nakaproject ang presentation slides sa malaking screen.Tahimik na nakaupo si Aviannah habang seryosong inaayos ang tablet sa kanyang harapan. Nakatuon naman ang mga mata ng buong team sa kanya.“Aviannah, can you walk us through the new concept for the Holiday collection? We need to finalize the color palette by next week,” saad ng ManagerHuminga nang malalim si Aviannah bago tumango at tumayo mula sa kanyang upuan.“Sure. The theme revolves around urban elegance—modern and sophisticated, but still warm and relatable. I prepared three variations for the color story.”Lumipat ang slide sa screen.“Option A leans toward muted grays with deep crimson accents. It gives off a strong and polished feel. Option B is softer, combining beige tones with teal highlights for a more relaxed and refined look,” pagtutuloy ni Av
Marahang iminulat ni Aviannah ang kanyang mga mata nang magising siya sa pag-iingay ng cellphone niya. Mabilis siyang nakatulog kanina nang dumating siya sa unit niya. At kung hindi pa mag-ingay ang cellphone niya dahil sa isang incoming call ay sigurado siyang magtutuloy-tuloy na ang tulog niya hanggang kinabukasan.“Hello? Avie, Anak? Kumusta ka na dyan?”“I’m good, dad,” mahinang sagot niya sa ama na nasa kabilang linya. Nakita niyang alas otso na pala ng gabi. Napahaba talaga ang tulog niya.“Kausap ko si Alfred kanina. Nabanggit niya sa akin na maaga ka niyang inihatid pabalik sa unit mo. Hindi raw maganda ang pakiramdam mo,” saad pa ng kanyang ama.“Pagod lang po ako, dad,” tugon niya rito.“Sigurado ka bang dahil sa pagod lang ‘yan? Baka kailangan mo nang magpatingin sa doctor. Ano bang nararamdaman mo ngayon?” nag-aalalang tanong pa ng kanyang ama sa kanya.Ano nga bang nararamdaman niya ngayon? Sa totoo lang ay hindi niya rin talaga alam. Sinasakop na ni Andrei ang kanyang bu
“N-Nandito ka pala, Aviannah…” marahang usal ni Khyline kay Aviannah na halatang nagulat sa nadatnan nitong eksena nila ni Andrei.“Uhh…” Hindi naman malaman ni Aviannah ang sasabihin.“Bakit hindi kayo nagpasabi na darating kayo ngayon?” singit na tanong ni Andrei.“Nagsabi kami sa’yo kagabi pero busy ka yata.” Ang kaibigan ni Andrei na si Chris ang sumagot.“Ako? Busy? Hindi ah. Hindi naman ako busy.”“Hindi mo rin sinasagot ang tawag namin sa’yo kanina,” dagdag pa ni Chris na marahang ikinatikhim ni Khyline.“Ang ibig kong sabihin… baka masyado pang maaga ‘yon kaya hindi mo nasagot,” pagtutuloy ni Chris.“Baka nga,” ani Andrei.“Nga pala, may dala kaming breakfast. Tamang-tama at nandito si Aviannah, tara kain tayo sa loob,” sabi pa ni Chris kasabay nang pagpapakita nito ng mga pagkaing dala.“Pero nakapag-breakfast na kami,” mabilis na sagot naman ni Andrei sabay balin ng tingin kay Alfred na naroon pa rin.“Huh? Nag-breakfast na kayong dalawa?” tanong ni Chris “Oo—” natigilan s
“Ano naman ba kasi sa’yo kung magkasama kami? Isa pa, nasisiraan ka na ba? Baka nakakalimutan mong kaya kami nandito ay para sa trabaho. Kaya malamang madalas at halos araw-araw kaming magkakasamang dalawa,” inis na sabi ni Aviannah kay Andrei.“That’s why I’m here.”“Ano?”“Kumain ka na.”Napasinghap si Aviannah sa inis. “Wow. Ang bilis mo naman mag-change topic ah.”“Huwag mong sabihing nag-dinner ka na rin kasama niya?”Napahigit ng malalim na paghinga si Aviannah. Hindi niya lubos maunawaan si Andrei sa mga inaasal nito sa kanya. Naguguluhan siya sa kung paano at sa kung ano ba ang dapat niyang maramdaman.“Kung nag-dinner nga ako kasama siya, ano naman ba sa’yo?”“So, kumain ka na nga?”“Oo—” Natigilan si Aviannah sa pagsagot niya sana nang biglang kumalam ang sikmura niya. “Uhm…” napalunok siya na ikinangisi naman ni Andrei.“Maupo ka. Ipagluluto kita,” wika nito sa kanya.“Hindi na,” mabilis na sagot naman niya rito. “Hindi mo naman ako kailangang ipagluto. May sarili akong pag
“Ayaw ko,” simpleng sagot ni Aviannah kay Andrei.“Ano?” kunot-noong tanong naman ni Andrei kay Aviannah.“Bakit naman kita susundin? Isa pa, sinabi ko ba sa’yong ipaghanda mo ako ng lunch? At saka, ano bang ginagawa mo rito? Bakit ka ba kasi nandito?” Kahit na nagulat si Aviannah na makita at malaman na nasa katabing unit niya lamang si Andrei, ay hindi niya iyon ipinahalata sa lalaki. Suot niya pa rin ang mataray na awra niya para dito.Marahang humigit ng malalim na paghinga si Andrei habang seryosong nakatingin kay Aviannah. At pagkuwan ay humalukipkip ito.“Okay sige, isa-isahin natin. Una, bakit mo ako susundin? Kasi kuya mo ako.”Kaagad na kumunot ang noo ni Aviannah sa sinabing iyon ni Andrei. “Ano?” Napasinghap siya. “Talagang feel na feel mo ang pagiging kuya ko?”“Hindi naman sa ganoon. Pero… ano mo ba kasi ako gusto?” tila mapang-asar na tanong ni Andrei kay Aviannah.“Ano?”“Pangalawa, hindi mo nga naman sinabi na ipaghanda kita ng lunch, pero ipinaghanda pa rin kita. Hin
“Kung gusto mong ipagluto kita, pritong itlog lang ang maihahain ko sa’yo,” mapang-asar na sabi ni Aviannah kay Andrei nang makabalik sila sa unit ni Aviannah.“Samahan mo na rin ng hotdog, may binili ako rito,” tanging tugon naman ni Andrei kay Aviannah saka nito inayos at itinabi ang mga pinamili nila.Ang akala ni Aviannah ay maaasar ang lalaki sa kanya, pero parang ayos lang pala rito kahit na pritong itlog lang ang lutuin niya para dito.“Seryoso ka ba?” tila si Aviannah pa ang naasar sa huli.“Huh?” lingon ni Andrei kay Aviannah.“Kung aalis ka na ngayon dito at sa labas ka kakain, mas masarap ang makakain mo kaysa sa pritong itlog at hotdog.”“At least luto mo. Kaya mas pipiliin ko pa rin ang pritong itlog at hotdog,” tanging tugon naman ni Andrei saka ito matamis na ngumiti sa dalaga.“Ano bang trip mo?” inis na tanong ni Aviannah.“Huh? Hindi ako nangti-trip. Seryoso ako.”“Ah talaga ba? Seryoso ka pala.”“Palagi akong seryoso pagdating sa’yo,” tugon pa ni Andrei na siyang ba
Hindi malaman ni Aviannah kung ilang minuto na ba siyang nakatitig lamang sa blue dress na binili ni Andrei para sa kanya. Tila sa lahat ng naging damit niya ay ito ang pinaka paborito niya, kahit na pa puro branded at mamahalin ang mga damit niyang nasa mansyon nila. Sa tuwing napapatingin siya sa
Mabigat ang pakiramdam ni Aviannah nang magmulat siya ng kanyang mga mata. Kahit na tirik na tirik na ang araw na natatanaw niya mula sa bintana, ay hindi niya maunawaan kung bakit lamig na lamig siya. Bukod doon ay masakit din ang ulo niya at para bang wala siyang ganang kumilos o gumawa ng kahit
“Ito, ija. Humigop ka na muna ng mainit na sabaw,” wika ni Mang Gener kay Aviannah saka siya nito inabutan ng tasa na may lamang mainit na sabaw ng tinolang manok na niluto ng matanda.“S-Salamat po, lolo,” marahang tugon naman niya saka niya dahan-daha na hinigop ang sabaw. Kaagad na gumuhit ang m
“P-Pero… ngayon ko lang yata nalaman na takot ka pala sa linta,” nauutal na sabi ni Rowena kay Andrei habang si Aviannah ay nananatiling napako ang tingin sa lalaki.“Marami ka pa namang hindi alam sa akin,” pagkuwan ay sagot ni Andrei kay Rowena saka ito nagpatuloy sa ginagawang pagsasabon ng mga







