Share

Chapter 37:

last update publish date: 2025-09-22 19:24:31

Agad na napabalikwas ng bangon si Aviannah nang maramdaman niya ang masakit na sinag ng araw na tumatama sa kanyang balat, mula sa bintana ng silid na kinaroroonan niya. Sa sobrang taas na kasi ng sikat ng araw ay tumatagos na ang sinag nito sa kurtina na nasa bintana ng kwarto. At sa wari niya ay tanghali na. Tinanghali na naman siya ng bangon. Kung bakit ba naman kasi napuyat na naman siya kagabi sa kaiisip sa lalaking nagpapatibok ng malakas sa puso niya. Nahihiya na tuloy siya sa kay Mang G
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Too Wrong to Love   Chapter 69:

    Marahang iminulat ni Aviannah ang kanyang mga mata nang magising siya sa pag-iingay ng cellphone niya. Mabilis siyang nakatulog kanina nang dumating siya sa unit niya. At kung hindi pa mag-ingay ang cellphone niya dahil sa isang incoming call ay sigurado siyang magtutuloy-tuloy na ang tulog niya hanggang kinabukasan.“Hello? Avie, Anak? Kumusta ka na dyan?”“I’m good, dad,” mahinang sagot niya sa ama na nasa kabilang linya. Nakita niyang alas otso na pala ng gabi. Napahaba talaga ang tulog niya.“Kausap ko si Alfred kanina. Nabanggit niya sa akin na maaga ka niyang inihatid pabalik sa unit mo. Hindi raw maganda ang pakiramdam mo,” saad pa ng kanyang ama.“Pagod lang po ako, dad,” tugon niya rito.“Sigurado ka bang dahil sa pagod lang ‘yan? Baka kailangan mo nang magpatingin sa doctor. Ano bang nararamdaman mo ngayon?” nag-aalalang tanong pa ng kanyang ama sa kanya.Ano nga bang nararamdaman niya ngayon? Sa totoo lang ay hindi niya rin talaga alam. Sinasakop na ni Andrei ang kanyang bu

  • Too Wrong to Love   Chapter 68:

    “N-Nandito ka pala, Aviannah…” marahang usal ni Khyline kay Aviannah na halatang nagulat sa nadatnan nitong eksena nila ni Andrei.“Uhh…” Hindi naman malaman ni Aviannah ang sasabihin.“Bakit hindi kayo nagpasabi na darating kayo ngayon?” singit na tanong ni Andrei.“Nagsabi kami sa’yo kagabi pero busy ka yata.” Ang kaibigan ni Andrei na si Chris ang sumagot.“Ako? Busy? Hindi ah. Hindi naman ako busy.”“Hindi mo rin sinasagot ang tawag namin sa’yo kanina,” dagdag pa ni Chris na marahang ikinatikhim ni Khyline.“Ang ibig kong sabihin… baka masyado pang maaga ‘yon kaya hindi mo nasagot,” pagtutuloy ni Chris.“Baka nga,” ani Andrei.“Nga pala, may dala kaming breakfast. Tamang-tama at nandito si Aviannah, tara kain tayo sa loob,” sabi pa ni Chris kasabay nang pagpapakita nito ng mga pagkaing dala.“Pero nakapag-breakfast na kami,” mabilis na sagot naman ni Andrei sabay balin ng tingin kay Alfred na naroon pa rin.“Huh? Nag-breakfast na kayong dalawa?” tanong ni Chris “Oo—” natigilan s

  • Too Wrong to Love   Chapter 67:

    “Ano naman ba kasi sa’yo kung magkasama kami? Isa pa, nasisiraan ka na ba? Baka nakakalimutan mong kaya kami nandito ay para sa trabaho. Kaya malamang madalas at halos araw-araw kaming magkakasamang dalawa,” inis na sabi ni Aviannah kay Andrei.“That’s why I’m here.”“Ano?”“Kumain ka na.”Napasinghap si Aviannah sa inis. “Wow. Ang bilis mo naman mag-change topic ah.”“Huwag mong sabihing nag-dinner ka na rin kasama niya?”Napahigit ng malalim na paghinga si Aviannah. Hindi niya lubos maunawaan si Andrei sa mga inaasal nito sa kanya. Naguguluhan siya sa kung paano at sa kung ano ba ang dapat niyang maramdaman.“Kung nag-dinner nga ako kasama siya, ano naman ba sa’yo?”“So, kumain ka na nga?”“Oo—” Natigilan si Aviannah sa pagsagot niya sana nang biglang kumalam ang sikmura niya. “Uhm…” napalunok siya na ikinangisi naman ni Andrei.“Maupo ka. Ipagluluto kita,” wika nito sa kanya.“Hindi na,” mabilis na sagot naman niya rito. “Hindi mo naman ako kailangang ipagluto. May sarili akong pag

  • Too Wrong to Love   Chapter 66:

    “Ayaw ko,” simpleng sagot ni Aviannah kay Andrei.“Ano?” kunot-noong tanong naman ni Andrei kay Aviannah.“Bakit naman kita susundin? Isa pa, sinabi ko ba sa’yong ipaghanda mo ako ng lunch? At saka, ano bang ginagawa mo rito? Bakit ka ba kasi nandito?” Kahit na nagulat si Aviannah na makita at malaman na nasa katabing unit niya lamang si Andrei, ay hindi niya iyon ipinahalata sa lalaki. Suot niya pa rin ang mataray na awra niya para dito.Marahang humigit ng malalim na paghinga si Andrei habang seryosong nakatingin kay Aviannah. At pagkuwan ay humalukipkip ito.“Okay sige, isa-isahin natin. Una, bakit mo ako susundin? Kasi kuya mo ako.”Kaagad na kumunot ang noo ni Aviannah sa sinabing iyon ni Andrei. “Ano?” Napasinghap siya. “Talagang feel na feel mo ang pagiging kuya ko?”“Hindi naman sa ganoon. Pero… ano mo ba kasi ako gusto?” tila mapang-asar na tanong ni Andrei kay Aviannah.“Ano?”“Pangalawa, hindi mo nga naman sinabi na ipaghanda kita ng lunch, pero ipinaghanda pa rin kita. Hin

  • Too Wrong to Love   Chapter 65:

    “Kung gusto mong ipagluto kita, pritong itlog lang ang maihahain ko sa’yo,” mapang-asar na sabi ni Aviannah kay Andrei nang makabalik sila sa unit ni Aviannah.“Samahan mo na rin ng hotdog, may binili ako rito,” tanging tugon naman ni Andrei kay Aviannah saka nito inayos at itinabi ang mga pinamili nila.Ang akala ni Aviannah ay maaasar ang lalaki sa kanya, pero parang ayos lang pala rito kahit na pritong itlog lang ang lutuin niya para dito.“Seryoso ka ba?” tila si Aviannah pa ang naasar sa huli.“Huh?” lingon ni Andrei kay Aviannah.“Kung aalis ka na ngayon dito at sa labas ka kakain, mas masarap ang makakain mo kaysa sa pritong itlog at hotdog.”“At least luto mo. Kaya mas pipiliin ko pa rin ang pritong itlog at hotdog,” tanging tugon naman ni Andrei saka ito matamis na ngumiti sa dalaga.“Ano bang trip mo?” inis na tanong ni Aviannah.“Huh? Hindi ako nangti-trip. Seryoso ako.”“Ah talaga ba? Seryoso ka pala.”“Palagi akong seryoso pagdating sa’yo,” tugon pa ni Andrei na siyang ba

  • Too Wrong to Love   Chapter 64:

    Wala talaga sa intensyon ni Aviannah na ma-lock si Andrei sa loob ng unit niya. Kaya naman agad niyang tiningnan ang smart lock feature ng unit niya, at nakita niyang naka-activate ang child lock kaya naman nag-automatic itong mag-lock pagkasara niya rito mula sa labas kanina.“Bakit ba naka-activate kasi ito,” mahinang bulong ni Aviannah sa sarili saka niya pinindot ang deactivate button ng child lock settings.“See? I’m not lying. Na-lock ako rito sa loob,” sabi pa ni Andrei.Napatikhim si Aviannah. “H-Hindi ko naman sinasadyang ma-lock ka rito. Ikaw naman kasi. Bakit ka ba bigla-bigla na lang sumusulpot? Tapos bigla ka na lang pumasok dito sa loob kanina. Ayan tuloy.”“Alam mo, bakit hindi ka na lang kaya mag-sorry kaysa ang dami-dami mo pa ring sinasabi dyan.”“Bakit naman ako magso-sorry? Eh hindi ko nga sinasadya.”“Pero ikaw pa rin ang responsible sa pagkaka-lock ko rito sa loob,” sagot ni Andrei kay Aviannah.“Pero kasalanan mo pa rin dahil in the first place, hindi ka malo-lo

  • Too Wrong to Love   Chapter 54:

    Agad na tumayo si Aviannah mula sa kanyang kinauupuan nang makita niya ang pagdating ng taong kanina niya pang hinihintay. Malakas ang pagkabog ng dibdib niya dahil sa kaba na baka pati ang matanda ay galit sa kanya dahil sa ginawa niyang pagsisinungaling at panloloko rito. Lalo pa at alam na nito

  • Too Wrong to Love   Chapter 53:

    “A-Ano?” halos pabulong na usal ni Aviannah habang nakatitig siya kay Andrei na ngayon ay hindi niya malaman at hindi niya mabasa ang kasulukuyang emosyon ng mga mata nito. Habang ang lahat ng mga taong nasa paligid niya ay pare-parehong nakangiti sa kanilang dalawa. Maliban na lamang sa dalawa niy

  • Too Wrong to Love   Chapter 52:

    Kumusta, Avie? Wala pa rin ba siyang tawag o kahit na anong mensahe sa iyo?” bungad na tanong ni Sandra kay Aviannah pagkadating nito sa isang coffee shop na pinagkitaan nila.Malungkot at matamlay naman na umiling si Aviannah sa mga kaibigan niya. “Wala pa rin,” tugon niya.“Paano na iyan? Bukas n

  • Too Wrong to Love   Chapter 50:

    “Here’s a phone for you, Avie,” nakangiting sabi ni Sandra kay Aviannah habang iniaabot nito ang isang paper bag. Agad naman iyong masayang tinanggap ni Aviannah.“Thank you so much, Sandra!” tugon niya rito saka niya mabilis na binuksan ang paper bag at kinuha mula roon ang isang brand new phone.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status