LOGINCzarina Melody Ocampo believed her biggest mistake was crossing paths with the powerful zillionaire Damion Marquez. On their wedding night, she gathered her courage to speak. “Mr. Marquez, a forced marriage isn’t sweet. Hindi tayo bagay sa isa’t isa.” But Damion only leaned back with a cold smirk, his words sealing her fate. “Sweet or not—you’re already mine.” She thought their marriage would stay a loveless arrangement… until he started entering her room, claiming her bed, her nights—and slowly, her heart. That’s when she realized: escape was never an option. Can Czarina resist a man who refuses to let go? Or will she be forever trapped in the zillionaire’s dangerous yet sweet obsession?
View MoreThis book is a work of fiction. Names, characters, businesses, events, and incidents are the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. The author does not intend to offend, harm, or misrepresent any individual or group. Reader discretion is advised.
⚠️ Content Warning
---------------
1 - CHAOS IN THE ENGAGEMENT PARTY
NASA loob ng malaking mansyon si Czarina, nakasuot ng puting bestida habang nakatingin sa malaking salamin. Kitang-kita niya ang pagbabago sa anyo, suot ang marangyang damit at may kolorete pa sa mukha. Napakaganda niya. Hindi niya aakalaing may ikakaganda pa pala siya.
Ngunit ang mas kapansin-pansin ay ang pagiging aligaga nito.
“Ni hindi ko nga kilala kung sino ang papakasalan ko!” mahinang bulong ni Czarina sa sarili, ang mga mata’y palipat-lipat ng tingin at labis na nanginging ang buong katawan.
Napahalumbaba ito. Ang alam niya lang ay kailangan niya ng malaking halaga para sa pagpapagamot sa lola nito at nang nakita siya ng ama ng kanyang mapapangasawa ay agad itong nagdesisyon, “Kung papayag ka maging asawa ng anak ko, handa akong bayaran lahat ng gastusin niyo sa ospital hanggang sa gumaling ang Lola mo.”
Wala siyang magawa kundi pumayag. Pero ngayon, sa araw ng engagement party ay hindi niya mapigilang mangamba.
“Paano kung pangit? Pero imposible, Zari,” aniya, pinipisil ang palad. “Pero paano kapag hindi mabait? Teka, paano kung abusado?”
Mapaklang napatawa na lamang si Czarina sa kanyang mga pinag-iisip na hindi niya alam kung saan niya nakuha.
“Hindi naman ata gano’n, Zari! Ang advance mo! Mabait naman si Mr. Marquez, I’m sure mabait din ang anak. Oo, mabait…”
Pilit niyang kinukumbinsi ang sarili na sana mabait ang mapapangasawa para lang mapakalma ang sarili, pero muli itong napahalumbaba at tila naiiyak na sa gulong pinasok.
“Lola…”
Tutulo na sana ang kanyang luha nang biglang bumukas ang pintuan ng silid at sinabing pwede na siyang bumaba.
Kagat-labi siyang tumango, saka huminga ng malalim. Tinitigan ang sarili sa harap ng salamin. “Kaya mo ‘to, Zari. Kung hindi, pwede naman ata umatras, right?”
But she also knows that it was impossible to escape. She already agreed to it, at kalagayan ng kanyang lola ang nakasalalay rito.
TAAS noong naglakad si Czarina sa red carpet na nakalatag sa sahig, papalapit kay Mr. Marquez, pero hindi niya nakita ang kanyang mapapangasawa. Mas lalo itong naging aligaga. Tila gusto ng tumalon ang puso niya mula sa dibdib dahil sa labis na kaba.
Magtatanong na sana si Czarina sa ama ng kanyang mapapangasawa nang bigla silang nakaring ng bulong-bulungan na mas lalong nagpapababa ng kumpiyansa sa sarili.
“Where’s the groom? Bakit hindi pa lumalabas?”
“Anong nangyayari?”
“Could it be that he doesn’t like the bride?”
“I’ve never even heard of her family before. Who exactly is she?”
“The girl looks cheap, though.”
“This is really awkward. An engagement with only a bride but no groom—what a joke.”
“It seems the Marquez family doesn’t value her at all. For such a well-known family in the country, this is truly disgraceful.”
Tila punyal ang mga salitang nakasaksak sa dibdib ni Czarina. Napakuyom siya ng kamao.
“Don’t panic, Zari,” wika niya sa sarili.
Kahit anong pagpapahiya ang gawin sa kanya ay hindi siya pwedeng magpa-apekto. Para sa kanyang lola na nangangailangan ng pera, ay kaya niyang palampasin ang lahat ng ito.
Ngingiti na sana si Czarina para ipakitang hindi ito naapektuhan ay nakarinig siya ng sigaw na siyang umalingawngaw sa buong mansyon.
“Enough!” sigaw ni Mr. Alejandro Marquez. “Shut your fvking mouths!”
Biglang tumahimik ang buong paligid.
Inilibot ni Alejandro Marquez ang tingin sa paligid habang nanlilisik ang mga mata. “Anyone who dares to speak ill of my daughter-in-law will be an enemy of the Marquez Family. I’ll make this clear today—Zari is the only woman in this world who is qualified to marry into my family. You’d better show her the respect she deserves!”
Nagulat ang mga tao sa paligid dahil sa diniklara ng pinuno ng pamilyang Marquez. Maging si Czarina na tahimik sa gilid ay nanginig at nagulat sa sinabi, but at the same time, she felt relieved and thankful. Hindi niya aakalaing ipagtatanggol siya ni Alejandro Marquez sa harap ng maraming tao.
“As for my son,” dugtong ni Alejandro Marquez. “He’s been busy preparing for the branch company’s IPO. His flight was delayed, kaya hindi ito nakabalik ng maaga.”
Nang marinig iyon ni Czarina ay nakaramdam siya ng ginhawa ng malamang hindi ito iniwan sa ere na para ipagmukha siyang tanga.
Pero mas alam niyang nakaramdam ito ng ginhawa dahil hindi niya mahaharap ang mapapangasawa ngayong gabi.
Inutusan ni Alejandro ang mga kasambahay na dalhin ang mga bisita sa hapag-kainan para sa dinner. Habang naiwan naman sina Czarina at Alejandro sa kinatatayuan.
Hinawakan ni Alejandro ang mga kamay niya at marahang pinisil, saka ito ngumiti. “Zari, from now on, you are the daughter of my Marquez family. Sa twenty-eight next month na ang kasal niyo ng aking anak,” malumanay na saad nito. “Kaya kung may mang-aaway man sayo sa hinaharap gaya na lang ng nangyari ngayong gabi, sabihin mo lang kay Papa, okay? I’ll make sure they regret it.”
“Papa…”
“Mukhang pagod ka na, magpahinga ka na at ako na ang bahala sa mga bisita.”
“Thank you… Papa.”
Ngumiti si Alejandro at marahang tinapik ang balikat nito saka tinungo ang hapag-kainan habang naiwan si Czarina na tulala.
“Next month ka na ikakasal, Zari…” aniya sa mababang boses.
Her heart skipped a bit. She was only twenty-four, nag-aaral pa ng kolehiyo. Kaya hindi siya makapaniwala sa nangyari sa kanya ngayon. It felt surreal, like a dream she couldn’t wake up from.
Kahit anong mangyari ay may pinanghahawakan naman siya—iyon ay ang proteksyon mula sa Marquez Family.
Bumalik siya sa loob ng silid nang naalala niyang naiwan ang kanyang cellphone sa baba. Sa paglalakad ay napahinto siya nang marinig ang boses ni Alejandro Marquez sa isa sa silid ng mansyon.
“How dare you not show up for your own engagement?!” Bulyaw nito. “Damion Marquez, whether you like it or not, pakakasalan mo siya! This isn’t your choice to make!”
Bahagyang napaatras si Czarina sa narinig, pero mas nagulantang siya sa sunod na sinabi nito.
“Tingin mo hindi ko alam ang pinaggagawa mo? I’m forcing this marriage for your own good. You must come back within an hour and meet your future wife.”
NANG MAPAGALITAN ni Alejandro sa harap ng lahat, hindi mapigilan ni Cassidy na makaramdam ng labis na kahiyaan. Magpapaliwanag pa dapat ito nang sumingit na si Damion at dapat unahin ang pagkain ng hapunan.Gusto sanang gamitin ni Cassidy ang oportunidad na ito para ipakita sa lahat ang status nito sa puso ni Damion, pero hindi niya inaasahan na magiging palpak ang lahat, higit pa roon, ay hindi man lang siya kinampihan ng mag-ama.Galit na galit siya pero wala siyang magawa. Kaya naman ay sa pagkain niya na lang pasimpleng nilabas ang galit. At paminsan-minsan ay masama niyan; pinupukulan ng tingin si Czarina.Samantala, hindi alam ni Czarina kung ano ba ang gustong ipalabas ng imposter. Bakit ito gano’n makatingin sa kanya, e wala naman itong ginagawang iba?Pero sa kabila no’n, she was satisfied nang makitang napahiya ito. Kaya naman ay bahagya siyang natawa, dahilan para mapatingin sa kanya si Alejandro.“Miss Velasco, ang rason kung bakit kita inimbitahan ngayong gabi ay may kail
“...BAKA MAPAHAMAK PA SIYA BALANG ARAW.”“That’s right, I will educate them properly,” wika ni Alejandro para maibsan ang tensyon sa hapag-kainan. “Kumain na muna tayo.”Bagama’t nagngingitngit sa galit si Cassidy, wala siyang nagawa kundi manahimik habang maayos na kumakain sina Czarina at Tito Fran.Habang pinupuri ni Alejandro ang husay ni Tito Fran sa pagluluto, humingi rin ito ng paumanhin kay Czarina sa nangyari noon.Tumango si Czarina.“Hindi n’yo po kailangang humingi ng paumanhin,” mahina niyang sabi. “May kasalanan din naman ako sa nangyari kay Madam. Kaya tama lang na alagaan ko siya.”“But you’ve already done far more than what anyone could ask of you.” Itinaas nito ang wine glass. “Our Marquez Family owes you. So let me offer you a toast.”Nagulat si Czarina at dali-daling tumayo. “Mr. Marquez, don’tt say that...” Nag-angat din siya ng baso. “Ako na lang po ang mauunang uminom bilang paggalang.” Hindi na siya nag-atubili at inubos ang laman ng baso. “Merry, dahan-dahan,
“...DOESN’T MEAN I HAVE TO LIKE YOU FOREVER.”Gumalaw ang panga ni Damion nang hindi iyon napapansin ni Czarina. His expression went dark. “So, you don’t like me anymore?”“Hindi na.”Pagkatapos sabihin iyon ni Czarina ay bigla niyang naramdaman ang paglamig ng paligid.Alam niyang ginalit na naman niya si Damion. Malamang galit na galit na ito ngayon, pero iyon din ang gusto niya para naman ay tantanan na siya nito.Tahimik na nagbibilang ng segundo si Czarina sa isip, umaasang iiwanan na siya ni Damion. Pero lumipas na lang ang sampung segundo; dalawampung segundo ay nanatili pa rin si Damion, hindi nagsasalita.Nag-angat siya ng tingin at napansin niyang nakatitig din ito sa kanya. Sobrang dili ng ekspresyon sa mukha, pero tila nag-aalinlangan. Tingin niya ay mukhang hindi ito galit sa kanya, kaya napakunot siya ng noo, lalo na nang bigla itong ngumiti sa kanya.“Hindi siya galit?” tanong ni Czarina sa sarili.Takot na takot si Czarina. Hindi niya mawari kung ano ang ningingiti ni
“COME HOME WITH ME AFTER WORK.”“Ano?” Nabiglang saad ni Czarina. “Hindi na kailangan…”“I think kailangan,” diretsong sagot ni Damion. “And it’s not just because of Tito Fran.”Kumunot ang noo ni Czarina.“Ever since you left, Dad keeps nagging me.”Nagulat si Czarina.“He thinks I treated you unfairly and forced you to work at our house.” Napabuntong-hininga si Damion. “If you come with me tonight, maybe you can help explain things to him. At least mababawasan ang sermon sa ‘kin.”“I...”“It’s settled.” Hindi na siya pinatapos ni Damion. “I’ll tell Dad you're coming with me tonight.”Pagkasabi niyon ay tumalikod na ito. “President—”“See you after work.”Tuluyan na itong naglakad papunta sa conference room. Hindi man lang binigyan si Czarina ng pagkakataong tumanggi.Napasimangot siya. “Grabe talaga... Wala pa ring ipinagbago. Napakadesidido at napaka-unreasonable.”Ngunit nang humupa ang inis niya, napaisip siya.“Bakit niya ako gustong pabalikin sa Marquez residence?”Hindi pa rin
“DO YOU EVEN REMEMBER WHO YOU ARE?”May malalim na pahiwatig ang salita ni Damion, pero ni isa sa dalawang babae ang walang nakaintindi.Kalmado lang si Czarina. “I remember. Kaya nga inalagaan ko siya nang mabuti and dared not neglect her in any way.”Mas lalong nainis si Damion sa kalmadong kumpo
AGAD NA TUMALIM ang tingin ni Cassidy. Lalong kumunot ang noo nito.Hindi niya alam kung bakit, pero ang mahinahon at walang pakialam na ugali ni Meredith ay nagpapaalala sa kanya ng isang taong sukdulan niyang kinamumuhian.At habang tumatagal ang usapan, mas lumalalim ang inis niya.“Who do you t
ANG TAONG nasa bahay ng pamilyang Marquez ay walang iba kundi si Cassidy—ang babaeng dapat sana’y nasa kulungan.Habang nakakulong, akala niya tapos na ang buhay niya. Ngunit nang bumalik si Seth at alukin siyang magsimula ng panibagong buhay, tumanggi siya. Hindi niya kayang lumayo kay Damion, at
MATAPOS ANG PAKIKIPAG-USAP kay James, matagal na napatitig si Czarina sa kisame.Pilit niyang pinapakalma ang sarili matapos ang lahat ng nangyari.Sa dami ng tanong sa isip niya, pakiramdam niya ay sasabog na ang ulo niya anumang oras.Nang bahagya na siyang kumalma, doon niyang napagtanto na hindi









![SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)


Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ratings
reviewsMore