Mag-log inMATAPOS siyang iwanan ng lalaki ay doon na kumawala ang luhang pinipigilan niya. Mga salitang tumarak sa kanyang dibdib ang dahilan kung bakit siya labis na nasasaktan ngayon.
“This is really a mess, Zari…” bulong niya sa sarili, habang nakahiga sa carpet ng silid, yakap ang sarili, hindi dahil sa sakit ng binti sa pagkakatama at lamig ng silid dahil sa aircon, kundi dahil sa lamig at sakit na nararamdaman niya sa kanyang puso.
Kung hindi niya naman talaga kailangan ang pera, hindi siya papasok sa ganitong gulo. Pwede naman siyang umutang at kumayod, pero masyadong malaking halaga ang kailangan para maoperahan na ang kanyang lola sa madaling panahon.
Hindi ito ang inaasahan niyang kasal. Pero nandito na siya ay wala na siyang magagawa pa. Kailangan siya ng Lola niya at hindi na siya pwedeng umatras.
“Hmp!” aniya at mabilis na pinunasan ang mga luha. “Hindi mo kailangan ang pag-ibig niya, Zari. Ano naman? Pera lang ang kailangan mo.”
Ngayong alam na niyang kinasusuklaman siya ng lalaki, sapat na iyon para malaman niya ang lugar niya sa pamilyang ito.
MATAPOS linasin ni Damion ang silid ng kanyang mapapangasawa ay sinalubong siya ni Jojo, ang butler ng kanyang ama.
“Sir Damion, hinihintay ka po ng iyong ama sa study room niya.”
Agad na inayos ni Damion ang nagusot nitong damit at sinunod ang sinabi ni Jojo sa kanya.
Sa study room, nakaupo sa gitna ang lalaking nasa late fifties. Nagsalin ito ng wine sa dalawang wine glass. Ang isa ay inalok niya sa anak at ang isa ay para sa kanya.
“So, you met her already?” panimula ni Alejandro Marquez. “Mabait siyang bata, huwag mong awayin.”
Pero lingid sa kaalaman ni Alejandro Marquez ay inaway na ng anak ang mapapangasawa nito.
Napaismid naman si Damion saka napahalukipkip sa kinauupuan. “I told you, there’s no way I’m marrying her.” His voice dripped with disdain. “A woman who would marry a stranger just for money? She disgusts me.”
Gumalaw ang panga ni Alejandro. Nilapag niya ang hawak na wine glass saka taimtim na tinignan ang anak.
“No,” aniya sa mababa at malamig na boses. “You must marry her. This is not a matter of choice, Damion.”
Damion chuckled bitterly, tila ba tawang puno ng panunuya kesa sa pagkamangha. “No choice? Then, I’m afraid you’ll be disappointed, Dad.”
Hindi na hinintay pa ni Damion ang sagot ng ama. Bigla itong tumayo at tumalikod saka kalmadong naglakad palabas ng silid.
“Damion Marquez! Don’t you dare walk away from me!”
Pero hindi na siya napigilan pa.
Malalim na ang gabi nang lumabas si Damion sa mansyon. Malamig ang simoy ng hangin, pero hindi nito kayang mapawi ang init ng nararamdaman dahil sa inis at galit.
Kinuha niya ang panyo mula sa bulsa at marahas na pinunasan ang labi na tila ba may rumi roon na hindi matanggal-tanggal. Ilang sandali lang ay itinapon niya iyon sa basurahan. Nang naalala niya ang pagkagat niya sa labi ng babae ay tila masusuka ito.
“Dmn it.”
MAHIMBING na nakatulog si Czarina matapos iwanan ni Damion kahit na may sakit itong nararamdaman. Hindi alintana sa kanya iyon sa lambot ng higaan. Ilang taon na rin ng makahiga ito sa gano’n klaseng lambot ng kama matapos mamatay ang kanyang mga magulat at angkinin ng kanyang tiyuhin ang lahat na pinaghirapan ng kanyang mga magulang, kasama na roon ang kompanyang para sa kanya.
Kaya ngayon ay hindi niya mapigilang makatulog ng mahimbing at maayos, somehow she felt sense of security.
MAGANDA ang gising ni Czarina kinabukasan. Malawak ang ngiting sinalubong ang ama ni Damian na nasa sala nagbabasa ng diyaryo.
“Good morning, Papa.”
“Zari! Gising ka na pala.” Tumayo ito para lapitan ang babae. “Hindi ko alam kung anong gusto mong kainin kaya sinabihan ko ang chef na ipagluto ka na lang ng kahit anong masustansiyang pagkain.”
Sabay na naglakad ang dalawa patungo sa kusina. “If you have any preferences, sabihan mo si Jojo para sa susunod ay maipaghanda ka namin ng pagkaing ayon sa gusto mo.”
“Nako, hindi na kailangan, Papa…” wika ni Czarina bahagyang nahihiya. “Kumakain naman po ako ng kahit ano.”
Mabilis na naghanda ang mga kasambahay ng pagkain sa lamesa. Hindi inaasahan ni Czarina na makakain ulit ng ganito kasarap at ka-bonggang almusal—parang pang five-star hotel buffet.
Nandoon ang mainit at fluffy pancakes na may maple syrup at butter, egg-fried rice na may bits ng ham at green peas, crispy bacon, toasted bread, at fresh vegetable salad. May kasama ring cucumber juice with honey and lemon para pampalinis ng panlasa.
Kasunod pa nito ang creamy scrambled eggs, sizzling garlic longganisa, at golden hash browns na may kaunting herbs sa ibabaw. May freshly baked croissants at pain au chocolat, pati na rin assorted muffins—blueberry, banana, at chocolate chip.
Hindi rin pinalampas ang classic champorado with tuyo on the side, at isang basket ng tropical fruits tulad ng mango slices, papaya, watermelon, at pineapple.
“A-Ang dami, Papa…” gulat na tanong ni Czarina.
Napatawa naman ito sa naging reaksyon ng babae. “Kumain ka lang, huwag kang mahiya.”
Sa hapag-kainan ay napag-usapan nila ang tungkol kay Damion. “Hindi po ba sasabay si…” hindi niya kayang ibigkas ang pangalan.
“Ah, si Damion,” wika ng ama. “Hayaan mo na siya. Masyadong abala sa business kaya sa siyudad ito nakatira. Nahihirapan siya sa pabalik-balik. Pero kung gusto mo na makasama siya e pwede ko naman ayusin ang tirahan sa siyudad para magkasama kayong dalawa.”
Biglang nabilaukan si Czarina sa narinig. “Does that mean e live-in? LIVE-IN?!” The thought of living with that demon freaks her out.
Agad na napailing si Czarina. “H-Hindi na po Papa, baka makaabala pa ako sa trabaho niya.”
“Nako, ayos lang naman iyon, Zari,” natatawang wika ni Alejandro. Gusto niya ring magkasundo ang anak at manugang. Kaya kung ipagsasama sila sa iisang bahay ang dahilan para maging malapit sila sa isa’t isa ay gagawin niya.
“Isa pa, ikakasal na rin naman kayo ni Damion. Hindi naman pwedeng magkahiwalay ang mag-asawa hindi ba? Ipaghahanda ko iyon. Sabihan kita kung tapos na ang paghahanda.”
Your comments and feedback are always appreciated—they truly mean a great deal. Thank you for reading, and I hope you have a wonderful day~✨🫶🫶🫶
“VEGETABLES.”Napilitan si Czarina na puro gulay ang kainin habang masayang pinapanood ni Damion ang paghihirap niya. Simula noon, sunod-sunod na ring nagkaproblema ang mga baon niya, kaya palagi siyang nauuwi sa tanghalian kasama si Damion, na hindi pinalalagpas ang bawat pagkakataong asarin siya. Dahil doon, desidido na siyang umiwas sa mga lunch na iyon, ngunit hindi niya alam kung paano tatanggi. Halos tanghali na naman, ngunit tulala lang siyang nakatitig sa relo at hindi man lang napansing umalis na si Kathy papuntang cafeteria. Muling inalok ni Damion si Czarina na sabayan siyang mag-lunch matapos malamang nasira na naman ang baon nito. Magalang siyang tumanggi at sinabing sapat na ang cafeteria, ngunit iginiit ni Damion na nangako siyang aalagaan siya para kay Tito Fran. Nang mapansin nitong nag-aalinlangan pa rin si Czarina, inasar pa niya itong baka hindi pa rin ito naka-move on sa nakaraan, bagay na agad itinanggi ni Czarina. Ngunit kahit ipinaliwanag niyang wala na iyo
“MERON. HINDI KO KAYANG IBALIK ANG NAKARAAN.”Bahagyang nawala ang ngiti ni Czarina nang mapansin ang lungkot na dumaan sa mga mata nito. Hindi na niya iyon binanggit.If she were asked, siguro iyon rin ang magiging sagot niya. Bigla siyang napahawak sa locket ng kanyang kwintas—kung saan naroon ang larawan ng kanyang nawawalang anak. She badly misses Tiantian.Kung hindi lang siya malakas ngayon, baka tuluyan na siyang nawalan ng ulirat. Sa dami ng pinagdaanan niya, ano pa kaya ang paghahanap sa sariling anak? Kinabukasan, nagkasabay sina Czarina at Damion sa elevator ng kumpanya. Iniabot ni Damion ang thermos ng health tea na ipinapasuyo umano ni Tito Fran. Kahit nagtataka, tinanggap iyon ni Czarina.Habang pipindutin nila ang button, hindi sinasadyang nagdikit ang kanilang mga kamay. Parang napaso, agad na binawi ni Czarina ang kamay.Walang reaksiyon si Damion.“You’re still young,” kaswal nitong sabi. “Need mo na agad mag-health tea?”“Health tea isn’t just for old people,” sago
NANG MAPAGALITAN ni Alejandro sa harap ng lahat, hindi mapigilan ni Cassidy na makaramdam ng labis na kahiyaan. Magpapaliwanag pa dapat ito nang sumingit na si Damion at dapat unahin ang pagkain ng hapunan.Gusto sanang gamitin ni Cassidy ang oportunidad na ito para ipakita sa lahat ang status nito sa puso ni Damion, pero hindi niya inaasahan na magiging palpak ang lahat, higit pa roon, ay hindi man lang siya kinampihan ng mag-ama.Galit na galit siya pero wala siyang magawa. Kaya naman ay sa pagkain niya na lang pasimpleng nilabas ang galit. At paminsan-minsan ay masama niyan; pinupukulan ng tingin si Czarina.Samantala, hindi alam ni Czarina kung ano ba ang gustong ipalabas ng imposter. Bakit ito gano’n makatingin sa kanya, e wala naman itong ginagawang iba?Pero sa kabila no’n, she was satisfied nang makitang napahiya ito. Kaya naman ay bahagya siyang natawa, dahilan para mapatingin sa kanya si Alejandro.“Miss Velasco, ang rason kung bakit kita inimbitahan ngayong gabi ay may kail
“...BAKA MAPAHAMAK PA SIYA BALANG ARAW.”“That’s right, I will educate them properly,” wika ni Alejandro para maibsan ang tensyon sa hapag-kainan. “Kumain na muna tayo.”Bagama’t nagngingitngit sa galit si Cassidy, wala siyang nagawa kundi manahimik habang maayos na kumakain sina Czarina at Tito Fran.Habang pinupuri ni Alejandro ang husay ni Tito Fran sa pagluluto, humingi rin ito ng paumanhin kay Czarina sa nangyari noon.Tumango si Czarina.“Hindi n’yo po kailangang humingi ng paumanhin,” mahina niyang sabi. “May kasalanan din naman ako sa nangyari kay Madam. Kaya tama lang na alagaan ko siya.”“But you’ve already done far more than what anyone could ask of you.” Itinaas nito ang wine glass. “Our Marquez Family owes you. So let me offer you a toast.”Nagulat si Czarina at dali-daling tumayo. “Mr. Marquez, don’tt say that...” Nag-angat din siya ng baso. “Ako na lang po ang mauunang uminom bilang paggalang.” Hindi na siya nag-atubili at inubos ang laman ng baso. “Merry, dahan-dahan,
“...DOESN’T MEAN I HAVE TO LIKE YOU FOREVER.”Gumalaw ang panga ni Damion nang hindi iyon napapansin ni Czarina. His expression went dark. “So, you don’t like me anymore?”“Hindi na.”Pagkatapos sabihin iyon ni Czarina ay bigla niyang naramdaman ang paglamig ng paligid.Alam niyang ginalit na naman niya si Damion. Malamang galit na galit na ito ngayon, pero iyon din ang gusto niya para naman ay tantanan na siya nito.Tahimik na nagbibilang ng segundo si Czarina sa isip, umaasang iiwanan na siya ni Damion. Pero lumipas na lang ang sampung segundo; dalawampung segundo ay nanatili pa rin si Damion, hindi nagsasalita.Nag-angat siya ng tingin at napansin niyang nakatitig din ito sa kanya. Sobrang dili ng ekspresyon sa mukha, pero tila nag-aalinlangan. Tingin niya ay mukhang hindi ito galit sa kanya, kaya napakunot siya ng noo, lalo na nang bigla itong ngumiti sa kanya.“Hindi siya galit?” tanong ni Czarina sa sarili.Takot na takot si Czarina. Hindi niya mawari kung ano ang ningingiti ni
“COME HOME WITH ME AFTER WORK.”“Ano?” Nabiglang saad ni Czarina. “Hindi na kailangan…”“I think kailangan,” diretsong sagot ni Damion. “And it’s not just because of Tito Fran.”Kumunot ang noo ni Czarina.“Ever since you left, Dad keeps nagging me.”Nagulat si Czarina.“He thinks I treated you unfairly and forced you to work at our house.” Napabuntong-hininga si Damion. “If you come with me tonight, maybe you can help explain things to him. At least mababawasan ang sermon sa ‘kin.”“I...”“It’s settled.” Hindi na siya pinatapos ni Damion. “I’ll tell Dad you're coming with me tonight.”Pagkasabi niyon ay tumalikod na ito. “President—”“See you after work.”Tuluyan na itong naglakad papunta sa conference room. Hindi man lang binigyan si Czarina ng pagkakataong tumanggi.Napasimangot siya. “Grabe talaga... Wala pa ring ipinagbago. Napakadesidido at napaka-unreasonable.”Ngunit nang humupa ang inis niya, napaisip siya.“Bakit niya ako gustong pabalikin sa Marquez residence?”Hindi pa rin
CASSIDY’S NEW ROOM.“Nagustuhan mo ba?” tanong ni Damion nang makapasok sila sa loob ng silid. Hindi pa inililibot ni Cassidy ang lugar ng bigla itong napayakap kay Damion na may matamis na ngiti at kumikinang ang mga mata.“How could I not love it?! It was prepared by you!” kinikilig na saad ni Ca
KINABUKASAN.Agad na pinuntahan ni Damion si Cassidy sa apartment nito para sabihin ang magandang balita. Pagpasok pa lang niya, napatingin agad si Cassidy—at parang lumiwanag ang buong silid.“Cassy,” bungad ni Damion, pilit pinapakalma ang tono, “pumayag na si Daddy na tumira ka sa mansyon kasama
“...PUMAYAG NA RIN AKO. AND NOW, I WANT TO HEAR YOUR OPINION PO.”Ang kakaupo lang na matanda ay muling napatayo sa gulat sa kanyang narinig. Galit nitong binagsak ang sungkod na hawak sa marble na tiles.“Damion Marquez!” singhal niya, puno ng galit ang tinig. “Ipinasabi mo pa talaga kay Czarina? W
“DAMION… CAN I LIVE WITH YOU?” nahihiyang tanong ni Cassidy. “Alam mo na… Natatakot ako mag-isa… saka ayoko may mga kasamang hindi ko kilala… Please…”Sandaling nanahimik si Damion. May bakas ng pag-aalinlangan sa malalim niyang mga mata, at sa kabila ng lambing sa tinig ni Cassidy, alam niyang hind







