LOGINNAKASIMANGOT na pumasok sa trabaho si Czarina. Lugmok ito sa narinig mula sa ama ni Damian.
“Live-In?” agad siyang kinalibutan sa kanyang sinabi, at hinaplos ang magkabilang balikat nang tumaas ang kanyang mga balahibo sa katawan.
“A-Anong gagawin sa iisang bahay? Isang lalaki at isang babae? I know that he hates me, pero…No!” agad niyang inihilig ang ulo para mawala ang mga pinag-iisip nito.
“Hinding mangyayari iyong mga pinag-iisip mo, Zari! Maghunos-dili ka nga!”
She may be young, but she’s not that innocent when it comes to something like this… Intimate moments with couples. Pero hindi naman sila couple. She’s just marrying him for money.
Huminga ng malalim si Czarina at ilang beses na pinagsasampal ang pisngi para magising sa katotohanan—ang katotohanang hinding-hindi mangyayari ang mga pinag-iisip niya.
Inayos niya ang sarili bago lumabas ng banyo. Doon nakita niya ang kanyang boss na si Lena Valle.
Isang intern reporter si Czarina sa isang maliit na news media magazine, pero siniseryoso niya ang kanyang trabaho.
Nang makita siya ni Lena ay agad siyang inutusan na maghanda para isama siya sa isang interview.
“Yes, Chief Nana,” aniya saka kinuha ang notepad at camera bag.
Napansin ni Czarina ang pagiging maasim ng mood ng kanyang boss kaya hindi ito nagtanong pa kung sino ang iinterviehin nila. Basta na lang siya sumama ng walang kaalam-alam sa nangyayari.
NAKARATING sa isang kilalang restaurant ang dalawa. Pero pagpasok nila ay hindi mahagilap ni Lena ang taong iinterviehin.
Kaya naupo muna sila sa isa sa bakanteng lamesa.
Ilang sandali lang ay tumunog ang cellphone ni Lena na nakapatong sa lamesa, at sa pagmamadali ay nasagi niya ang tubig dahilan para matumba ang baso at matapunan ang dalang designer Chanel bag
“Ah! Sht!” mura nito, napasimangot. That bag was brand-new. Nilingon niya si Czarina. “Zari, dahil mo muna ito sa banyo, please wash it gently and let it dry. Sasagutin ko lang ang tawag.”
“Yes, Chief,” magalang na tugon ni Czarina.
Kinuha ni Czarina ang bag na may pag-iingat saka naglakad papasok sa comfort room.
As soon as Czarina left, agad na sinagot ni Lena ang tawag. Bahagyang nagbago ang tono ng pananalita. Nawala na ang lamig at iritado sa boses at napalitan na ng mababang boses at puno ng lambing.
“Kathy, hi, this is Nana,” bati ni Lena. “Nasa restaurant na ako. Nasaan na kayo ni Mr. Marquez?”
“You should come quickly,” Kathy said. “Kakatapos lang kumain ni Mr. Marquez, and I’m about to settle the bill. You have five minutes. If you catch him, seize the opportunity.”
Agad na nakaramdam ng pagka-excitement si Lena. Napatayo ito mula sa pagkakaupo at dumiretso sa private area kung nasaan naroon ang mga private room for VIP guests, iniwan na si Czarina. She wanted to meet this person so bad kaya ito nagmamadali.
NANG matapos nang linisin at patuyuin ni Czarina ang bag ay lumabas na ito ng banyo, pero saktong paglabas niya ay may nabangga itong matigas na bagay.
“Aray,” wika niya sabay hagod sa kanyang noo. “Sorry, hindi ko sinasad—” Napaangat siya ng tingin at nakita niyang napabangga ito sa matigas na dibdib ng isang lalaki.
Lumitaw ang pagka-iritable sa mukha ng lalaki. He’d seen far too many women intentionally throw themselves at him, and now here was another one. His lips curled with disgust.
Pero nang bumaba ang tingin niya sa babae ay bahagya itong nanigas.
“This woman…”
May imahe ang biglang lumitaw sa kanyang isip, kaya naman ay ang malamig na ekspresyon nito ay bahagyang lumambot. He suddenly changed his mind.
Bahagya siyang ngumiti at nagtanong sa mahina at nakakaakit na boses. “Are you okay?”
Agad na napailing ng ulo si Czarina pero agad ring tumango. “O-Oo, pasensya na… Hindi ko sinasadya.”
Napayuko siya agad at napapikit ng mariin dahil sa pagiging utal-utal nito sa harap ng lalaki.
Sino ba naman hindi? Aba! Nakatagpo siya ng napakagwapong nilalang!
Dumadagundong na ang puso ni Czarina sa kanyang dibdib tila gustong tumalon para mapunta ito sa lalaki ng sa gayon ay ipaalam kung gaano kabilis ng kanyang tibok ng puso.
“Ang gwapo!” bulong ni Czarina sa sarili. Muli itong nag-angat ng tingin sa lalaki.
Para itong lalaking nakikita niya sa mga Italian movies. Mestizo, matangos ang ilong, matalim ang panga at ang mga mata niyang bronse na parang walang hangganan ay may halong panganib at misteryoso. Mahahaba at makakapal ang pilit-mata at makapal ang kilay. May bahagyang kurba ang gilid ng labi niya na lalong nagdagdag ng awrang tila hirap maabot.
Naka-black custom-made suit siya, perpektong naka-akma sa broad shoulders at makitid na baywang. Matangkad at matipuno ang pangangatawan. Kahit nakatayo lang siya, ramdam agad ang matinding presensya—a presence that hard not to notice.
Uminit ang pisngi ni Czarina. Sa dalawampu’t apat na taon ng buhay niya, ngayon lang siya nakakita ng ganito ka kagwapong lalaki. Ayaw na niyang kumurap, dahil baka may ma-miss itong detalye.
Agad na inihilig ni Czarina ang ulo.
“May fiance ka na, Zari! Huwag kang mag-landi, ano ba!” wika sa sarili. “Ano bang nangyayari sa’kin? Bawal kang ma-tempt. Handsome guys are dangerous! Tandaan mo ‘yan, Zari!”
Pinilit niyang ikumpirmi ang sarili. Umubo siya ng dalawang beses, itinuwid ang likod at nagpanggap na kalmado. “I was just… distracted kanina. Sorry kung hindi kita napansin.”
Naningkit ang mga mata ni Damion habang pinagmamasdan niya ang namumulang pisngi ng babae. Bahagya siyang ngumiti. He haven’t felt this kind of curiosity for so long.
“Interesting,” aniya sa kanyang isip. “This little woman is far more amusing than I expected.”
Sa kakaikot ni Lena ay napatigil ito sa harap ni Damion at nang makita ang lalaki ay napatigil ito. Matagal na siyang nakakarinig na gwapo nga ang lalaki, pero hindi niya inaasahan na ganito ka grabe.
Agad siyang ngumiti ng nakakaakit. “Hello, Mr. Marquez, I am Lena, editor-in-chief of Insight Daily. May I trouble you for a moment? We’d like to request an exclusive interview.”
Isang malamig na tinig ang tumugon sa babae. “Don’t you know? I never accept interviews.”
Nanigas ang ngiti ni Lena nang agad siyang ma-reject. Pero ang katabi nitong si Czarina ay parang binuhusan ng malamig na tubig.
Hindi siya mapakaniwala sa narinig. Tinawag ni Lena ang lalaki ng Mr. Marquez?
Bumilis ang tibok ng puso niya. “Could it be this man…”
“Hindi!” aniya sa isip niya. “This guy cannot be Damion Marquez! Isa pa maraming Marquez sa buong mundo. Hindi siya iyon. Hindi pwedeng fiance ko ay… siya… right?”
“Mr. Marquez, baka pwede niyo pong i-reconsider? Please?” pagmamakaawa ni Lena.
Bago pa makasagot si Damion ay sumingit na si Czarina sa pagitan nilang dalawa.
“Chief, heto na po ang bag niyo,” malumanay na saad ni Czarina.
Wala sa sariling kinuha ni Lena ang bag, halatang inis sa hindi pagpansin sa kanya ni Damion.
Pinanood lang sila ni Damion, bahagyang nagniningning ang mga mata. Napagtanto niyang itong maliit na babae ay kasama rin pala sa magazine. Napangiti siya at biglang may naisip na plano.
“My rules cannot be changed,” singit niya sa dalawang babae. Matigas ang boses na may halong lamig saka itinuro si Czarina. “Unless… kung siya ang mag-iinterview sa’kin.”
Napaturo si Czarina sa sarili, nanlalaki ang mga mata. “A-Ako?” hindi mapakaniwala niyang saad. “Ako ang mag-iinterview sa’yo?!”
Your comments and feedback are always appreciated—they truly mean a great deal. Thank you for reading, and I hope you have a wonderful day~✨🫶🫶🫶
“I’M SORRY… FOR MAKING YOU SUFFER.”Natigilan si Czarina.Ha?Kanina lang ay panay ang pang-aasar nito, tapos ngayon ay biglang seryosong humihingi ng tawad.Ano na namang pakulo nito?Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Halata sa mukha niya ang lubos na pagkabigla.Napangiti si Damion sa inosente at natutulala niyang ekspresyon.Bahagya itong yumuko upang magpantay ang mga mata nila. “So...” mahina nitong sabi, “can you accept this cup of coffee now?”Doon lang napagtanto ni Czarina na nakatulala pala siya rito, bahagyang nakabuka pa ang bibig.Agad siyang umiwas ng tingin. “I don’t like coffee.”Bahagyang tumaas ang kilay ni Damion. Hindi na ito nakipagtalo. Sa halip ay lumingon ito sa waiter. “Make this lady a mocha with sugar.”“Certainly, sir.”Napasimangot si Czarina. “Excuse me? Kailan ko sinabi na gusto kong magkape?”Ngumiti lang si Damion. “I think you’ll like it. Kanina pa kasi kita ino-observe. When you looked at the menu, you paused the longest on the mocha. And judgi
MATAPOS MAG-USAP nina Czarina at Wendy ay umalis na rin si Czarina at babalik na lang ito kapag may bakanteng oras siya. Pero bigla niyang naalala na naghahanap ng matatamis na pagkain si Wendy kaya naisipan niyang bilhan ito ng cake.Dumaan muna siya sa pinakamalapit na coffee shop. Minsan na siyang nakakain doon at nagustuhan niya ang pagkain. Baka magustuhan din iyon ni Wendy.Ngunit habang tatawid siya ng kalsada, may isang pamilyar na boses ang narinig niya mula sa likuran.“What a coincidence.”Nagulat si Czarina.Napaatras siya at muntik nang mawalan ng balanse. Sa kabutihang-palad, mabilis na may isang brasong pumalibot sa baywang niya at agad siyang nasalo.Nang makabawi siya, agad siyang nagsalita. “Salamat.”Ngunit natigilan siya nang makita ang taong nasa harapan niya.Sandali… Damion?Napatitig siya rito, halatang hindi makapaniwala.Lalong lumalim ang ngiti ni Damion nang makita ang natulala niyang ekspresyon.“What?” mapanukso nitong tanong. “Cat got your tongue?”Agad
PAG-UWI ni Tito Fran nang gabing iyon, nadatnan niyang naghahanda si Czarina ng instant noodles.“Bakit ang aga n’yong umuwi?” nagtatakang tanong nito.“Sinabi kong masama ang pakiramdam mo, kaya pinauwi ako ni Mr. Marquez para samahan ka.”Nang mag-alala si Czarina kung ano ang kakainin ng matanda sa bahay ng mga Marquez, sinabi lamang ni Tito Fran na puwede namang initin ang mga natirang pagkain.Nag-alok si Czarina na siya na ang magluluto ng hapunan, ngunit kinuha ni Tito Fran ang mga sangkap sa kamay niya.“Umupo ka na lang. Gagawa kita ng scallion oil noodles.”Masayang naghintay si Czarina. Hindi nagtagal, inihain ni Tito Fran ang isang mangkok ng mabangong scallion oil noodles na may kasamang golden poached egg. Napangiti siya. “Wow… ang sarap ng amoy.”Agad siyang kumain, halatang nag-e-enjoy sa bawat subo.Makalipas ang ilang sandali, naupo si Tito Fran sa tapat niya. Nagsalin ito ng isang basong tubig bago nagsalita.“You’re eating with such an appetite,” aniya habang pina
“...LOVE CAN WAIT.”“That won’t do.” Umiling si Cassidy na parang concern talaga. “A woman’s prime years only last for a few years. Kapag pinalampas mo ’yon, hindi na ikaw ang pipili ng lalaki—sila na ang pipili sa’yo. Men appreciate over time, while women depreciate. Kaya, you have to think long-term.”Maganda man pakinggan, alam ni Czarina na nagyayabang lang ito at gusto siyang maliitin.Kaya kalmado lang siyang ngumiti. “I guess magkakaiba lang talaga tayo ng priorities. As for me, I want to build a stable life first before thinking about love.”Bago pa muling makasingit si Cassidy, nagsalita na si Tito Fran. “Kami na ang bahala sa love life ni Merry. Hindi mo na kailangang problemahin ’yon.”Sa isang pangungusap lang, natapos agad ang usapan.Lihim na nakahinga nang maluwag si Czarina. Finally…Pagkatapos kumain, dahan-dahan siyang lumabas sa garden. Nang makitang walang tao, mabilis siyang naglakad papunta sa gate.“What are you doing here?”Napapitlag siya sa biglang boses. Napa
“SHE’S BRAVER THAN YOU THINK. Kaya tingin ko hindi naman siya iiyak sa maliit lang na bagay, Dad.”Lalong kinabahan si Czarina. Alam niyang may kung ano na namang binabalak ito.Napansin iyon ni Tito Fran, kaya agad itong sumabat.“Takot talaga ang Merry namin sa mga teacher noon at ngayon naman sa mga boss. Kaya madalas siyang mailang magsalita. Sana po ay pagbigyan ninyo.”Bahagyang ngumiti si Damion. “Is she really afraid of me?”Mabilis namang sumingit si Czarina. “If you don't believe me, lalapit ako sa inyo ngayon para makita n’yo.”Ngunit umiling lang si Damion. “Alright. I believe you. I won't tease you anymore.”Napanguso si Czarina at muling umupo. Bakit ba parang hindi ako makaalis sa upuang ito?Samantala, lalong sumama ang timpla ni Cassidy.Hindi niya matanggap na sa harap mismo niya ay paulit-ulit na kinakausap at inaasar ni Damion ang ibang babae. Halos umusok na ang ulo niya sa selos.Ngunit bago pa tuluyang sumabog ang galit niya, bahagyang yumuko si Damion at bumulon
“...AS LONG AS YOU’RE STILL CZARINA, I’LL ACCEPT YOU.”Damion emphasized the word Czarina, giving her a hint or something, pero hindi na iyon napansin pa ni Cassidy dahil para sa kanya, okay siya hangga’t patuloy siyang minamahal ni Damion.Dahil sa mga sinabi ni Damion, unti-unting kumalma si Cassidy. “Thank you, Damion.”“But promise me one thing,” mahinahon nitong sabi. “Huwag mo nang galitin si Dad. Kung hindi kayo magkakasundo, mapipilitan tayong bumukod.”“Then let’s move out,” agad na sagot ni Cassidy. Ngunit nang mapansing tila masyado siyang nasabik, mabilis niyang binawi ang sinabi. “I mean… baka hindi lang talaga ako okay ngayon. Mas mabuti nang magkahiwalay kami kaysa lagi ko siyang hindi sinasadyang masaktan.”Napasingkit ang mga mata ni Damion. “Not now. Kung aalis kayo sa ganitong sitwasyon, lalo lang magagalit si Dad.”Napabuntong-hininga si Cassidy. “Okay… magtitiis muna ako. Pero promise, hindi mo ako lolokohin.”“Don’t worry,” tugon ni Damion, kahit nanatiling malami
“...IKAW NA ANG MAGIGING HUMAN WHEELCHAIR NIYA. NAIINTINDIHAN MO?”Damion’s face darkened at wala sa sariling tumanggi ito. “Marami akong aasikasuhin, Dad. Marami namang kasambahay dito sa bahay na pwedeng mag-alaga sa kanya.”Ayaw rin naman ni Czarina na alagaan siya nito kaya maging siya ay tumang
“A-ANONG GAGAWIN MO?” mahina nitong tanong, halos hindi na marinig ang boses.Paatras siya nang paatras hanggang sa dumikit ang likod niya sa malamig na pader—wala na siyang matakbuhan.Tahimik siyang pinagmasdan ni Damion, ang mga mata’y madilim at puno ng galit. Magulo na ang buhok ni Czarina, at
“RINA!” Napabitaw kaagad si Czarina sa pagkakahawak sa kanya ni Seth at napalayo sa lalaki. Pero bago pa siya tuluyang makalayo ay muli siyang nawalan ng balanse, dahilan para masalo siyang muli ni Seth.Nakatayo sa pintuan si Damion, malamig ang tingin habang sinusuri ang dalawa. Nang mapako ang t
SIERRA HOSPITAL.Mabilis na nakarating si Damion sa ward ni Cassidy.Pagdating pa lang niya sa pinto ay nasalubong niya agad ang doktor na palabas. Halatang nakahinga ito nang maluwag nang makita siya at agad na nagsalita, “Mr. Marquez, bumaba na po ang lagnat ni Miss Ilustre, pero hindi pa rin po







