LOGINthanks a bunch for reading! Your comments always make my day. Hope you’re having an amazing one too~ 🌸🫶
“I’M SORRY… FOR MAKING YOU SUFFER.”Natigilan si Czarina.Ha?Kanina lang ay panay ang pang-aasar nito, tapos ngayon ay biglang seryosong humihingi ng tawad.Ano na namang pakulo nito?Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Halata sa mukha niya ang lubos na pagkabigla.Napangiti si Damion sa inosente at natutulala niyang ekspresyon.Bahagya itong yumuko upang magpantay ang mga mata nila. “So...” mahina nitong sabi, “can you accept this cup of coffee now?”Doon lang napagtanto ni Czarina na nakatulala pala siya rito, bahagyang nakabuka pa ang bibig.Agad siyang umiwas ng tingin. “I don’t like coffee.”Bahagyang tumaas ang kilay ni Damion. Hindi na ito nakipagtalo. Sa halip ay lumingon ito sa waiter. “Make this lady a mocha with sugar.”“Certainly, sir.”Napasimangot si Czarina. “Excuse me? Kailan ko sinabi na gusto kong magkape?”Ngumiti lang si Damion. “I think you’ll like it. Kanina pa kasi kita ino-observe. When you looked at the menu, you paused the longest on the mocha. And judgi
MATAPOS MAG-USAP nina Czarina at Wendy ay umalis na rin si Czarina at babalik na lang ito kapag may bakanteng oras siya. Pero bigla niyang naalala na naghahanap ng matatamis na pagkain si Wendy kaya naisipan niyang bilhan ito ng cake.Dumaan muna siya sa pinakamalapit na coffee shop. Minsan na siyang nakakain doon at nagustuhan niya ang pagkain. Baka magustuhan din iyon ni Wendy.Ngunit habang tatawid siya ng kalsada, may isang pamilyar na boses ang narinig niya mula sa likuran.“What a coincidence.”Nagulat si Czarina.Napaatras siya at muntik nang mawalan ng balanse. Sa kabutihang-palad, mabilis na may isang brasong pumalibot sa baywang niya at agad siyang nasalo.Nang makabawi siya, agad siyang nagsalita. “Salamat.”Ngunit natigilan siya nang makita ang taong nasa harapan niya.Sandali… Damion?Napatitig siya rito, halatang hindi makapaniwala.Lalong lumalim ang ngiti ni Damion nang makita ang natulala niyang ekspresyon.“What?” mapanukso nitong tanong. “Cat got your tongue?”Agad
PAG-UWI ni Tito Fran nang gabing iyon, nadatnan niyang naghahanda si Czarina ng instant noodles.“Bakit ang aga n’yong umuwi?” nagtatakang tanong nito.“Sinabi kong masama ang pakiramdam mo, kaya pinauwi ako ni Mr. Marquez para samahan ka.”Nang mag-alala si Czarina kung ano ang kakainin ng matanda sa bahay ng mga Marquez, sinabi lamang ni Tito Fran na puwede namang initin ang mga natirang pagkain.Nag-alok si Czarina na siya na ang magluluto ng hapunan, ngunit kinuha ni Tito Fran ang mga sangkap sa kamay niya.“Umupo ka na lang. Gagawa kita ng scallion oil noodles.”Masayang naghintay si Czarina. Hindi nagtagal, inihain ni Tito Fran ang isang mangkok ng mabangong scallion oil noodles na may kasamang golden poached egg. Napangiti siya. “Wow… ang sarap ng amoy.”Agad siyang kumain, halatang nag-e-enjoy sa bawat subo.Makalipas ang ilang sandali, naupo si Tito Fran sa tapat niya. Nagsalin ito ng isang basong tubig bago nagsalita.“You’re eating with such an appetite,” aniya habang pina
“...LOVE CAN WAIT.”“That won’t do.” Umiling si Cassidy na parang concern talaga. “A woman’s prime years only last for a few years. Kapag pinalampas mo ’yon, hindi na ikaw ang pipili ng lalaki—sila na ang pipili sa’yo. Men appreciate over time, while women depreciate. Kaya, you have to think long-term.”Maganda man pakinggan, alam ni Czarina na nagyayabang lang ito at gusto siyang maliitin.Kaya kalmado lang siyang ngumiti. “I guess magkakaiba lang talaga tayo ng priorities. As for me, I want to build a stable life first before thinking about love.”Bago pa muling makasingit si Cassidy, nagsalita na si Tito Fran. “Kami na ang bahala sa love life ni Merry. Hindi mo na kailangang problemahin ’yon.”Sa isang pangungusap lang, natapos agad ang usapan.Lihim na nakahinga nang maluwag si Czarina. Finally…Pagkatapos kumain, dahan-dahan siyang lumabas sa garden. Nang makitang walang tao, mabilis siyang naglakad papunta sa gate.“What are you doing here?”Napapitlag siya sa biglang boses. Napa
“SHE’S BRAVER THAN YOU THINK. Kaya tingin ko hindi naman siya iiyak sa maliit lang na bagay, Dad.”Lalong kinabahan si Czarina. Alam niyang may kung ano na namang binabalak ito.Napansin iyon ni Tito Fran, kaya agad itong sumabat.“Takot talaga ang Merry namin sa mga teacher noon at ngayon naman sa mga boss. Kaya madalas siyang mailang magsalita. Sana po ay pagbigyan ninyo.”Bahagyang ngumiti si Damion. “Is she really afraid of me?”Mabilis namang sumingit si Czarina. “If you don't believe me, lalapit ako sa inyo ngayon para makita n’yo.”Ngunit umiling lang si Damion. “Alright. I believe you. I won't tease you anymore.”Napanguso si Czarina at muling umupo. Bakit ba parang hindi ako makaalis sa upuang ito?Samantala, lalong sumama ang timpla ni Cassidy.Hindi niya matanggap na sa harap mismo niya ay paulit-ulit na kinakausap at inaasar ni Damion ang ibang babae. Halos umusok na ang ulo niya sa selos.Ngunit bago pa tuluyang sumabog ang galit niya, bahagyang yumuko si Damion at bumulon
“...AS LONG AS YOU’RE STILL CZARINA, I’LL ACCEPT YOU.”Damion emphasized the word Czarina, giving her a hint or something, pero hindi na iyon napansin pa ni Cassidy dahil para sa kanya, okay siya hangga’t patuloy siyang minamahal ni Damion.Dahil sa mga sinabi ni Damion, unti-unting kumalma si Cassidy. “Thank you, Damion.”“But promise me one thing,” mahinahon nitong sabi. “Huwag mo nang galitin si Dad. Kung hindi kayo magkakasundo, mapipilitan tayong bumukod.”“Then let’s move out,” agad na sagot ni Cassidy. Ngunit nang mapansing tila masyado siyang nasabik, mabilis niyang binawi ang sinabi. “I mean… baka hindi lang talaga ako okay ngayon. Mas mabuti nang magkahiwalay kami kaysa lagi ko siyang hindi sinasadyang masaktan.”Napasingkit ang mga mata ni Damion. “Not now. Kung aalis kayo sa ganitong sitwasyon, lalo lang magagalit si Dad.”Napabuntong-hininga si Cassidy. “Okay… magtitiis muna ako. Pero promise, hindi mo ako lolokohin.”“Don’t worry,” tugon ni Damion, kahit nanatiling malami
FOR A MONTH, ni isang tawag o mensahe ay hindi natanggap ni Cassidy mula kay Damion. Paulit-ulit niya itong tinatawagan, ngunit hindi man lang sinasagot—isang bagay na labis niyang ikinabahala.Dati, isang ring pa lang ay sinasagot na niya. Ngayon, wala kahit isa.Habang lumilipas ang mga araw, lalo
“I’LL HELP YOU FIND HIM. JUST WAIT FOR MY NEWS, OKAY?”Damion’s tone left no room for refusal kaya naman ay napatango na lamang si Czarina na may pilit na ngiti.She had tried everything—lahat ng paraan, pati ang embassy. In the end, ang sabi lang nila: accept the situation and move on. Matagal nang
“THEN YOU’LL HAVE TO COME WITH ME.”Nanlaki ang mga mata ni Czarina. Pilit niyang binawi ang kamay ngunit masyadong malakas ang kapit nito. “A-Anong ginagawa mo? Let go of me!”“You’ll find out,” sabi nito, may masamang ngisi.”Umikot ang sikmura ni Czarina sa takot. Naghanap ang mga mata niya ng t
NAPATINGIN si Czarina sa lugar ng balon at hinanap ang lalaking naka light blue hanbok. Masyadong maraming tao kaya hindi niya makita. Pero alam niya, sa malabong larawan na iyon ay ang kuya niya. Paano niya hindi makikilala ang kuya niya na ilang taon din niyang nakasama sa iisang bubong? Lalo na







