LOGINPARANG nakaramdam ng kirot si Emil sa kanyang dibdib. Bigla na lamang siyang kinabahan, na para bang may nangyayaring hindi niya maipaliwanag. Si Leina agad ang unang pumasok sa isip niya. Napahawak siya sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib. "Sir? Are you okay?" nag-aalalang tanong ng isa sa mga board members nang mapansing natigilan siya. Mabilis na tumango si Emil. "I'm fine. Continue." Ipinagpatuloy ng presenter ang kanyang report, ngunit wala na roon ang isip ni Emil. Hindi niya maalis ang kakaibang kaba na bumabalot sa kanya. Ilang beses niyang sinubukang ituon ang pansin sa meeting, ngunit paulit-ulit na sumasagi sa isip niya ang mukha ng kanyang asawa. "Bakit pakiramdam ko, may nangyayari kay Leina?" Hindi na niya napigilan ang sarili. Marahan niyang inilabas ang kanyang cellphone sa ilalim ng mesa at tinawagan ang asawa. Isang ring... Dalawang ring... Tatlo... Walang sumasagot. Bahagyang nagsalubong ang kanyang mga kilay. "Baka natutulog pa," pilit niyang kumbins
MABILIS na tumulin ang mga araw, mag-apat na buwan na ang tiyan ni Leina. Hindi na siya magkasama pa ulit sa opisina dahil palaging masama ang pakiramdam. Kasalukuyang nasa kuwarto lang si Leina at nagpapahinga. “Hon, may masakit ba sayo? Do you want me to call Dr. Manalo? Hindi kita kayang tignan nang ganyan.” Hindi na matiis na sabi ni Emil sa asawa. Mabilis na umiling si Leina. “No, hon. Okay lang ako. Gusto ko lang magpahinga. Itutulog ko lang ito. Bukas, magiging okay din ako agad,” sagot ni Leina. “Kailangan kong pumunta sa kumpanya, may importanteng meeting ako ngayong umaga,” sabi ni Emil. “Okay lang. Sige na pumasok ka na sa trabaho mo. Huwag mo akong alalahanin,” pilit na ngumiti si Leina para hindi na mag-alala pa si Emil sa kaniya. Hindi pa rin kumbinsido si Emil. Ilang segundo niyang pinagmasdan ang asawa bago siya marahang umupo sa gilid ng kama. "Hindi talaga puwedeng ipagpaliban ang meeting na 'yon," mahina niyang sabi. Ngumiti si Leina at hinawakan ang kanyan
NAGISING si Leina na wala si Emil. Hinanap ng kanyang mga mata ang asawa saka napatingin sa malaking wall clock. Pasado ala una na ng madaling-araw."Hon?" mahina niyang tawag.Walang sumagot. Dahan-dahan siyang bumangon sa kama. Isinuot niya ang tsinelas at lumabas ng silid. Pagbukas pa lamang niya ng pinto ay napansin niyang may bahagyang liwanag na nagmumula sa dulo ng corridor.Tahimik siyang naglakad patungo roon. Natagpuan niya si Emil sa isang silid. Nakaupo ito sa isang rocking chair habang may hawak na ilang blueprint at mga larawan ng disenyo ng magiging kuwarto ng kanilang anak.Napangiti si Leina."Hon..."Napalingon si Emil at agad na lumambot ang ekspresyon ng mukha nito."Bakit gising ka? Hindi ba sinabi kong magpahinga ka lang?"Lumapit si Leina at umupo sa kandungan ng asawa."Hinahanap kita, pagkagising ko wala ka sa tabi ko."Napabuntong-hininga si Emil bago marahang niyakap ang asawa."Hindi kasi ako makatulog.""Bakit?"Ipinakita ni Emil ang mga hawak niyang laraw
“MAGBAIT-BAITAN ka na muna, Lea. Sa huli Leina, sa akin pa rin mapupunta ang asawa mo,” usal ni Lea sa isip habang tumataas ang sulok ng kanyang labi, na nakatingin sa mag-asawa. Tumalikod na ang mag-asawa at naglakad na sila papunta sa kuwarto nila. Hinahabol na lang ng tingin ni Lea ang mag-asawa na paakyat sa hakbang. “Aalis ka pa ba?” tanong ni Leina sa asawa nang makapasok sila sa loob ng kuwarto. “Hindi na. I will stay at home with you.” Ngumiti si Leina. Hindi niya napigilang sumandal sa dibdib ng asawa. "Talaga?" Tumango si Emil at marahang hinaplos ang mahaba nitong buhok. "Oo. Wala nang mas mahalaga sa akin kaysa sa'yo." "Pero marami kang trabaho." "Mas importante ang asawa ko at ang baby natin." Napangiti si Leina. Unti-unti niyang inilapat ang palad sa tiyan niya. "Hindi pa rin ako makapaniwala, Hon." "Ano'ng hindi mo mapaniwalaan?" "Na magiging mommy na ako." Natawa nang mahina si Emil. "At magiging daddy na rin ako." Sabay silang napatingin sa tiyan ni Le
NAIPASYAL ni Emil ang asawa buong maghapon. Masayang-masaya si Leina na parang bumalik sa pagkabata. “Are you happy, hon?” tanong niya kay Leina. Gagawin ni Emil ang lahat para mapasaya si Leina. Hindi niya masyadong nasubaybayan ang paglaki ng asawa. Kahit pa siya ang ninong nito, medyo malaki na rin ito noong makita niya ng personal. Wala na siyang mga magulang at wala ring kapatid, tanging si Leina at ang magiging anak nila ang meron siya. Ngumiti si Leina at mahigpit na hinawakan ang kamay ng asawa. "Sobrang saya ko, Hon." Napatingin siya sa paligid. Maghapon nila itong nilibot—namasyal, kumain ng paborito niyang pagkain, at bumili pa si Emil ng kung anu-anong gamit kahit paulit-ulit na siyang tumatanggi. "Hindi ko akalaing mararanasan ko ulit ang ganito." "Ano'ng ganito?" malambing na tanong ni Emil. "Ang maging masaya nang walang iniisip." Napalambot ang ekspresyon ni Emil. "Deserve mo 'yan." Huminto siya sa paglalakad at marahang hinarap ang asawa. "Leina..." Na
KABADO na pumasok sina Emil at Leina sa clinic. Malakas kasi ang kutob ni Emil na buntis si Leina. Hindi pa iyon kumpirmado kaya nagpasiya silang magpakonsulta sa doktor . Magkahawak-kamay silang lumapit sa reception. "Good morning, Ma'am, Sir. May appointment po ba kayo?" magalang na tanong ng receptionist. "Yes," sagot ni Emil. "Appointment namin kay Doc." Agad nitong sinuri ang listahan at saka ngumiti. "Please have a seat. Tatawagin na lang po kayo." Sabay na tumango ang mag-asawa at umupo sa waiting area. Tahimik lamang si Leina. Paminsan-minsan ay napapahawak siya sa kanyang tiyan. Hindi niya alam kung bakit kakaiba ang pakiramdam niya nitong mga nakaraang araw. Napansin iyon ni Emil. "Hindi ka ba komportable?" mahinahon niyang tanong. Umiling si Leina. "Medyo kinakabahan lang." Marahang hinawakan ni Emil ang kanyang kamay. "Huwag kang matakot. Anuman ang maging resulta, magkasama natin itong haharapin." Ngumiti si Leina, ngunit halata pa rin ang kaba sa kanyan
PAGLABAS ni Vic at pagsara ng pintuan, bigla pakiramdam ni Leina ay lumamig ang paligid. Kasunod niyon, napahawak siya sa laylayan ng suot niyang palda, hindi alam kung saan ilalagay ang sarili. Hindi siya makatingin ng diretso kay Emil. Takot, naiipit sa sitwasyon niya at nalilito. Unti-unting
DUMATING na si Vic, may dala-dala siyang itim na bag at dumiretso siya sa opisina ni Emil. Pinapasok siya ni Manang Nieves, ang matandang matagal ng katiwala ng mga magulang ni Emil. Inaayos niya ang kanyang polo saka huminga ng malalim bago kumatok sa pinto ng opisina ni Emil. "Come in," sagot n
PAGKAUWI ni Leina sa apartment ay dumiretso siya sa kanyang kuwarto. Hindi na siya kumain dahil sa sobrang pagod. Nagring ang phone niya. Kinuha niya iyon sa kanyang bag at inihagis ang bag sa ibabaw ng kanyang kama. "Ma..." sabi niya nang sinagot ang tawag ng ina. "Leina, kailan ka ba uuwi rit
NAKAHARAP si Emil sa bintana habang panay ang kanyang buga ng usok na lumalabas sa kanyang sigarilyo. "It's just ten years ago... I will get what is mine. And I won't stop until I have her," malumanay niyang bulong sa sarili, habang ang kanyang mga mata ay nakatutok sa dilim sa labas. Napatigil s





![Hiding The Dangerous Bodyguard's Son [A.G.S #3]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)

