LOGINI never expected this. Because right from the very beginning . . . I never wanted this. Kaya hindi ko alam kung paano ang gagawin. Nangangapa ako and I don't know how to keep myself composed.
We chose the church wedding. Spike was actually the one who chose it. Sa akin ay ayos naman kahit anong klaseng kasal pa because everything is fake. So it doesn't matter how it should be done. Pero . . . Habang nakatitig sa malaki at nakasaradong pintuan ng simbahan at parang pinipiga sa sakit ang dibdib ko ay na-realize kong, dapat pala pinili ko 'yong mas madali. I should've told him that I want the fastest and easiest way to get married. I shoul've chose the civil kind of wedding. Para sana hindi ganito ang nararamdaman ko. Para sana hindi ko nararamdaman kung gaano kalungkot ang buhay ko. Ipinangalandakan lang naman sa akin na mag isa na lamang ako sa mundong ito. Panay ang tulo ng aking luha at hindi ko 'yon magawa-gawang punasan. Ni hindi ko magawang igalaw ang mga paa ko upang simulan ang paglalakad patungo kay Spike na ngayo'y naghihintay sa pagdating ko. Everyone is watching me. Everyone is so excited for me to walk down the aisle. Pero bakit parang ang hirap? Ang hirap maglakad ng mag isa patungong altar. Is this the reason why parents should be at their daughters side during the walking? Para maalalayan nila. Para magabayan nila. So their daughters can have the courage to walk dahil alam nilang kung may mangyari man o matapakan man nila ang gown nila at madapa ay okay lang dahil nandoon naman ang parents nila. Kasi kahit na ano pang irason natin, tayong mga anak, magulang pa rin ang takbuhan. Magulang pa rin ang makakapagpalagay sa mga loob natin. This is a fake wedding, I know. Pero kahit hindi ito totoo, sana man lang naranasan kong makatabi si daddy habang naglalakad ako. Sana man lang hindi ako mag isa. Sana kahit isang miyembro ng pamilya ko ay nandito. Kahit isang ka-apelyido man lang sana. Seryosong nakatingin sa akin si Spike. Umiigting ang panga at ang mga mata'y wala na yatang planong alisin sa akin. Humugot ako ng isang malalim na hininga saka ko nilakasan ang loob ko upang simulan ang paglalakad. Pero hindi ko pa man tuluyang naihahakbang ang mga paa ko ay naglakad na palapit sa akin si Spike. Nanlaki ang mga mata ko. I heard everyone gasped. Imbis na ako ang lumapit ay siya itong lumapit sa akin. "A-anong ginagawa mo?" tanong ko pagkalapit niya. Huminto siya sa harapan ko at marahang bumuntonghininga. Ipinasok niya ang dalawang kamay niya sa loob ng belo na suot ko at gamit ang kanyang mga hinlalaki ay pinunasan niya ang mga luha ko. "Stop crying." Umiling ako. "I just missed my father," namaos ang boses ko nang sabihin iyon. Natigilan siya. Ang mga palad niya'y naroroon pa rin sa magkabila kong pisngi habang nakatitig siya sa akin. Matapos ang ilang sandali ay tinapos niya ang pagpupunas sa mga luha ko at umayos ng tayo. Hinawakan niya ang kamay ko at isinukbit iyon sa braso niya nang humarap siya sa altar ng simbahan. "Let's walk down the aisle together so you don't feel alone." Napatingin ako sa kanya. Awtomatiko akong natigil sa pag iyak. "Spike . . ." "Let's reach the altar together, Serra," sabay ngiti niya sa akin ng napakatamis na siyang ikinagulat ko. Bahagyang namilog ang mga mata ko. Hindi pa man ako nakakabawi mula sa pagkakagulat ay nagsimula na siyang maglakad. ** Hindi ko alam kung paanong pakikisamahan ang mga kamag-anak ni Spike. Lalo na sa mga relatives niya sa mother side na feeling ko mula pa kanina sa simbahan hanggang ngayong nasa reception na kami ay binabantayan ang bawat kilos ko. "Are you okay?" Mama Rosella checked on me from time to time. Kahit pa nasa tabi lang naman ako lagi ni Spike. Ngumiti ako sa kanya at tumango. "Yes naman po." "Pwede ba kitang mahiram saglit? My mother and father wants a nearer view at you." Nilingon ko si Spike na abala pa rin sa pakikipagusap sa kaibigan niyang si Neo at Dwayne. Marahan kong hinila ang braso niya dahilan upang lingunin niya ako. Pinagtaasan niya ako ng dalawang kilay. Tiningnan ko si Mama Rosella kaya nilingon din ito ni Spike. "Your grandma and grandpa wants to meet her, Spike. Pwede ko ba siyang hiramin saglit?" pagpapaalam ni Mama Rosella kay Spike. "Ah yes, I'll join you two," sabi ni Spike at agad na nagpaalam sa mga kaibigan niya. Hawak-hawak ako ni Spike sa kamay hanggang sa makarating kami sa table ng grandparents niya. Nandoon rin ang girl bestfriend ni Spike na si Merila at nakikipagtawanan sa mga babaeng kaedaran nito. Kamuntikan pa akong huminto sa paglalakad. Hindi ko alam kung bakit tila ayaw ko talaga sa babaeng ito. Feeling ko may nakatago sa bawat ngiting ipinapakita niya sa akin. "Spike, hijo! You have such a beautiful bride!" ani lolo niya na siyang ikinatigil ng halos lahat ng nasa mahabang lamesa. Agad na nagtagpo ang mga mata namin ni Merila nang lumingon din siya sa gawi namin. Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang labi. "Tell us, how did you guys met each other?" may tipid na ngisi sa labi nito. Doon ko napansing may pinagmanahan pala talaga si Spike. Ngisi pa lang, makikita mo nang nagmana siya sa matandang 'to. "Rod," saway ng asawa nito pero hindi man lang nito nagawang lingunin. "I heard she's an orphan. Your cousin Herrex told me." Oh! I guess talagang hindi lahat ng pamilya tanggap ka. And I understand it pero sana hindi naman ganitong ipapahiya pa yata ako sa harap ng maraming tao. Buti pa 'yong grandparent niya sa father side ay unang tapak ko pa lang sa mansion nila ay ramdam ko na ang mainit nitong pagtanggap sa akin. Pero ito . . . Hindi ko akalaing pati sa pamilyang ito, kailangan kong makisama. And Herrex? I think I heard that name somewhere. Hindi ko lang tanda kung saan . . . Unti-unting nanlaki ang mga mata ko kasabay ng unti-unti kong pag angat ng tingin kay Spike. Napagtanto ko agad kung saan ko narinig ang pangalang 'yon. "H-Herrex?" Agad na nagbaba ng tingin sa akin si Spike. Nagtaas siya ng isang kilay, tinatanong kong anong binubulalas ko. "Kasamahan niya ang kumidnap sa akin, Spike." Unti-unting nagpang-abot ang kanyang mga kilay. "What are you talking about?" "Isa siya sa mga pinagkakautangan ni daddy," bulong ko. Mabilis na nilingon ulit ni Spike ang lolo niya. Ngayon ay mas hayag na ang pinapakita nitong ngising aso. Marahil ay satisfied sa nakikitang panlalaki ng mga mata ni Spike. Ghad! I think his lolo knew something about our plan.Nilingon ko siya at nakita kong titig na titig siya sa katawan ko. Napangisi agad ako. Sa nakikita ko ngayong mukha niya, sigurado na ako kung sinong panalo sa larong ito."Pwede mo namang hindi ipahalata." Inirapan ko siya at tuluyan kong hinubad ang gown ko. Hindi ito iyong bridal gown ko, ito 'yong isinuot ko after ng kasal at bago kami bumaba for reception. Pumasok ako sa banyo at nagtagal ako roon. Matagal naman talaga ako sa loob ng banyo pero mas matagal lang ako ngayon. Nagbabad pa ako sa tub at naglaro pa ng bula.Iniangat ko ang kamay kong may suot na mamahaling singsing. Pinakatitigan ko 'yon. I can't believe this is happening. Totoong kasal na ako! May dalawang bagay lang naman akong hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. First, daddy died on an accident and the second one is, I am finally married."What's taking you so long, Serra?"Napalingon ako sa labas ng pintuan ng banyo nang naring ang malambing na boses ni Spike. Umawang ang labi ko dulot ng pagkamangha.
Spike and I immediately excused ourselves from them. Hinawakan niya ako sa braso at hinila palabas ng hall kung saan ang reception ng kasal.Tuloy tuloy niya akong hinila papasok sa elevator. Gusto ko sanang magsalita pero hindi ko alam kung anong kataga ang una kong bibigkasin. Tahimik siya pero bakas sa kanyang mga mata ang galit sa kung anong dahilan.Pagkapasok sa hotel room naming dalawa ay agad niyang binuksan ang cellphone niya't may tinawagan."Herrex . . ." Kita ko ang pagtaas baba ng dibdib niya nang bigkasin ang pangalang 'yon. Napatitig ako sa kanya. Nakayuko siya't ang mga mata ay nakatutok sa sahig."My wife was kidnapped the other night. May kinalaman ka doon?""She told me, dude. Huwag kang gago! At anong kagaguhan ang pinagsasasabi mo kay tanda ha?!""Umayos ka, Herrex! Mind your own monkey business because the next time na may mangyari pang masama sa asawa ko at involve ka . . . I'll make your girl involved too. Saan nga siya ulit nag aaral?""Fuck you too!"Napataas
I never expected this. Because right from the very beginning . . . I never wanted this. Kaya hindi ko alam kung paano ang gagawin. Nangangapa ako and I don't know how to keep myself composed.We chose the church wedding. Spike was actually the one who chose it. Sa akin ay ayos naman kahit anong klaseng kasal pa because everything is fake. So it doesn't matter how it should be done.Pero . . .Habang nakatitig sa malaki at nakasaradong pintuan ng simbahan at parang pinipiga sa sakit ang dibdib ko ay na-realize kong, dapat pala pinili ko 'yong mas madali. I should've told him that I want the fastest and easiest way to get married. I shoul've chose the civil kind of wedding.Para sana hindi ganito ang nararamdaman ko. Para sana hindi ko nararamdaman kung gaano kalungkot ang buhay ko. Ipinangalandakan lang naman sa akin na mag isa na lamang ako sa mundong ito.Panay ang tulo ng aking luha at hindi ko 'yon magawa-gawang punasan. Ni hindi ko magawang igalaw ang mga paa ko upang simulan ang
"Tell me, Serra . . . What the fuck did they do to you?" puno ng pagtitimpi ang boses niya. Halatang gustong gusto na niyang sumabog pero pinipigilan niya.Pinagsikapan kong huminto sa pag iyak, pero mas lalo lang nanikip ang dibdib ko. Tuloy ay mas lalo pa akong napahagulgol."Dammit!" he cursed.Naging maluwag ang pagkakahawak niya sa mga balikat ko. Iginiya niya ako papalapit sa kanya at niyakap. Napahawak ako ng mahigpit sa laylayan ng itim na tshirt niyang suot.He stayed silent the whole time I was crying. Hinayaan niya akong umiyak. At hinintay na matapos. Hindi ko alam kung paanong nakatulong ang pag iyak ko sa dibdib niya. Pero talagang gumaan ang pakiramdam ko dahil doon."Sinisingil nila ako sa utang ng daddy ko sa kanila. Hindi ko alam kung anong meron sa akin at bakit lahat kayo, katawan ko ang gusto."Hindi siya nakasagot. Nag angat ako ng tingin sa kanya at sinalubong ko ang mga mata niyang wala na namang emosyon. Is he always like this? Sobrang hirap basahin."Oo at ku
Napatitig ako sa kanya. Hindi ko maintindihan. Naguguluhan ako. He's offering me something."I-itatakas mo ba ako?" tila wala sa sarili kong sabi."Just tell me," aniya at binuhay na ang makina.Buong byahe ay tahimik kaming pareho. Hindi ko alam kung anong naglalaro sa utak niya. Pero sa akin ay walang ibang laman kung 'di iyong tungkol sa offer niyang itakas ako mula kay Spike. Hindi niya alam kung saan ako nakatira. And I don't want to tell him Spike's address too kaya nagpababa na lang ako sa daang malapit lang din naman sa bahay ni Spike. Hindi ko rin alam kung bakit ayaw kong makita ni Spike na inihatid niya ako. Pasado alas onse na ng gabi at sigurado akong nasa bahay na siya. Ibinaba ko ang jacket na hinubad ko sa passenger seat bago ako bumaba ng sasakyan ni Welvorn.Kahit na malamig at madilim sa labas ay hindi ko iyon inalintana. Nagpatuloy ako sa paglalakad pauwi sa bahay ni Spike habang yakap-yakap ko ang sarili ko."WHERE HAVE YOU BEEN?!"Agad akong nagbaba ng tingin sa
Pinasadahan niya ng tingin ang buo kong katawan habang naroroon pa rin ang ngising aso sa kanyang labi. Suot ko'y manipis na puting dress na agad dumikit sa katawan ko dulot ng pagkakabasa. Iyon marahil ang dahilan kaya nauulol itong lalaking ito ngayon.Naupo siya sa aking harapan. Sinubukan ko pa ring umatras kahit pa wala na akong maaatrasan dahil sa mga trosong nasa aking likuran. Inilabas niya ang dila niya't dahan-dahang binasa ang kanyang mga labi. Naging malalim ang bawat paghinga ko dahil sa kamanyakang nakikita ko."A-anong k-kailangan niyo sa akin?""Pera . . . Sana," sabay ngisi na naman niya. "Pero kung ganito naman kaganda ang magiging katabi ko gabi-gabi, ayos lang kahit hindi mo na bayaran ang utang ng tatay mo sa akin.""Pasensya na. Hindi ako pumapatol sa asong ulol!" buong tapang kong sabi. Pilit na nagtatapang-tapangan kahit na sa loob loob ko'y labis-labis na ang takot na nararamdaman ko.Humalakhak siya na siyang agad na sinabayan ng mga kasama niya. Ngunit agad







