Share

Chapter 28

Author: kkyrieehale
last update Petsa ng paglalathala: 2026-07-05 18:22:26

Biyernes ng gabi. Nasa garahe ako ng Casa Eyrie, seryosong nag-aayos ng mga gamit sa likod ng kotse ko para sa biyahe bukas patungong Clark. Naglalagay ako ng ilang extrang bottled water, tissue, at emergency kit sa compartment nang biglang sumulpot si Kuya Gado galing sa loob ng Casa, may bitbit na malaking tupperware.

"O, Kairo, isama mo na ’tong mga sandwiches na ginawa ko para sa inyo bukas," sabi ni Kuya Gado habang iniaabot sa akin ’yung tupperware. Pero bago ko pa mahawakan, pinakatitiga
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Under My Father In-Law's Touch   Chapter 30

    Pagkadating na pagkadating namin sa Clark Eco-Tourism Hub, sinalubong agad kami ng sariwang hangin at ng malalabay na puno. Matapos mag-log in sa information center, agad kaming naghati-hati ng gawain para maging mabilis at efficient ang field research."O, ganito," deklara ni Justine habang may hawak na clipboard at nakasabit ang sunglasses sa t-shirt niya."Kami nina Chloe at David ang mag-i-interview sa mga hub managers at staff doon sa administration office. Kayo naman nina Ventura, dumeretso na kayo sa forest trail at lagoon area para kumuha ng actual photos at mag-analyze ng site blueprint. Para sabay tayong matapos.""Sige, partner. Make sure to note the foot traffic capacity din," pormal na paalala ni Roxie, pero may kasama nang banayad na ngiti."Copy, Madame Ventura!" biro ni Justine sabay salute, tsaka hinila sina Chloe at David patungo sa opisina.Naiwan kaming dalawa ni Roxie na naglalakad sa sementadong pathway patungo sa eco-trail. Hawak ko ang DSLR camera habang siya n

  • Under My Father In-Law's Touch   Chapter 29

    Alas-sais pa lang ng umaga, gising na gising na ako. Pagkatapos maikarga ang mga sandwich ni Kuya Gado, magkakasunod ko nang sinundo sina Chloe at David bago ang huling hintuan namin. Siyempre, ang gago kong tropa na si Justine, nasa passenger seat na at halos hindi mapakali sa lakas ng pinatutugtog niyang music sa sound system ng Audi ko.Eksaktong 6:40 AM, dahan-dahan kong ipinasok ang kotse sa gilid ng gas station na dalawang block ang layo mula sa subdivision nina Roxie.Hindi pa man ganap na humihinto ang sasakyan, natanaw ko na siya. Nakatayo siya sa gilid ng convenience store. Nawala ang karaniwang pormal niyang business skirt at blouse; nakasuot lang siya ngayon ng simpleng puting t-shirt, maong na pantalon, at puting sneakers. Nakatali rin nang simple ang buhok niya habang may bitbit na maliit na backpack.Simpleng-simple, pero hindi ko napigilang mapatitig nang matagal. Sobrang lakas pa rin ng dating niya."Ayan na si Ventura! O, boys and girls, umayos kayo ng upo, darating

  • Under My Father In-Law's Touch   Chapter 28

    Biyernes ng gabi. Nasa garahe ako ng Casa Eyrie, seryosong nag-aayos ng mga gamit sa likod ng kotse ko para sa biyahe bukas patungong Clark. Naglalagay ako ng ilang extrang bottled water, tissue, at emergency kit sa compartment nang biglang sumulpot si Kuya Gado galing sa loob ng Casa, may bitbit na malaking tupperware."O, Kairo, isama mo na ’tong mga sandwiches na ginawa ko para sa inyo bukas," sabi ni Kuya Gado habang iniaabot sa akin ’yung tupperware. Pero bago ko pa mahawakan, pinakatitigan niya ang mukha ko habang nakataas ang isang kilay. "Aba, kakaiba ang sigla mo ngayon, ah? Halos mapakanta ka na diyan habang nag-aayos ng compartment. Para sa major project lang ba talaga ’yan o dahil kasama mo uli ’yung si Ventura?""Kuya Gado naman, acads lang talaga ’to," natatawang tanggi ko habang inilalagay ang pagkain sa loob."Acads mo mukha mo!" biglang sigaw ni Justine na kabubukas lang ng pinto sa may kusina, may hawak pang platito ng biskwit. Dito na naman natulog ang gago dahil ha

  • Under My Father In-Law's Touch   Chapter 27

    Matapos ubusin ni Justine ang huling piraso ng fishball, tiningnan ni Roxie ang screen ng kaniyang iPad. Saktong limang minuto na lang bago matapos ang break. Mabilis niyang inayos ang sarili niya, ibinalik ang pormal na postura, pero sa pagkakataong ito, wala na ’yung matigas at malamig na pader sa kaniyang mga mata.Habang naglalakad kami pabalik sa hallway patungo sa classroom, biglang bumagal ang lakad niya para bang may fgusto siyang sabihin pero nahihiya siya."Justine, Kairo," mahinang tawag ni Roxie samin ni Justine kaya napahinto kami. "For this weekend... gusto ko sanang huminga muna. I want to clear my head kahit isang araw lang."Napatigil si Justine sa pag-ikot ng key chain sa daliri niya, habang ako naman ay napatingin nang diretso sa kaniya, nakikinig sa susunod niyang sasabihin."Mag-aya kayo ng kahit dalawa pa sa mga ka-block natin—isang babae at isang lalaki," pagpapatuloy ni Roxie, diretso ang tingin sa unahan habang naglalakad kami. "Ang ipapaalam ko kay Daddy, may

  • Under My Father In-Law's Touch   Chapter 26

    Saktong pagkatunog ng bell para sa break, mabilis pa sa alas-kwatro na binuhat ni Justine ang bag niya at sumulyap sa amin sabay tango na parang mastermind ng isang secret operation. Tahimik kaming naglakad nang magkakahiwalay patungo sa likod ng lumang gym—isang abandonadong gilid ng campus na pinaliligiran ng matataas na halaman at bihirang daanan ng mga estudyante. Safe, tahimik, at walang pwedeng makakita.Pagdating ko roon, nakaupo na si Justine sa isang lumang sementadong bench habang may bitbit na plastic ng paborito naming fishball, kwek-kwek, tsaka tatlong malamig na Buko juice sa plastic. Dahil libre nga niya, inaasahan ko ng titipirin niya kami at hindi siya sa cafeteria bibili.Ilang sandali pa, sumulpot na rin si Roxie mula sa likod ng pader, patingin-tingin pa sa paligid para masigurong walang nakasubaybay sa kaniya bago marahang bumagsak ang mga balikat niya sa relief."Oh, kompleto na ang Supremo Team!" malawak ang ngising bati ni Justine sabay abot kay Roxie ng isang

  • Under My Father In-Law's Touch   Chapter 25

    Kinabukasan sa school, pumasok ako na may bitbit na baong kape mula sa Casa, determinadong panindigan ang pagiging 'propesyonal' at tahimik gaya ng plano ko. Pag-upo ko sa pwesto ko, saktong pumasok si Roxie. Gaya ng kahapon, diretso lang ang tingin niya, pormal ang aura, at hindi lumingon sa direksyon ko habang umuupo siya sa desk niya sa unahan. Susunod ako sa agos. Walang gulo.Ang kaso, nakalimutan kong may isang gago nga pala akong tropa na walang pakialam sa mga patakaran ng mundo.Vibrate.Dahan-dahan kong dinukot ang phone ko mula sa bulsa nang maramdaman kong nag-vibrate ito sa ilalim ng desk. Pagkabukas ko ng screen, isang bagong gc sa Messenger ang bumungad sa akin.Group Name: SECRET MERYENDA NG MGA SUPREMO (BAWAL MAINGAY)Members: Justine, Kairo, Roxie VenturaNanlaki ang mga mata ko. Napatingin ako kay Justine na nakaupo sa kabilang row, at ang gago, nakangisi sa akin habang itinataas-baba ang mga kilay niya na parang ewan.Justine: Ehem. Testing mic 1 2 3. Hello mga ka-

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status