Share

Chapter 49

Author: kkyrieehale
last update publish date: 2026-07-19 21:35:24

Roxie’s POV

Nakahiga lang ako habang dahan-dahang nginunguya ang mansanas na binalatan para sa akin ni Ate Faith bago siya muling lumabas. Medyo kumalma na ang sakit sa tadyang ko dahil sa panibagong dose ng painkillers, pero ang isip ko ay hindi pa rin mapakali. Lampas alas-singko na ng hapon. Sabi ni Ate Faith kanina ay malaya nang makalabas ng subdivision si Kairo dahil nagmadaling umalis ang mga nagbabantay na tauhan ng daddy ko.

Bakit wala pa siya?

Napatingin ako sa pinto nang marinig ko a
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Under My Father In-Law's Touch   Chapter 53

    Roxie's POVKinaumagahan, ang sikat ng araw na pumasok mula sa malaking bintana ng kwarto ko sa ospital ay may ibang uri ng init. Hindi tulad ng mga nakaraang araw na bawat paggising ko ay may kasamang kaba, bigat sa dibdib, at patagong takot na baka biglang bumukas ang pinto at iluwa niyon ang aking ama... ngayon, kakaiba. Pakiramdam ko ay dahan-dahang natatanggal ang isang malaking kadena na nakatali sa aking leeg sa loob ng halos dalawampung taon.Idinilat ko ang aking mga mata at ang unang bumungad sa akin ay ang lalaking naging dahilan kung bakit ako nakahinga nang maluwag.Nakayuko si Kairo sa gilid ng kama ko. Nakaupo siya sa monobloc chair, ang kaniyang ulo ay nakapatong sa gilid ng kutson malapit sa baywang ko, habang ang isa niyang kamay ay mahigpit na nakabalot sa kamay ko. Mahimbing ang tulog niya, pero halata sa bahagyang pangingitim ng ibaba ng kaniyang mga mata na hindi siya natulog buong magdamag. Binantayan niya ako sa bawat paghinga ko.Dahan-dahan kong inigalaw ang

  • Under My Father In-Law's Touch   Chapter 51

    Kairo’s POV"Justine, huwag kang aalis sa pwesto mo," mahina ngunit mariin kong utos, hindi inaalis ang tingin sa kahoy na harang sa pagitan namin at ng panganib."Gago, Kai, kahit pader babanggain ko para sa inyo ngayon," bulong pabalik ni Justine. Ramdam ko ang panginginig ng kaniyang boses, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa paggigigil. Hawak niya pa rin ang monobloc chair, ang kaniyang mga paa ay matatag na nakabaon sa sahig ng ospital.Sa likod namin, naririnig ko ang mahihinang hikbi ni Chloe habang pilit niyang pinapakalma si Roxie. Si David naman ay nakatayo sa tabi ng kama, ang kaniyang mga mata ay pabalik-balik sa amin at sa bintana, naghahanap ng anumang daan kung sakaling tuluyang pasukin ang kwartong ito.Isang malakas na sipa ang nagpatunog sa mismong pinto namin. Ang lock ay gumawa ng marahas na tunog."Roxanne! Buksan mo ’to!" ang boses ni Arthur Ventura ay parang galing sa isang hayop na nasusukol. Wala na roon ang prestihiyo ng isang respetadong business tycoon. It

  • Under My Father In-Law's Touch   Chapter 50

    Kairo’s POV"Hahaha! Gago, seryoso ba, Justine? Sinabi mo talaga ’yun sa prof natin?" natatawang sabi ko habang tinutulungan si Roxie na uminom ng tubig gamit ang straw."Oo nga, bro! Sabi ko talaga, 'Ma'am, mas mahalaga po ang Business Ad principles sa labas ng classroom kaysa sa loob!' Ayun, pinalabas ako," pagmamalaki pa ni Justine na ikinatawa nina Chloe at David. Kahit si Roxie ay hindi mapigilang mapangiti, bagaman maingat pa rin siya dahil sa kaniyang tadyang.Ang saya ng buong silid. The laughter was loud enough to drown out the sterile, depressing aura of the hospital. Pero ang panandaliang kapayapaan na ’yun ay biglang naputol nang maramdaman ko ang marahas na pag-vibrate ng phone ko sa bulsa ko.Kinuha ko ito. Kay Kuya Zaitan ang tawag. Agad na pumasok ang kakaibang kaba sa dibdib ko. Tumingin ako kay David na agad ding naging seryoso ang mukha nang mapansin ang pagbabago sa kilos ko. Lumayo ako nang konti sa kama at sinagot ang tawag."Kuya?""Kairo, listen to me very care

  • Under My Father In-Law's Touch   Chapter 49

    Roxie’s POVNakahiga lang ako habang dahan-dahang nginunguya ang mansanas na binalatan para sa akin ni Ate Faith bago siya muling lumabas. Medyo kumalma na ang sakit sa tadyang ko dahil sa panibagong dose ng painkillers, pero ang isip ko ay hindi pa rin mapakali. Lampas alas-singko na ng hapon. Sabi ni Ate Faith kanina ay malaya nang makalabas ng subdivision si Kairo dahil nagmadaling umalis ang mga nagbabantay na tauhan ng daddy ko.Bakit wala pa siya?Napatingin ako sa pinto nang marinig ko ang pamilyar na kaluskos ng doorknob. Dahan-dahan itong bumukas, at ang unang bumungad sa akin ay ang pigura ng isang lalaking nakasuot ng simpleng black shirt at denim jacket, medyo magulo ang buhok, at halatang galing sa mahabang biyahe.Si Kairo.Nabitawan ko ang hawak kong tinidor. The moment his dark eyes locked onto mine, parang biglang tumigil ang mundo. Hindi ko na napansin ang bahagyang kirot sa dibdib ko nang pilitin kong umupo nang tuwid."Roxie..."Patakbo siyang lumapit sa gilid ng k

  • Under My Father In-Law's Touch   Chapter 48

    Kairo’s POVAlas-otso pa lang ng umaga, pero parang gumuho na ang mundo sa labas ng Casa Eyrie.Nasa dining table kaming magkakapatid—ako, si Kuya Zaitan, at si Ate Faith na kagagaling lang sa kaniyang shift—habang nakabukas ang flat-screen TV sa tapat namin. Ang balita sa prime-time morning news ay walang ibang laman kundi ang mukha ng kilalang business tycoon na si Arthur Ventura."Isang matinding dagok ang kinakaharap ngayon ng Ventura Corporation matapos maglabas ng Freeze Order ang Anti-Money Laundering Council o AMLC sa tatlo sa kanilang pinakamalalaking offshore accounts sa Cayman Islands dahil sa hinalang tax evasion at money laundering," saad ng seryosong boses ng news anchor. "Kasabay nito, sinalakay din ng mga otoridad mula sa Bureau of Internal Revenue ang main office ng kumpanya sa Makati para sa isang biglaang audit.""Heh. Masyadong naging kumpiyansa ang matanda," marahang komento ni Kuya Zaitan habang humihigop ng kape. Ang mukha niya ay walang bahid ng pagkabahala, ti

  • Under My Father In-Law's Touch   Chapter 47

    Kairo’s POVPang-isang daan at limampu’t pitong beses ko na yata itong pag-ikot ng gabi sa aking kwarto. Alas-onse na ng gabi pero ang utak ko ay nandoon pa rin sa St. Luke’s, nakatali sa tabi ng kama ni Roxie. I kept staring at the burner phone in my hand, waiting for any text or call, pero ayaw ko naman siyang istorbohin dahil alam kong kailangan niyang matulog para maghilom ang dalawang bali sa tadyang niya.Dahan-dahan akong lumapit sa bintana ng kwarto ko at hinawi nang bahagya ang kurtina. Sa labas ng subdivision, sa ilalim ng madilim na anino ng mga puno sa highway, nakaposisyon pa rin ang dalawang itim na Ford Explorer. Kanina pa silang hapon doon—nagpapalit lang ng shift ang mga tauhan ni Ventura para siguraduhing hindi ako makakalabas na hindi nila alam. Nilingon ko ang pinto ng kwarto ko nang bumukas ito. Pumasok si Kuya Zaitan, may hawak na baso ng scotch habang nakatanggal na ang kaniyang necktie at nakatupi ang manggas ng kaniyang puting polo."Hindi ka pa natutulog," w

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status