INICIAR SESIÓNNakatunganga si Lexie sa kawalan sa halip na basahin ang librong nasa harap niya. Tumatakbo kase ang utak niya sa ibang planeta. Hindi niya maiwasang isipin si Nigel na noong isang araw ay nakikipag kwentuhan sa kanya tapos kahapon ay tanging tango lang ang ginawang pagbati nito. Ngayon ay nahuhulaan na niyang ‘pag isa siya sa mga naging babae nito ay hindi siya pag-aaksayahang lingunin kung naikama na siya nito. Mukhang hindi ito nagbibiro sa sinabing ‘he only sleep with them once’.
Ngunit mas nagtataka siya kung bakit hindi uli siya kinausap nito kahapon gayong hindi naman siya isa sa flings nito. Or maybe, sadya lang talaga na nagkataong nakita siya nito kaya nilapitan siya. Wala naman siyang nabalitaan na ‘pag kaibigan ay hindi nito iniignora. That early night when they talked. Aminin niya na muli niyang pinag-aralan ang lahat dito. He's really an epitome of beauty. Kaya maraming babae ang humahabol dito at umaasang makuha ang atensiyon nito. Hindi niya nakita sa mata nito ang sinasabi ng karamihan na sa tingin lang niya ay hinuhubaran na siya. Siguro ay nakita nito na walang effect ang karisma nito sa kanya kaya hindi na ito nakipag-flirt sa kanya or baka dahil sa gusto nila ang binata kaya exaggerated ang paglarawan nila sa kung paano sila tignan ng binata. She snap in trance when she heard a familiar voice. Nagpalinga-linga siya hanggang sa matanto niyang nasa may kabilang shelf ng books na malapit sa pwesto niya ang binata at may kausap sa cellphone. Hindi rin niya maiwasang mag-eavesdrop sa sinasabi nito. Boses ni Nigel ang kasalukuyan ay naririnig niyang nagsasalita. "Ugh! Kailangan ko pang i-revise uli ang report ko bago ibigay kay papa. Wala naman akong alam na mali sa ginawa ko. I think my father is just making an excuse so I have to stay at home all the time. I'm worried and also afraid that, that little rascal gave the copy of your video to my father kaya pasempling pinaparusahan niya ako. Kahit foreplay lang ‘yun ay para kay Papa, s*x na ‘yun. Kilala niyo naman ang papa ko na istrikto pagdating sa ganyang bagay." Huminto ito saglit at mukhang may kausap ito sa cellphone na isa sa kaibigan nito. Tipid lang ang naging sagot ni Nigel, "yeah! We're doomed if ever!" Narinig niyang tipid na sabi nito bago nawala uli ang boses ng binata. Ilang saglit lang ay narinig niya ang isang marahas na buntong hininga. Maya ay nakarinig siya ng magaang hakbang hanggang sa lumabas ito sa likod ng bookshelf. Huminto ito nang makita siyang nakaupo doon. Pasempling niyuko niya ang libro para ‘di nito mabisto na nakikinig siya sa usapan nito at ng kausap sa cellphone ngunit agad din naman siyang nag-angat ng mukha nang hindi ito umaalis sa kinatatayuan nito. Nakatingin lamang ito sa kanya ng ilang segundo kapagdaka ay ikiniling nito ang ulo at ngumiti sabay lumapit sa kanya. "Hello, can I sit here?" Tumango siya. "Sure!" Tinignan nito ang libro sa harap niya bago bumalik sa mukha niya. Naasiwa siya nang ilang beses na gawin nito iyon bago amused na ngumiti si Nigel "Geniuses can also read books upside down?" Niyuko ni Lexie ang libro. Namula ng todo ang mukha niya nang makitang baliktad nga ang libro. Nabisto na ba nitong narinig niya ang sinabi nito kanina? Hindi naman sana at nakakahiya. Baka isipin nitong tsismosa siya. Ito rin ang unang beses na nakita ng binata ang dalaga na namula sa tatlong beses na nagkausap sila. Kahit kasi nginingitian niya ito ay hindi man lang niya nakita ang kilig sa mukha nito. Unlike others na hindi na naitago ang reaksiyon nila at animo kinikiliti sa singit. Tumikhim si Lexie at sinara ang libro. "'Di ko napansin. Baka wala sa sariling binuklat ko kanina dahil may iniisip kase ako," she tried to hide her embarrassment. "I see," wika ni Nigel ngunit wala sa tono nito na naniniwala ito sa kanya. Naabutan naman kasi siya nito na niyuko niya ang libro na animo nagbabasa. 'This is embarrassing!' piping bulong ng utak niya "It's true," she said gloomily to hide how embarrassed she was. Itinaas agad ni Nigel ang dalawang kamay. "Okay, wala na akong masabi!" Tumikhim ito. "Wala kang trabaho ngayon?" "Wala, humingi ako ng day off kay ma'am Olivia," sagot niya. "Then…" he paused, "come, samahan mo akong kumain ng lunch," yakag ni Nigel at tumayo. "Is that an offer or a command?" Tinaasan niya ito ng kilay. Buti na lang at nag-subside na ang kahihiyang naramdaman niya kanina. "It's an offer, miss" nangingiting bigkas ng binata at kumindat sa kanya. "Okay, ‘di na ako mahihiyang tanggapin ‘yan at nagugutom talaga ako," pagpayag niya at tumayo na rin. Wala naman sigurong masama kung tanggapin niya ang alok nito at kakain lamang sila. "Good, let's go." Kinuha nito ang libro niya sa mesa. "Wait, kaya kong dalhin ang mga gamit ko," mabilis na pigil niya rito. "Nah! Let me carry it for you. I want to be a gentleman for once," pabirong wika ni Nigel at iniiwas ang gamit niyang bitbit nito. Mahina siyang tumawa. "So, hindi ka gentleman?" tanong niya at magkaagapay na naglakad palabas ng library. "I'm a gentleman," pilyong sabi nito. Umarko ang kilay niya. "I see?" ginaya ni Lexie ang tonong ginamit nito kanina. Humalakhak si Nigel kaya napatingin tuloy sa binata ang mga babaeng nasa paligid nila. She frowned. Mukhang nagkamali siyang tinanggap ang alok nito. Ramdam na kasi niya ang matatalim na tingin at masangsang na amoy sa mga babaeng nakatingin sa kanya. Nigel ordered food for the both of them. Sa canteen ng University sila pumunta para mag-lunch. Katulad kanina na naglalakad sila, pagpasok pa lamang nila kanina ay tumutok agad ang mata ng mga babae sa kanilang dalawa. Particular na sa binata na halatang sanay na sa atensyon na nakatuon dito. At dahil likas na makapal ang mukha niya ay taas noo pa rin siyang naglakad papasok at sumabay pa sa binata na hindi naitago ang malawak na ngiti. Sinadya pa niyang idikit ang katawan dito nang makita ang matalim na tingin ng isang babae. Na kung hindi siya nagkakamali ay natatandaan niyang kasama nito sa restroom. Si Nigel naman ay balewalang inakbayan pa siya. Bumitaw lang ito nang makaupo siya sa isang table at pumunta naman ito sa counter para um-order. "Here we go, let's eat. I'm starving," turan ni Nigel nang bumalik ito dala ang kanilang order. Kinuha niya ang kutsara at tinidor at nagsimulang kumain. Nang malunok niya ang nasa bibig ay sinulyapan niya ang binata na pinaghihiwalay ang karne at gulay. Sinundang ng mata niya ang pagsubo nito ng gulay at ang swabeng pagnguya nito. Nang mapansin nitong pinapanood niya ito ay kumurap ito ng ilang beses na animo nagtataka. "May problema ba? Hindi mo ba gusto ang pagkain dito?" tanong nito at sinulyapan ang pinggan niya na kunti pa lang ang bawas. "Hindi naman, ayaw mo ng karne?" Itinuro niya ang ulam nito gamit ang tinidor. Niyuko ni Nigel ang kinakain at nagkibit balikat. Hindi kumakain ng meat ang kanyang ama at sinali siya nito sa kaadikan nito ng gulay kaya nasanay na rin siya. Naalala pa niya noong bata siya na palagi siyang nagrereklamo sa ama niya na gusto niyang kumain kahit minsan ng karne pero matigas na tinutulan siya nito. Pero nang lumaki na siya ay hinayaan siya ng ama na kainin ang gusto niya. 'Yun nga lang dahil palaging gulay ang kinakain niya ay hinahanap ng katawan niya ‘pag di siya kumain ‘nun. "My father is a vegetarian," sempling paliwanag niya, "but, ngayon kumakain naman ako. Hinihiwalay ko lang kasi ihuhuli kong kakainin," saad nito bago ngumisi ito. And when he smirked, she found him so attractive and seductive. Hindi siya nagmukhang bad boy sa ngisi nito kundi mas nagmukha pa itong nang-aakit. Ito siguro ang sinasabi ng iba tungkol sa binata kung paano ito humakot ng atensiyon ng mga babae. Her eyes twitches. "Bakit kailangan mo pang ihuli?" Sumubo uli ito at ngumunguyang sumagot, "kase… ‘yun ang bagay sa akin!" Is he acting cute? Sigurado ba siyang ang nasa harap niya ay ang popular na playboy ng campus? Bakit parang ang doppelganger nito ang nasa harapan niya at kasamang kumakain. Or maybe, she's just dreaming. Hindi sila magkaibigan ng binata kaya nagtataka rin siya kung bakit ito at magkasama at sabay na kumakain, Lalo at ito pa lang ang pang-apat na beses na nagkausap silang dalawa. "Are you shock? Don't give me that kind of look like your creeping out. I'm not a ghost," natatawang wika ni Nigel na nahinto na rin sa pagkain. "I'm just wondering, alam ba ng mga flings mo ang ganyang side mo?" tanong niya. "What side?" takang balik tanong nito. "That—" Ngumuso siya. "Hinihiwalay mo ang ulam mo na parang binibilang mo kung ilang piraso ng karne ang sahog sa ulam mo," wika niya pero sa totoo lang ay gustong-gusto niyang ikomento na animo nagbibilang ito kung ilang babae na ang naikama nito. Nginisihan lang siya nito bilang sagot at nagpatuloy sa pagkain. Napailing lang siya at sumubo na rin. After nilang kumain ay naghiwalay sila ng landas dahil uuwi na siya at wala siyang klase ng hapon na ‘yun.Bago pa makahuma o makapagsalita si Lexie ay nakulong na siya sa mahigpit at mainit na yapos sa bisig ni Nigel. Isinubsob nito ang mukha sa pagitan ng leeg at ulo niya. He even smells her hard as if he had just found his source of air. Ramdam niya ang tensyon at stress na nanggagaling sa bawat malalim na paghinga nito. Kumirot ang dibdib niya dahil nasasaktan siya sa pinagdadaanan nito. Kung pwede lang na huwag na lang nitong maalala at balikan ang nakaraan nito ay baka pipilitin pa niya itong kalimutan na lang ang masasakit na alaala nito.Pero alam niyang hindi pwede dahil kailangan na matandaan ni Nigel kung ano man ang nangyari rito buhat nang tangayin ito. Ito lang ang makakapagsabi ng lahat para mahuli na ang salarin. At upang makalaya na ito sa nakaraan ay dapat nitong harapin at tandaan lahat.Napakagat labi siya at mariing pumikit sabay gumanti ng yakap dito. “It's okay!”“Yeah!” anas nito at humigpit pa ang pagkakayapos nito sa kanya. Malalim siyang humigit ng hininga na ani
Tatlong araw na ang nakalipas pagkatapos na mawala si Nigel. Nabalot ng tensyoon at takot ang pamilyang Herrera sa biglaang pagkawala ng binatilyo. Lahat ng pwede nilang kausapin at tanungin kung may nakakita ba kay Nigel at Ane pero lahat sila ay umiling at sinabing hindi nila nakita o pumuta sa kanila ang dalawang bata. Pakiramdam nila ay gumuho ang kanilang mundo. Wala ni isa sa kanila ang makatulog sa labis na pag-aalala at takot para sa dalawang bata. Animo gumuho ang mundo nilang mag-asawa.Ang private school naman na pinapasukan ng dalawa ay tumulong na rin sa paghahanap sa dalawang bata ngunit kahit na anino ng dalawa ay wala silang nakita. Ayon sa adviser nina Nigel ay dumating pa rin ang driver sa eksaktong oras na sinusundo nito ang dalawang bata. Wala naman silang napansin na kakaiba sa driver at hindi naman stress ang lalaki.Pero lalo silang binalot ng takot nang mahanap ng mga imbestigador ang katawan ng driver sa gilid ng ilog sa liblib na lugar ng San juan pagkalipas
Month of September, Year 19XX.Kasalukuyang tinatapos ni Marshmallow ang kanyang painting na isasama niya sa kanyang exhibit. Ang bunso niyang anak na si Nikolai na pitong gulang ay kauuwi lang din galing sa kanyang paaralan at nakadapa sa sahig at pilit na sinusubukan na mag-drawing. Naririnig pa niya ang mga reklamo nito kapag hindi nito nagagawang iguhit ang gusto nito. Lukot na lukot ang mukha nito at halatang nanggigigil ito sa giinuguhit nito. Paminsan minsan ay kinakamot nito ang batok at pabulong na magrereklamo.Sa dalawa niyang anak ay ito ang hindi marunong gumuhit o kaya ay magpinta. At nakikita niya ang inggit nito sa kapatid nitong si Nigel lalo pa at nag-aaral ito sa art school of moon and star. At sa oras na ito ay naroon na ang kanyang panganay at mamaya pa ito susunduin ng kanilang family driver. Noon kasi ay sila ang sumusundo sa anak sa eskwela at hinahatid sa art school pero ito na ang nagsabing sumabay na ito kay Ane sa pagpunta roon. Sa una ay tinutulan nila per
Pagatapos na mag-walk out ni Lexie ay pumara siya ng taxi at agad na sumakay. Nagpupuyos ang kanyang kalooban dahil pakiramdam niya ay dinaya siya ng kanyang kaibigan. Hindi! Nadaya talaga siya dahil itinago ni Janine ang totoong saloobin nito at itinulak pa siya palapit kay Nigel. Tapos siya ang sisisihin nito na sa kanya nahulog ang binata?At kung hindi pa sila nahulog sa isa’t isa ni Nigel ay mananatili siyang nasa dilim na may gusto ito sa huli. Na pinapaikot na pala siya nng itinurong niyang kaibigan at para na rin niyang kapatid. Masakit para sa kanya na hindi man lang kinonsidera ng babae ang closeness nilang dalawa. Walang pagdadalawang isip na iwasan siya dahil sa isang lalaki.Kumuyom ang kanyang kamao at huminga ng napakalalim.Kung ito ang kagustuhan ni Janine na magkasira sila ay hindi niya rin aayusin ang kung ano mang relasyon na mayroon sila ng dalaga. She alienated her first and she’s not the kind of person who will fix something that they broke. Lalo pa at gusto nit
Sumimangot si Lexie nang i-check niya ang kanyang phone pagkagising niya ay wala pa rin siyang natanggap na mensahe o tawag mula sa nobyo. Ang sabi naman ng mama niya ay pagkatapos ng meeting ag agad silang umuwi na dalawa. Inihatid pa nga daw nito ang mama niya pero nagmamadali itong umuwi at hindi na nagpakita sa kanya. Ang sabi nito ay may kailangan daw itong gawin kaya hindi na siya nagtampo na hindi muna ito pumunta ng kanilang bahay bsgo umuwi.Pero simula nang umuwi ito hanggang ngayon ay hindi pa siya kinontak ng katipan. Sinubukan din naman niya itong tawagan subalit hindi iyo sumasagot. Nagri-ring lang ang telepono nito at walang sumasagot. Hindi tuloy niya maiwasan ang magtampo lalo pa at gusto niyang makita ito.Ito lang ang lalaking nakaramdam siya ng ganito na sabik na sabik siyang makita at yapusin ito. Sabagag normal na pakiramdam ito dahil magkasintahan sila ng binata. Pero siempre ay naninibago pa rin siya.Huminga siya ng malalim at sinubukan na tawagan ang numero n
Pagkatapos na ihatid ni Nigel si Miss D ay dumeretso siya pauwi. Ang nasa isip niya ay ang subukang tignan muli ang pininta niya na hindi pa natatapos. Ang painting na matagal nakatambak sa sulok ng studio ng kanyang ina at natatakpan ng tela. Pagkatapos niyang ipinta iyon ay hindi na niya ito tinignan pa kahit minsan.Dahil ba sa takot? O dahil ayaw niyang balikan ang bangungot niya? O tama si Miss D na dahil hindi niya mahanapan ng sagot ang tanong sa isipan niya kung bakit siya ang tinangay at na-kidnap kaya ayaw niyang alalahanin pa kung anong nangyari noon?Ni hindi nga niya ito magawang ikuwento sa iba maliban lamang sa dalawang kaibigan niya na sina Lucky at Philip. Subalit hindi rin nila alam ang buong detalye dahil pahapyaw lang ang pagkukwento niya at nakalimutan pa niya ang iba. At dahil alam ng kaibigan niya na ayaw niya ang pinapaalala sa kanya iyon kaya hindi nila ito binabanggit pa.Nang maiparada na ng driver ang kotse sa garahe ay hindi niya hinintay na pagbuksan siya
Pagkatapos ng agahan nila ay inihatid ni Nigel si Lexie sa bahay nito para magpalit ng damit at kunin na rin ang mga gamit nito. Napansin niya ang biglaang pananahimik ng dalaga at parang ayaw siyang kausapin kaya tikom din ang bibig niya. Siya man din ay may iniisip lalo na sa nakita niyang emosyo
Pinagmamasdan ni Lexie ang patak ng ulan na animo binibilang ito. Hindi niya maipaliwanag ngunit nakakalma ng ulan ang utak niya. Simula bata pa lamang siya ay gustong-gusto niya ang ulan. Palagi siyang naglalaro sa ulan kahit pa ilang beses siyang pinagalitan ng kanyang ina ay hindi niya ito pinap
Kalalabas lang ni Nigel sa isang cubicle at inaayos ang sinturon niya nang bumukas ang pinto ng restroom at pumasok si Lexie. Sakto naman na lumabas din ang babaeng kalampungan niya na inaayos din ang palda. Hindi man lang nag-react si Lexie at sinulyapan ang babae na humarap sa salamin na pagkatap
Sa sikat na unibersidad nag-aaral si Lexie at nagpa-part time job sa Sweet JJ's cafe. Sa tuwing wala siyang klase ay nandito lang siya at kung minsan ay nasa library. Sa dalawang lugar lang naman siya naglalagi at wala siyang ibang mapuntahan. Isa pa ay mas prefer niya ang mapag-isa kung sakaling w







