INICIAR SESIÓNPagtapak pa lamang ni Lexie sa ground ng Cheng University ay ramdam na niya ang maraming matang nakasunod sa bawat hakbang niya. Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay pinag-aaralan siya ng lahat ng dinadaanan niya. Meron din namang harap-harapang tinignan siya mula ulo hanggang paa at pagkatapos ay tataasan siya ng kilay or laugh in mocking way. Seriously, hindi siya maglalahong parang bula sa mga tingin nila. At hindi rin siya mauupos na parang kandila sa lalim at talim ng tingin nila sa kanya.
Ang nang-uuyam at mapanghusgang tingin nila ay hindi nakakaapekto sa pagkatao niya. Hindi rin masisira ang mood niya dahil sanay na siya sa ganyang tingin simula noong elementarya hanggang sa mag-high school siya. Manhid na siya sa lahat ng trato ng mga taong nakapaligid sa kanya. She is unbothered with all their scrutinizing and mocking gazes. Inignora niya lahat ng kanilang tingin at lumiko nang makasalubong na naman niya ang babae sa restroom. Pailalim na tinignan siya nito kaya inarkuhan niya ito ng kilay and even flip her hair. Wala siyang pakialam sa kung ano ang problema nito sa kanya. She'll laugh or mock her but who cares? Lalo at wala siyang ideya kung bakit parang ibinabaon siya ng buhay ng mga babaeng nakakasalubong niya. Taas noong nilampasan niya ang babae hanggang sa marating niya ang designated room nila para sa subject niya ng umagang ‘yun. Pagpasok pa lamang ng isang paa niya sa room ay tumahimik ang buong paligid at tumingin lahat sa kanya lalo na ang mga babaeng kaklase niya. Ang ibang lalaki ay sumipol pa at ngumisi. Kumunot ang noo niya pero hindi naapektuhan sa mga reaksyon nila at tuloy-tuloy lang sa pagpasok. Tanging ang kaibigan lamang niyang si Janine ang patakbong sumalubong sa kanya at ininspeksiyon ang katawan niya lalo na sa leeg. Sinuri nito ang buong mukha at katawan niya at pinaikot pa siya. "What are you doing?" she asked indifferently. “Nahihilo na kasi siya sa pinanggagagawa nito sa kanya kaya mahinang pinitik niya ang noo nito. Sumimangot ang kaibigan at hinaplos ang noo. "Uhm… Doon tayo sa likod." Hinila siya ni Janine at pumwesto sila sa may likuran kung saan ilang silya ang bakante at pwede silang mag ulungan nang walang nakakarinig sa kanila. Hindi nila pinansin ang pagsunod ng tingin ng mga kaklase nilang babae. Nang makaupo siya ay kunot noong nagtanong siya. "Bakit ba?" "Hindi mo ba nakita ang website ng University?" mahinang tanong nito. Puno ng pag-aalala ang mukha nito na baka bigla siyang ngumawa. Pero umiling siya kaya muli siya nitong tinignan sa mukha. Kapagdaka ay hinugot nito ang cellphone at binuksan ang website bago binigay sa kanya. Pinasadahan lang niya ng tingin ang mga larawan at nakasulat na caption bago binalik dito. May larawan sila ni Nigel na nagla-lunch kahapon. Meron din noong nakaakbay ito sa kanya at noong nakangiti silang dalawa na may caption na 'is she his next target?'. Hindi na niya tinignan kung ilang reaksyon ang litrato dahil wala naman siyang pakialam. Kung masaya silang siraan siya ay bakit hindi niya hahayaang gawin nila ito? Baka ikakayaman nila kung umani ng sari-saring reaksyon at comments at larawan. "So? Ano naman ngayon?" balewalang tanong niya at binuksan ang kanyang bag para kunin ang handouts niya. "You're not affected? Hindi ka ba natatakot sa gagawin nila sa'yo?" mahinang sambit ng kaibigan. Pasempling sinulyapan din nito ang kaklase nila na lantarang pinakita ang disgusto sa kanya. Noon ay halos hangin lang siya sa kanila pero dahil lamang kay Nigel ay ito at naging sentro siya ng atensyon ng lahat. At karamihan sa kanila ay ang mga babaeng may gusto sa binata. "Bakit naman? Ang natatandaan ko ay wala naman akong ginawang kremin, ‘di ba? At'saka bawal bang mag-usap kami?" salubong ang kilay na saad niya. Hindi talaga niya maintindihan kung bakit ginagawa nilang big deal na magkasama sila ng binata kahapon. Hindi ba pwedeng magkaibigan lang talaga sila kaya normal lang na kakain sila kung nais nila? Masyadong makitid ang utak ng karamihan at binibigyan nila ng malisya ang lahat. "Nag-uusap lang ba? Tignan mo nga ito. Kahit na sinong makakakita rito ay iisipin na may namamagitan sa inyo, Lexie. Lalo pa at popular ang lalaki sa pagiging playboy niya." Idinuldol nito ang screen ng cellphone sa mukha niya kaya bahagyang inilayo niya ang ulo. "The two of you are eating and laughing. Walang kaso ang caption but goodness! Basahin mo ang mga comments," mariing wika nito at nilagay sa kamay niya ang cellphone. Mas ito pa ang naaapektuhan kaysa sa kanya na subject ng tsismis nila. She only scroll up the comments with an indifferent expression in her face. Parang hindi siya ang sinasabihan na b*tch, wh*re at sl*t sa mga comments. May mababasa pa siya na hindi raw sila bagay at mukha siyang skwater kapag nakatabi kay Nigel na mahinang tinawanan niya. Napapailing siyang tumawa. "Boring! Wala lang silang magawa kaya ganyan ang comments nila. Kung gusto nilang mai-post din ang mukha sa website ay free naman silang magpa-picture kay Nigel at ipost nila. Bakit kailangan pa nilang magselos sa'kin, eh, akala ko ba aware silang boyfriend ng lahat si Nigel?" hindi apektado ngunit may katotohanang saad niya. Sa dinami-rami ng mga d*g-sh*t words na narinig niya simula bata pa siya ay hindi na bago sa kanya ang ganito. Isa pa ay totoo ang sinabi niya. Hindi ba at aware sila sa katangian ng binata? Bakit ngayong siya ang kasama nito ay ang damilang satsat? Janine look so dispirited. Alam niya kung gaano naiinis si Lexie sa taong nagpapakita ng simpatya sa huli at natutuwa o deadma naman kung may taong may galit at naiinis dito. Kilala ni Janine ang kaibigan na palaban pero minsan ay siya ang nasasaktan para kay Lexie ‘pag may naririnig siyang hindi maganda patungkol sa kaibigan. "Ngunit sobra naman ang mga comments nila sa'yo." "Hayaan mo na nga sila at hindi naman nakakaapekto sa buhay ko ang mga iyan. Isa pa'y hindi ko naman ikamamatay ‘yan," kibit balikat na turan ni Lexie at tinapik ng mahina ang kamay ng kaibigan para ipakitang hindi talaga siya affected sa mga nabasa niyang comments para sa kanya. Bumuntong hininga si Janine. Maya ay bigla na lang itong napangiti. "Paano at bakit nga pala kayo magkasama? Saan kayo nagkakilala? Bakit nagtatawanan kayo? Ilang beses na kayong nag-lunch na dalawa? Bakit wala akong alam tungkol dito? Tapos nakaakbay pa siya sa'yo. Tell me honestly, Nanliligaw ba siya sa’yo—" Tinakpan niya agad ng kamay ang bunganga ng kaibigan sa sunod-sunod na mga tanong nito. At para hindi na ito mangulit pa ay mahinang kinwento niya ang lahat dito. Sa unang encounter nila sa cafe hanggang sa kung paano sila sabay na nag-lunch kahapon. "Kaya hindi ako nililigawan ni Nigel," pagtatapos niya. Kumurap si Janine bago biglang humagikgik. Nagsalubong ang kilay niya at tinignan ito na parang nababaliw na. "Are you crazy? May nakakatawa ba sa kuwento ko?" "You just told me na hinihiwalay niya ang ulam niyang gulay sa karne na parang binibilang ang lahat ng mga naging huli at kasalukuyang babaeng na naikama na niya." Nalukot ang ilong niya at defensive na sinabing, "Hindi ah! Wala akong sinsbing ganyan!” Nakakalokong tumawa si Janine "Oo kaya!” Pinanlakihan niya ito ng mata. “Promise, sinabi mo talaga ‘yan. Hindi mo lang napansin kasi immersed ka sa pang-sa-summarize ng kwento niyong dalawa," pilyang sabi nito. Matalim na tinignan niya ito at mariing sinabing, "anong kwento naming dalawa ang sinasabi riyan?" Umiling si Janine at umaktong sinara ang bibig. Muntik na niyang ingudngod ang mukha nito sa mesa kung hindi lang siya nakapagpigil. Puro talaga kalokohan ang inaatupag nito. Akala niya ay may gusto rin ito kay Nigel at magtatampo sa kanya pero hindi. Pero naisip niya na kahit nga pala minsan ay wala itong nabanggit na attracted ito sa binata. Kaya baka ibang lalaki ang sinasabi nitong crush. Subalit kung nagkataon na si Nigel ang gusto nito ay sasabunutan niya ito hangga't magising ito sa katotohanan na masasaktan lang ito sa binata.Bago pa makahuma o makapagsalita si Lexie ay nakulong na siya sa mahigpit at mainit na yapos sa bisig ni Nigel. Isinubsob nito ang mukha sa pagitan ng leeg at ulo niya. He even smells her hard as if he had just found his source of air. Ramdam niya ang tensyon at stress na nanggagaling sa bawat malalim na paghinga nito. Kumirot ang dibdib niya dahil nasasaktan siya sa pinagdadaanan nito. Kung pwede lang na huwag na lang nitong maalala at balikan ang nakaraan nito ay baka pipilitin pa niya itong kalimutan na lang ang masasakit na alaala nito.Pero alam niyang hindi pwede dahil kailangan na matandaan ni Nigel kung ano man ang nangyari rito buhat nang tangayin ito. Ito lang ang makakapagsabi ng lahat para mahuli na ang salarin. At upang makalaya na ito sa nakaraan ay dapat nitong harapin at tandaan lahat.Napakagat labi siya at mariing pumikit sabay gumanti ng yakap dito. “It's okay!”“Yeah!” anas nito at humigpit pa ang pagkakayapos nito sa kanya. Malalim siyang humigit ng hininga na ani
Tatlong araw na ang nakalipas pagkatapos na mawala si Nigel. Nabalot ng tensyoon at takot ang pamilyang Herrera sa biglaang pagkawala ng binatilyo. Lahat ng pwede nilang kausapin at tanungin kung may nakakita ba kay Nigel at Ane pero lahat sila ay umiling at sinabing hindi nila nakita o pumuta sa kanila ang dalawang bata. Pakiramdam nila ay gumuho ang kanilang mundo. Wala ni isa sa kanila ang makatulog sa labis na pag-aalala at takot para sa dalawang bata. Animo gumuho ang mundo nilang mag-asawa.Ang private school naman na pinapasukan ng dalawa ay tumulong na rin sa paghahanap sa dalawang bata ngunit kahit na anino ng dalawa ay wala silang nakita. Ayon sa adviser nina Nigel ay dumating pa rin ang driver sa eksaktong oras na sinusundo nito ang dalawang bata. Wala naman silang napansin na kakaiba sa driver at hindi naman stress ang lalaki.Pero lalo silang binalot ng takot nang mahanap ng mga imbestigador ang katawan ng driver sa gilid ng ilog sa liblib na lugar ng San juan pagkalipas
Month of September, Year 19XX.Kasalukuyang tinatapos ni Marshmallow ang kanyang painting na isasama niya sa kanyang exhibit. Ang bunso niyang anak na si Nikolai na pitong gulang ay kauuwi lang din galing sa kanyang paaralan at nakadapa sa sahig at pilit na sinusubukan na mag-drawing. Naririnig pa niya ang mga reklamo nito kapag hindi nito nagagawang iguhit ang gusto nito. Lukot na lukot ang mukha nito at halatang nanggigigil ito sa giinuguhit nito. Paminsan minsan ay kinakamot nito ang batok at pabulong na magrereklamo.Sa dalawa niyang anak ay ito ang hindi marunong gumuhit o kaya ay magpinta. At nakikita niya ang inggit nito sa kapatid nitong si Nigel lalo pa at nag-aaral ito sa art school of moon and star. At sa oras na ito ay naroon na ang kanyang panganay at mamaya pa ito susunduin ng kanilang family driver. Noon kasi ay sila ang sumusundo sa anak sa eskwela at hinahatid sa art school pero ito na ang nagsabing sumabay na ito kay Ane sa pagpunta roon. Sa una ay tinutulan nila per
Pagatapos na mag-walk out ni Lexie ay pumara siya ng taxi at agad na sumakay. Nagpupuyos ang kanyang kalooban dahil pakiramdam niya ay dinaya siya ng kanyang kaibigan. Hindi! Nadaya talaga siya dahil itinago ni Janine ang totoong saloobin nito at itinulak pa siya palapit kay Nigel. Tapos siya ang sisisihin nito na sa kanya nahulog ang binata?At kung hindi pa sila nahulog sa isa’t isa ni Nigel ay mananatili siyang nasa dilim na may gusto ito sa huli. Na pinapaikot na pala siya nng itinurong niyang kaibigan at para na rin niyang kapatid. Masakit para sa kanya na hindi man lang kinonsidera ng babae ang closeness nilang dalawa. Walang pagdadalawang isip na iwasan siya dahil sa isang lalaki.Kumuyom ang kanyang kamao at huminga ng napakalalim.Kung ito ang kagustuhan ni Janine na magkasira sila ay hindi niya rin aayusin ang kung ano mang relasyon na mayroon sila ng dalaga. She alienated her first and she’s not the kind of person who will fix something that they broke. Lalo pa at gusto nit
Sumimangot si Lexie nang i-check niya ang kanyang phone pagkagising niya ay wala pa rin siyang natanggap na mensahe o tawag mula sa nobyo. Ang sabi naman ng mama niya ay pagkatapos ng meeting ag agad silang umuwi na dalawa. Inihatid pa nga daw nito ang mama niya pero nagmamadali itong umuwi at hindi na nagpakita sa kanya. Ang sabi nito ay may kailangan daw itong gawin kaya hindi na siya nagtampo na hindi muna ito pumunta ng kanilang bahay bsgo umuwi.Pero simula nang umuwi ito hanggang ngayon ay hindi pa siya kinontak ng katipan. Sinubukan din naman niya itong tawagan subalit hindi iyo sumasagot. Nagri-ring lang ang telepono nito at walang sumasagot. Hindi tuloy niya maiwasan ang magtampo lalo pa at gusto niyang makita ito.Ito lang ang lalaking nakaramdam siya ng ganito na sabik na sabik siyang makita at yapusin ito. Sabagag normal na pakiramdam ito dahil magkasintahan sila ng binata. Pero siempre ay naninibago pa rin siya.Huminga siya ng malalim at sinubukan na tawagan ang numero n
Pagkatapos na ihatid ni Nigel si Miss D ay dumeretso siya pauwi. Ang nasa isip niya ay ang subukang tignan muli ang pininta niya na hindi pa natatapos. Ang painting na matagal nakatambak sa sulok ng studio ng kanyang ina at natatakpan ng tela. Pagkatapos niyang ipinta iyon ay hindi na niya ito tinignan pa kahit minsan.Dahil ba sa takot? O dahil ayaw niyang balikan ang bangungot niya? O tama si Miss D na dahil hindi niya mahanapan ng sagot ang tanong sa isipan niya kung bakit siya ang tinangay at na-kidnap kaya ayaw niyang alalahanin pa kung anong nangyari noon?Ni hindi nga niya ito magawang ikuwento sa iba maliban lamang sa dalawang kaibigan niya na sina Lucky at Philip. Subalit hindi rin nila alam ang buong detalye dahil pahapyaw lang ang pagkukwento niya at nakalimutan pa niya ang iba. At dahil alam ng kaibigan niya na ayaw niya ang pinapaalala sa kanya iyon kaya hindi nila ito binabanggit pa.Nang maiparada na ng driver ang kotse sa garahe ay hindi niya hinintay na pagbuksan siya
Nakatunganga si Lexie sa kawalan sa halip na basahin ang librong nasa harap niya. Tumatakbo kase ang utak niya sa ibang planeta. Hindi niya maiwasang isipin si Nigel na noong isang araw ay nakikipag kwentuhan sa kanya tapos kahapon ay tanging tango lang ang ginawang pagbati nito. Ngayon ay nahuhula
Nanatiling walang reaksyon si Lexie nang puro reklamo ang narinig niya sa bibig ng kaibigang si Janine. Wala raw itong naisagot sa katatapos lang na quiz nila at hula niya ay hindi ito nagbasa ng notes nito. Ang hindi talaga niya maintindihan sa kaibigan niyang ito ay kung bakit alam na nga nito na
Pinagmamasdan ni Lexie ang patak ng ulan na animo binibilang ito. Hindi niya maipaliwanag ngunit nakakalma ng ulan ang utak niya. Simula bata pa lamang siya ay gustong-gusto niya ang ulan. Palagi siyang naglalaro sa ulan kahit pa ilang beses siyang pinagalitan ng kanyang ina ay hindi niya ito pinap
Mula sa nilalarong offline games sa kanyang cellphone ay nag-angat ng mukha si Nigel nang tapikin siya sa balikat ng kaibigan niyang si Philip. Kasalukuyang wala ang professor nila sa ngayon dahil may importante itong pinuntahan kaya Malaya nilang ginagawa ang gusto nila. Nakisilip ang kaibigan sa







