INICIAR SESIÓNTumingin ako sa labas ng bintana ng aking law firm. Unti-unti nang nagliliwanag ang kalangitan ng Maynila. Ngayon ay Biyernes na—isang araw na lang bago ang nakatakdang kasal ni Ephraim sa hotel sa BGC."Ngayong nasa atin na ang lahat ng legal na papeles, anong susunod nating hakbang, Jeremiah?" tanong ko habang inaayos ang mga folder.Humarap sa akin si Jeremiah, may hawak na kopya ng imbitasyon sa kasal na nakuha rin ni Alicia. "Ngayong araw, hahayaan muna nating isipin ng Tita at ni Tito Isaiah na nagtatagumpay sila. Hahayaan nating magpatuloy ang paghahanda para sa kasal bukas. Gusto kong nandoon ang lahat ng kanilang mga business partners, ang media, at ang buong alta-sosyedad ng Pilipinas.""Gusto mo silang mapahiya sa harap ng lahat," sabi ko."Hindi lang basta mapahiya, Leila," mariing sagot ni Jeremiah. "Gusto kong maranasan nila ang tindi ng takot at kawalan ng pag-asa na ipinararanas nila ngayon kay Ephraim. Sa mismong dambana, bago pa man magsimula ang seremonya, doon nati
Pagkalapag na pagkalapag ng pribadong eroplano sa Maynila, hindi na kami nag-aksaya ng panahon upang magpahinga. Diretso ang aming tuloy sa aking law firm . Kahit madaling-araw na at halos walang tao sa labas ng gusali, nagliliwanag ang buong palapag ng aming opisina. Naghihintay na roon ang pinakamagagaling na corporate lawyers ng bansa na personal na ipinatawag at binayaran nina Jeremiah.Inilatag namin sa malaking glass table ng boardroom ang lahat ng mga dokumentong dala namin mula sa Maldives, kasama ang mga lumang kontrata ng pamilya Delgado."Mga kasama, mayroon na lamang tayong kulang sa dalawang araw bago ang nakatakdang kasal," panimula ko, habang inaayos ang aking salamin at hinaharap ang pool ng mga abogado. "Ang pangunahing layunin natin ngayon ay ihanda ang pormal na pagbawi sa Power of Attorney na ibinigay noon kay Isaiah Delgado, ang ama ni Ephraim. Kailangan nating masigurong bago sumapit ang Sabado, wala na siyang legal na karapatang humawak o magdesisyon para sa sh
"Ngunit hindi lang natin basta babawiin si Ephraim," mariing singit ni Jeremiah, habang ang kanyang mukha ay nagpapakita ng matinding galit. "Kung kukunin lang natin si Ephraim, gagawa at gagawa pa rin ng paraan ang tito ko na si Isaiah—na ama ni Ephraim—at ang asawa nito para guluhin ang buhay ninyo. Kailangan natin silang pilayan nang tuluyan. Kailangan nating bawiin ang lahat ng kapangyarihan at kayamanan ng pamilya Delgado na matagal na nating ipinaubaya sa kanila."Inilapit ni Eli ang mga dokumento sa akin. "Leila, tingnan mo ang mga kontratang ito. Ang shares ng Delgado Group ay orihinal na hinati ni Lolo George sa dalawa, kay Mama, at kay Tito Isaiah. Dahil bata pa kami noong namayapa ang mga magulang nina Mama at tito, wala pa kaming pakialam sa lahat. Subalit dahil sa sariling yaman ng aming namayapang ama, na anak ni Lolo George, hindi na kami nakialam sa kabilang kumpanya. Noong namayapa si Mama, gumawa ng special Power of Attorney si Lolo, upang ipamahala kina tito Isaiah a
Hindi na namin inaksaya ang bawat minuto. Habang mahigpit na binabantayan nina Jeremiah at Lionel ang dalawang nahuling espiya, agad kaming nakipag-ugnayan sa pamunuan ng resort upang tawagan ang lokal na pulisya ng Maldives. Hindi nagtagal, dumating ang mga awtoridad sa aming villa, sakay ng kanilang mga speedboat na may nagliliwanag na pulang ilaw na sumasalamin sa madilim na karagatan.Ngunit hindi doon nagtapos ang gabi. Habang isinasagawa ng mga lokal na pulis ang paunang interogasyon sa dalawang lalaki sa mismong dalampasigan, napansin ng mga security ng resort ang isa pang kahina-hinalang sasakyang pandagat na nakapwesto malapit sa pribadong daungan ng isla. Dahil sa tindi ng presensya ng mga pulis at sa takot na maiwan, nagtangka pang tumakas ang dalawa pang kasabwat na naghihintay sa bangka."Don't let them get away!" sigaw ng hepe ng lokal na pulisya sa kanyang mga tauhan.Mabilis na hinabol ng mga awtoridad ang bangka. Wala pang sampung minuto ay matagumpay nilang nakorner
Habang pilit kong pinatatahimik ang aking sarili sa piling ni Chantal, isang pamilyar na boses ang bumasag sa seryosong katahimikan ng gabi. Si Eli, ang kapatid ni Jeremiah na kanina pa tahimik na nakikinig sa isang tabi habang pinapanood ang mga nakataling espiya, ay humakbang papalapit sa aming tabi .Seryoso ang kanyang mukha, at ang kanyang mga mata ay may kakaibang talas na bihirang makita sa kanya. Humarap siya sa kanyang kapatid na si Jeremiah."Jeremiah, sa tingin ko... ito na ang tamang oras para tanggapin natin ang katotohanan," panimula ni Eli, ang kanyang boses ay malalim at may dalang pait. "Hindi siguro tama na ipinaubaya natin noon ang pamamalakad ng buong negosyo ng ating maternal family sa mga magulang ni Ephraim."Napatitig si Jeremiah sa kanyang kapatid. "Eli, alam mo ang naging usapan natin noon matapos pumanaw ang mga magulang natin. Mas pinili nating lumayo dahil ayaw nating makisawsaw sa gulo ng yaman—""At tingnan mo kung anong nangyari dahil sa pag-iwas natin!
Mabilis akong tumakbo patungo sa kinaroroonan nila. Nang makarating ako, nakadapa na ang dalawang lalaki sa buhanginan, hawak nang mahigpit ni Lionel ang mga kamay ng isa habang si Jeremiah naman ay nakatapak sa likod ng isa pa upang hindi makagalaw. May ilang galos at pasa na ang mga ito sa mukha dahil sa tindi ng pananakit sa kanila ng dalawa."Sino ang nagpadala sa inyo rito?!" galit na sigaw ni Jeremiah habang marahas na kinukuha ang isang high-end na smartphone at isang mamahaling DSLR camera mula sa bag ng isa sa mga lalaki.Hindi sumasagot ang dalawa, pilit na iniwasan ang aming mga tingin.Mabilis na binuksan ni Jeremiah ang smartphone na nakuha niya. Dahil walang password ang gallery nito, agad na bumungad sa screen ang dose-dosenang mga video at larawan. Nang iharap niya sa akin ang screen, naramdaman ko ang paglamig ng aking buong katawan.Puro video ko ang laman niyon.May video noong naglalakad ako sa dalampasigan kasama si Chantal kahapon, may larawan noong kumakain
Nakasimangot si Veronica habang halatang naiirita sa nangyayari. Samantalang ang mga kaibigan niya naman ay tila hindi mapakali, palinga-linga at nagkakatinginan na para bang hindi alam kung tutulungan ba siya o iiwan na lang.Ngunit doon, lahat ng kasangkot sa isang insidente ay hindi hinahayaang
"Sino ‘yon?” tanong ni Marie habang pabagsak na umupo sa kanyang mesa. Halata pa rin sa mukha niya ang matinding curiosity matapos ang rebelasyon ko kanina.“Si Ma’am Lucille,” sagot ng isa naming katrabaho habang inaayos ang mga dokumento sa kamay niya. “Nasa ospital daw siya ngayon. Nakidnap yata
"Nakita nila tayo…” nag-aalala kong bulong habang napapahawak sa noo ko. Pakiramdam ko ay gusto ko nang matunaw sa sobrang hiya. “Paano ko naman ipapaliwanag ‘yon sa dalawang ‘yon?”“Baby…” muli akong niyakap ni Jeremiah mula sa likuran. Parang wala lang sa kanya ang nangyari. “Okay lang na malaman
“I’ve got an invitation from your company, J & C Corporation…” mahinang sabi ni Jeremiah habang inaabot sa akin ang isang mamahaling invitation card. “May welcome party raw sila para sa mga bagong investors, at ang SUMMIT ang magiging main guest.”Bahagya akong napangiti habang tinatanggap iyon mul







